WorksheetsGrade 9 - ESP 2nd Grading Exam Final Review
Total questions: 55
Worksheet time: 28mins
Ano ang ibig sabihin ng pagiging bukas sa pagkakaiba?
Pagpaparaya sa paniniwala ng iba kahit hindi ito tanggap ng karamihan
Pagtanggap sa sarili lamang at hindi pakikialam sa iba
Pagpapasunod sa lahat sa isang paniniwala upang magkaroon ng pagkakaisa
Pag-iwas sa diskusyon tungkol sa sensitibong paksa
Ano ang tawag sa kakayahang pigilan ang sarili sa mga di-kanais-nais na damdamin?
Katapangan sa harap ng tukso
Pagpigil sa sariling opinyon
Pagtitimpi sa gitna ng matinding emosyon
Pagtanggap sa limitasyon ng sarili
Ang “pasensiya” ay maaaring ituring na:
Natural na ugali ng mahinhinahon
Tugon ng isang taong umiwas sa gulo
Bahagi ng disiplina at pagpipigil sa sarili
Panandaliang pagtitiis lamang
Bakit mahalagang igalang ang sariling damdamin at kakayahan?
Upang makamit ang respeto ng iba
Dahil ito’y bahagi ng personal na kalayaan
Para hindi magpa-iwanan ng panahon
Dahil ang sarili ang pangunahing sanggunian sa pagpapasya
Kapag ang isang tao ay may pasensiya, ito ay nangangahulugan na siya ay:
Marunong magtimpi at umunawa kahit sa mahirap na sitwasyon
Palaging tahimik kahit mali ang ginagawa sa kanya
Iwas sa mga suliranin at responsibilidad
Sumusunod na lamang kahit hindi sang-ayon
Ayon sa aklat, ang paggalang ay nararapat ipakita sa:
Lahat ng taong may mataas na katungkulan
Mga taong may kaparehong paniniwala
Sarili, kapwa, at pamayanan
Mga taong marunong ding gumalang
Ang taong may pagtitimpi ay kadalasan:
Umiwas sa mga sitwasyon na mahirap
Nagpaparaya sa lahat ng bagay kahit mali
Nagpapakita ng kontrol sa damdamin at kilos
Hindi nagpapahayag ng saloobin
Ang pagiging bukas sa pagkakaiba ay nangangahulugang:
Pagtanggap at pakikilahok sa usaping panlipunan kahit taliwas sa opinyon
Pagkilala sa mga pagkakaiba ngunit pananatili sa sariling paninindigan
Pagbabago ng pananaw upang makisama
Pagpapakita ng simpatya sa kahit anong panig
Ang damdamin ng tao ay nararapat na:
Itinatago upang hindi makaapekto sa iba
Iahayag agad upang maibsan
Isang gabay na dapat pag-isipang mabuti bago sundin
Itinuturing na kahinaan kung hindi mapigil
Sa harap ng magkakaibang opinyon, ang nararapat ay:
Iwasan ang paksa upang walang gulo
Ipagpilitan ang sariling pananaw kung alam mong tama
Makinig, umunawa, at magpahayag ng may respeto
Manatiling tahimik upang hindi madamay
Ang pasensiya ay bahagi ng anong birtud na tumutukoy sa kakayahang:
Maghintay sa tamang oras
Magparaya sa lahat ng bagay
Sumunod kahit ayaw mo
Manahimik kahit inaapi
Ang taong may galang ay:
Pinipiling huwag manghimasok sa buhay ng iba
Marunong rumespeto sa opinyon kahit hindi sang-ayon
Laging sumusunod sa nakatatanda
Tahimik na lamang kahit mali ang nakikita
Bakit dapat galangin ang opinyon ng iba?
Upang magkaroon ng pagkakaisa sa grupo
Bilang tanda ng pagbibigay-halaga sa pagkatao ng bawat isa
Para maiwasan ang sagutan
Upang hindi magpa-initan
Ano ang nagpapakita ng likas na pagkakaiba ng tao?
Pare-parehong mithiin
Pagkakaiba sa karanasan, pananaw, at pagpapahalaga
Pagkakapareho sa edukasyon
Iisang layunin sa buhay
Paano maipapakita ang kontrol sa sarili?
Pagsigaw para mailabas ang saloobin
Pananahimik upang hindi makasakit
Pagpili ng tamang salita sa kabila ng galit
Paglayo sa tao upang umiwas sa gulo
Ano ang karaniwang ginagawa ng may pasensiya?
Inaantala ang pagdedesisyon para sa mas mabuting resulta
Pinagpapaliban ang nararapat
Tinatanggap ang lahat kahit mali
Pinipilit na huwag maramdaman ng galit
Sa hindi pagkakaunawaan, ang mainam na tugon ay:
Makipagtalo nang maayos at may respeto
Tumahimik na lamang at huwag makialam
Iwasan ang taong kausap
Ipagpilitan ang sariling panig
Ano ang pagpapa-sensiya?
Pagtitiis na may galit
Pagpapabaya sa pagkakamali
Pagpapatawad nang may unawa
Pag-iwas sa pakikisalamuhā
Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensiya?
Magbigay ng moral na paghatol
Magdikta ng emosyon
Magpatupad ng batas ng lipunan
Sumunod sa nakararami
Ano ang kahulugan ng moral na kalayaan?
Gawin ang anumang gusto
Pumili ng mabuti nang may pananagutan
Sumunod sa kagustuhan ng iba
Iwasan ang anumang pamantayan
Ano ang ugnayan ng kalayaan at pananagutan?
Walang relasyon ang dalawa
Kalayaan ay laging walang limitasyon
Pananagutan ay opsyonal
Kalayaan ay may kasamang pananagutan
Ano ang epekto ng pagpapasensiya sa relasyon ng tao?
Nagiging sanhi ng hidwaan
Nagpapalakas ng ugnayan
Nagpapakita ng kahinaan
Nasisira ang tiwala
Bakit kailangang hubugin ang konsensiya?
Para sa sariling interes
Para makaiwas sa kritisismo
Para makapili ng tama
Para makasunod sa iba
Ano ang ibig sabihin ng “walang kalayaan kung walang pananagutan”?
Kalayaan ay walang limitasyon
Kalayaan ay totoo kung may moralidad
Kalayaan ay pinipigil ng batas
Kalayaan ay walang etikal na halaga
Paano naaapektuhan ng konsensiya ang kalayaan?
Gumagabay sa wastong kilos
Wala itong epekto
Pumipigil sa pag-iisip
Nagdudulot ng takot
Kaibigan mong nakasakit sa’yo at humingi ng tawad. Ano ang tamang kilos?
Paghigantihan siya
Iwasan siya habang-buhay
Ibahagi sa iba ang galit
Patawarin siya at magpatuloy
Ang kaklase mo ay laging lumalabag sa patakaran. Ano ang dapat gawin?
Kausapin siya at magpayo
Hayaan siya basta hindi ka apektado
Isumbong agad nang walang usapan
Makisama sa maling gawain
May pagkakataong mandaya sa pagsusulit. Ano ang wastong kilos?
Mandaya para mataas ang marka
Tumanggi at maging tapat
Sumama sa iba na nandaraya
Manahimik at walang gawin
May inaapi dahil sa kapansanan. Ano ang gagawin mo?
Makisali sa panunukso
Manahimik upang hindi madamay
Pagtanggol at tulungan siya
Pabayaan dahil hindi mo problema
Paano maisasabuhay ang pagpapasensiya sa pamilya?
Patawarin at unawain ang pagkakamali
Sigawan kapag nagkamali
Sumbatan sa bawat pagkakataon
Iwasan upang parusahan
Paano ipakita ang tamang paggamit ng kalayaan sa paaralan?
Gumawa ng gusto kahit mali
Sumunod sa batas at gumawa ng tama
Iwasan ang mga patakaran
Abusuhin ang kalayaan
May kapitbahay na nagkakalat. Ano ang tamang hakbang?
Pabayaan lamang siya para makaiwas sa gulo
Gayahin para hindi mapuna
Isumbong agad nang walang paliwanag
Kausapin at paalalahanan siya
Paano nakakatulong ang tamang konsensiya sa alitan ng grupo?
Nagbibigay ng patas na solusyon
Kumakampi sa isa
Umiwas sa usapan
Pinagtatanggol ang mali
May kakilala kang bastos sa matatanda. Ano ang tamang gawin?
Gayahin siya
Sabihan at ituwid siya
Iwasan siya
Pabayaan siya
May kaibigan kang inaapi. Ano ang dapat mong piliin?
Ipaglaban siya kahit may takot
Manahimik para ligtas
Ipasa sa iba ang problema
Umatras upang hindi mapahiya
Bakit mahalaga ang pagpapasensiya?
Nauunawaan ka ng iba
Nakakaiwas sa parusa
Nagdudulot ng kapayapaan
Dahil ito ang uso
Ano ang gabay sa wastong paggamit ng kalayaan?
Konsensiya at moralidad
Sariling kagustuhan
Impluwensiya ng iba
Takot sa parusa
Ano ang ibig sabihin ng “paglilingkod”?
Pagpapahinga
Pagkilos para sa sariling kapakanan
Pagkilos para sa kapwa
Paglalakbay
Alin sa mga ito ang halimbawa ng simpleng paglilingkod?
Pagtulong sa matandang tumatawid
Pagtulog sa maghapon
Pagpapaganda ng sarili
Pagbili ng bagong gamit
Ano ang tawag sa mga serbisyong binabayaran tulad ng pagtutubero o pagkakarpintero?
Serbisyo-publiko
Lingkod-bayan
Serbisyong panlahat
Boluntaryong gawain
Ano ang tawag sa serbisyong walang bayad na para sa kabutihang panlahat?
Serbisyo-publiko
Serbisyong panlahat
Negosyo
Lingkod-bayan
Ano ang tawag sa taong nagbibigay ng serbisyo para sa lipunan nang walang kapalit?
Manenerbisyo
Lingkod-bayan
Tagapagbenta
Kostumer
Ayon kay Booker T. Washington, ang bawat kilos natin ay maaaring _______.
Walang epekto sa iba
Maging dahilan ng pagtutulungan o pagkakasira
Maging hadlang sa ating tagumpay
Makasira ng kalikasan
Ano ang layunin ng programang Bantay-Boto?
Para sa kalinisan ng kapaligiran
Para sa malinis at tapat na halalan
Para sa pagtulong sa may sakit
Para sa pagbabantay ng presyo
Para saan ang Text-Brigada?
Para sa pag-aaral
Para sa pagbabantay sa krimen
Para sa negosyo
Para sa isports
Ano ang layunin ng Bantay-Kahoy?
Labanan ang illegal logging
Bantayan ang pagputol sa mga puno
Linisin ang mga kalsada
Magtanim ng bulaklak
Ang Bantay-Dagat ay tumutulong upang _______.
Magturo ng pangingisda
Labanan ang ilegal na pangingisda at protektahan ang dagat
Magbenta ng isda
Linisin ang lansangan
Ang Sagip-Ilog ay may layuning _______.
Maglinis ng dagat
Magtanim ng puno
Mapangalagaan ang mga anyong-tubig
Magbantay ng ilegal na pangingisda
Ano ang layunin ng Tamang Pagbubukod ng Basura?
Upang mapaganda ang tahanan
Upang maiwasan ang polusyon
Upang kumita ng pera
Upang mag-recycle
Ang Bantay-Droga ay naglalayong _______.
Magturo ng kalinisan
Labanan ang bentahan ng ilegal na droga
Magbenta ng gamot
Magtanim ng halaman
Para saan ang Bantay-Presyo?
Upang bantayan ang presyo ng mga produkto
Upang magbantay ng trapiko
Upang magturo ng negosyo
Upang maglinis ng barangay
Ang ABS-CBN Citizen Patrol ay tumutulong sa pagpapanatili ng _______.
Negosyo at kalakalan
Kapayapaan, kaayusan, at kalinisan
Edukasyon
Halalan
Kapag ang isang tao ay bumibili ng mga bagay na hindi naman niya kailangan, ano ang pinakanaaaangkop na epekto nito sa lipunan ayon sa aralin?
Nagpapakita ito ng sipag at kasipagan sa trabaho
Nakatutulong ito sa paglagо ng ekonomiya
Nagpapalaganap ito ng kultura ng labis at kawalan ng balanse
Nagbibigay ito ng inspirasyon sa iba na magtagumpay
Ayon sa konsepto ng “sapat,” alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit sa tamang paraan ng paggamit ng likas na yaman?
Pagkuha ng marami upang may maipon para sa hinaharap
Pagbabahagi ng labis upang maibsan ang kahirapan
Pagkonsumo ng katamtaman batay sa tunay na pangangailangan
Pag-iwas sa paggamit ng anumang likas na yaman
Bakit itinuturing na moral na tungkulin ng tao ang pagiging “sapat”?
Dahil ito ay nagbubunga ng pagyaman ng indibidwal
Dahil ito ay nagtitiyak ng pagkakapantay ng paggamit ng likas na yaman
Dahil ito ay nagpapakita ng kababaang-loob sa lipunan
Dahil ito ay alinsunod sa batas ng kalikasan
