wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa. C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa at D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

A Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang rehiyon, ang Mainland Southeast Asia at ang

Insular Southeast Asia.

B Sinasabing ang malaking bahagi ng Timog-Silangang Asya ay agrikultural dahil sa matabang kalupaan at madalas na pag-ulan.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

2.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa. C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa at D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

A Ang Mainland Southeast Asia o Timog Silangang-Asya ay binubuo ng mga bansang Myanmar, Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, Singapore, China at India.

B Ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng mga bansang Indonesia, Pilipinas, Silangang bahagi ng Malaysia at ng Brunei Darussalam at Timor-Leste.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

3.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa. C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa at D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

A Ang mga disyerto sa Timog Silangang Asya ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng agrikultura na siyang nagiging sentro ng ekonomiya at populasyon.

B Ang mga kapuluan ng rehiyon ay nagtataguyod ng magkakaibang kalakalan at komersyo dahil pinapadali ng mga daungan at baybayin ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

4.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa. C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa at D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

A Pangunahing batayan ito sa paghubog ng kultura ng mga etnolinggwistiko at nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.

B. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa kung saan naipahahayag niya ang kanyang damdamin at napauunlad niya ang kanyang sarili at kapwa.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

5.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa. C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa at D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

A Ang Timog Silangang Asya ay tahanan ng iisang grupong etnolinggwistiko na nagbibigay-kulay sa mga kulturang Asyano.

B Ang grupong etnolinggwistiko ay isang grupo ng tao na ang mga kasapi ay nakadarama ng pagiging kakaiba o taliwas sa isang grupo batay sa kanilang wika at etnisidad.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

6.

Paano nakaaapekto ang katangiang pisikal ng Timog Silangang Asya sa distribusyon ng populasyon at ekonomiya ng rehiyon nito?

a)

Ang mga lambak at kapatagan ay kadalasang hindi naaangkop para sa agrikultura, kaya't kakaunti ang mga taong naninirahan sa mga lugar na ito.

b)

Ang mga disyerto sa Timog Silangang Asya ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng agrikultura, na siyang nagiging sentro ng ekonomiya at populasyon.

c)

Ang mga bundok sa rehiyon ay nagiging dahilan ng mataas na densidad ng populasyon, dahil maraming tao ang naninirahan sa matataas na lugar para sa mas malamig na klima.

d)

Ang mga kapuluan ng rehiyon ay nagtataguyod ng magkakaibang kalakalan at komersyo, dahil pinapadali ng mga daungan at baybayin ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto.

7.

Ang likas na yaman ay pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlarang pangkabuhayan. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa kampanya sa pangangalaga ng likas na yaman?

a)

Likas-kayang paggamit at pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa.

b)

Paggamit ng mga likas na yaman nang walang pag-aalala para sa kapaligiran.

c)

Patuloy na pagpapalaganap ng hindi wastong paggamit ng mga likas na yaman.

d)

Paggamit ng mga yaman nang hindi isinasaalang-alang ang mga posibleng maging epekto nito.

8.

Bakit mahalaga ang papel na ginampanan ng wika sa pagbuo ng kulturang Asyano?

a)

Dahil iba't iba ang wikang ginagamit ng mga bansang Asyano.

b)

Sapagkat ang wika ay may iba't ibang layunin at interpretasyon.

c)

Sapagkat sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.

d)

Sapagkat ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang lahi at instrumento sa pakikipagtalastasan.

9.

May pagkakaiba – iba sa pananampalataya ang mga pangkat etnolinggwistiko sa Timog-Silangang Asya na nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Halimbawa ay ang paniniwala na ang pinakalayunin sa buhay ay ang makamit ang tinatawag na "enlightenment" o Nirvana. Anong relihiyon ang tinutukoy nito?

a)

Budismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Kristiyanismo

10.

Ang Timog Silangang Asya ay tahanan ng iba't ibang pangkat etnolinggwistiko na may kani-kaniyang tradisyon, paniniwala at relihiyon. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakaiba-iba ng relihiyon maliban sa isa, alin ito?

a)

Pagkakaiba-iba ng kultura at etnisidad

b)

Kasaysayan ng kalakalan at kolonisasyon

c)

Pagkakaroon ng iisang wika sa buong rehiyon

d)

Paghahalo ng iba't ibang paniniwala (Syncretism)

11.

Ito ay tumutukoy sa pagiging bahagi ng isang grupo kung saan ang mga kasapi ay nagkakaisa sa pagkakaroon ng iisang wika, paniniwala, kaugalian, tradisyon, at pinagmulang angkan.

a)

Etnisidad

b)

Kultura

c)

Relihiyon

d)

Wika

12.

Ang panirahan ay maaaring batayan sa pagpapangkat ng tao sa Timog-Silangang Asya. Maraming bilang ng pangkat ay naninirahan sa kapatagan na kilala sa tawag na lowlander. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa mga ito?

a)

Ang kanilang pamumuhay ay nakatuon sa agrikultura, pangingisda, at komersyo.

b)

Ang kanilang kultura ay natatangi at napananatili dahil sa limitadong interaksyon sa mas modernong lipunan.

c)

Ang kanilang kultura ay karaniwang apektado ng impluwensiya ng mga dayuhang mananakop at kalapit na bansa.

d)

Karaniwang matatagpuan sa mga urbanisadong lugar o komunidad na malapit sa mga sentro ng kalakalan at pamahalaan.

13.

Paano nakatutulong ang kultura ng isang pangkat etnolinggwistiko sa pagpapanatili ng kanilang tradisyonal na pamumuhay?

a)

sa pamamagitan pag-aaral ng kultura ng ibang mga bansa

b)

sa pamamagitan ng pagtuturo ng kanilang kultura sa iba pang pangkat

c)

sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga modernong teknolohiya at ideya sa kanilang pamumuhay

d)

sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga tradisyon at kaugalian na naipapasa sa bawat henerasyon

14.

Nagkaroon ng ugnayang pangkapangyarihan ang mga Asyano sa Timog Silangangang Asya. Ilan sa mga patunay nito ay ang sumusunod:

I.      Ginamit ng mga imperyo tulad ng Khmer at Majapahit ang kalakalan bilang isang paraan upang mapalawak ang kanilang sakop at impluwensya

II.     Ang kalakalan ang naging dahilan ng pag-unlad ng mga makapangyarihang lungsod-estado tulad ng Malacca at Ayutthaya, na naging sentro ng kalakalan at kultura.

III.     Ang mga kaharian ng Srivijaya sa Indonesia at Funan sa Cambodia ay nagsilbing mga sentro ng kalakalan na nagkokontrol sa mahahalagang rutang pandagat sa pagitan ng India at China.

IV.   Ang mga lokal na pinuno ay nakipag-alyansa sa mga banyagang mangangalakal mula sa China, India, at Gitnang Silangan na nagbigay-daan sa kanila na palakasin ang kanilang ekonomiya.

Mula sa kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

a)

Ang kalakalan ang naging susi sa pagbagsak ng mga kaharian sa Timog-Silangang Asya.

b)

Ang kalakalan ang naging daan sa pagpapanatili ng tradisyunal na pamumumuhay ng mga Asyano.

c)

Ang kalakalan ang nagpalakas ng pamamahala ng bawat bansa sa pagbabawas ng teritoryong nasasakupan

d)

Ang kalakalan ay nagsilbing pangunahing kasangkapan sa paghuhubog ng ugnayang pangkapangyarihan sa Timog-Silangang Asya.

15.

Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng ilang pangkat etnolinggwistiko sa Timog Silangang Asya na ang lahat ng bagay ay may kaluluwa o espiritu.

a)

Animism

b)

Budismo

c)

Hinduismo

d)

Kristiyanismo

16.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng mga Asyano sa kanilang pamilya?

a)

Ang mga Asyano ay nagbibigay ng pabor sa pagiging independiyente at paghihiwalay ng kanilang mga anak sa edad na 18.

b)

Ang mga Asyano ay sumusunod sa isang pamumuhay na hindi nagbibigay ng halaga sa mga tradisyonal na ritwal at seremonya para sa kanilang pamilya.

c)

Ang mga Asyano ay nagtatalaga ng mas kaunting oras para sa kanilang pamilya upang makapaglaan ng mas maraming oras sa kanilang mga propesyonal na tungkulin.

d)

Ang mga Asyano ay karaniwang pinalawak na pamilya na nagtataguyod ng kolektibong responsibilidad at suporta sa isa’t isa sa kabila ng personal na pagsasakripisyo.

17.

Alin sa sumusunod na salik ang hindi batayan sa pagkakahati-hati ng mga klase?

a)

Kasaysayan

b)

Kultura

c)

Lipunan

d)

Politika

18.

Natuklasan mo na ang kaklase mong mula sa pangkat ng mga Badjao ay nakararanas ng pambubulas sa inyong mga kaklase dahil sa maling paniniwala na sila ay namamalimos lamang. Ano ang iyong gagawin upang matigil ang pambubulas sa kanya?

a)

Huwag makialam sa sitwasyon at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga nambubulas upang hindi na lalong lumala ang isyu.

b)

Sabihin agad ang pangyayari sa guro o school counselor upang sila ang makialam at magpatupad ng mga hakbang upang matigil ang pambubulas.

c)

Kausapin ang mga nambubulas nang tahimik at ipaliwanag sa kanila ang tunay na sitwasyon ng mga Badjao at ang epekto ng kanilang pangungutya.

d)

Gumawa ng petisyon na naglalaman ng suporta para sa biktima at hikayatin ang mga kaklase na pumirma upang ipakita ang kanilang pagsalungat sa pambubulas.

19.

May mga bansa sa Timog Silangang Asya na naniniwala na dapat ay isa lamang ang asawa. Ano ang tawag sa sistemang ito?

a)

Egalitarian

b)

Monogamy

c)

Polyandry

d)

Polygamy

20.

Ano ang maaaring maging epekto sa mga anak kung ang pamumuno sa pamilya ay nakaatang sa kapwa lalaki at babae?

a)

Magiging pasibo ang mga anak sa kanilang mga desisyon.

b)

Magiging magulo ang pamilya dahil walang malinaw na pinuno.

c)

Matututo ang mga anak na maging responsable at magkaroon ng boses sa mga usapin.

d)

Magiging masyadong dominante ang mga anak at hindi na marunong gumalang sa mga magulang.

21.

Paano nakatutulong ang isang egalitarian na pamilya sa pagresolba ng mga problema ng hindi pagkakapantay-pantay?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan ng pamilya sa pamahalaan.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming kapangyarihan sa nakatatanda.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mahigpit na patakaran sa paggamit ng yaman ng pamilya.

d)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay-pantay na responsibilidad at oportunidad sa bawat miyembro ng pamilya.

22.

Si Joshua ay palaging handang tumulong at ipagtanggol ang kanyang pamilya, lalo na kapag may nang- aapi o nananakit sa kanila. Anong uri ng pagpapahalaga ang ipinapakita ni Joshua?

a)

Care for Relationship

b)

Close Family Ties

c)

Mutual Support

d)

Respect for elderly

23.

Paano mo maiaangkop ang pagbabago ng mga gampanin at relasyon sa pamilya sa modernong lipunan upang mapanatili ang pagkakaisa at epektibong komunikasyon sa loob ng pamilya?

a)

Gamitin ang mga bagong teknolohiya at plataporma upang mapabuti ang komunikasyon at koordinasyon sa loob ng pamilya.

b)

Panatilihin ang mga tradisyunal na gampanin at responsibilidad sa pamilya kahit na may mga pagbabago sa modernong lipunan.

c)

Panatilihin ang mahigpit na hierarchical structure sa pamilya kung saan ang mga magulang lamang ang nagbibigay ng desisyon.

d)

Bigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya na makilahok sa pagdedesisyon at pamumuno upang matiyak ang pantay-pantay na partisipasyon.

24.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi gampanin ng pamilya?

a)

Ang pamilya ay yunit ng produksiyon.

b)

Ang pamilya ay yunit ng pagmamahal.

c)

Ang pamilya ay yunit ng reproduksiyon.

d)

Ang pamilya ay yunit ng sosyalisasyon.

25.

Bakit itinuturing na mahalaga ang Teoryang Austronesian Migration sa paghubog ng kasaysayan ng Timog-Silangang Asya?

a)

Dahil ipinakita nito kung paano ang mga Austronesian ang naging unang mga manlalakbay na nakarating sa Europa

b)

Dahil inilalarawan nito kung paano sinakop ng mga Austronesian ang buong Asya gamit ang kanilang malalaking hukbo.

c)

Dahil ipinaliwanag nito ang pagkakaroon ng magkakatulad na mga relihiyon sa iba't ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.

d)

Dahil nagpapaliwanag ito kung paano naipakalat ng mga Austronesian ang kanilang wika, kultura, at teknolohiya sa agrikultura at pangingisda sa iba't ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

26.

Ayon sa Mainland Origin Hypothesis, saang bansa orihinal na nagmula ang mga Austronesian?

a)

China

b)

Indonesia

c)

Taiwan

d)

Thailand

27.

Bakit tinawag na maritima o insular ang bansang Pilipinas?

a)

Sapagkat ang bansa ay pulu-pulo.

b)

Sapagkat ang bansa ay napaliligiran ng tubig.

c)

Sapagkat ito ay napaliligiran ng mga kabundukan.

d)

Sapagkat ito ay napaliligiran ng malalawak na kapatagan.

28.

Malaki ang papel ng migrasyon sa pagbabago ng pamumuhay ng mga mamamayan sa Timog-Silangang Asya gaya ng pag-unlad ng mga pamayanan, paglawak ng kaalaman na nagpaangat sa ekonomiya at mabilis na industriyalisasyon ng rehiyon. Anong konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?

a)

Ang migrasyon ay susi tungong modernisasyon.

b)

Naging makabuluhan ang migrasyon sa paglago ng mga bansa sa Asya.

c)

Ang migrasyon ang naging daan sa pagkakaisa ng mga Asyano tungo sa pag-unlad.

d)

Ang migrasyon ay mahalagang salik sa kaunlarang pangkabuhayan ng Timog-Silangang Asya.

29.

Paano nakatulong ang kalinangang Austronesyano sa pagbuo ng kalinangan ng Pilipinas?

a)

sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng agrikultura at paghahayupan

b)

sa pamamagitan ng pag-aangkop sa mga lokal na pamumuhay at klima

c)

sa pamamagitan ng pagpapakilala ng teknolohiya at kasanayan sa pagtuklas ng mga yaman sa ilalim ng lupa

d)

sa pamamagitan ng pagtataguyod ng malalayong paglalakbay na nagdulot ng pagpapalitan ng kultura at teknolohiya

30.

Paano mo mailalahad ang pangunahing impluwensya ng Imperyong Maritima sa kasalukuyang ekonomiya ng Timog-Silangang Asya?

a)

Pagbuo ng mga bagong pantalan at daungan upang mapabilis ang internasyonal na kalakalan.

b)

Pagsasagawa ng mga patakaran na nagtataguyod ng proteksyonismo upang mapanatili ang lokal na industriya.

c)

Pagpapanatili ng mga tradisyonal na ruta ng kalakalan na dati nang ginamit ng Imperyong Maritima.

d)

Pag-aalaga sa mga lokal na agrikultura at manu-manong industriya upang mabawasan ang pag- angkat ng mga produkto.

31.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng epekto ng Imperyong Maritima sa mga rutang pangkalakalan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Ang imperyong Maritima ang nagpasimula ng mga ruta sa ilalim ng lupa.

b)

Ang Imperyong Maritima ay nagpalawak at nagpaigting ng mga ruta ng kalakalan sa karagatan.

c)

Ang Imperyong Maritima ay nagdulot ng pag-aabandona sa mga tradisyonal na ruta ng kalakalan.

d)

Ang Imperyong Maritima ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng mga kalakal sa mga lokal na merkado sa Timog-Silangang Asya.

32.

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kalinangang Austronesyano at Imperyong Maritima sa kasalukuyang panahon?

a)

Malaman ang mga pagkakaiba ng mga kulturang ito kumpara sa modernong teknolohiya.

b)

Maipasa ang mga tradisyunal na kasanayan sa mga bagong henerasyon nang walang pagbabago.

c)

Maunawaan ang mga makasaysayang pinagmulan at impluwensya sa kasalukuyang kultura, kalakalan, at lipunan.

d)

Palitan ang kasalukuyang mga estratehiya sa negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga sinaunang pamamaraan.

33.

Ayon kay Solheim II, ang pangunahing dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesian noon ay ang pakikipagkalakalan. Maiuugnay din sa kanila ang imbensyon ng mga bangkang may katig. Anong konklusyon ang mahihinuha dito?

a)

Ang mga Austronesian ay magagaling na negosyante.

b)

Ang mga Austronesian ay nagpapakita ng kakayahan sa pamimirata.

c)

Ang mga Austronesian ay nagpapakilala ng sopistikadong kakayahan sa paglalayag.

d)

Ang mga Austronesian ay may mahusay na kasanayan sa pagbuo ng sasakyang pandagat.

34.

Alin sa sumusunod na mga bansa ang hindi kabilang sa Mainland Southeast Asia?

a)

Cambodia

b)

Laos

c)

Myanmar

d)

Pilipinas

35.

Bilang pinuno ng samahan ng mag-aaral sa Araling Panlipunan, ano ay iyong gagawin upang maipamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Imperyong Maritima?

a)

Iwasan ang mga talakayan at proyekto na nauugnay sa Imperyong Maritima dahil sa kakulangan ng interes.

b)

Mag-organisa ng isang exhibit sa paaralan na naglalaman ng mga impormasyon at artifacts na nauugnay sa Imperyong Maritima.

c)

Maglaan ng oras upang magbasa ng mga kasaysayan tungkol sa mga sinaunang imperyo ngunit hindi ibabahagi ang kaalaman sa iba.

d)

Gumawa ng mga proyekto na nagbibigay-diin sa modernong teknolohiya at hindi na isasama ang mga aspeto ng Imperyong Maritima.

36.

Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa Insular Southeast Asia?

a)

Brunei

b)

Cambodia

c)

Laos

d)

Vietnam

37.

Siya ay isang antropologong Amerikano na naniniwala na ang mga Austranesian ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kaniyang Nusantao Traiding and Communication Network Hypothesis.

a)

Johann Blumenbach

b)

Peter Bellwood

c)

Peter Solheim

d)

Wilhelm G. Solheim II

38.

Bilang kasapi ng isang komunidad, paano mo maisasagawa ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkalikasan upang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran?

a)

Magputol ng puno para sa sariling gamit basta't hindi ito nakikita ng iba.

b)

Iwasan ang pakikilahok sa mga aktibidad kung wala namang direktang epekto sa sarili.

c)

Manatiling tahimik at hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang umaksyon sa isyu.

d)

Hikayatin ang kapwa mamamayan na sumali sa mga gawaing pangkalikasan at magsagawa ng regular na paglilinis sa paligid.

39.

Paano nagkaroon ng impluwensya ang China sa sinaunang kalakalan sa Pilipinas?

a)

sa pagpapalaganap ng Confucianismo

b)

sa pag-aalay ng mga hayop sa mga diyos

c)

sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan ng porselana at seda

d)

sa pamamagitan ng pagpapakilala ng teknolohiya ng irigasyon

40.

Paano nagkaroon ng impluwensyang kultural ang mga kabihasnang Srivijaya, Madjapahit, at Malacca sa kanilang mga nasasakupan?

a)

Pagpapakilala ng teknolohiyang Kanluranin

b)

Pagpapakalat ng sistemang pampulitika ng Tsina

c)

Pagpapalaganap ng relihiyong Islam at Hinduismo

d)

Paggamit ng mga wikang Latin at Griyego sa edukasyon

41.

Ang Funan ay ang sinaunang estado ng Cambodia na pinaniniwalaang naging kauna-unahang maunlad na ekonomiya sa Timog-Silangang Asya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?

a)

Ang Funan ay nagpakilala ng iba't ibang mga inobasyon at makabagong pamamaraan sa pagsasaka.

b)

Ang Funan ay kilala sa kanilang makabagong sistema ng irigasyon na nagpalago sa kanilang agrikultura na naging batayan ng kanilang ekonomiya.

c)

Ang Funan ay naging mahalagang sentro ng kalakalan sa rehiyon na nag-uugnay sa mga kalakal mula sa Tsina at India na nagpalakas sa kanilang ekonomiya.

d)

Ang pagkakaroon ng maayos na pamahalaan at impluwensiya ng mga relihiyon tulad ng Hinduismo at Budismo ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang kultura at lipunan.

42.

Ang Angkor Wat ay pinakanakamamanghang templo na itinayo ng mga Khmer. Paano ito nakatulong sa pagbuo ng kultura at relihiyon sa Imperyong Khmer?

a)

sa pamamagitan ng pagiging sentro ng kalakalan

b)

sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga paaralan at unibersidad

c)

sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga arkitekturang estilo ng Tsina

d)

sa pamamagitan ng pagsasama ng mga elemento ng Hinduismo at Budismo

43.

Alin sa sumusunod na aspeto ng kabihasnang Pagan ang nagbigay ng pinakamalaking kontribusyon sa kanilang pag-unlad bilang isang makapangyarihang estado sa Timog-Silangang Asya?

a)

Ang kanilang mga sistema ng irigasyon at agrikultura ay nagdulot ng maunlad na pamumuhay.

b)

Ang kanilang estratehiya sa pakikipagkalakalan sa mga kalapit na rehiyon ay nagbunsod maunlad na komersyo.

c)

Ang pagpapalaganap ng Budismo at pagtatayo ng mga templo ay nagpatibay ng kanilang relihiyon, kultura at sining.

d)

Ang kanilang kahusayan sa pakikidigma at pananakop ng mga kaharian ay nagpakita ng kanilang malawak na kapangyarihan.

44.

Ang Imperyong Srivijaya ay isang sinaunang kahariang Malay na naghari sa Sumatra, Indonesia. Ano ang naging epekto ng pag-angat ng Imperyong Srivijaya sa kalakalan at kultura sa Timog-silangang Asya?

a)

Nagdulot ito ng mataas na antas ng pagsasanay at edukasyon sa rehiyon.

b)

Nagbigay ito ng mataas na antas ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

c)

Nagdulot ito ng mataas na antas ng impluwensiya ng Budismo sa rehiyon.

d)

Nagbigay ito ng mas mataas na antas ng kalakalan at pakikipagkalakalan sa Timog-Silangang Asya.

45.

Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan ng pagiging dakilang sibilisasyon ng India at China?

a)

Pagpapakilala ng demokrasya bilang pangunahing uri ng pamahalaan.

b)

Pagkakaroon ng mga ipinagmamalaking istruktura na nagpakilala sa bansa.

c)

Pagkakaroon ng malakas na imperyong sumakop sa buong kontinente ng Africa.

d)

Pagbuo ng mga pangunahing relihiyon at pilosopiya na nakaimpluwensiya sa mga bansa sa mundo.

46.

Bakit mahalaga ang papel ng mga Tibeto-Burman sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Timog- Silangang Asya noong ika-anim na siglo?

a)

sila ang nagtatag ng mga sistemang demokratiko sa buong Asya

b)

naging mahalaga silang tagapagsulong ng Kristiyanismo sa rehiyon

c)

sila ang unang grupo na nakipagdigma sa mga Europeo sa Timog-Silangang Asya

d)

itinatag nila ang Kahariang Pagan na naging sentro ng pamahalaan at Budismo sa Myanmar

47.

Paano naipakita sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya ang impluwensiya ng kabihasnan ng Tsina at India?

a)

sa paggamit ng alpabetong Latin at wikang Europeo

b)

sa pagtatayo ng mga gusaling may istilong Kanluranin

c)

pagkakaroon ng modernong teknolohiya at makabagong armas

d)

paglaganap ng relihiyong Buddhism at Hinduism sa ilang bahagi ng rehiyon

48.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangunahing epekto ng heograpikal na pagkakahati ng Timog-Silangang Asya sa mga aspeto ng buhay at kasaysayan ng rehiyon?

a)

Ang heograpikal na pagkakahati ay nag-ambag sa pagbuo ng pare-parehong kultura at paniniwala

b)

Ang heograpiya ay nagbigay ng masaganang likas na yaman tulad ng mga ilog at fertile plains na naging batayan ng agrikultura.

c)

Ang lokasyon ng Timog-Silangang Asya ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga makapangyarihang kaharian tulad ng Srivijaya at Funan.

d)

Ang heograpikal na pagkakahati sa pagitan ng mga kalupaang bansa at mga kapuluan ay nagdulot ng pagkakaiba-iba sa mga kultura, wika, at tradisyon.

49.

Paano nakaapekto ang klima ng Timog-Silangang Asya sa mga pamumuhay at kabuhayan ng mga sinaunang tao sa rehiyon?

a)

nagbigay ito ng mga hadlang sa pag-unlad ng mga kabihasnan

b)

nagdulot ito ng mga natural na sakuna na nagbawas sa populasyon

c)

nagdulot ito ng mas mataas na antas ng migrasyon sa ibang rehiyon

d)

nagbigay ito ng masaganang ani na nagpalakas sa kanilang ekonomiya

50.

Paano nakaapekto ang mga natural na hangganan tulad ng mga bundok at ilog sa pagbuo ng mga sinaunang estado sa Timog-Silangang Asya?

a)

nagdulot ito ng pagkakaisa sa mga lokal na komunidad

b)

nagbigay ito ng mas maraming yaman at likas na yaman

c)

nagbigay ito ng mga hadlang sa kalakalan at komunikasyon

d)

nagbigay ito ng proteksyon laban sa mga dayuhang pagsalakay