NEW
Font size
WorksheetsQuiz 1.1 Karunungang-Bayan (Matalinghaga at Eupemistiko)
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ito ay uri ng karunungang-bayan, taglay nito ang malalalim na pahiwatig o maaaring sabihing maligoy na paraan ng pagsasabi.
Bugtong
Palaisipan
Kasabihan
Salawikain
Uri ng karunungang-bayan na naglalaman ng salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit. Ito’y nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan. Tinatawag din idioms o patambis.
Bugtong
Kasabihan
Sawikain
Salawikain
Uri ng karunungang-bayan na nagbibigay ng paalala at mabuting aral sa atin. ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan nito.
Bugtong
Kasabihan
Sawikain
Salawikain
Uri ng karunungang-bayan tinatawag na riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Bugtong
Kasabihan
Sawikain
Salawikain
Ano ang sagot sa bugtong na ito
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Lamok
Kandila
Ilaw
Anino
Ano ang sagot sa bugtong na ito
Isang bundok, hindi makita ang tuktok.
Ulap
Noo
Buhok
dibdib
Ano ang sagot sa bugtong na ito
Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona.
Balimbing
Kasoy
Bayabas
Santol
Ano ang sagot sa bugtong na ito
Bulaklak muna ang gawin, bago mo ito kainin.
ubas
mansanas
saging
chicharon
Si Josh ay may labis na paghanga kay Carla kaya naman nagpasya siya na maningalanag pugad sa dalaga. Ang salitang naka-italisado ay nangangahulugang.
Nanliligaw
Nagagalit
Nangungumusta
Nagpapansin
Itaga mo sa bato na mamahalin kita magpakailanman. Ang salitang naka-italisado ay nangangahulugang
Saktan mo
Tandaan mo
Kalimutan mo
Iwanan mo
"Kabataan ang Pag-asa ng Bayan"
Ang pahayag ay isang halimbawa ng...
Bugtong
Kasabihan
Sawikain
Salawikain
“Kapag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot”
ang pahayag ay isang halimbawa ng...
Bugtong
Kasabihan
Sawikain
Salawikain
Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang tunay na kaibigan. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
Ang kaibigan ay tutulong kung may kabayaran
Ang kaibigan ay nariyan kapag may kailangan
Sasamahan ka sa pait at ligaya. Tutulungan kang malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay.
Sasamahan ka sa ginhawa upang makinabang din ito.
Ito ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito.
Matanglawing Pahayag
Matatalaib na Pahayag
Matalinghagang Pahayag
Matatalinong Pahayag
Ito ay mga pahayag na pinagaganda o pampalubag loob upang hindi makasakit ng damdamin.
Eupemistikong Pahayag
Euming Pahayag
Eurotikong Pahayag
Eudorang Pahayag
Ano ang kasalungat ng talinghagang sumakabilang bahay?
kabit
tapat na asawa
may ibang gusto
may ibang mahal
Hanggang ngayon ay nagbibilang ng poste ang aking kapatid kahit na nakapagtapos na siya sa pag-aaral. Ang salitang naka-italisado ay nangangahulugang...
nangangarap
maraming poste
walang trabaho
may trabaho
Ayaw kumain ng aking kapatid dahil maarte siya sa ulam. Anong salita ang maaari nating ipalit sa salitang maarte?
maagap
gusto
ayaw
mapili
Sa hindi inaasahan, siya ay nabuntis na wala sa panahon. Anong eupemistikong pahayag ang maaaring ipalit sa salitang nabuntis?
nagdadalang-poot
nagdadalang-tao
nagdadalang-awa
nagdadalang-aliw
Ito ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala, sumasalamin sa iba’t ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
Karunungang-Bayan
Karunungang-Baryo
Karunungang-Batas
Karunungang-Bulaklak
