wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 Quarter 2 Exam Reviewer

Total questions: 50

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga Griyego ay may mataas na kaalaman sa larangan ng Astronomiya. Ano ang kaisipang mahihinuha batay dito?

a)

Naitatag ng mga Griyego ang pundasyon ng kaalaman sa Astronomiya noong Panahong Hellenistic.

b)

Nagmula sa mga Griyego ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya

c)

Natutuhan ng mga Griyego ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Romano.

d)

Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Griyego ang paniniwala sa iba't-ibang diyos.

2.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng kabihasnang nabanggit?

a)

Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop.

b)

Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europa, Africa at Asya ang isla ng Crete.

c)

Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe.

d)

Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang kabihasnang Minoa.

3.

Paano nagkakaiba ang pamumuhay ng mga Minoan at Mycenaean batay sa kanilang kultura at kabihasnan?

a)

Ang mga Minoan ay nakatuon sa kalakalan, agrikultura, at sining, samantalang ang mga Mycenaean ay higit na nakatuon sa militar at pagpapalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng digmaan.

b)

Nakatira ang mga Minoan sa isla ng Crete, samantalang ang mga Mycenaean ay nanirahan sa mainland Greece, partikular sa lungsod ng Mycenae.

c)

Pareho silang naniniwala sa mga diyos at diyosan, ngunit may kaunting pagkakaiba sa mga ritwal at pamamahagi ng relihiyon.

d)

Ang mga Minoan ay kilala sa pagiging masayahin at mapayapang mga tao, habang ang mga Mycenaean ay kilala sa pagiging mga mandirigma at mananakop.

4.

Ito ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Gresya.

a)

Sparta

b)

Metropolis

c)

Acropolis

d)

Agora

5.

Ano ang mga ipinagkaloob na karapatan ng pamahalaan sa lihitimong mamamayan ng Griyego?

a)

Humawak ng posisyon sa pamahalaan

b)

Magkaroon ng ari-arian

c)

Karapatang bumoto

d)

Lahat ng nabanggit

6.

Ang mga sumusunod ay salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

Pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan

b)

Paglusob ng mga tribong barbaro

c)

Iba’t ibang kultura at sistema ng pamumuhay sa loob ng imperyo

d)

Hindi matatag na pamumuno

7.

Mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang lakas sa isang bansa ____________.

a)

Upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa

b)

Upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban

c)

Upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan

8.

Ang ___________ ang tinatawag na pamayanan ng mga mandirigma.

a)

Minoan

b)

Athens

c)

Persia

d)

Sparta

9.

Alin sa mga sumusunod na lugar ang itinuturing na pinagmulan ng kabihasnang Minoan?

a)

Knossos

b)

Peninsula

c)

Crete

10.

Tumagal ang “dark age”o madilim na panahon ng mga Mycenaean sa loob ng ___________.

a)

tatlong daang taon

b)

isang daang taon

c)

limampung taon

11.

Sino-sino ang mga miyembro ng Second Triumvirate?

a)

Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey

b)

Octavian, Marcus Lepidus, Mark Anthony

c)

Aristotle, Plato, Socrates

d)

Alexander, Cleopatra, Tiberius

12.

Batay sa timeline, kailan natapos ang Pax Romana?

a)

202 BCE

b)

284 CE

c)

45 BCE

d)

180 CE

13.

Batay sa timeline, kailan itinatag ang Roman Republic?

a)

284 CE

b)

509 BCE

c)

264 BCE

d)

476 BCE

14.

Batay sa timeline, kalian sumiklab ang Digmaang Punic?

a)

264 BCE

b)

250 BCE

c)

284 BCE

d)

509 BCE

15.

Ito ang batas na nagbibigay ng pantay na karapatan sa lahat ng mamamayan ng Rome.

a)

Twelve Table

b)

Center Table

c)

Pax Romana

d)

Stola

16.

Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?

a)

Pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan

b)

Pagkaroon ng maraming tagapagtanggol

c)

Pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan

d)

Paghatid ng kasaganaan sa lipunan

17.

Piliin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng Digmaang Punic na nagpalawak pa ng kapangyarihang Romano.

a)

Makontrol ang Mediterranean na pangunahing ruta ng kalakalan.

b)

Mapalawak ang kapangyarihan ng Carthage

c)

Makakuha ang Rome ng dagdag na sandata at pagkain

d)

Mas mapatunayan pa ng mga Romano kung gaano sila kalakas na estado

18.

Ano ang ibig sabihin ng “polytheistic?

a)

Sila ay hindi naniniwala sa kahit anong diyos.

b)

Sila ay sumasamba sa dalawang diyos lamang.

c)

Sila ay sumasamba sa maraming diyos.

d)

Sila ay sumasamba sa iisang Diyos lamang.

19.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa “polis” bilang isang lungsod-estado?

a)

Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis’

b)

Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Griyego kung saan binibigyang-diin ang pagiging diktador

c)

Ito ay pamayanan ng mga mandirigma

d)

Ito ay may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulitika at pulisya.

20.

Ito ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome.

a)

Patrician at Plebeian

b)

Etruscan at Roman

c)

Maharlika at Alipin

21.

Mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica dahil _____________.

a)

Bukod tangi ang mga kontribusyon ng taga South America

b)

Hindi naging madali noon ang buhay ng sinaunang tao

c)

Maraming tumatak na pamanang Maya, Inca at Aztec

22.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi imperyong naging makapangyarihan dahil sa kalakalan, na ang pangunahing produkto ay ginto?

a)

Ghana

b)

Songhai

c)

Maya

d)

Mali

23.

Ang mga nomadikong mangangalakal ay tumawid sa Sahara sa pamamagitan ng caravan dala-dala ang iba't-ibang uri ng kalakal. Ano ang tawag sa kalakalang ito?

a)

Carthage

b)

Trans-Sahara

c)

Sahara

d)

Caravan

24.

Ano ang kahalagahan ng Kukulcan?

a)

Pamilihan

b)

Sentro ng Kalakalan

c)

Tirahan ng mga pinuno

d)

Pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon

25.

Nagawa pa rin ng mga Aztec na matugunan ang kanilang pangangailangan dahil sa ______.

a)

Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.

b)

Mais ang kanilang pangunahing tanim

c)

Tinabunan nila ng lupa ang kanilang sapa at lumikha ng mga chinampas.

d)

Lahat ng nabanggit

26.

Ang mga sumusunod ay kabilang sa Kabihasnang Mesoamerica MALIBAN sa isa.

a)

Aztec

b)

Maya

c)

Sparta

d)

Inca

27.

Ano ang kahalagahan ng Timbuktu?

a)

Pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon

b)

Pamilihan

c)

Tirahan ng mga pinuno

d)

Sentro ng kalakalan

28.

Ano ang ginagamit na paraan ng paggawa ng pera sa Palau?

a)

Gumagamit sila ng bakal

b)

Gumagamit sila ng bronze

c)

Gumagamit sila ng bato

d)

Gumagamit sila ng corals

29.

Ano-ano ang katawagan sa mga pulo sa Pacific Islands?

a)

Polynesia, Micronesia, Amerisia

b)

Micronesia, Melanisia, Polynesia

c)

Polynesia, Micronesia, Melanesia

d)

Micronesia, Amerisia, Melanesia

30.

Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Aprika ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga kanluraning bansa. Dahil dito tinawag itong “dark continent”. Ano sa mga sumusunod ang ibig sabihin nito?

a)

Dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.

b)

Dahil madilim sa kanilang kontinente.

c)

Dahil mahina ang kanilang pag-unlad ng ekonomiya

31.

I. Ang pagkakatatag ng sistemang piyudalismo ay nag-iwan ng pagkakahati sa lipunang Europeo.

Il. Nahati ang lipunan sa apat na pangkat

a)

Kung ang dalawang pangungusap ay TAMA

b)

Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawa ay MALI

c)

Kung ang unang pangungusap ay Mali at ikalawa ay TAMA

d)

Kung ang dalawang pangungusap ay MALI

32.

I. Ang mga burgis ay may interes lamang sa kalakalan.

II. Ang mataas na uri ng burgis ay mauunlad na negosyante at mga bangkero.

a)

Kung ang dalawang pangungusap ay TAMA

b)

Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawa ay MALI

c)

Kung ang unang pangungusap ay Mali at ikalawa ay TAMA

d)

Kung ang dalawang pangungusap ay MALI

33.

I. Ang Romanesque ay isang disenyong arkitektural na gumagamit ng hugis Patulis.

II. Namayagpag ito noong ika-12 hanggang ika-16 na siglo

a)

Kung ang dalawang pangungusap ay TAMA

b)

Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawa ay MALI

c)

Kung ang unang pangungusap ay Mali at ikalawa ay TAMA

d)

Kung ang dalawang pangungusap ay MALI

34.

I. Ang isang magandang alaala ng piyudalismo ay ang sistemang kabalyero.

II. Ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ay kinapapalooban ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal, at maginoo lalo na sa kaibigan.

a)

Kung ang dalawang pangungusap ay TAMA

b)

Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawa ay MALI

c)

Kung ang unang pangungusap ay Mali at ikalawa ay TAMA

d)

Kung ang dalawang pangungusap ay MALI

35.

Siya ang nagbigay diin sa Petrine Doctrine.

a)

Pope Leo the Great

b)

Pope Gregory I

c)

Pope Gregory VII

d)

Constantine the Great

36.

Bakit mahalaga ang agrikultura sa pagtataguyod ng bansa sa kasalukuyan?

a)

Upang makapagbigay ng trabaho sa lahat ng Pilipino

b)

Upang kilalanin tayong isang malakas na bansa sa Asya

c)

Upang yumaman ang ating bansa

d)

Upang magkaroon ng maraming supply ng pagkain at maaaring daan ito sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa

37.

Siya ang nagpalakas ng kapapahan sa pamamagitan ng Constantinople.

a)

Pope Leo the Great

b)

Pope Gregory I

c)

Constantine the Great

d)

Pope Gregory VII

38.

Paano maipapakita ng mga tao sa kasalukuyan ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Panahong Klasikal?

a)

Gawin din kung ano ang ginawa nila noon

b)

Mas bigyang pansin ang pinakamalaking ambag sa kabihasnan

c)

Puntahan ang mga lugar noong sinaunang kabihasnan.

d)

Magsilbing batayan upang higit pa nating mapaunlad ang ating kabihasnan.

39.

Natamo niya ang sukdulan ng tagumpay ng magawa niyang sumampalataya ang iba’t-ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe

a)

Pope Leo the Great

b)

Pope Gregory I

c)

Pope Gregory VII

d)

Constantine the Great

40.

Siya ang Pilosopo na may akda ng “The Republic” na nagsilbing batayan ng pamahalaang Romano.

a)

Aristotle

b)

Plato

c)

Thucidydes

d)

Socrates

41.

Si ________ ang binansagang dakilang historyador ng sinaunang Gresya.

a)

Aristotle

b)

Solon

c)

Herodotus

42.

Kung ang diocese ay pinamumunuan ng Obispo, sino naman ang namamahala sa parokya?

a)

Arsobispo

b)

Kura paroko

c)

Papa

43.

Ito ang pangunahing kabuhayan sa isang manor.

a)

Paglilingkod sa may-ari ng lupa

b)

Pagsasaka

c)

Pakikipagkalakalan

d)

Paggawa ng iba’t-ibang kasangkapan

44.

Anong sistemang pang-ekonomiya ang gumabay sa paraan ng pagsasaka sa buhay ng magbubukid?

a)

Merkantelismo

b)

Manoryalismo

c)

Paggawa ng salapi

45.

Ang pangunahing layunin ng Krusada ay ______________.

a)

Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim

b)

Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano

c)

Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko

d)

Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo

46.

Ito ay isang sistema kung saan pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib sa Athens. Pinasikat ito ni Cleisthenes.

a)

Timbuktu

b)

Chivalry

c)

Pax Romana

d)

Ostracism

47.

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga isla sa Pacific ang may pinakamaraming pulo?

a)

Melanesia

b)

Austronesia

c)

Micronesia

d)

Polynesia

48.

Gaano kahalaga ang pagsasaka sa pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng manor?

a)

May kakayahan makapag sarili ang mga manor pagdating sa Pakikipagkalakala

b)

Sa pagsasaka sila kumukuha ng kanilang makakain

c)

Sa pagsasaka kumukuha ng ikinabubuhay ang mga tao dito

d)

Lahat ng nabanggit

49.

Siya ang kauna-unahang Emperador ng Imperyong Romano na hinirang ni Papa Leo III.

a)

Pepin the Short

b)

Charlemagne

c)

Clovis

d)

Charles Martel

50.

Alin ang tinaguriang isa sa mga tanyag na arkitektural ng bansang Roma?

a)

Parthenon

b)

Corinthian

c)

Coliseum

d)

Doric