Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahan Pagsusulit sa Aralin Panlipunan

Total questions: 53

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang ibig sabihin ng "Pangea" ayon sa teoryang Continental Drift?

a)

Ito ay karagatan na bumabalot sa daigdig.

b)

Ito ay isang "superkontinenteng" nagbuklod sa lahat ng lupain noon.

c)

Ito ay bulkan sa gitna ng Asya.

d)

Ito ay isang rehiyon sa sinaunang Europa.

2.

Paano nakakatulong ang lokasyong relatibo sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?

a)

Nakakatulong ito gamit ang teknolohiya ng GPS.

b)

Nagagamit sa pagtukoy gamit ang direksyon at distansya.

c)

Isinasaalang-alang ng mga nakapaligid dito.

d)

Natutukoy ang lokasyon ng mapa sa digital na paraan.

3.

Ano ang maaaring epekto kung ang mga kontinente ay patuloy na uusad ayon sa Plate Tectonics Theory?

a)

Magkakaroon ng panibagong kontinente na pinangalanang "Neo-Earth".

b)

Mabubura ang mga ilog at lawa.

c)

Posibleng magkaroon ng lindol at pagbabago sa anyo ng lupa.

d)

Magiging mas malamig ang klima sa buong daigdig.

4.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pangangalaga ng mga anyong tubig sa inyong lugar?

a)

Mag-organisa ng tree planting sa bundok sa tulong ng iyong paaralan.

b)

Magtapon ng basura at pinaglabahan sa ilog.

c)

Iwasan ang paggamit ng mga produktong kemikal na dumadaloy sa kanal.

d)

I-post sa social media ang mga tanyag ng anyong tubi sa inyong lugar.

5.

Bakit nakaaapekto ang klima sa uri ng kabuhayan ng mga tao sa isang lugar?

a)

Ang klima, lalo na kung malamig ay nakaka enganyo sa mga tao na mas magtrabaho.

b)

Ang klima ay nakaaapekto sa uri ng pananim at hayop na maaring alagaan.

c)

Ang klima ay nagdudulot ng mas mataas ang kita sa malamig na lugar.

d)

Ang klima ay walang epekto sa kabuhayan.

6.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong interaksyon ng tao sa kapaligiran?

a)

Pagkakalbo ng kagubatan upang pagtayuan ng subdibisyon at mga gusali.

b)

Pag-akyat ng tao sa bundok para sa libangan.

c)

Pagpapalawak ng mga taniman sa paraan na hindi sinisira ang natural na ecosystem.

d)

Pag-aangkat ng pagkain mula sa ibang bansa upang bumaba ang presyo ng bilihin.

7.

Saan umusbong ang kabihasnang Sumer?

a)

Indus Valley

b)

C. Tigris at Euphrates

c)

Huang He

d)

D. Nile

8.

Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerians?

a)

Hieroglyphics

b)

B. Sanskrit

c)

C. Latin

d)

D. Cuneiform

9.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit umusbong ang mga sinaunang kabihasnan malapit sa mga ilog?

a)

Proteksiyon mula sa kaaway

b)

C. Pagkakaroon ng masaganang sakahan.

c)

Relihiyosong paniniwala

d)

D. Madaling makabuo ng lungsod.

10.

Ipinagpapalagay mong may pamayanan sa tabi ng Ilog Indus. Ano ang maaaring hanapbuhay ng mga tao rito?

a)

Ang mga tao ay magmimina sa bundok.

b)

Ang mga tao ay mag-aalaga ng hayop.

c)

Ang mga tao ay magsasaka at palalawakin ang sistema ng irigasyon.

d)

Ang mga tao ay gagawa ng mga sasakyan pang dagat at makikipag kalakalan.

11.

Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat bigyang-pansin upang mas mapabuti ang isang kabihasnan?

a)

Sistema ng pamahalaan.

b)

C. Sistema ng pagsulat.

c)

Pag-unlad ng sining

d)

D. Pagpaparami ng armas.

12.

Batay sa iyong pag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan?

a)

Para sa pagtatala at eksaminasyon.

b)

Para gayahin ang estilo ng kanilang pamumuhay.

c)

Para maunawaan ang pag-unlad ng kasalukuyang lipunan.

d)

Para makagawa ng sariling imperyo.

13.

Ano ang epekto ng pagkakahati-hati ng Gresya sa mga pulo at kabundukan sa kanilang pamahalaan?

a)

Nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan ang Gresya.

b)

Nagkaroon ng magandang relasyon ang Gresya sa mga karatig na bansa.

c)

Lalong lumawak ang imperyo ng Gresya.

d)

Nabuo ang mga lungsod-estado na may sariling pamahalaan.

14.

Bakit maituturing na sibilisado ang mga Minoan?

a)

Dahil sa kanilang malalaking palasyo at maayos na drainage system.

b)

Dahil nanakop sila ng maraming lupain.

c)

Dahil sila ay mga mangingisda at magsasaka.

d)

Dahil hindi sila umalis sa isla ng Crete.

15.

Paano natin maihahambing ang pamumuhay ng mga Griyego noon sa mga modernong lipunan natin ngayon?

a)

Parehong may mataas na pagpapahalaga sa sining at kultura.

b)

Parehong nakatuon sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop.

c)

Parehong pinalalawak ang sakop na mga teritoryo.

d)

Parehong may mga lungsod-estado na may sariling pamahalaan.

16.

Paghambingin ang kabihasnang Minoan at Mycenaean: Ano ang kanilang pangunahing pagkakaiba?

a)

Ang Minoan ay mas palaban kaysa Mycenaean.

b)

Ang Minoan ay mas relihiyoso kaysa Mycenaean.

c)

Ang Minoan ay mapayapa at mangangalakal; ang Mycenaean ay palaban at mandirigma.

d)

Ang Minoan ay nanirahan sa mainland; ang Mycenaean ay sa isla ng Crete.

17.

Ano ang naging possibleng dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Minoan ayon sa mga iskolar?

a)

Pagkakaroon ng peste na nagdulot ng sakit.

b)

Pananakop ng Mycenaean at ibat-ibang kalamidad gaya ng lindol.

c)

Pagkaubos ng mapagkukuhanan ng pagkain.

d)

Pagkamatay ng mga pinuno.

18.

Paano nakaapekto ang dagat sa interaksiyon ng mga tao sa kapaligiran ng Gresya noong sinaunang panahon?

a)

Naging hadlang ito sa komunikasyon.

b)

Naging batayan ito ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga lungsod.

c)

Nakatulong ito sa pakikipag-ugnayan at pag-unlad ng kalakalan.

d)

Hindi ito naging mahalaga sa kabihasnan.

19.

Ano ang tawag sa unang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica?

a)

Inca

b)

Maya

c)

Aztec

d)

Olmec

20.

Saan lokasyong umusbong ang kabihasnang Inca?

a)

Andes Mountains

b)

Sahara Desert

c)

Yucatan Peninsula

d)

Amazon River

21.

Kilala ang Mesoamerica sa pagkakaroon ng pabago-bagong klima. Ano ang posibleng epekto nito?

a)

Kawalan ng populasyon o pag kaunti ng taong naninirahan.

b)

Pagkaunti ng pananim dahil sa nagbabagong topograpiya.

c)

Pagkakaroon ng iba't ibang uri ng pamumuhay at ekolohiya.

d)

Paghina ng ekonomiya at pagkawala ng kalakalan.

22.

Kung ikaw ay bibisita sa isang pulo sa Polynesia, alin sa mga sumusunod ang inaasahang makikita mo?

a)

Bantayog ng mga bayani ng bansa.

b)

Makakapal na kagubatan at kakaibang hayop.

c)

Malalawak na disyerto.

d)

Malalaking lungsod at pamayanan.

23.

Ano ang isang pagkakapareho ng kabihasnang Inca at Maya?

a)

Parehong nagsimula ang sibilisasyon sa Mesoamerica.

b)

Parehong may sistemang lungsod-estado.

c)

Parehong nomadiko at walang pamahalaan.

d)

Parehong gumamit ng cuneiform bilang paraan ng pagsulat.

24.

Ano ang lohikal na dahilan ng pagkakaroon ng iba't ibang pagkain, hayop, at kultura sa Gitnang Amerika at Polynesia?

a)

Magkakalapit ang mga bansa at nakakapagpalitan ng produkto.

b)

Iisa lamang ang wika kaya madali ang pakikipag komunikasyon.

c)

Iba-iba ang heograpiya at klima ng bawat rehiyon.

d)

Pare-pareho ang topograpiya ng mga lugar.

25.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na nagpapakita ng kahalagahan ng kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan ng Mesoamerica sa kasalukuyang lipunan?

a)

Ang pagbuo ng modernong mga lungsod na ginaya mula sa piramide ng Egypt.

b)

Ang paggamit ng alpabetong Romano sa pagsusulat.

c)

Ang pagkalat ng relihiyon ng mga Inca sa buong mundo.

d)

Ang pagkakaroon ng sistemang kalendaryo at mataas na antas ng arkitektura tulad ng mga templo at piramide ng Maya.

26.

Saang rehiyon matatagpuan ang kabihasnang Sumerian?

a)

Indus

b)

Nile

c)

Mesopotamia

d)

Gobi

27.

Bakit mahalaga ang papel ng pari sa lipunang Sumerian?

4 lines
28.

Saang rehiyon matatagpuan ang kabihasnang Sumerian?

a)

Indus

b)

Nile

c)

Mesopotamia

d)

Gobi

29.

Bakit mahalaga ang papel ng pari sa lipunang Sumerian?

a)

Dahil sila ay namumuno sa mga hukbong sandatahan.

b)

Dahil sila ang mga gumagawa ng batas at nagpapatupad nito.

c)

Dahil may awtoridad silang panrelihiyon at pampulitika.

d)

Dahil sila ang tagalikha ng mga gusali at estruktura.

30.

Paano naiiba ang sistemang Varna sa sistemang Jati ng India?

a)

Ang Varna ay ibinibigay mula sa pagsilang, habang ang Jati ay batay sa hanapbuhay.

b)

Ang Varna ay tinatalaga ng Diyos, samantalang ang Jati ay likha ng lipunan.

c)

Ang Varna ay batay sa tungkulin sa lipunan, samantalang ang Jati ay namamana mula sa mga magulang o pamilya.

d)

Walang pagkakaiba ang Varna at Jati.

31.

Bakit mahalagang pag-aralan ang estrukturang panlipunan ng sinaunang kabihasnan tulad ng Sumer at Egypt?

a)

Upang matutunan ang pagkakaiba ng antas ng kanilang mga pamumuhay.

b)

Upang maunawaan ang pamumuhay at organisasyon ng kanilang lipunan.

c)

Upang kopyahin ang kanilang mga tamang gawi.

d)

Upang mapatunayan na mas magaling tayo sa kanila.

32.

Ano ang epekto ng pagiging bahagi ng mababang uri sa estrukturang panlipunan ng isang tao noong sinaunang panahon?

a)

Mas marami silang kapangyarihan sa gobyerno.

b)

Mas madali nilang nababago ang kanilang katayuan.

c)

Limitado ang kanilang oportunidad at karapatan sa lipunan.

d)

Sila ang pangunahing gumagawa ng batas.

33.

Kung ikaw ay isang simpleng manggagawa noong panahon ng Sumerian, sa iyong palagay ano ang maari mong maranasan epekto ng estrukturang panlipunan sa iyong buhay?

a)

Ikaw ay makakasali sa mga usaping pang pamahalaan.

b)

Ikaw ay magkakaroon ng karapatan na mamuno sa Sumer.

c)

Ikaw ay mayroon lamang limitadong opportunidad at karapatan.

d)

Ikaw ay may kapangyarihang relihiyoso.

34.

Kung ikaw ay isang kabataan sa Sparta noong sinaunang panahon, ano ang inaasahang bahagi mo sa lipunan sa edad na pito?

a)

Maging pinuno ng pamahalaan.

b)

Sumailalim sa pagsasanay militar.

c)

Magsimula ng negosyo.

d)

Maglakbay sa ibang bansa.

35.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit naging militaristiko ang lipunang Spartan?

a)

Dahil nais nilang bumuo ng mas maraming paaralan.

b)

Dahil sa pagiging baybaying lungsod nito.

c)

Dahil sa likas na heograpiyang may proteksiyon ng bundok.

d)

Dahil mas gusto nila ang sining kaysa sa digmaan.

36.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng pamahalaan sa Sparta at Athens noong sinaunang panahon?

a)

Ang Athens at Sparta ay parehas na pinamunuan ng mga maharlika.

b)

Ang Sparta ay may monarkiya, samantalang Athens ay may direktang demokrasya.

c)

Ang Athens ay walang pamahalaan habang ang Sparta ay maraming pinuno.

d)

Ang Sparta ay kinokontrol ng mga kalalakihan samantalang ang Athens ay pinamumunuan ng mga lalaki.

37.

Bakit masasabing may impluwensya pa rin ang sinaunang sistemang panlipunan ng Athens sa kasalukuyang pamahalaan ng mga demokrasya?

a)

Dahil lahat ng mamamayan ngayon ay pinipilit maglingkod sa militar.

b)

Dahil ipinagbabawal pa rin ang boto ng kababaihan.

c)

Dahil sa pagpapatuloy ng sistemang oligarkiya.

d)

Dahil sa pagbibigay-diin sa partisipasyon ng mamamayan sa pamahalaan.

38.

Piliin kung alin sa dalawang lipunang Sparta at Athens ang may naiambag sa modernong pamahalaan?

a)

Ang Sparta, dahil sa kanilang disiplina at organisadong hukbo.

b)

Ang Athens, dahil sa kanilang pagsulong ng demokrasya at partisipasyon ng mamamayan.

c)

Ang Sparta, dahil pinanatili nila ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng antas.

d)

Ang Athens, dahil pinanatili nila ang pamumuno ng iisang pamilya.

39.

Paano mo susuriin ang epekto ng demokrasya ng Athens sa kasalukuyang sistemang pampulitika ng Pilipinas?

4 lines
40.

Paano mo susuriin ang epekto ng demokrasya ng Athens sa kasalukuyang sistemang pampulitika ng Pilipinas?

a)

Wala itong epekto dahil magkaiba ang kultura.

b)

Malaki ang naging impluwensya sa pagbibigay ng karapatan sa mamamayan.

c)

Maliit lang ang impluwensya dahil sa modernong teknolohiya.

d)

Hindi ito naging batayan ng sistema sa Pilipinas.

41.

Makatarungan bang manatili ang mga antas sa lipunan tulad ng sa sinaunang Greece sa kasalukuyang panahon?

a)

Oo, dahil kinikilala nito ang bawat sektor ng lipunan.

b)

Hindi, dahil nalilimitihan ang pagkakataon at opportunidad para sa iba.

c)

Oo, dahil ito ay tradisyon

d)

Hindi, dahil wala itong epekto sa buhay ngayon.

42.

Anong aklat ang banal na kasulatan ng mga Muslim?

a)

Torah

b)

Qur'an

c)

Vedas

d)

Bibliya

43.

Ano ang tawag sa paniniwala ng Hinduismo na muling pagkabuhay ng kaluluwa?

a)

Moksha

b)

Reinkarnasyon

c)

Karma

d)

Shahada

44.

Ano ang pangunahing pagkakatulad ng mga relihiyong Kristiyanismo, Islam, at Judaismo?

a)

Lahat ay sumasamba sa maraming diyos.

b)

Lahat ay nagmula sa India.

c)

Lahat ay monoteistiko o naniniwala sa iisang Diyos.

d)

Lahat ay may parehong banal na aklat.

45.

Bakit mahalaga ang Limang Haligi ng Islam sa mga Muslim?

a)

Ito ay mga batas na dapat sundin ng taga-sunod ng relihiyon Islam.

b)

Ito ay mga gabay sa pamumuhay at pananampalataya ng mga Muslim.

c)

Ito ay mga seremonya sa binyag.

d)

Ito ay mga aklat na ginagamit na gabay sa eskwelahan.

46.

Paano nakaaapekto ang paniniwala sa karma at reinkarnasyon sa pamumuhay ng isang Hindu?

a)

Nagtuturo ito ng kahalagahan ng buhay.

b)

Humihikayat ito ng malaswang pamumuhay.

c)

Nagiging gabay ito upang gumawa ng mabuti para sa susunod na buhay.

d)

Ito ay nagdadala ng pagpapala mula sa Diyos.

47.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng relihiyon sa anyo ng pamahalaan o batas sa isang lipunan?

a)

Ang relihiyon ay pagkakaroon ng mga batas moral na batay sa pananampalataya.

b)

Ang relihiyon ay nagtuturo ng paraan ng papuri at pag-awit.

c)

Ang relihiyon ay pagpili ng mga susuportahan kandidato sa eleksyon.

d)

Ang relihiyon ay pakikiisa sa pamahalaan.

48.

Saan nagmula ang pilosopiyang Confucianism?

a)

Japan

b)

South Korea

c)

China

d)

India

49.

Ano ang pangunahing layunin ng Budismo?

a)

Makamit ang kapangyarihang pampolitika.

b)

Makalaya sa siklo ng pagdurusa at makamit ang Nirvana.

c)

Mabuhay ng may kaugnayan sa kalikasan.

d)

Sumampalataya sa maraming Diyos.

50.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Budismo at Shintoismo?

a)

Parehong nakatuon ang pilosopiya sa pagpapayaman ng sariling kaisipan.

b)

Budismo ay nakatuon sa personal na kaligtasan; Shintoismo sa kalikasan at ritwal.

c)

Shintoismo ay mula sa India, ang Budismo naman ay mula sa bansang Japan.

d)

Masasabi na walang direktang pagkakaiba ang Budismo at Shintoismo.

51.

Paano nakatutulong ang 'Eightfold Path' sa buhay ng mga Buddhist?

a)

Gabay ito sa wastong pamumuhay at pag-unlad ng espirituwalidad.

b)

Nakatuon lamang ito sa ritwal.

c)

Isang hanay ng batas na ipinapatupad ng gobyerno.

d)

Hindi ito mahalaga sa kanilang pananampalataya.

52.

Sa pagsusuri ng tatlong pilosopiya, alin ang mas may tuon sa ugnayan ng tao sa kalikasan?

a)

Confucianism

b)

Shintoismo

c)

Budismo

d)

Lahat ay pantay pantay

53.

Ano ang layunin ng Confucianism sa pagtuturo ng mga konseptong tulad ng Ren at Xiao?

a)

Upang hikayatin ang pagsamba sa kalikasan.

b)

Upang itaguyod ang makataong pakikitungo at paggalang sa magulang.

c)

Upang palaganapin ang kapangyarihang militar ng Tsina.

d)

Upang hikayatin ang paniniwala sa maraming diyos.