Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

First Summative Test in ESP 6

Total questions: 30

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

May pagpupulong ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean Up Drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.

a)
b)
2.

Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ibinibigay niya sa mga ito ang cellphone number at e-mail address niya.

a)
b)
3.

Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala ng matulis na bagay para madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.

a)
b)
4.

Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Labag sa kalooban mo na tinangap ang iyong pagkalider.

a)
b)
5.

May nabasa kang isang pribadong mensahe mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam ano ang pinagmulan nito.

a)
b)
6.

Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.

a)
b)
7.

May usapan kayong dadalo sa pulong ng kampanyang “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.

a)
b)
8.

Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating kana roon, subalit sumama ka pa rin.

a)
b)
9.

Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doctor nagdesisyon siya na magtatrabaho sa Amerika dahil mas malaki ang suweldo roon.

a)
b)
10.

10. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.

a)
b)
11.

Si Mang Andoy ay matagal nang nagtatrabaho sa Munisipyo. Siya ay kinagigiliwan ng lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin. Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kaniyang anak upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang palayaw ng anak sa kontratang papel.

a)
b)
12.

Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga mag-aaral ang Mataas na Paaralan ng San Jose. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kaniyang sariling pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito.

a)
b)
13.

3. Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa kabataan. Sa bakasyon, may dalawampung araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke, at iba pang pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply. Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang tamang petsa. Sinagutan mo ng mga petsang hula mo lang.

a)
b)
14.

Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo. Gusto niyang lumabas ka ng bahay upang makita ang tatay mo at ang kinakatagpo niya na sinasabing babae raw ng tatay mo. Hindi ka naniwala sa kaniya dahil wala kang sapat na basihan nito.

a)
b)
15.

Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Efren. Tinatanong ng nars ng hospital ang PhilHealth number ng nanay niya. Ibinibigay niya ito.

a)
b)
16.

Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na palaboy-laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Pinuntahan mo kaagad ang matanda at pinagalitan siya.

a)
b)
17.

Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso. Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ibinigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali ang pag-withdraw.

a)
b)
18.

Gusto mong magkaroon ng bagong gadget. Kumuha ka ng hulugang laptop. Sa application form isinulat mo ang buong direksiyon ng tirahan mo.

a)
b)
19.

Nabasa mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang nakakilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kaniyang pamilya. Nakita mo ang mukha ng matanda. Pinaalam mo sa kapitbahay mo na ang lola nila ay nakita sa facebook na matagal na nilang hinahanap.

a)
b)
20.

Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang

katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito

maipapakita?

a)

A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.

b)

B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.

c)

C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan

ang desisyon ng nakararami.

d)

D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.

21.

Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa

paghubog ng isang maayos at matatag na pamilya?

a)

A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na

nagsasama nang matiwasay at payapa.

b)

B. Pagpadami ng mga anak.

c)

C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.

d)

D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.

22.

Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at samasama

ring nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita

ng pamilyang ito na dapat tularan?

a)

A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.

b)

B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.

c)

C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.

d)

D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat

kasapi

23.

Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyon ng iba.

Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?

a)

A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”

b)

B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”

c)

C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”

d)

D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?

24.

Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?

a)

A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.

..

b)

B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

c)

C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.

d)

.

D. Lahat ng sagot ay tama.

25.

Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob.

a)

A. pagkamatiyaga

b)

B. pagmamahal sa katotohanan

c)

C. pagkabukas ng isipan

d)

D. pagkamahinahon

26.

Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral.

a)

A. pagiging malinis

b)

B. may paninindigan

c)

C. mapanuring kaisipan

d)

D. pagiging mahinahon

27.

Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga.

a)

A. lakas ng loob

b)

B. kaalaman

c)

C. pagiging responsible

d)

D. may paninindigann

28.

4. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon.

A. pagmamahal sa katotohanan

B. may paninindigan

C. may pananampalataya

D. katatagan ng loob

a)

A. pagmamahal sa katotohanan

b)

B. may paninindigan

c)

C. katatagan ng loobn

d)

D. may pananampalataya

29.

Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta?

a)

A. kaalaman

b)

B. pagmamahal sa pamilya

c)

C. bukas na isipan

d)

D. lakas ng loob

30.

Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa katabi nya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulagbulagan lamang.

a)
b)