WorksheetsQrtr 1 - PT AP 9
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman
Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan
Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan
Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na ibig sabihin ay pamamahala ng tahanan/bahay
oikonomos
oikonomiks
oikonomia
oikonomiya
Ang hindi paggamit ng tamang pagpapasya sa pagkonsumo ng mga pinagkukunang yaman ay maaring magbunga ng
kakapusan
kasaganaan
kaayusan
kapayapaan
Ang mga sumusunod ay konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks maliban sa isa:
tamang pagbabadget
tamang pagpapasya
tamang pagtitipid
tamang pagboto
Sa konsepto ng ekonomiks sa bawat pagpapasya ay kalimitang may pagpili o pagsasakripisyong nagaganap kapalit ng ibang bagay ito ay tinatawag na?
trade off
lay off
dayoff
opportunity cost
Ito ay ang halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
seguridad
alternatibo
opportunity cost
pagpapasya
Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa mga karagdagang halaga maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon.
Planning
Decision making
Marginal setting
Marginal thinking
Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto na maaaring makahikayat sa mga manggagawa.
sick leave
dayoff
vacation
incentives
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa tamang pagpapasya?
isaalang-alang ang mga pangarap na ninanais
isaalang-alang ang opportunity cost o halaga ng isang bagay na kailangang ipagpalit sa paggawa ng desisyon
isaalang-alang ang mga kaibigan at katrabaho
isaalang-alang ang mga kasamahan sa bahay
Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan ang mga sumusunod ay maaring mangyari maliban sa ___________________?
magiging pantay ang distribusyon sa mga pinagkukunang yaman
maaring malutas ang suliranin sa kakapusan
mabawasan ang mga suliraning pampamilya
hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning panlipunan?
magdudulot ito ng pagbabago sa badyet ng mga tao
magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa pamilihan
magdudulot ng malakas na lindol dahil sa pagguho ng lupa
magkakaroon ng monopolyo sa hanay ng mga negosyante
Bakit tinaguriang isang agham ang ekonomiks?
dahil pinag-aaralan nito kung ano ang epekto ng ginagawa niyang pagpili para sa pansarili niyang pangangailangan
dahil gumagamit ng mga datos mula sa pananaliksik ang ekonomiks upang maipaliwanag ang ibat-ibang mga suliraning panlipunan
dahil may mga tuntunin sa pag-aaral ng ekonomiks na kadalasan ay may relasyon sa pananaliksik at gawain ng mga siyentipiko.
lahat ng nabanggit
Sa ekonomiks upang makapagsuri at makapagpasya ang mga mamamayan tungkol sa suliraning pang-ekonomiya kailangan ang mga sumusunod na kaalaman maliban sa:
kaalaman at pagkaunawa tungkol sa kalikasan at kabuuan nito
kaalaman at pagkaunawa sa mga patakarang pinaiiral ng pamahalahan
kaalaman at pagkaunawa kung ano ang mga pangunahing pangangailangan at kagustuhan
kaalaman at pagkaunawa sa sariling kapakanan
Mahalaga ang ekonomiks bilang kasapi ng pamilya dahil:
natutuhan ang matalinong paggasta
napapahalagahan ang pag-aaral ng mabuti
nagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan
lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon maliban sa isa:
kapag ang ginawang desisyon ay maaring makatulong sa pamilya
kapag ang ginawang desisyon ay nagamit sa mahahalagang usaping pang ekonomiko
kapag ang ginawang desisyon ay may kaugnayan sa pagpapaunlad para sa sariling kapakanan.
kapag ang ginawang desisyon ay maaring humubog sa iyong pagunawa at gawi na makakatulong sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap
Pangunahing batayan sa pag-aaral ng Ekonomiks ay ang suliranin ng kakapusan. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?
Dahil sa mapang-abusong paggamit ng likas na yaman
Dahil sa mga kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang yaman
Dahil limitado ang pinagkukunang yaman subalit walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
Dahil sa mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang supply ng mga produkto
Ang paggamit ng bakanteng oras sa pagrereview sa halip na maglaro ng on-line games ay halimbawa ng matalinong pagtugon sa anong pang-ekonomikong katanungan?
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino?
Gaano karami?
Ang suliranin ng kakapusan o scarcity ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng
Matalinong paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman
Pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian
Pag-iimbak o pagtatago ng maraming pagkain sa panahon ng krisis
Pagdarasal na manalo sa Lotto
Tumutukoy sa halaga na maaaring mawala o nang “best alternative” na pangunahing nararapat na isaalang-alang sa
paggawa ng anumang desisyon.
Trade off
Opportunity Cost
Marginal Thinking
Incentives
Ayon kay Warren Buffet, kilalang bilyonaryo sa buong mundo, “ If you buy things that you don’t need, you
might end up selling things that you need”. Ano ang ipinapahiwatig nito kaugnay ng ating pangangailangan at kagustuhan?
Maaaring masakripisyo ang ating mga pangangailangan kapag inuna natin ang mga kagustuhan.
Hindi masama na magkaroon ng maraming kagustuhan hangga’t natutugunan ang mga pangangailagan.
Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag ito’y higit pa sa ating pangangailangan.
Iba-iba ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Alin sa mga sumusunod ang katumbas ng komunismo sa sinaunang sistemang pang-ekonomiya?
Command Economy
Mixed Economy
Market Economy
Community Economy
Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng paglalaan o pagbabahagi ng takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan.
alokasyon
preparasyon
organisasyon
imbensyon
Sa sistemang ito, may kalayaan ang prodyuser at konsyumer na kumilos ayon sa kanilang pakinabang. Presyo ang nagtatakda kung gaano karami ang gagawin produkto at gaano karami ang bibilhin ng isang konsyumer
command economy
traditional economy
market economy
mixed economy
Sa sistemang ito, nasa ilalim ng komprehensibong kontrol ng pamahalaan ang produksyon ng pangunahing kalakal at paglilingkod.
command economy
market economy
traditional economy
mixed economy
Sa sistemang ito ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay nakabatay sa kultura, tradisyon at paniniwala.
command economy
market economy
traditional economy
mixed economy
Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng pinag-utos at pampamilihang ekonomiya na kung saan malayang nakakalahok sa mga gawaing pangkabuhayan ang mga negosyante na pinahihintulutan ng pamahalaan.
command economy
market economy
mixed economy
traditional economy
Sa sistemang pampamilihang ekonomiya malayang nakakalahok ang dalawang pangkat ayon sa pansariling interes. Sino ang dalawang kalahok na may malayang pagpili?
prodyuser at konsyumer
pamahalaan at pamilihan
teknolohiya at sambahayan
produkto at serbisyo
Sa sistemang pang-ekonomiya hindi magagawa lahat ng pamahalaan ang mga produktong kailangan ng mga tao ayon sa dami at uri ng gusto. Anong katanungan ang sumasagot dito?
Para kanino ang gagawing produkto?
Gaano karami ang gagawing produkto?
Paano gagawin ang produkto?
Ano-anong produkto ang gagawin?
Sa sistemang pinaghalong ekonomiya, sino ang karaniwang nagpapasya?
pamahalaan
tao
pamilihan
pamilihan at pamahalaan
Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
Likas-yaman
Pamahalaan
Presyo
Prodyuser
Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
Traditional Economy
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy?
Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya ay nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa produksyon. Paano natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang produksiyon sa command economy?
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak ng plano.
Tamang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon o plano.
Pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa ng mga produkto at
serbisyo.
Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi
ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
Tinitiyak nito ang prayoridad na mabigyan ang lahat ng tao sa
kanilang mga pangangailangan.
Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Tinitiyak nito na makamit na mga mamamayan ng bansa ang
kasaganahan sa buhay.
Tinitiyak nito na maipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman
sa mga tunay na nangangailangan.
Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng out put.
(a)
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
(a)
Sila ang mga manggagawang may kakayahang mental,mas ginagamit ang isip kaysa sa lakas ng katawan
(a)
Tawag sa mga manggagawang may kakayahang pisikal , o mas ginagamit ang lakas ng katawan kaysa isipan.
(a)
Ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto o mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paggawa ng mga kalakal at paglilingkod.
(a)
Salik ng produkyon na tumutukoy sa mga pinagkukunang yaman.
Lakas-paggawa
Kapital
Lupa
Entrepreneur
Proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo.
Pagkonsumo
Kakapusan
Kakulangan
Produksyon
Tawag sa kita ng kapital.
Renta
Sahod
Interes
Tubo
Binabayad sa lupa na pagtatayuan ng negosyo.
Sahod
Interes
Renta
Tubo
Namamahala sa negosyo
Empleyado
Entrepreneur
Manager
Supervisor
Lumilinang ng mga likas na yaman para maging isang produkto.
Lupa
Paggawa
Kapital
Entrepreneur
Tawag sa kinikita ni entrepreneur.
Kapital
Tubo
Interest
Renta
Proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo.
Pagkonsumo
Kakapusan
Kakulangan
Produksyon
Bakit kumokunsumo ang tao?
Upang tugunan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan
Upang makiuso
Upang may maipagmalaki sa social media
Upang tumulong mga mga lokal na negosyo
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na tuwirang pagkonsumo?
Paglikha ng lata ng sardinas
Pagkain ng ice cream
Pananahi ng damit
Pagkukumpuni ng upuan
Tama o Mali. Habang lumalaki ang kita ng tao, lumalaki rin ang kaniyang kagustuhan at kakayahang kumonsumo
Tama
Mali
Siya ang nag-oorganisa , nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon.
entreprenyur
manggagawa
kapitan
empleyado
Ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto o mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paggawa ng mga kalakal at paglilingkod.
kapital
makinarya
pagawaan
lupa
Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibinibenta sa pamilihan
dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
ito ay pinapatayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?
Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
Ang pagkonsumo ay nagbibigay- daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:
puno ng inobasyon
maging malikhain
may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.
Nakabili si Mang Pedro ng mga makinarya upang mapabilis ang paggawa ng bag para sa pasukan. Ano ang katangian niyang taglay bilang entreprenyur?
malakas ang loob
mahusay mangasiwa
matalas ang pakiramdam para sa napapanahong produkto
mahusay makisama
Bakit kailangang makipagsabayan sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagproseso ng produkto?
Upang parating makasunod sa uso
Upang mabigyan ng kasiyahan ang sarili
Upang mapabilis ang proseso at mapanatili ang kalidad ng produkto
Upang mabawasan ang pagkainggit
Anong uri ng puhunan ang mga produktong madaling maubos tulad ng uling at langis?
pirminihang puhunan
palipat-lipat na puhunan
espesyal na puhunan
malayang puhunan
