NEW
Font size
WorksheetsREGIONAL MID-YEAR ASSESSMENT IN ARALING PANLIPUNAN (Grade 8)
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang Ring of Fire ay isang rehiyon na may matinding aktibidad ng mga bulkan at seismic o pagyanig. Alin sa sumusunod ang pangunahing sanhi ng aktibidad na ito?
Mataas ang antas ng polusyon sa nakapaligid na lugar nito.
Ang dami ng mga pagtama ng meteor o bulalakaw sa lugar na ito.
Interaksiyon ng mga tectonic plate sa kahabaan ng Pacific Ocean na nagdudulot ng mga lindol at pagputok ng bulkan.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Bakit karaniwang matatagpuan ang mga disyerto malapit sa 30° hilaga at 30° timog latitude?
Kadalasang ang mga lugar na ito ay napapalibutan ng matataas na bundok na pumipigil sa pag-ulan.
Ang mga lugar na ito ay halos walang pananim kaya hindi nakakapanatili ng halumigmig sa lupa.
Nasa ilaim ito ng epekto ng pababang tuyong hangin na nagdudulot ng mataas na presyon at kakulangan sa ulan.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Alin sa sumusunod ang pinakamaainam na paliwanag kung bakit karamihan sa mga pangunahing ilog sa mundo ay umaagos patungo sa karagatan?
Ang mga ilog ay ginawang mga kanal para daluyan ng tubig mula sa ilog patungo sa karagatan.
Ito ang pinakamababang lugar sa ibabaw ng mundo, natural na dumadaloy ang tubig patungo dito.
Ang pagsingaw ng tubig mula sa mga karagatan ay lumilikha ng water vapor na pumupunta sa atmosfera.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Kung ikaw ay maglalakbay mula sa North Pole patungo sa ekwador, paano mababago ang pangkalahatang temperatura habang ikaw ay lumalapit sa ekwador?
bumababa ang temperatura habang lumalapit sa ekwador
unti-unting tumataas ang temperatura papalapit sa ekwador
hindi tiyak ang temperatura; pabago-bago ito sa buong paglalakbay
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga sinaunang kabihasnan ay umunlad sa mga rehiyong malapit sa mga lambak-ilog?
Naging daan ang mga ilog sa pag-unlad ng kalakalan at paglalakbay.
Nagdulot ang mga ilog ng matabang lupa na angkop para sa pagsasaka.
Bunga ito ng pinagsama-samang epekto ng matabang lupa, tubig, at kalakalan.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Paano nakaapekto ang pagsulong ng agrikultura sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?
lubos na tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan
nabawasan ang mga digmaan dahil sa mas sapat na pagkain
nagsimulang manirahan nang permanente ang mga tao sa isang lugar
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Alin sa sumusunod ang pangunahing pagkakatulad ng mga kabihasnang sumibol sa Tigris-Euphrates, Indus, Huang He, at Ilog Nile?
Ang mga ito ay umusbong sa lugar na malayo sa anomang uri ng tubig.
Ang lahat ay umasa sa mga bundok para sa depensa laban sa mga kaaway.
Ang lahat ay umunlad sa paligid ng mga ilog na naging sentro ng agrikultura at irigasyon.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Kung ikaw ay isang pinuno ng sinaunang kabihasnang Indus na nasa rehiyong may madalas na pagbaha, anong hakbang ang pinakamaainam upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng iyong nasasakupan?
Magpatayo ng mataas na pader upang pigilan ang mga mananakop.
Iwasan ang pagtira sa mga malapit sa ilog upang hindi maabala ang kalakalan.
Magplano ng sistematikong kanal at irigasyon upang kontrolin ang tubig-baha.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ano ang tawag sa sistematikong pakikipagpalitan ng produkto, ideya, at kultura sa pagitan ng mga sinaunang kabihasnan?
Migrasyon ng tribo
Rebolusyong Agrikultural
Kalakalan o trade
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ano ang pangunahing dahilan ng pagyaman ng mga sinaunang kabihasnan sa Gresya?
nakarating sa iba’t ibang isla ang mga produktong gawa sa lungsod
napalilibutan ng karagatan kung kaya naging madali ang kalakalan
maraming kabundukan at kagubatan na pinanggagkunan ng likas na yaman
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Kung ikaw ay isang pinuno ng kabihasnang Aztec na nakatira sa paligid ng Lawa ng Texcoco, anong estratehiya ang iyong gagamitin upang matiyak ang suplay ng pagkain?
magtayo ng mga barko para sa pangingisda sa dagat
magpalipat-lipat ng tirahan upang hanapin ang matabang lupa
gumawa ng mga chinampa o lumulutang na hardin upang mapalawak ang sakahan
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Kung ikaw ay isang mananalaysay na nag-aaral sa pagbagsak ng kabihasnang Maya, anong asppekto ang dapat mong pagtuuan upang maunawaan ang dahilan ng pagbagsak nito?
pananakop ng mga Europeo noong ika-20 siglo
pag-unlad ng sistemang edukasyon ng mga Aztec
mga senyales ng pagkalanta ng kalikasan at digmaan sa pagitan ng mga lungsod
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Alin sa sumusunod ang karaniwang paliwanag para sa hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan sa mga sinaunang kabihasnan?
ang ideya na ang lahat ng mga indibidwal ay likas na pantay
paniniwala sa banal na karapatan o isang natural na kaayusan
pagbibigay-daan sa pag-angat sa lipunan at mga oportunidad ng bawat indibidwal
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ikaw ay naatasang pumili ng estruktura na tinalakay sa lipunang Griyego, Sumer at Egypt. Sa paanong paraan mo kaya ipakikita ang pangangalaga rito?
pagsasagawa ng arkeolohikal na pag-aaral at pagsusuri sa mga natagpuang artifacts
pagpapalaganap ng kasaysayan at kultura ng mga sinaunang lipunan sa mga paaralan at museo
lahat ay tamang hakbang sa pangangalaga at preserbasyon ng estruktura ng mga lipunang ito
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng sistemang Varna ng sinaunang India kumpara sa ibang sistemang panlipunan sa Asya?
Pansamantala lamang at nawawala kapag may digmaan o kalamidad.
Isa itong bukas na sistemang maaaring pasukan ng sinuman sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.
Ang mahigpit at minanang estrukturang panlipunan na nakaangkla sa relihiyosong paniniwala at hindi madaling baguhin.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng estrukturang panlipunan ng Sparta sa Athens?
Ang lipunang Spartan ay nakatuon sa militar at disiplina, habang sa Athens ay sa edukasyon at demokrasya.
Ang mga kababaihan ay pinuno ng estado sa Athens, habang sa Sparta ay tagapangalaga lamang ng relihiyon.
May sistemang Caste ang Sparta gaya ng India, habang sa Athens ay walang estrukturang bumubuo sa lipunan.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Paano nakaapekto ang heograpiya ng Greece sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan nito?
Ang pinagsamang epekto ng kabundukan at baybayin ay nagbigay-hugis sa politika at ekonomiya ng sinaunang Greece.
Ang mga kabundukan ng rehiyon ay naging dahilan ng pag-usbong ng mga hiwalay at malalayang lungsod-estado (polis).
Ang matabang lupaing lambak ng mga ilog ay nagsuporta sa malawakang agrikultura at pagkakaroon ng isang sentralisadong pamahalaan.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Bilang isang mag-aaral ng kasaysayan, alin sa sumusunod ang pinakamahusay na paglalarawan sa papel ng kababaihan sa lipunang Spartan, batay sa estrukturang panlipunan at layunin ng estado?
Ang mga pari at pinuno ang naging lungsod-estado, katulad ng mga lalaki.
Ang kababaihan sa Sparta ay hindi pinapayagang magmay-ari ng lupa at limitado lamang sa gawaing bahay.
Sila ay may mahalagang papel sa ekonomiya, maaaring magmay-ari ng ari-arian, at sinanay upang maging malusog na ina ng mga sundalo.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Alin sa sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng ugnayan sa pagitan ng relihiyon at kultura?
Ito ay may kaunti o walang epekto sa pag-unlad ng kultura.
Ang kultura ang nagdidikta ng mga paniniwala at gawi sa relihiyon.
Ito ay bahagi ng kultura, na nakaiimpluwensiya sa pagpapahalaga, tradisyon, at sining ng isang kabihasnan.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Bakit napakahalaga ang konsepto ng pagbibigay sa mga Kristiyano hanggang sa kasalukuyang panahon?
Ito ay paraan ng pagpapakita ng isang aktibong pakikilahok sa relihiyon.
Mahalaga ito dahil nagsisilbi itong paglilinis sa orihinal na kasalanan ng isang indibidwal.
Nagkakaroon ng mas malalim na relasyon sa Ama, kay Hesus, at sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng binyag.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ikayo ay nagkaroon ng lakbay-aral sa isang Buddhist temple dito sa ating bansa. Paano mo maipakikita ang pagrespeto sa relihiyon at paniniwala rito?
sa pagkuha ng litrato ng mga ginagawa ng mga monghe at ibang tao sa templo para may mailagay sa iyong gawain
sa pagpapakita ng respeto sa pamamagitan ng paglayo sa loob ng templo upang maibahagi sa ibang tao ang kagandahan at kasagraduhan ng lugar
ipakita ang paggalang sa pamamagitan nang pagtahimik at pagmamasid sa ginagawa ng mga monghe at ibang tao at matuto sa kanila
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Sa paanong paraan naiiba ang Budismo at Confucianismo sa ibang relihiyon?
Ito ay mga paraan ng pamumuhay na humubog sa puso at paniniwala ng mga pangunahing relihiyon sa mundo.
Ito lang ang tanging paraan ng pamumuhay na hindi nakaranas ng kahit anong panganib o pang-aapi mula sa ibang relihiyon.
Ito ay mga pilosopiyang naglalayong magbigay ng alternatibong interpretasyon sa pamumuhay at paniniwala ng isang indibidwal.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang tamang sagot. Ano ang kahalagahan ng interaksiyon at tugon ng tao sa kanyang kapaligiran?
Ang mga sinaunang kabihasnan ay nabuo dahil sa tugon ng tao sa kapaligiran.
Ang interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran ang gumagabay sa kanyang dapat gampanin.
Ang kaunlaran ay nagsisimula sa mga napupulot na kaalaman ng tao batay sa kanyang karanasan sa kapaligiran.
Basahin at unawain ang talahanayan tungkol sa Confucianismo, Budismo, at Shintoismo (aspekto: Layunin ng Indibidwal; Layunin sa Lipunan; Pangunahing Paraan o Gawi; Paniniwala ukol sa Buhay). Sagutin: Paano naiiba ang Confucianism sa Buddhism at Shintoism sa layunin nito para sa indibidwal at lipunan?
parehong nagtuturo ng meditasyon at personal na kaligtasan ang Confucianism at Shintoism
ang Confucianism ay nakatuon sa moralidad, ugnayang panlipunan, at tungkulin sa pamilya at lipunan
nakatutok ang Confucianism sa paghahanap ng kaliwanagan at pag-unawa sa buhay pagkatapos ng kamatayan
Mula sa mga kontribusyon ng iba’t ibang emperador sa pagpapatatag ng Imperyong Romano tungkol sa patakaran, reporma, at mga labanan kanilang pinamunuan, sino ang kinikilala bilang isa sa pinakamalakas na Emperador?
Constantine
Diocletian
Osman I
Bilang mag-aaral, inatasan kang suriin ang mga taktika na ginamit ni Mehmed II sa paglusob sa Constantinople noong 1453. Alam mong makapal at matibay ang pader ng lungsod at mahirap pasukin gamit lamang ang karaniwang hukbo. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang pangunahing sandata na ginamit ni Mehmed II upang sirain ang pader ng Constantinople?
hukbong pandagat na umatake mula sa karagatan
mga sundalong Venetian at Genoese bilang katuwang sa depensa
mga kanyon at artilya na lumusob at sumira sa makapal na pader
Sa inyong talakayan sa Araling Panlipunan 8 ni Gng. Legaspi, pinag-usapan ninyo ang tugon ng Simbahang Katolika sa Protestaneng Repormasyon. Binanggit ng guro na ginanap ang Konseho ng Trent upang pagtibayin ang pananampalataya at ayusin ang mga isyung pang-estruktura sa loob ng simbahan. Batay sa iyong pag-unawa, ano ang pangunahing layunin na nabigyang-diin sa pagpupulong ng Konseho ng Trent bilang bahagi ng Kontra-Repormasyon?
Pag-usapan ang paglilimbag ng mas maraming aklat pang-Katoliko.
Magtayo ng seminaryo sa bawat parokya upang turuan ang mga Katoliko.
Tukuyin ang mga doktrina at aral ng simbahan na dapat manatiling gabay ng mga Katoliko.
Ito ay ang pagtatag ng permanenteng teritoryo o kolonya sa mga dayuhang lupain na may taglay na likas na yaman.
Eksplorasyon
Kolonisasyon
Renaissance
Kung ikaw ay gagawa ng poster tungkol sa mga barkong ginamit ng mga kilalang manlalayag, alin sa sumusunod ang HINDI mo isasama sa listahan ng mga barko ni Christopher Columbus?
Pinta
Santa Maria
Victoria
Ano ang naging epekto ng Kasunduang Tordesillas sa ugnayan ng mga bansang Espanya at Portugal sa pananakop ng mga lupain?
Napigilan nito ang anumanmng uri ng kolonisasyon sa Asya at Aprika.
Naipamahagi nito ang lahat ng lupain sa buong mundo nang patas sa lahat ng bansa sa Europa.
Naitaguyod nito ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa sa paghahati ng bagong lupain.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon? I. Lumakas ang ugnayan ng Silangan at Kanluran. II. Lumaganap ang Kristiyanismo dahil sa Kolonyalisasyon. III. Naging sentro ng kapangyarihan ang Europe dahil ang nangasiwa at kumita sa pandaigdigang kalakalan. IV. Biniyagang-daan ang malawakang pagtuklas ng mga lupain na hindi pa narating at nagalugad ng paglalakbay ng mga Amerikano at Tsino.
II
III
IV
Ano ang ibig sabihin ng Rihlah at ano ang kaugnayan nito kay Ibn Battuta?
pamagat ng lungsod kung saan siya nanirahan
isang lugar na pinuntahan ni Ibn Battuta sa Asya
tala ng mga paglalakbay ni Ibn Battuta na nangangahulugang “paglalakbay.”
Habang tinatalakay ni Bb. Martin ang mga ekspedisyon ni Zheng He sa ilalim ng dinastiyang Ming, ipinakita niya sa klase ang mga ruta na umabot hanggang Timog-Silangang Asya, Timog Asya, at silangang bahagi ng Aprika, ipinaliwanag din niya ang mga layunin at epekto ng mapayapang paggagalugad. Batay sa iyong pagsusuri, bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng mga ekspedisyon ni Zheng He?
Lumakas ang pakikipagkalakalan ng Tsina sa iba’t ibang rehiyon sa Asya.
Lumawak ang kaalaman ng mga Tsino tungkol sa kalikasan ng paglalayag.
Nabawasan ang teritoryo ng Ming Tsina dahil sa mapayapang ekspedisyon.
Ano ang ipinakikita ng naging pamumuhay ni Babur tungkol sa pag-usbong ng Dinastiyang Mughal kaugnay ng pananampalataya?
Mas pinili niyang gawing sarado ang lipunan mula sa ibang relihiyon.
Mahigpit na pinatupad ang Quran sa lahat ng aspeto ng pamumuhay.
Ang kaluwagan at pagpaparaya sa relihiyon ay naging bahagi ng kanilang pamumuno.
Sino ang conquistador mula sa Portugal na umagaw ng kontrol sa kalakalan sa Moluccas mula sa mga Muslim?
Afonso de Albuquerque
Christopher Columbus
Vasco da Gama
Matiyagang pinag-aaralan ng 8-Jasper ang epekto ng Imperyalismo sa Asya at Aprika. Ipinakita ng kanilang guro ang pagkakaiba ng Sphere of Influence at Kolonya. Ipinakita rin ang mapa ng Tsina noong Opium War at ang India bilang dating kolonya ng Great Britain. Batay sa iyong pagsusuri, alin sa sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng Sphere of Influence at HINDI ng Kolonya?
May sariling pamahalaan ang teritoryo na hindi nakikialam ang dayuhan.
May sariling pamahalaan ang teritoryo ngunit may eksklusibong pribilehiyo ang dayuhang bansa sa kalakalan at pamumuhunan.
Direktang pinamamahalaan ng dayuhang bansa ang teritoryo, kabilang ang gobyerno at hukbo
Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makabalik sa panahon ng kolonyalismo, paano mo ipaliliwanag ang epekto ng paniniwala na “survival of the fittest”?
Pinaniniwalaan ng mga Europeo na sila ang nakatataas sapagkat sila ay industriyalisado.
Itinuturing ng mga dayuhan mula sa kanluran na sila ay may responsibilidad sa kolonya nito.
Itinuring nila na sila ay higit kaysa iba dahil nagawa nilang makabalik mula sa kanilang paglalakbay sa gitna ng karagatan.
Ito ay tumutukoy sa anyo ng pamahalaan ang nagtatalaga ng kapangyarihan sa isang tao lamang na kung tawagin ay hari o reyna.
Demokrasya
Monarkiya
Sosyalisamo
Sa iyong pagsusuri, alin sa mga sumusunod na tugon ang pinakamalinaw na nagpapakita ng pagpugto o paghamos sa tradisyonal na kapangyarihan na dulot ng mga ideya ng Enlightenment?
nagkaroon ng isang sistema ng gobyerno na dapat sundin
mas umigting ang paniniwala ng mamamayan sa dogma ng simbahan
lumobo ang bilang ng Kilusang Pampulitika na tumutuligsa sa simbahan
Noong panahon ng Enlightenment, laganap ang paggamit ng mga politiko sa mga siyentipikong kaalaman at rason sa pamamahala. Saan maiuugnay ang paniniwalang ito?
Ang mga tao ay nangangailangan ng proteksyon mula sa pamahalaan.
Ang rason ang likas na batas na magagamit upang maunawaan ang lahat.
Ang mamamayan ay may karapatan at ito ay kailangang tugunan ng Pamahalaan.
Sa palihan ng paggawa ng sanaysay, alin sa mga pahayag sa ibaba ang iyong gagamitin bilang halimbawa na nagpapakita ng ugnayan ng mga kaisipang Enlightenment at Rebolusyong Amerikano?
Ginawa ng amerikano ang mga bagay na hindi ginawa ng Europeo noong panahon ng Enlightenment at iyon ay ang lumaban.
Naging inspirasyon ng Amerikano ang mga kaisipang pampolitika na umusbong noong Enlightenment upang lumaban at tumindig.
Dahil sa maling paniniwala noong panahon ng Enlightenment, mas umalab ang damdamin ng mga Amerikano hudyat ng simula ng rebolusyon.
Ano ang tawag sa makapangyarihang paniniwala sa pagpili ng Hari ng Pransya?
Divine Rights
Kingship
Manifest Destiny
Bilang isang lider ng bansang nasakop noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo, alin sa sumusunod na epekto na maaari mong gamitin bilang dahilan upang hikayatin ang iyong mamamayan na magkaisa at labanan ang mga mananakop?
pagbabago sa sistemang pampulitika
pagpapalaganap ng dayuhang kultura
pagbabago sa kalagayang pangkabuhayan at panlipunan
Kung ikaw ay isang mamamayan noong ika-18 siglo sa Pransya, alin sa mga sitwasyong ito ang magtutulak sa iyo na lumahok sa Rebulyosyon?
kinuha ang kanilang mga karapatang pantao
hindi sila pinayagang makilahok sa mga rally ng kaharian
nakita ng mga tao ang maluhohng pamumuhay ng palasyo sa gitna ng kakulangan sa pagkain at trabaho
Sino ang nanguna sa pag-aaklas sa South America noong ika-18 siglo?
Mahatma Gadhi
Simon Bolivar
Sun Yat-sen
Ito ay tumutukoy sa isang estado na pinanahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan.
Demokrasya
Monarkiya
Nasyon-Estado
Si Rajesh, isang Indiano, alin sa sumusunod na batas ang pinakamaainam na paglalarawan ng epekto na kanyang pang-araw-araw na kalayaan?
Pass Law
Indian Segregation
Indian Passive Resistance
Ano ang ipinakikita ng pagkakatatag ng Indian Passive Resistance tungkol sa paraan ng paglaban ni Mahatma Gandhi kumpara sa karaniwang rebolusyonaryong kilusan?
Itinatag nito ang Cape of Good Hope bilang sentro ng kilusan.
Pinalakas nito ang pagpapatupad ng Paws Law sa mga Indiano.
Nagbigay ito ng halimbawa ng mapayapang paglaban at moral na prinsipyo.
Ano ang kasunduang pinahihintulutan ang Amerika na dumaong sa bubuksang dalawang daungan ang Japan at magkaroon ng ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Estados Unidos?
Cape of Good Hope
Kasunduang Kaganawa
Rebolusyong Industriyal
Ang pagbubukas ng kalakalan sa Kanluranin ang dapat kilalanin bilang pangunahing dahilan ng industriyalisasyon ng Japan. Bilang isang tagapayo ng emperador noong Meiji Era, alin sa mga sumusunod na opsyon ang iyong maipapanukala?
pagtaas ng populasyon bilang pinagmulan ng pangangailangan
pagbubukas ng kalakalan na nagdala ng bagong ideya at teknolohiya
pag-aaklas sa South America na nagbago ng pandaigdigang merkado
