WorksheetsGrade 6 - ARALIN 3 (QUIZ)
Total questions: 20
Worksheet time: 5hrs 0mins
Ito ang tumutukoy sa mga bagay na nagmumula sa ating kapaligiran. Ito ang pinagkukunan ng ating mga pangunahing pangangailangan.
Yamang Lupa
Likas na yaman
Yamang Tubig
Yamang Mineral
Ito ay isang pamilya ng mga puno na karaniwang natatagpuan sa mauulang kagubatan tulad ng Pilipinas.
Tanguile
Apitong
Guijo
Dipterocarp
Ang dalawang klase ng punong ito ay naipagbibili sa mataas na halaga dahil sa kanilang tibay.
Tindalo
Narra
Dao
Molave
Ang mga punong almaciga, tapulaw at pino ay tumutubo sa malalamig na lugar tulad ng?
Benguet
Batangas
Batanes
Bukidnon
Ito ay mga punong matatagpuan sa mga baybayin ng look. Tumutubo ito sa tubig-alat.
Molave
Pino
Bakawan
Narra
Ito ay isang pamamaraan ng pag-aaro ng lupa ayon sa hugis ng lugar.
(a)
Ang programang ito ay naglalayong mapaunlad ang ekonomiya nang hindi nasisira o napipinsala ang kalikasan.
(a)
Ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga pilipino.
(a)
Ito ang pinakamaliit na isda sa Pilipinas.
(a)
Ito ay malimit na lumitaw sa mainit na katubigan ng Donsol, Sorsogon. Ang paglitaw nito sa karagatan ay nakatutulong nang malaki sa turismo.
(a)
Ang Pilipinas ay biniyayaan ng mayamang kalikasan. Ito ay sagana sa gubat, lupa, tubig at yamang mineral.
Tama
Mali
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Halos kalahati ng lupain natin ay ginagamit sa pagsasaka.
Tama
Mali
Ang kahoy na nakukuha mula sa mga punong Molave ay tinatawag na Philippine Mahogany.
Tama
Mali
Ang mga latiang tinutubuan ng bakawan ay nagsisilbing tirahan ng ilang lamang-dagat tulad ng hipon, ulang, sugpo, at isda.
Tama
Mali
Ang hagdan-hagdang palayan ay isang halimbawa ng contour farming.
Tama
Mali
Hindi nakakaapekto sa kasaganaan ng lupa ang paggamit ng mga patabang may kemikal at mga pestisidyo.
Tama
Mali
Nakatutulong ang mga puno upang maiwasan ang pagguho ng lupa sa bundok at mga burol. Ngunit ang mga puno ay hindi tumutulong sa pagpapanatili ng malamig na kapaligiran.
Tama
Mali
Hindi isa ang pilipinas sa pinakamalaking pinagkukunan ng tanso sa Timog-Silangang Asya.
Tama
Mali
Ang ating mga anyong tubig ay pinagmumulan din ng kuryente tulad ng hyrdoelectric power at geothermal power sa ilang panig ng bansa.
Tama
Mali
Kailangan nating alagaan ang ating mga yamang lupa, mineral at tubig upang matamasa ng mga susunod na henerasyon ang mga masasaganang biyayang ito.
Tama
Mali
