Font size
WorksheetsUNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4
Total questions: 56
Worksheet time: 38mins
Ang ating talento at kakayahan ay isang regalo mula sa Diyos.
Tama
Mali
Dapat na sanayin at linangin ang ating mga natatanging kakayahan at talento araw-araw.
Tama
Mali
Mahiyain ako kaya ipagsawalang bahala ko na lang ang aking talento at kakayahan.
Tama
Mali
Hindi ko kayang humarap sa maraming tao kaya hindi na importante ang pagtuklas ng aking talento at kakayahan.
Tama
Mali
Ang pagpapahalaga sa talento ay isang patunay ng pagmamahal sa sarili at sa Diyos.
Tama
Mali
Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit. Alam mo na may kakayahan ka sa pag-awit. Ano ang gagawin mo?
Huwag ipakita ang kakayahan.
Sumali ng buong husay
Mahiyang sumali.
Huwag sumali.
Si Arnel ay batang may kapansanan sa paglalakad. Napakahusay niyang gumuhit. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali ka ba sa paligsahan sa pagguhit?
Opo, dahil kailangang patunayan ko ang aking kakayahan.
Hindi, dahil baka di ako manalo
Hindi, dahil nahihiya ako.
Opo, dahil takot ako sa guro
Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw. Ang buong klase ay naatasang magpakita ng kakayahan sa pagsayaw. Ano ang gagawin mo?
Magsasabi ng tunay sa guro na iba ang taglay na
kakayahan.
Magmumukmok sa isang sulok.
Hindi na ako sasali.
Iiyak at tatakbo
Si Carol ay mabilis sa tumakbo kaya siya ay hinikayat ng kanyang guro na sumali sa paligsahan. Siya may kakayahan sa ___________.
Pag-awit
Pag-ukit
Pagguhit
Pagtakbo
May paligsahan sa larangan ng pag-arte. Sa di sinasadyang pangyayari nagkasakit ang kalahok dito. Nagtanong ang guro mo kung sino ang nais pumalit sa kalahok. Ikaw ay may kakayanan sa pag-arte. Ano ang gagawin mo?
Hindi nalang kikibo.
Ituturo ang ibang kaklase.
Hihintayin na lang na makilahok ang iba.
Lalapit sa guro at lalahok sa paligsahan na may tiwala sa sarili.
Inamin ni Jessica na siya ang nakabali ng ruler ng kanyang kuya kahit alam niyang hindi na siya pahihiramin nito.
Sinabihan ni Fe ang kanyang nakababatang kapatid na huwag isumbong sa kanilang nanay na napunit niya ang kurtina upang hindi sila mapalo nito.
Hinayaan mo lang na mapalo ng iyong tatay ang kuya mo dahil ito ang napagkamalang kumuha ng pera sa kanyang pitaka.
Nakita mong itinulak ni Lorenz si Nathaniel kaya nahulog ito sa kanyang kinatatayuan pero dahil ayaw mong madamay ay hinayaan mo na lamang ito.
Sinabi mo sa iyong tatay ang nawawala mong baon kahit alam mong pagagalitan ka niya.
Ipinapaalam ko agad ang totoong pangyayari upang mabigyang solusyon ang problema kahit alam kong magagalit sila sa akin.
Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang aking kasalanan upang hindi sila madamay.
Sinisigurado kong pawang katotohanan lamang ang aking sasabihin kung ako ay tinatanong upang alamin ang totoo
Lagi kong tatandaan na mas mabuting magsinungaling kaysa mapagalitan at mapalo.
Tatakpan ko ang kasalanang nagawa ng aking kapatid upang hindi siya mapalo ni nanay.
Saan karaniwang nagmumula ang impormasyong nakakalap sa ating paligid?
A. Mula sa usap-usapan ng mga kapitbahay
B. Sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa ating paligid
C. Sa balita, patalastas na nabasa o narinig, at sa telebisyon
D. Mula sa sinasabi ng matalik na kaibigan
Paano mo malalaman ang katotohanan?
A. pagtatanong sa kahit sino
B. pagsangguni sa taong kinauukulan
C. pakikinig sa sabi-sabi ng iba
D. pagbabasa ng fake news
Bakit kailangang maging mapanuri? Ang sumusunod ay mga magandang dahilan maliban sa isa, alin ito?
A. Upang masuri ang katotohanan
B. Upang malaman ang tama sa mali
C. Upang tama ay mapatunayan
D. Upang malaman ang tsismis
Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagsangguni muna sa taong kinauukulan ng katotohanan maliban sa isa.
A. Upang pagkakamali ay maiwasan
B. Upang pagkalito ay malinawan
C. Upang katanungan ay masagutan
D. Upang pagsisisi ay maramdaman
Sinabi sa patalastas na iyong narinig na masarap ang juice na binibenta sa isang grocery sa inyong lugar. Dahil dito, nahikayat ka at nais mo ring bumili nito. Paano ka nakasisiguro na masarap at ligtas ang produkto
A. Itanong sa mga kaklase kung masarap ito.
B. Bumili kaagad upang matikman.
C. Kumbinsihin ang nanay na ito ang ipabaon sa iyo.
D. Ikonsulta sa magulang kung maaaring bumili nito.
Naipaliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo dahil nakuha ko ito sa ulat mismo ng PAG-ASA na siyang awtoridad sa pag-uulat sa kalagayan ng panahon.
Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang balitang naririnig ko mula sa aking kapitbahay.
Sinisigurado kong tama ang impormasyong sasabihin ko upang maiwasan ang pagbibigay ng maling impormasyon sa iba.
Lagi kong tinatandaan na hindi lahat ng balitang naririnig o nalalaman ay totoo kaya inaalam ko kung sino ang tamang awtoridad na aking lalapitan upang matiyak ang katotohanan tungkol dito.
Iniiwasan kong makapagbigay ng maling impormasyon sa iba kaya tinitiyak ko na sa tamang kinauukulan ako magsasangguni
1. Pag-amin sa nagawang pagkakamali.
1. Pagpilit sa sariling kagustuhan kahit hindi sumasang-ayon ang iba.
3. Pakikinig sa suhestiyon ng nakatatanda.
4. Hindi pag-amin at pag-aangkin sa perang napulot sa daan.
5. Pagsusumbong sa magulang kahit wala itong katotohanan.
6. "Hindi ko na iintaying tanungin ako, aamin na ako."
7. "Kahit takutin pa ako upang magsabi ng mali, 'yong totoo pa rin ang sasabihin ko.
8. Dahil napulot ko lang ang laruang ito, ibabalik ko ito sa may ari.
9. "Naku! Huwag kang maingay. Sabihin mo hindi mo alam kung bakit nabasag ang salamin.
10. "Ayos lang na maglihim paminsan-minsan basta hindi palagi."
Ipaliwanag ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip.
a. Mahalaga ito sapagkat ito ang magbibigay gabay sa kung ano ang tama at mali.
b. Mahalaga ito dahil mabibigyan agad ito ng kasagutan.
c. Mahalaga ang mapanuring pag-iisip dahil ito ay kinakailangan.
d. Mahalaga dahil ito ay nararapat.
___ 1. Inutusan ka ng nanay mo na hugasan ang mga pinagkainan ninyo at ng mga bisita. Nagmadali ka sa paghugas at nagalit ang nanay mo nang makita na may naiwan pang sabon sa ibang hinugasan mo. Ano ang gagawin mo?
a. hindi ka na papayag na maghugas ng pinagkainan
b. iiyak ka at magkukulong sa kuwarto
c. tatanggapin mo ang iyong pagkakamali at hihingi ng tawad
d. tatahimik ka na lang
2. Tinuruan ka ng nanay mo na gamitin ang washing machine habang wala siya. Nawalan ng kuryente at hindi mo ito mapaandar uli pagbalik ng kuryente. Ano ang gagawin mo?
a. magtatago ka kay Nanay
b. ipapaliwanag mo ang nangyari kay Nanay at magpapaturo uli sa paggamit ng washing machine
c. hindi ka na gagamit ng washing machine
d. lalabhan mo sa kamay ang mga damit
3. Gusto mong matutong mag-gitara kaya tinuruan ka ng kuya mo. Matapos ang ilang buwan, mahusay ka nang tumugtog ng gitara. Pinatugtog ka ng nanay mo sa Family Reunion. Nagkamali ka sa unang pagtugtog. Ano ang gagawin mo?
a. aalis ka at magkukulong sa kuwarto mo
b. hindi ka na uli tutugtog ng gitara
c. hihingi ka ng dispensa at uulitin ang pagtugtog nang walang mali
d. sisirain mo ang gitara at aalis nang galit
4. Matagal mo nang gustong matutong lumangoy. Nalaman ito ng tatay mo at tinuruan ka niyang lumangoy. Isang umaga, muntik ka nang malunod nang lumangoy ka, kasama ang tatay mo at dalawang kapatid. Ano ang gagawin mo?
a. hindi ka na uli lalangoy
b. lalangoy ka kapag kasama lamang ang tatay mo o mga kapatid
c. iiyak ka at hindi na pupunta sa dagat o swimming pool
d. iisipin ko na isang karanasan iyon na pagpupulutan ng aral at itutuloy ko ang paglangoy
6. Hindi ka na kinakausap ng matalik mong kaibigan dahil sa nagawa mo sa kaniyang pagsinungaling. Ano ang gagawin mo?
a. maghahanap ka ng ibang kaibigan
b. kakalimutan mo na siya
c. iiwasan mo na siya
d. hihingi ka ng tawad at sasabihin mo sa kaniya na nais mong makipagkaibigan uli gaya nang dati
7. Humingi ng tulong sa iyo ang kaklase mo sa English. Tinuruan mo siya, pero ang hirap niyang turuan dahil matagal siya makaunawa. Ano ang gagawin mo?
a. tuturuan mo pa rin siya at bibigyan ng mga halimbawa para mas maunawaan niya ang sinasabi mo
b. susuko ka na
c. sasabihin mo na sa ibang kaklase na lang siya magpaturo
d. pagagalitan mo siya para mabilis siyang matuto
8. Nais mong magbawas ng timbang dahil tinutukso kang mataba. Nagsimula kang mag-exercise at magbawas ng pagkain. Nahirapan ka. Ano ang gagawin mo?
a. kakain ka nang marami pagkatapos mag-exercise
b. titiisin mo ang hirap at gutom para magtagumpay na pumayat
c. babawi ka sa tulog at kain
d. iiyak ka at magkukulong sa kuwarto habang kumakain
Nais mong tumaas ang grades mo sa darating na exams. Naghanda ka nang maaga na mag-aral at ipagliban ang laro at gadgets. Ilang araw pa lang, gusto mo na sumuko. Ano ang gagawin mo?
a. hindi ka na magbubukas ng aklat at notebook
b. balik ka sa dating gawi: games muna bago aral
c. hindi ka magpapadala sa tukso at itutuloy mo ang pag-aaral at paghanda sa exams
d. hihintayin mo pag malapit na exams saka ka mag-aaral
Anong ugali ng isang Batng Pilipino ang pinapakita sa mga pangungusap na ito? "Gusto mo ba na hatian kita ng baon ko?"
Mapagmahal
Madamot
Mapagbigay
Maalalahanin
Buuhin ang mga nawawalang salita sa memory verse.
(5 puntos)
brothers, enthusiastic, work, nothing, useless
fathers, enthusiastics, work, nothing, useless
Buuhin ang mga nawawalang salita sa memory verse.
(5 puntos)
Lord, spirit, blameless, calls, do
God, spirit, blameless, calls, do
Buuhin ang mga nawawalang salita sa memory verse.
(5 puntos)
given, given, abundance, unfaithful, taken
given, gave, abundance, unfaithful, taken
Buuhin ang mga nawawalang salita sa memory verse.
(5 puntos)
23, guard, heart, affects, do
24, guard, heart, affects, do
Buuhin ang mga nawawalang salita sa memory verse.
(5 puntos)
children, away, anything, place, hearts
away, anything, children, place, hearts
Buuhin ang mga nawawalang salita sa memory verse.
(5 puntos)
instructions, act, fear, integrity, undivided
directions, fear, act integrity, undivided
