NEW
Font size
WorksheetsSummative Test #2 (Modyul 3-4)
Total questions: 20
Worksheet time: 7mins
Ito ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng gawain ng tao at natural na kalamidad.
Ilegal logging
Deforestation
Pagguho
Reforestation
Ang mga sumusunod ay mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas maliban sa _________.
Migrasyon
Ilegal na pagmimina
Fuel wood harvesting
Polusyon sa hangin
Sa bisa ng batas na ito naitatag ang Reforestation Administration na ang layunin ay mapasidhi ang mga programa para sa Reforestation ng bansa.
Republic Act 115
Republic Act 2405
Republic Act 2706
Republic Act 2405
Ang pangunahing layunin nito ay palawakin ang sakop ng National Greening Program.
Executive Order 193
Executive Order 093
Executive Order 293
Executive Order 393
Ang patuloy na pag-init ng mundo o ang __________ay isa sa sinasabing dahilan ng climate change dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere
El Niño
La Niña
Global Warming
Deforestation
Nagpuputol ng puno sa kagubatan ang grupo ni Mang Kanor upang ibenta at gawing uling at panggatong. Ang ganitong gawain ay tinatawag na _________________.
Illegal Logging
Fuel wood harvesting
Illegal Mining
Illegal Mining
Ang _________ay anumang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig.
Likas na Yaman
Yamang-gubat
Yamang-tubig
Yamang-lupa
Mula sa Maynila lumipat ng tirahan sa probinsya ang pamilya ni Jobel. Ang ginawang paglipat na ito ay tinatawag na __________.
Immigration
Migration
Emigration
Relocation
Ang mga sumusunod ay epekto ng climate change sa Pilipinas maliban sa _________.
labis na pag-ulan
tagtuyot
pagkasunog ng kagubatan
pagtaas ng populasyon
Ang bagyong Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyong naranasan sa bansa. Ang mga ganitong pangyayari ay isa lamang sa mga epekto ng _________________.
Migration
Reforestation
Climate Change
Coral Bleaching
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng natural hazard maliban sa ________________.
polusyon
tsunami
pagputok ng bulkan
bagyo
Ito ay tumutukoy sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
Disaster Management
Disaster Risk Management
CBDRM
NDRRMC
Kailangan bang makiisa sa mga drills at pagsasanay na isinasagawa sa komunidad tulad ng earthquake drill?
Opo, para marami akong makilalang tao na maaring makatulong sa akin sa panahon ng pagsapit nito.
Opo, para malaman ko kung ano ang mga hakbang na dapat kong gawin sa pagsapit nito.
Hindi po, dahil nababasa ko naman ang ilan sa mga pamamaraan na dapat gawin.
Hindi po, dahil mainit at maingay ang drills
Kung ikaw ay nakaranas na ng hazard o kalamidad tulad ng pagbaha, lindol, o bagyo, ano ang dapat mong gawin pagkatapos ng hazard o kalamidad?
Tanggapin ang sinapit at patuloy na umasa sa tulong na ibinibigay ng gobyerno at maging positibo sa buhay.
Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at humingi ng tulong sa mga kaibigan at maging positibo sa buhay.
Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at sikaping makabangon muli at isaayos ang mga nasirang ari-arian at maging positibo sa buhay.
Tanggapin ang sinapit, lumipat ng lugar na hindi apekto ng hazard.
Sa iyong palagay, ano ang nararapat nating gawin at inaasahan sa atin ng pamahalaan matapos ang kalamidad?
Tumulong sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad kahit na ikaw ay napinsala rin.
Maghintay ng tulong na ibibigay ng pamahalaan.
Alamin kung gaano kalaki ang naging pinsala ng bagyo.
Magreklamo sa pamahalaan.
Ang pangangailangan ng komunidad ay inaasa sa mataas na ahensya ng pamahalaan at napababayaan ang mga mamamayan na may mataas na posibilidad na makaranas ng hazard o kalamidad.
Bottom-Up Approach
Disaster Management
CBDRM Approach
Top-Down Approach
Tumutukoy ito sa panganib na dulot ng kalamidad sa tao.
disaster
human risk
structural risk
vulnerability
Ito ay nangangahulugang banta dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian at kalikasan.
disaster
resilience
hazard
vulnerability
Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglikha sa mga hamong pangkapaligiran. Ano ang tawag sa approach na ito?
Bottom-Up Approach
Disaster Management
CBDRM Approach
Top-Down Approach
Pinagbabawal ang paglabas ng mga buntis, bata, at matatanda dahil sa pandemyang Covid 19. Anong konsepto ang tinutukoy dito?
disaster
resilience
hazard
vulnerability
