wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN 8 - 4TH QTR REVIEW

Total questions: 51

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

SECTION

a)

BARON

b)

DAISY

c)

GUMAMELA

d)

NEPOMUCENO

e)

PICASSO

2.

Ano ang dahilan ng pagsali ng United States sa Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Paglagda sa Treaty of Paris

b)

Pagpapalubog sa barkong Lusitania

c)

Nilusob ng Austria at tinalo ang Serbia

d)

Palusob ng Russia sa Prussia, Germany

3.

Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa una hanggang sa huling naganap:

I.         Ang Liga ng mga   Bansa

II.       Ang pagkawasak ng dinastiya sa Germany at Austria

III.     Ang kasunduang Versailles

IV.     Ang Labing   Apat na Puntos ni   Pangulong Wilson

a)

I,II,III,IV

b)

II,I,IV,III

c)

III,IV,I,II

d)

IV,II,III,I

4.

Ano ang nilalaman ng labing apat na puntos na binalangkas ni Pangulong Wilson kung saan ibinatay ang pangunahing nilalaman ng kasunduang pangkapayapaan?

a)

Pagbuo ng mga Liga ng mga Bansa

b)

Pagdaragdag ng taripa ng mga bansa

c)

Pagpaparami ng armas ng bawat bansa

d)

Pagpapalakas ng lihim na nakikipag-ugnayan ng mga makapangyarihang bansa sa iba pang bansa.

5.

Ang United Nations ay ang pinakamalawak na organisasyong pandaigdig na itinatag noong Oktubre 24, 1945. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng samahan ng mga bansa gaya ng United Nations?

a)

Naiiwasan ang mga sigalot na nagdudulot ng digmaan sa pagitan ng mga bansa.

b)

Napananatili ang pagkilala sa pantay na karapatan at kasarinlan ng mga bansa.

c)

Naitataguyod ang padaigdigang kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa.

d)

Naisusulong ang magandang ugnayan ng mga bansa tungo sa pagkakaisa sa paglaban ng mga pandaigdigang suliranin gaya ng terorismo.

6.

Ano ang bansa na nilusob ng Germany noong Setyembre 1, 1939 na naging sanhi ng pagsiklab ng World War II?

a)

Brazil

b)

Poland

c)

Greece

d)

Vietnam

7.

Mahigit 8.5 milyong tao ang namatay, at 22 milyon ang nasugatan, napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan at pangkabuhayan ng mga tao bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Maganda ang naidulot ng digmaan sa daigdig.

b)

Nagiging matatag ang pagsasamahan ng mga bansa dahil sa digmaan.

c)

Hindi mabuti ang epekto ng digmaan dahil nagkahiwa-hiwalay ang mga bansa.

d)

Walang mabuting naidulot ang digmaan.

8.

Bakit tuluyang sumuko ang mga Hapones sa mga Alyadong Bansa?

a)

Dahil sa kakulangan ng pondo para suportahan ang digmaan.

b)

Dahil sa pagpapasabog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki.

c)

Dahil sa bigo nitong maprotektahan ang kanilang buong nasasakupan.

d)

Dahil sa pagsakop ng Estados Unidos sa mga kolonyang bansa ng Japan.

9.

Anong alyansa ang binubuo ng Germany, Italy at Austria-Hungary noong WWI?

a)

Allied Powers

b)

Triple Alliance

c)

Axis Powers

d)

Triple Entente

10.

Ano ang tawag sa grupo ng mga pinunong ito?

a)

Big Four

b)

Great Powers

c)

Four Powers

d)

Quadruplets

11.

Ang paglakas ng nasyonalismo ay isa sa mga salik na nagpasiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa nasyonalismo?

a)

Ang pagnanais na makapagsarili at lumaya sa mga bansang nasakop

b)

Ang pagtatag ng mga alyansa tulad ng Triple Alliance at Triple Entente

c)

Paniniwala na madaling malutas ang mga sigalot sa pamamagitan ng labanan.

d)

Ang pagkampi sa mga magagaling at makapangyarihang imperyo.

12.

Ano ang labanan sa pagitan ng Allied Powers at Axis Powers na naganap noong 1939-1945?

a)

7 Years War

b)

World War I

c)

Cold War

d)

World War II

13.

Nasyonalismo ang itinuturing na ugat ng Unang Digmaang Pandaigdig, bukod dito may isang pangyayari na nagpasiklab sa nasabing digmaan. Anong pangyayari ito?

a)

Paglusob ng Japan sa Korea

b)

Paglubog ng barkong Lusitania

c)

Paglakas ng ekonomiya ng Germany

d)

Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand

14.

Base sa larawan sa ibaba, ano ang naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nabago ang mapa ng Europe

b)

Nagkatabi ang Germany at Italy

c)

Napalaki ang kontinente ng Europe

d)

Mas lumaki ang Austria kaysa Romania

15.

Bakit nabigo ang Liga ng mga Bansa na pangalagaan ang pandaigdigang kapayapaan?

a)

Nilutas ang hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa.

b)

Lumabag sa kasunduan ng Liga ang mga kasaping bansa.

c)

Naproteksyonan ng Liga ang mga kasapi sa larangan ng kalakalan.

d)

Hinikayat ang mga kasaping bansa na palaganapin ang pagtutulungan.

16.

Anong bansa sa Asya ang nagnais na maging makapangyarihan dahil sa kanyang prinsipyong 'Ang Asya ay para sa Asyano lamang'?

a)

China

b)

Japan

c)

Iraq

d)

Turkey

17.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pagkakatatag ng Liga ng mga Bansa?

a)

Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa.

b)

Pilitin ang Germany na magbayad ng $33B bilang reparasyon.

c)

Tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya.

d)

Kalayaan sa karapatan at pag-alis ng mga hadlang sa pangkabuhayan.

18.

Ano ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

League of Nations

b)

Treaty of Versailles

c)

Treaty of Paris

d)

United Nations

19.

Alin ang HINDI naglalarawan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig.

b)

Pinakamaikling digmaan na naganap lamang sa Europa.

c)

Pinakamalawak at pinakamadugong labanan sa kasaysayan.

d)

Nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang kalaban.

20.

Sa kontinente ng Europa ang entablado ng digmaan. Saang bahagi ng Europa naganap ang pinakamainit na digmaan?

a)

Digmaan sa Kanluran

b)

Digmaan sa Karagatan

c)

Digmaan sa Silangan

d)

Digmaan sa Pasipiko

21.

Kailan nagsimula at nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

1914-1917

b)

1914-1918

c)

1939-1944

d)

1939-1945

22.

Bakit itinuturing ni Pangulong Roosevelt na Day of Infamy ang Disyembre 7, 1941?

a)

Napatay si Benito Mussolini

b)

Binomba ng Japan ang Pearl Harbor

c)

Tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga Bansa

d)

Itinatag ng Japan ang Greater Co-Prosperity Sphere

23.

Alin sa mga sumusunod na salik ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaidig ang tumutukoy sa pagkakaroon ng mahuhusay at malalaking hukbo ng sandatahan sa lupa at karagatan upang mapangalagaan ang teritoryo ng isang bansa?

a)

Alyansa

b)

Militarismo

c)

Imperyalismo

d)

Nasyonalismo

24.

Bakit sinasabi na nilabag ng tuwiran ng Italy ang kasunduan sa Liga ng mga Bansa?

a)

Digmaang sibil sa Italy

b)

Paglusob ng Italy sa Poland

c)

Pagsakop ng Italy sa Ethiopia

d)

Pagsakop ng Italy sa Manchuria

25.

Alin sa sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa (UN)

b)

Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente

c)

Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.

d)

Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.

26.

Alin sa mga sumusunod na salik ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaidig ang nagsasaad ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan?

a)

Alyansa

b)

Militarismo

c)

Imperyalismo

d)

Nasyonalismo

27.

Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na 'Ang kasunduan sa Versailles ang nagsilbing mitsa ng World War II?

a)

Pabor sa lahat ang bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan.

b)

Ang mga probisyon ng kasunduan ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga gumawa nito.

c)

Ang kasunduan sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.

d)

Naging mahina ang Liga ng mga Bansa na isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa.

28.

Alin sa sumusunod na bansa ang lumaya pagkatapos ng World War II?

a)

Italy

b)

Japan

c)

Philippines

d)

Russia

29.

WWl: League of Nations; WWII: ____________

a)

Divine Rights

b)

Human Rights

c)

United Nations

d)

Warsaw Pact

30.

Kailan pormal na itinatag ang United Nations?

a)

October 24,1941

b)

October 24,1945

c)

October 25,1945

d)

October 25,1946

31.

Ano ang maaaring maidulot ng Climate Change?

a)

Nagdudulot ito ng sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng sakit.

b)

Pagpapanatili ng malinis na hangin na malalanghap sa kapaligiran.

c)

Pinapahaba nito ang panahon ng tag-init at tag-ulan.

d)

Makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya

32.

Ano ang tawag sa kasunduang pinag-usapan nina Pangulong Franklin Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill na ginawang saligan ng deklarasyon ng United Nations?

a)

Atlantic Charter

b)

Treaty of Neutrality

c)

Treaty of Versailles

d)

Fourteen Points

33.

Ano ng pandemyang nagsimula sa Wuhan, China noong Disyembre 2019 na lumaganap sa buong mundo sa kasalukuyan ay kumitil na ng 6.9 milyong buhay?

a)

Spanish Flu

b)

MERS-COV

c)

Influenza

d)

COVID-19

34.

Bakit ang Secretary-General ang pinakamahalagang opisyal ng UN?

a)

Dahil ito ang bumubuo ng mga polisiya ng samahan.

b)

Dahil ito ang nagbibigay ng hatol tungkol sa legal na usapin.

c)

Dahil pinamamahalaan nito ang lahat ng gawain ng samahan.

d)

Dahil ito ang tumutukoy sa mga teritoryo o kolonyang isasailalim sa pamamahala ng isang bansa

35.

Ano ang ibig sabihin ng Demilitarisasyon?

a)

Pagtanggal ng mga armas at sandata.

b)

Pagpaparami ng mga armas at sandata.

c)

Pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas.

d)

Pagpayag na magpalakas ng hukbong sandatahan.

36.

Alin sa mga pahayag ang naging tanda ng pagbabago ng ihip ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Paglusod ng Germany sa Poland.

b)

Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor.

c)

Pag-atake ng Alyadong Bansa sa Normandy.

d)

Pagbitay kay Benito Mussolini sa harap ng madla sa Italy.

37.

Bakit mahalaga ang ideolohiya sa isang bansa?

a)

Dahil ang pagkakaroon ng iisang paniniwala ay nagbubuklod sa bawat bansa.

b)

Dahil nakakaapekto ito sa batas na ipapatupad ng isang tao sa kanyang nasasakupan.

c)

Dahil ito ay sumasalamin sa pagpapahalagang dapat na taglayin ng bawat bansa sa mundo.

d)

Dahil dito nakasalalay ang mga hakbangin, desisyon at galaw ng pamahalaan at mamamayan ng isang bansa.

38.

Alin sa mga sumusunod na kategorya ng ideolohiya ang tinutukoy kapag nakasentro sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Sa anong aspekto ito nakakaapekto?

a)

Pampolitika

b)

Pangkultura

c)

Pangkabuhayan

d)

Panlipunan

39.

Ano ang tamang pahayag tungkol sa West Philippine Sea?

a)

Ang West Philippine Sea ay hindi pag-aari ng Pilipinas.

b)

Ang West Philippine Sea ay ipinamana ng mga ninuno sa Tsina.

c)

Ang West Philippine Sea ay hindi kasama sa isyung pangteritoryo.

d)

Ang West Philippine Sea ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na nakapaloob sa 200 nautical miles ng Exclusive Economic Zone o EEZ

40.

Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto pagkatapos ng WWII?

a)

Pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian.

b)

Pagbagsak ng pamahalaang Totalitaryanismo Nazi at Pasismo

c)

Paghina ng agrikultura, industriya, transportasyon at maging ang panalapi.

d)

Pagpapalaya sa mga kolonyang bansa tulad ng India, Pilipinas, Sri Lanka at iba pa.

41.

Ilan ang orihinal na kasapi ng United Nations?

a)

50

b)

51

c)

53

d)

55

42.

Ano ang tawag sa kalipunan ng mga kaisipan o paniniwala na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa pagbabagong nagaganap dito?

a)

Ideolohiya

b)

Kolonyalismo

c)

Imperyalismo

d)

Nasyonalismo

43.

Alin ang naglalarawan sa sistemang sosyalismo?

a)

Pinamumunuan ng diktador.

b)

Ibinoboto ng mga mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan.

c)

Ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontralado ng pribadong mangangalakal.

d)

Ang industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagyan ng mga mamamayan ay nasa kamay ng pamahalaan.

44.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa pahayag na 'Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensya ng mga dayuhan'?

a)

Napanatili ang kultura ng isang bansa.

b)

Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya.

c)

Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng Kolonya sa pamamagitan ng iba't ibang impluwensya nito.

d)

Ang kulturang dayuhan ang pinapahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang.

45.

Ano ang tawag sa ideolohiya at uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan?

a)

Demokrasya

b)

Pasismo

c)

Kapitalismo

d)

Totalitaryanismo

46.

Benito Mussolini: Pasismo; Vladimir Lenin: _________________________

a)

Kapitalismo

b)

Komunismo

c)

Nazismo

d)

Pasismo

47.

Isa sa mga epekto ng WWI ay ang paglaya ng mga sumusunod na bansa, alin ang HINDI kabilang sa mga ito?

a)

Czechoslovakia

b)

Finland

c)

Germany

d)

Yugoslavia

48.

Axis Powers: Komunismo; Allied Powers: __________________

a)

Aristokrasya

b)

Demokrasya

c)

Monarkiya

d)

Pasismo

49.

Ano-ano ang mga bansa ang bumubuo sa Allied Powers?

a)

USA, Italy, Germany at Japan

b)

USA, Great Britain, France at Italy

c)

USA, Great Britain, France at Russia

d)

USA, Great Britain, Japan at Soviet Union

50.

Alin sa mga sumusunod na epekto ng WWII ang may kinalaman sa politika?

a)

Pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian.

b)

Pagbagsak ng pamahalaang Totalitaryanismong Nazi at Pasismo

c)

Paghina ng agrikultura, industriya, transportasyon at maging ang panalapi.

d)

Pagpapalaya sa mga kolonyang bansa tulad ng India, Pilipinas, Sri Lanka at iba pa.

51.

Alin sa mga sumusunod na epekto ng WWII ang may kinalaman sa ekonomiya?

a)

Pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian.

b)

Pagbagsak ng pamahalaang Totalitaryanismo Nazi at Pasismo

c)

Paghina ng agrikultura, industriya, transportasyon at maging ang panalapi.

d)

Pagpapalaya sa mga kolonyang bansa tulad ng India, Pilipinas, Sri Lanka at iba pa.