wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino5 reviewer

Total questions: 43

Worksheet time: 11hrs 45mins

Name
Class
Date
1.

A. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na bilang.


Ang balitang binasa ni Erika ay matipid at hindi paligoy-ligoy.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Piliin ang wastong letra ng bahagi ng balita na nasa bilang.


Schoology online platform ng Judenites

a)

A. Ulo ng Balita

b)

B. Pamatnubay

c)

C. Katawan ng Balita

3.

Piliin ang wastong letra ng bahagi ng balita na nasa bilang.


Noong taong 2021 sinimulang gamitin ng Judenites ang Schoology bilang platform sa kanilang online distance learning parehas sa synchronous at asynchronous sessions na tunay namang nakatulong sa mga mag-aaral sa malaking pagbabagong nangyari sa sistema ng edukasyon.

a)

A. Ulo ng Balita

b)

B. Pamatnubay

c)

C. Katawan ng Balita

4.

Piliin ang wastong letra ng bahagi ng balita na nasa bilang.


Ito ang ginagamit ng mga mag-aaral sa pagdalo sa klase, pagsagot ng mga pagsusulit, paggawa ng mga takdang-aralin at iba pang mga gawaing pampagkatuto. Magpapatuloy ang paggamit ng paaralan sa platform na ito hanggang sa matapos ang taong panuruang 2021-2022.

a)

A. Ulo ng Balita

b)

B. Pamatnubay

c)

C. Katawan ng Balita

5.

Piliin ang wastong letra ng uri ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Maagang nag-asikaso si Erika para sa kaniyang klase ngayong araw sa Schoology.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

6.

Piliin ang wastong letra ng uri ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Masaya niyang binati ang mga magulang na nasa kusina.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

7.

Piliin ang angkop na pantangi sa pambalanang nakasalungguhit sa pangungusap.


Ang paboritong almusal ni Mikaela ay ang tinapay na _______ na binabaon niya rin noon sa paaralan.

a)

Gardenia

b)

Magnolia

c)

Bear brand

8.

Piliin ang angkop na pantangi sa pambalanang nakasalungguhit sa pangungusap.


Hindi mawawala sa almusal ang gatas na _______ na nakapagpapatibay ng kanilang mga buto.

a)

Gardenia

b)

Samsung

c)

Bear brand

9.

Piliin kung Tahas, Basal, o Lansakan ang uri ng pangngalang nakasalungguhit.


Matapos mag-almusal ay pumunta na sina Erika at Tope sa silid upang dumalo sa online class.

a)

Tahas

b)

Basal

c)

Lansakan

10.

Piliin kung Tahas, Basal, o Lansakan ang uri ng pangngalang nakasalungguhit.


Ang pakikinig sa mga aralin ay isang gawaing nagpapakita ng respeto sa mga guro.

a)

Tahas

b)

Basal

c)

Lansakan

11.

Piliin kung Tahas, Basal, o Lansakan ang uri ng pangngalang nakasalungguhit.


Ang koro ng paaralan ay kumakanta ng himno ng SJCS sa Monday Morning Assembly.

a)

Tahas

b)

Basal

c)

Lansakan

12.

Piliin ang wastong letra ng uri ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Maraming naapektuhang trabaho sa lungsod ng mahigit dalawang linggong pananatili ng bagyong Mikaela.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

13.

Piliin kung Tahas, Basal, o Lansakan ang uri ng pangngalang nakasalungguhit.


Pinangunahan ng barkada ni Maria ang pagpapanatili ng kaayusan sa pila ng mga tao habang naghihintay sa kanilang ayuda.

a)

Tahas

b)

Basal

c)

Lansakan

14.

Piliin kung Tahas, Basal, o Lansakan ang uri ng pangngalang nakasalungguhit.


Ang alkalde ng lungsod ay nagbigay ng donasyong pagkain sa mga napinsala ng bagyo.

a)

Tahas

b)

Basal

c)

Lansakan

15.

Piliin kung Tahas, Basal, o Lansakan ang uri ng pangngalang nakasalungguhit.


Bakas ang kalungkutan sa mukha ng mga batang hindi nakakalabas ng kanilang mga bahay dahil sa pandemya.

a)

Tahas

b)

Basal

c)

Lansakan

16.

Piliin ang wastong letra ng gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Si Bb. Agustin ang nanguna sa pagbabalik-aral ng klase para sa nalalapit na pagsusulit.

a)

A. Simuno

b)

B. Kaganapang Pansimuno

c)

C. Paari

17.

Piliin ang wastong letra ng gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Inanyayahan niya ang klase na dumalo sa magiging programa ng asignatura para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.

a)

A. Simuno

b)

B. Kaganapang Pansimuno

c)

C. Paari

18.

Piliin ang wastong letra ng gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Si Bb. Salonga ay magiging guro sa Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 5.

a)

A. Simuno

b)

B. Kaganapang Pansimuno

c)

C. Paari

19.

Piliin ang wastong letra ng gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Ang Matematika ay asignaturang pinagkadalubhasaan ni Bb. Bendian sa kolehiyo.

a)

A. Simuno

b)

B. Kaganapang Pansimuno

c)

C. Paari

20.

Piliin ang wastong letra ng gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Ang mga kuwaderno ni Mikaela ay naglalaman ng mga tala tungkol sa Filipino

a)

A. Simuno

b)

B. Kaganapang Pansimuno

c)

C. Paari

21.

Piliin ang wastong letra ng gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Ipinakita ni Luisa sa magulang ang marka ng kapatid sa mga pagsasanay at pagsusulit.

a)

A. Simuno

b)

B. Kaganapang Pansimuno

c)

C. Paari

22.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip panao pamalit sa pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Pinuri ni Amelia ang mga makukulay at malalaking kasuotan ng mga mananayaw sa Pista ng Sinulog.

a)

A. siya

b)

B. ako

c)

C. amin

d)

D. niya

23.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip panao pamalit sa pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


Pupunta si Amelia sa Cebu upang mapanood nang personal ang masayang pagdiriwang ng Pista ng Sinulog.

a)

A. siya

b)

B. ako

c)

C. amin

d)

D. niya

24.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip panao pamalit sa pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


"Bibisitahin _________ ang mga makasaysayang lugar sa kanilang lungsod lalo na noong panahon ng Espanya,” saad ni Maria sa ina.

a)

A. ko

b)

B. inyo

c)

C. kita

d)

D. siya

25.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip panao pamalit sa pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap.


“Kapag natapos na ang pandemya at ligtas na lumabas ang mga batang tulad mo ay pupunta _______ sa Cebu upang makapaglakbay at manood ng Pista ng Sinulog.”

a)

A. nila

b)

B. tayo

c)

C. akin

d)

D. niya

26.

Piliin ang wastong titik ng panghalip pamatlig na bubuo sa diwa ng pangungusap.


“Umakyat ka __________ sa ikatlong palapag at kuhanin mo ang radyo upang mapakinggan natin ang balita tungkol sa muling pagpapaalala ng World Health Organization sa pag-iingat laban sa COVID-19” utos ng nanay kay Lito na nasa unang palapag.

a)

A. rito

b)

B. riyan

c)

C. roon

27.

Piliin ang wastong titik ng panghalip pamatlig na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Kuhanin mo __________ sa drawer malapit sa iyo ang alcohol at face mask na babaunin ng iyong tatay sa pagpasok niya sa opisina.

a)

A. rito

b)

B. riyan

c)

C. roon

28.

Piliin ang wastong titik ng panauhan ng panghalip pamatlig na nakasalungguhit sa pangungusap.


Palagi mong iinumin ang mga bitaminang ito para mapanatiling malakas at matibay ang pangangatawan mo.

a)

A. una

b)

B. ikalawa

c)

C. ikatlo

29.

Piliin ang wastong titik ng panauhan ng panghalip pamatlig na nakasalungguhit sa pangungusap.


"Ito ay binuo bilang pagkilala sa kagitingan nila", turo ni Maria sa monumentong malapit sa kanila.

a)

A. una

b)

B. ikalawa

c)

C. ikatlo

30.

Piliin ang wastong titik ng panauhan ng panghalip pamatlig na nakasalungguhit sa pangungusap.


Matapos kumain nina Maria at Merly ay bumili si Merly ng candy sa kabilang kalsada, "Gusto ko rin niyan", agad na sambit ni Maria nang makita ang lola.

a)

A. una

b)

B. ikalawa

c)

C. ikatlo

31.

Piliin ang wastong titik ng panauhan ng panghalip pamatlig na nakasalungguhit sa pangungusap.


Narinig ng maglola sa kanilang nakasalubong na mayroong fireworks sa kabilang bayan "Doon naman tayo pumunta, gusto kong makapanood ng fireworks", masayang pagyayaya ni Mikaela sa kanyang lola Merly.

a)

A. una

b)

B. ikalawa

c)

C. ikatlo

32.

Piliin ang wastong titik ng panauhan ng panghalip pamatlig na nakasalungguhit sa pangungusap.


Bago matulog ay ikinwento ni Mikaela at Sky ang kanilang pamamasyal sa lolo, maging ang mga nakita nilang monumento roon sa bayan.

a)

A. una

b)

B. ikalawa

c)

C. ikatlo

33.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Tatawagan ______ mamaya upang maituro ko sa iyo ang gagawin sa takdang-aralin,” alok ko sa kausap na si Tope.

a)

A. amin

b)

B. atin

c)

C. kita

d)

D. iyo

34.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Si Maria ang kagrupo ko sa pasalitang pagsubok, ______ ang magbabasa ng ikalawang talata.

a)

A. mo

b)

B. ko

c)

C. niya

d)

D. siya

35.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


______ ang magpapadala ng zoom link para sa ating pulong mamaya tungkol sa mga dapat ihanda sa proyekto.

a)

A. Mo

b)

B. Ako

c)

C. Kaniya

d)

D. Ka

36.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip pananong na bubuo sa diwa nito batay sa pangngalang nakasalungguhit.



______ ang mas gusto mong sistema ng edukasyon, face to face o online learning?

a)

A. Sino

b)

B. Magkano

c)

C. Ilan

d)

D. Alin

37.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip pananong na bubuo sa diwa nito batay sa pangngalang nakasalungguhit.



______ ang librong ginagamit niyo ngayon sa pag-aaral ng Filipino?

a)

A. Sino

b)

B. Magkano

c)

C. Ano

d)

D. Alin

38.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip panaklaw na bubuo sa diwa ng pangungusap.



Ang ______ kumakain palagi ng prutas at gulay ay tiyak ang magandang pangangatawan at mahabang buhay.

a)

A. Sinumang

b)

B. Kaninumang

c)

C. Magkanumang

d)

D. Alinmang

39.

Piliin ang wastong titik ng angkop na panghalip panaklaw na bubuo sa diwa ng pangungusap.



Ang ______ ng batang nasa edad isa hanggang labindalawa ay marapat na kumakain ng gulay at prutas, natutulog ng siyam na oras, at umiinom ng walong basong tubig araw-araw.

a)

A. pulos

b)

B. lahat

c)

C. pawa

d)

D. Alinmang

40.

Piliin ang wastong titik ng salin sa tanong ng pangungusap batay sa pangngalang nakasalungguhit dito.



Si Marianne ay mahilig kumain ng prutas at gulay kaya naman bibihira lamang siyang dapuan ng sakit.

a)

A. Ano ang mahilig kainin ni Lourdes kaya bibihira lamang siyang dapuan ng sakit?

b)

B. Ilang gulay at prutas ang kinakain ni Lourdes kaya bibihira lamang siyang dapuan ng sakit?

c)

C. Sino ang mahilig kumain ng prutas at gulay kaya naman bibihira lamang dapuan ng sakit?

d)

D. Ilang gulay at prutas ang kinakain ni Lourdes kaya bibihira lamang siyang dapuan ng sakit?

41.

Piliin ang wastong titik ng salin sa tanong ng pangungusap batay sa pangngalang nakasalungguhit dito.



Kay Aling Myrna ipinagkatiwala ng mga magulang ang paghahanda sa masustansyang pagkain ng kanilang anak araw-araw.

a)

A. Ano ang ipinagkatiwala ng mga magulang sa paghahanda sa masustansyang pagkain ng kanilang anak araw-araw?

b)

B. Ilan ang ipinagkatiwala ng mga magulang sa paghahanda sa masustansyang pagkain ng kanilang anak araw-araw?

c)

C. Kanino ipinagkatiwala ng mga magulang ang paghahanda sa masustansyang pagkain ng kanilang anak araw-araw?

d)

D. Alin ang ipinagkatiwala ng mga magulang sa paghahanda sa masustansyang pagkain ng kanilang anak araw-araw?

42.

Piliin ang wastong titik ng panghalip pamatlig na bubuo sa diwa ng pangungusap.



Kuhanin mo __________ sa drawer malapit sa iyo ang alcohol at face mask na babaunin ng iyong tatay sa pagpasok niya sa opisina.

a)

A. rito

b)

B. riyan

c)

C. roon

43.

Piliin ang wastong titik ng panghalip panaklaw na bubuo sa diwa ng pangungusap.



Ang _____ mag-aaral ng Saint Jude Catholic School ay naghahanda na ngayon para sa Unang Markahang Pagsusulit.

a)

A. alinman

b)

B. magkanuman

c)

C. bawat