wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pasulit sa Araling Panlipunan 8

Total questions: 60

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Anong klima mayroon ang bansang Japan?

a)

Temperate

b)

Polar

c)

tropical

d)

wala sa nabanggit

2.

Ang bansang India ay matatagpuan sa kontinenting__________.

a)

Europe

b)

Africa

c)

North America

d)

Asia

3.

Anong bansa ang matatagpuan sa 23ᴼ N latitude, 90ᴼ W longitude?

a)

India

b)

Philippines

c)

Egypt

d)

Mexico

4.

Anong imahinasyong guhit ang humahati sa kanluran at silangan ng hemispero?

a)

Prime Meridian

b)

Equator

c)

Latitude

d)

Longitude

5.

Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere?

a)

equator

b)

longitude

c)

latitude

d)

prime meridian

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kontinenting Asia?

a)

China

b)

Egypt

c)

Japan

d)

India

7.

Anong sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?

a)

antropolohiya

b)

heograpiya

c)

ekonomiks

d)

kasaysayan

8.

Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig maliban sa;

a)

Anyong Lupa at tubig

b)

Plant life at animal life

c)

Klima at panahon

d)

Nakaempluwensya sa mga sibilisasyon ng isang bansa

9.

Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan?

a)

Upang mas maunawaan ang mga kwento ng lugar o bansa

b)

Upang maanawaan ang ari ng pamumuhay at kultura ng tao sa isang bansa

c)

Nakaempluwensya sa mga sibilisasyon ng isang bansa

d)

Lahat ng nabanggit

10.

Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay ang mga lugar at bagay na nasa paligid nito?

a)

Latitude

b)

Relative location

c)

Absolute location

d)

Longitude

11.

Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?

a)

A. lokasyon

b)

B. lugar

c)

C. paggalaw

d)

D. rehiyon

12.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?

a)

Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.

b)

Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.

c)

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.

d)

Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

13.

Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?

a)

Ang Germany ay miyembro ng European Union.

b)

Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.

c)

Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

d)

Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.

14.

Anong salita ang tumutukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?

a)

A. etniko

b)

B. etnisidad

c)

C. etnolingguwistiko

d)

D. katutubo

15.

Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?

a)

A. etniko

b)

B. etnisidad

c)

C. lahi

d)

D. relihiyon

16.

Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?

a)

A. lahi

b)

B. wika

c)

C. relihiyon

d)

D. pangkat-etniko

17.

Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?

a)

A. Budismo

b)

B. Hinduismo

c)

C. Islam

d)

D. Kristiyanismo

18.

Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?

a)

A. lahi

b)

B. relihiyon

c)

C. teknolohiya

d)

D. wika

19.

Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan?

a)

A. etniko

b)

B. lahi

c)

C. paniniwala

d)

D. wika

20.

Bilang mag-aaral, ano ang mahalagang papel na ginampananng wika sa tao?

a)

A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.

b)

B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.

c)

C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.

d)

D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.

21.

Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?

a)

Historiko

b)

C. Mesolitiko

c)

Neolitiko

d)

D. Prehistoriko

22.

Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

a)

Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal

b)

Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal

c)

Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse

d)

Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso

23.

Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?

a)

Agrikultura

b)

Apoy

c)

Irigasyon

d)

Metal

24.

Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?

a)

Ice Age

b)

Mesolitiko

c)

Neolitiko

d)

Paleolitiko

25.

Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?

a)

Mesolitiko

b)

Neolitiko

c)

Metal

d)

Paleolitiko

26.

Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao?

a)

Neolitiko

b)

Mesolitiko

c)

Metal

d)

Paleolitiko

27.

Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?

a)

gitnang panahon ng bato

b)

panahon ng lumang bato

c)

panahon ng bagong bato

d)

gitnang panahon ng bronse

28.

Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:

a)

naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.

b)

gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.

c)

nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.

d)

marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.

29.

Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko?

a)

Natutunan na ang pagmimina.

b)

Takot silang mabihag ng ibang tribu.

c)

Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.

d)

Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop.

30.

Malaki ang epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao. Ang mga sumusunod ay nagpapatunay sa kongklusyong ito maliban sa;

a)

dumami ang pagkain ng tao.

b)

natustusan ang mga pangangailangan.

c)

nagbibigay ito ng liwanag

d)

sa dami ng suplay ng pagkain natutong makipagpalitan ang mga tao

31.

Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.

a)

Mongoloid

b)

Polaroid

c)

Negroid

d)

Caucasoid

32.

Maiitim ang kulay ng balat at kulut-kulot ang kanilang buhok.

a)

Polaroid

b)

Caucasoid

c)

Negroid

d)

Mongoloid

33.

Mapuputing tao,matatangkad,maputi o blonde ang buhok at bughaw

a)

Polariod

b)

Mongoloid

c)

Caucasoid

d)

Negroid

34.

Ito ay ang salitang Greek ng “mamamayan”

a)

ethos

b)

ethnos

c)

etniko

d)

ethose

35.

Ito ay tumutukoy sa matandang relihiyon na umunlad sa India

a)

Hinduismo

b)

Budhismo

c)

Islam

d)

Katoliko

36.

Alin sa mga sumusunod ang naging kaparaanan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao noong panahong Paleolitiko?

a)

A. Pagsasaka at pangangaso.

b)

B. Pagsasaka at pangingisda.

c)

C. Pagsasaka at paghahayupan

d)

D. Pangangaso at pangangalap ng mga pagkain

37.

Ang metal na kapag inihalo sa tanso ay mabubuo ang alloy na bronze.

a)

A. Tin

b)

B.Bakal

c)

C. Pilak

d)

D.Ginto

38.

Ang kabihasnan na unang nakatuklas sa pagpapanday ng bakal upang makabuo ng mga kagamitan.

a)

A. Hittites

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D.Sumerian

39.

Nagsimula ang Kabihasnang Mesopotamia sa paligid ng:

a)

A. Ilog Huang Ho

b)

B. Ilog Indus

c)

C. Ilog Nile

d)

D. Ilog Tigris at Euphrates

40.

Anong kabihasnan ang tinawag na “The Gift of Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay magiging isang disyerto?

a)

A. Ehipto

b)

B. Indus

c)

C. Mesopotamia

d)

D. Tsino

41.

Ano ang lupaing matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog?

a)

A. Ehipto

b)

B. Indus

c)

C. Mesopotamia

d)

D. Tsino

42.

Saan matatagpuan ang ilog Huang Ho na nagbigay daan sa pagsilang ng sibilisasyon?

a)

A. Tsina

b)

B. India

c)

C. Iraq

d)

D. Egypt

43.

Saang kontinente matatagpuan ang Kabihasnang Ehipto?

a)

A. Antartika

b)

B. Aprika

c)

C. Asya

d)

D. Europa

44.

Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?

a)

kasaysayan

b)

matematika

c)

heograpiya

d)

antropolohiya

45.

Anong replika ng mundo nag ginagamit sa paaralan?

a)

Mapa ng Mundo

b)

Philippine map

c)

Globo

d)

Asean Map

46.

Anong degree matatagpuan ang Tropic of Cancer?

a)

23.5 hilaga ng Equator

b)

23.5 timog ng Equator

c)

66.5 hilaga ng Equator

d)

66.5 silanga ng Equator

47.

Ilang Hemispero ang daigdig?

a)

2

b)

3

c)

4

d)

5

48.

Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya ng daigdig?

a)

Ang daigdig ay tahanan ng tao.

b)

Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa.

c)

Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao.

d)

Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan.

49.

Ang heograpiya at kasaysayan ay:

a)

hindi magkatulad.

b)

may ugnayan sa isa’t isa.

c)

magkatulad.

d)

walang kaugnayan sa isa’t isa.

50.

Alin sa mga pangungusap ang hindi kasama sa mga patunay na ang heograpiya

ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan?

a)

Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.

b)

Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon ng kanyang pagsalakay doon.

c)

Ang mga taga-Alaska ay may makapal na pananamit at nakatira sa

bahay na yelo o igloo.

d)

Ayon kay Rizal, napagkamalang tamad ang mga Pilipino dahil sa init ng klima sa Pilipinas.

51.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay sa heograpiya?

a)

Pinag-aaralan ang lahat ng bagay sa mundo

b)

hinuhubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon

c)

Nagpapakita ng senyales na mayaman ang kultura ng bansa

d)

nagiging mapagmasid ang heograpiya sa pag-unlad ng kabihasnan

52.

Katungkulan ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan upang:

a)

magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan.

b)

huwag magalit ang Diyos sa tao.

c)

magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng buhay ng mga taong naninirahan dito.

d)

mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito.

53.

Tukoy-tema-Aplikasyon: Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.

a)

Lugar

b)

Lokasyon

c)

Paggalaw

d)

Interakasyon ng tao at kapaligiran

54.

Ang pinakamalaking karagatan?

a)

Pacific Ocean

b)

Atlantic Ocean

c)

Indian Ocean

d)

Southern Ocean

55.

Ang pinakamaliit na kontinente?

a)

South America

b)

Antartica

c)

Europe

d)

Australia

56.

Anong kontinente ang may letrang D?

a)

Europe

b)

Asia

c)

North America

d)

South America

57.

Anong karagatan ang makikita sa letrang M?

a)

Southern Ocean

b)

Arctic Ocean

c)

Pacific Ocean

d)

Indian Ocean

58.

Ang pinakamaliit na kontinente?

a)

South America

b)

Antartica

c)

Europe

d)

Australia

59.

Ang karagatang hangganan ng Asia, Africa, and Australia.

a)

Southern Ocean

b)

Arctic Ocean

c)

Indian Ocean

d)

Atlantic Ocean

60.

Patuloy ang mga debate sa U.N. kung paano masosolusyunan ang nagaganap na Global Warming sa ating mundo.

a)

Lokasyon

b)

Lugar

c)

Rehiyon

d)

Paggalaw

e)

Interaksyon ng Tao at Kapaligiran