wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer_2 AP 8 2nd Quarter MATATAG

Total questions: 57

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang mahahalagang pangyayari noong ika-15 at ika-16 siglo bago ang panahon ng paggalugad ng mga maglalayag?

a)

Ang mahahalagang pangyayari ay ang mga pagbabago sa lipunan, ekonomiya, at teknolohiya na nagbigay-daan sa paggalugad ng mga maglalayag.

b)

Ang mahahalagang pangyayari ay ang pag-usbong ng mga imperyo sa Timog Amerika.

c)

Ang mahahalagang pangyayari ay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa Europa.

d)

Ang mahahalagang pangyayari ay ang pagkatuklas ng kape sa Africa.

2.

Ano ang mga pangyayari at kinahinatnan ng paggalugad at kolonyalismo ng mga Europeo sa mga bagong lupain sa America?

a)

Nagkaroon ng malawakang kolonisasyon, pagbabago sa kultura, at pag-usbong ng mga bagong pamahalaan sa America.

b)

Naging sanhi ito ng pag-unlad ng mga katutubong sibilisasyon at pag-iwas ng mga Europeo sa America.

c)

Nagresulta ito sa pagkakaroon ng kapayapaan at hindi nagbago ang pamumuhay ng mga katutubo.

d)

Walang naging epekto sa ekonomiya at kultura ng America ang pagdating ng mga Europeo.

3.

Ano ang naging tugon ng mga Asyano sa panahon ng paggalugad at kolonyalismo?

a)

Nagkaroon ng iba't ibang tugon tulad ng pakikipaglaban, pakikipagkalakalan, at pag-aangkop sa mga pagbabago.

b)

Walang naging tugon ang mga Asyano at tinanggap lamang ang kolonyalismo.

c)

Lahat ng Asyano ay nagkaisa at hindi tumanggap ng anumang pagbabago.

d)

Ang mga Asyano ay nagpasya na iwasan ang anumang uri ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.

4.

Ano ang imperyalismong Europeo at paano ito nakaapekto sa Japan sa Asya at Africa?

a)

Ang imperyalismong Europeo ay nagdulot ng kolonisasyon, pagbabago sa pamahalaan, at pag-usbong ng nasyonalismo sa Japan, Asya, at Africa.

b)

Ang imperyalismong Europeo ay nagdulot ng pag-unlad ng teknolohiya lamang sa Japan, Asya, at Africa.

c)

Ang imperyalismong Europeo ay nagdulot ng kapayapaan at walang pagbabago sa pamahalaan sa Japan, Asya, at Africa.

d)

Ang imperyalismong Europeo ay nagdulot ng pag-alis ng nasyonalismo at pagwawalang-bahala sa kultura ng Japan, Asya, at Africa.

5.

Ano ang Enlightenment at Rebolusyong Amerikano at paano ito nakaapekto sa paglaganap ng nasyonalismo at pagkabansa?

a)

Ang Enlightenment ay nagbigay ng ideya ng kalayaan at karapatang pantao, habang ang Rebolusyong Amerikano ay nagbigay inspirasyon sa iba pang bansa na magtatag ng sariling bansa.

b)

Ang Enlightenment ay nagpalaganap ng relihiyon, habang ang Rebolusyong Amerikano ay nagpatibay ng monarkiya sa Amerika.

c)

Ang Enlightenment ay nagdulot ng digmaan sa Europa, habang ang Rebolusyong Amerikano ay nagpatigil sa kalakalan.

d)

Ang Enlightenment ay nagbigay ng ideya ng absolutism, habang ang Rebolusyong Amerikano ay nagpalakas ng kapangyarihan ng hari.

6.

Ano ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng Rebolusyong Pranses at paano ito nakaapekto sa pagbuo ng mga bansang estado?

a)

Ang Rebolusyong Pranses ay nagdulot ng pagbagsak ng monarkiya, pag-usbong ng republika, at paglaganap ng ideya ng nasyonalismo.

b)

Ang Rebolusyong Pranses ay nagpatibay ng kapangyarihan ng mga hari at nagbawal sa nasyonalismo.

c)

Ang Rebolusyong Pranses ay nagdulot ng paglawak ng imperyo ng Britanya sa Europa.

d)

Ang Rebolusyong Pranses ay nagresulta sa pagbalik ng absolutong monarkiya sa Pransya.

7.

Ano ang naging tugon ng ilang bansa sa Asya, Africa, at Latin America sa imperyalismong Europeo?

a)

Nagkaroon ng iba't ibang tugon tulad ng paglaban, pakikipag-alyansa, at pag-aangkop sa mga pagbabago.

b)

Walang naging tugon at tinanggap lamang ang imperyalismo.

c)

Lahat ng bansa ay nagkaisa at hindi tumutol sa mga Europeo.

d)

Ang mga bansa ay nagpadala ng mga sundalo upang tulungan ang mga Europeo.

8.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng mga lungsod-estado sa Italy noong Renaissance?

a)

Pagbagsak ng kalakalan.

b)

Pagsalakay ng mga barbaro.

c)

Pagbagsak ng Simbahang Katolika.

d)

Pag-unlad ng kalakalan at industriya.

9.

Sino ang kilalang pamilyang tagapagtangkilik ng sining sa Florence?

a)

A. Bourbon

b)

B. Habsburg

c)

C. Medici

d)

D. Tudor

10.

Ano ang naging bunga ng paggamit ng compass at astrolabe?

a)

Pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal.

b)

Pagbubuo ng unyon sa mga bansa.

c)

Paglawak ng imperyo ng Rome.

d)

Paglakas ng eksplorasyon.

11.

Ano ang kinalaman ng humanismo sa Renaissance?

a)

Pagtutol sa agham.

b)

Pagtuon sa relihiyon.

c)

Pagbabalik sa pamumuno ng hari.

d)

Pagpapahalaga sa kakayahan ng tao.

12.

Paano nakaapekto ang Renaissance sa siyensya?

a)

Pinalakas ang paniniwala sa mga pamahiing lumaganap.

b)

Nagbukas ng kaisipan sa eksperimento at obserbasyon.

c)

Naging sentro ng pag-aaral ang relihiyon sa agham.

d)

Ipinagbawal ang pananaliksik ng mga siyentipiko.

13.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pag-unlad ng Europa bago ang eksplorasyon?

a)

Umasa sa kalakalan at edukasyon.

b)

Walang pagbabago sa lipunan.

c)

Nabawasan ang populasyon.

d)

Mahina ang ekonomiya.

14.

Ano ang pangunahing layunin ng mga eksplorador na Europeo?

a)

Magturo ng sining at kultura sa ibang bansa.

b)

Mangalakal ng mga alipin sa iba't ibang lugar.

c)

Magsagawa ng mga ekspedisyon para sa pananakop.

d)

Magpalaganap ng relihiyon, yaman, at kapangyarihan.

15.

Cape of Good Hope?

a)

Bartolomeu Dias

b)

Christopher Columbus

c)

Vasco da Gama

d)

Fersinand Magellan

16.

Aling bansa ang nanguna sa eksplorasyon noong ika-15 siglo?

a)

England

b)

France

c)

Germany

d)

Portugal

17.

Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga bansang Asyano?

a)

Pag-unlad ng sariling pamahalaan.

b)

Pagsasamantala sa likas na yaman.

c)

Pagkakapantay ng karapatan.

d)

Pagsasarili ng ekonomiya.

18.

Paano nakatulong ang mga misyonerong Europeo sa pananakop?

a)

Sa pag-unlad ng industriya at kalakalan sa bansa.

b)

Sa pagsasanay ng mga sundalo para sa digmaan.

c)

Sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga kolonya.

d)

Sa pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mananakop.

19.

Ano ang naging epekto ng eksplorasyon sa paglawak ng kaalaman ng tao?

a)

Nagbunga ng bagong kaalaman sa larang ng heograpiya.

b)

Nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya ng Europa.

c)

Nagdulot ng paghina ng kalakalan sa mga bansa.

d)

Nagdulot ng takot sa paglalayag sa karagatan.

20.

Ano ang pangunahing dahilan ng Rebolusyong Pranses?

a)

Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing kalakal.

b)

Hindi pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.

c)

Pagbuo ng imperyo sa mga bansang Europeo.

d)

Pag-unlad ng agrikultura sa iba’t ibang lalawigan.

21.

Sino ang pinuno ng Rebolusyong Amerikano?

a)

Napoleon Bonaparte

b)

George Washington

c)

Louis XVI

d)

Robespierre

22.

Ano ang naging bunga ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Pagbaba ng populasyon.

b)

Pagbawas sa paggawa.

c)

Pag-usbong ng makinarya.

d)

Pagbagsak ng ekonomiya.

23.

Ano ang pagkakatulad ng Rebolusyong Amerikano at Pranses?

a)

Laban sa kolonyal na pang-aapi.

b)

Pagsusulong ng demokrasya.

c)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

d)

Pagbagsak ng mga manggagawa.

24.

Alin sa mga sumusunod ang epekto ng Rebolusyong Industriyal sa mga manggagawa?

a)

Mas maikling oras ng paggawa sa mga industriya.

b)

Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa pabrika.

c)

Paggamit ng mga bata bilang manggagawa sa pabrika.

d)

Lahat ng manggagawa ay nagmay-ari ng kani-kanilang lupa.

25.

Ano ang naging ambag ng Enlightenment sa mga rebolusyon?

a)

Pagpapalaganap ng ideya ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.

b)

Pagpapalakas ng kapangyarihan ng monarkiya sa Europa.

c)

Pagbuo ng malalaking imperyo sa iba’t ibang bansa.

d)

Pagtaas ng buwis na ipinataw sa mga mamamayan.

26.

Ano ang katangian ng sistemang pyudalismo sa Europe?

a)

Ang sistemang pyudalismo ay may mahigpit na antas ng lipunan kung saan ang lupa ay pag-aari ng mga maharlika at ang mga magsasaka ay naglilingkod sa kanila.

b)

Ang pyudalismo ay isang sistemang demokratiko kung saan lahat ay may pantay na karapatan sa lupa.

c)

Ang pyudalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kalakalan at industriya.

d)

Ang pyudalismo ay isang sistemang pampulitika na pinamumunuan ng isang hari na walang maharlika.

27.

Paano nakatulong ang samuray sa Japan?

a)

Sa pagpapatupad ng kapayapaan, disiplina, at katapatan.

b)

Sa pagpapaunlad ng kalakalan sa mga bansang Europeo.

c)

Sa pagpapabagsak ng kapangyarihan ng mga shogun.

d)

Sa pagpapatayo ng mga paaralan at paaralang militar.

28.

Ano ang naging sistema ng lipunan sa Africa bago ang kolonyalismo?

a)

Pamilya at tribo ang naging sentro ng lipunan.

b)

Pyudalismo bilang umiiral na sistema ng lipunan.

c)

Kapitalismo bilang batayan ng kalakalan at ekonomiya.

d)

Monarkiya bilang pangunahing sistema ng pamahalaan.

29.

Paano nakaapekto ang pyudalismo sa kababaihan?

a)

Naging limitado ang kanilang papel sa lipunan.

b)

Naging pinuno ng mga kaharian at pamahalaan.

c)

Lahat ng babae ay nagkaroon ng mataas na edukasyon.

d)

Nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga kababaihan.

30.

Ano ang pagkakatulad ng lipunang Europeo at Asyano?

a)

Parehong agraryo

b)

Parehong kapitalista

c)

Parehong industriyalisado

d)

Parehong demokratiko

31.

Ano ang simbolo ng kapangyarihan ng hari sa Europe?

a)

Espada

b)

Korona

c)

Scroll

d)

Simbahan

32.

Sino ang nagtaguyod ng ideya ng paghihiwalay ng kapangyarihan sa pamahalaan?

a)

Locke

b)

Montesquieu

c)

Rousseau

d)

Voltaire

33.

Ano ang pangunahing layunin ng Enlightenment?

a)

Paghina ng impluwensiya ng relihiyon sa lipunan.

b)

Pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga monarkiya.

c)

Pagsulong ng paggamit ng rason, agham, at kaalaman.

d)

Pagpapalawak ng teritoryo ng mga makapangyarihang bansa.

34.

Sino ang naniniwalang likas na mabuti ang tao ngunit pinipinsala ng lipunan?

a)

Hobbes

b)

Locke

c)

Rousseau

d)

Voltaire

35.

Alin sa mga sumusunod ang diwa ng Enlightenment?

a)

Paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos.

b)

Pananalig sa rason at katarungan.

c)

Pagbibigay kapangyarihan sa hari.

d)

Pagpapabaya sa agham.

36.

Anong dokumento sa America ang bunga ng ideyang Enlightenment?

a)

Magna Carta

b)

Treaty of Versailles

c)

Bill of Rights (England)

d)

Declaration of Independence

37.

Ang kontribusyon ni Voltaire ay:

a)

Pagpapalaganap ng ideya ng kalayaan at karapatang pantao

b)

Pagbuo ng teorya ng ebolusyon

c)

Pagdiskubre ng penicillin

d)

Paglikha ng teoryang heliocentric

38.

Ano ang kinalabasan ng mga ideya ng Enlightenment sa pamahalaan?

a)

Pag-usbong ng demokrasya.

b)

Pagbabalik sa absolutismo.

c)

Pagbagsak ng republika.

d)

Pagsibol ng pyudalismo.

39.

Ano ang aral ng Enlightenment tungkol sa karapatan ng tao?

a)

Ang karapatan ay ipinagkakaloob ng hari.

b)

Likas na karapatan ito ng bawat isa.

c)

Depende sa kapangyarihan.

d)

Depende sa kasarian.

40.

Sino ang nagsabing “Ang pamahalaan ay may tungkuling pangalagaan ang karapatan ng tao”?

a)

Hobbes

b)

Locke

c)

Newton

d)

Rousseau

41.

Ano ang pangunahing katangian ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Manwal na paggawa

b)

Paggamit ng makinarya

c)

Paglaho ng pabrika

d)

Pagbabalik sa agrikultura

42.

Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa mga lungsod?

a)

Urbanisasyon o paglaki ng mga lungsod sa bansa.

b)

Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod at lalawigan.

c)

Pagkakaroon ng kalamidad dahil sa solusyon at basura.

d)

Pagbagsak ng ekonomiya ng mga industriyalisadong lugar.

43.

Saan unang nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?

a)

America

b)

England

c)

France

d)

Germany

44.

Ano ang naimbento ni James Watt?

a)

Cotton gin

b)

Steam engine

c)

Telegraph

d)

Sewing machine

45.

Ano ang epekto ng makinarya sa paggawa?

a)

Bumagal ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo.

b)

Bumilis at lumago ang produksyon sa mga pabrika.

c)

Nawala ang mga pabrika sa ilang industriya.

d)

Lahat ay nawalan ng trabaho at kabuhayan.

46.

Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa kalikasan?

a)

Paglago ng kagubatan sa iba’t ibang lalawigan.

b)

Polusyon at pagdumi ng mga ilog at karagatan.

c)

Pagtigil ng pagmimina sa piling mga kabundukan.

d)

Pagtaas ng produksyon sa larangan ng agrikultura.

47.

Anong sistema ang umusbong pagkatapos ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Kapitalismo

b)

Monarkiya

c)

Pyudalismo

d)

Sosyalismo

48.

Sino ang nagtaguyod ng ideya ng komunismo?

a)

Adam Smith

b)

Karl Marx

c)

Engels

d)

Lenin

49.

Ano ang layunin ni Adam Smith sa “The Wealth of Nations”?

a)

Kontrolin ang ekonomiya

b)

Paboran ang pamahalaan

c)

Itaguyod ang free market economy

d)

Labanan ang kalayaan sa negosyo

50.

Ano ang pangunahing dahilan ng Imperyalismong Europeo?

a)

Paghahanap ng likas na yaman at mga pamilihan.

b)

Pagpapalaganap ng sining at kulturang Europeo.

c)

Pananakop ng ibang lupain para sa relihiyon.

d)

Pagpapasikat ng bansa sa iba't ibang lugar.

51.

Ano ang ibig sabihin ng “White Man’s Burden”?

a)

Pagrespeto sa karapatan at kalayaan ng mga Asyano.

b)

Pagpapalakas ng mga bansa sa Asya laban sa Europe.

c)

Pagbibigay ng ganap na kalayaan sa mga mamamayan.

d)

Tungkulin ng mga Europeo na “paunlarin” ang mga kolonya.

52.

Ano ang naging epekto ng imperyalismo sa Asya?

a)

Pagkakaisa ng mga bansa.

b)

Pagtaas ng sahod ng manggagawa.

c)

Pagsasamantala sa likas na yaman.

d)

Pagbaba ng impluwensiya ng mga Europeo.

53.

Alin sa mga bansang Asyano ang hindi nasakop ng Kanluran?

a)

Vietnam

b)

Thailand

c)

Indonesia

d)

India

54.

Ano ang naging bunga ng kolonyalismo sa Africa?

a)

Pagtatatag ng paaralan at simbahan ngunit may pagsasamantala.

b)

Paglayo ng mga alipin mula sa mapang-abusong panginoon.

c)

Pag-unlad ng sariling pamahalaan at sistemang politikal.

d)

Pagkakaisa ng mga tribo sa ilalim ng isang pinuno.

55.

Paano tumugon ang mga Asyano sa pananakop?

a)

Lumaban at nag-alsa laban sa mga mananakop.

b)

Lumisan sa bansa upang makaiwas sa kaguluhan.

c)

Tinanggap ang lahat ng patakaran ng kolonyalismo.

d)

Nanatiling tahimik sa gitna ng pananakop ng dayuhan.

56.

Alin ang pangmatagalang epekto ng imperyalismo sa Asya at Africa?

a)

Pagkawala ng pagkakakilanlan ng mga katutubong mamamayan.

b)

Pagbubuo ng makabagong estado sa mga bansang Asyano.

c)

Pag-unlad ng demokrasya sa ilalim ng bagong pamahalaan.

d)

Pagbagsak ng kultura dahil sa kolonyal na impluwensiya.

57.

Ano ang aral na makukuha sa pananakop ng mga Europeo?

a)

Ang kapangyarihan ay dapat gamitin nang may pananagutan.

b)

Ang pagsasamantala ay itinuturing na paraan ng pag-unlad.

c)

Ang karahasan ay ginagamit bilang tanging solusyon.

d)

Ang kolonyalismo ay ipinapalagay bilang katarungan.