wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G8-Filipino Mahabang Pagtataya

Total questions: 45

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

kasingkahulugan ng bantog .

a)

kilala

b)

mayabang

c)

mapagmataas

d)

mayaman

2.

Ang Florante at Laura ay kilala bilang metrical romance, ang nakasalunghit ay nangngangahulugang...

a)

tula sinta

b)

awit

c)

korido

3.

Magiting na heneral ng Albanya at mangingibig ni Laura

a)

Adolfo

b)

Florante

c)

Menandro

4.

Tauhang may labis na inggit at panibugho kay Florante na nagbigay dahilan ng pananakop nito sa Albanya.

a)

Menandro

b)

Menalipo

c)

Adolfo

5.

Anak ng Hari ng Albanya. Ang kanyang pag-ibig ay para lamang sa iisa.

a)

Floresca

b)

Flerida

c)

Laura

6.

Morong Persiyano na nagligtas kay Florante sa gubat na mapanglaw.

a)

Aladin

b)

Adolfo

c)

Menandro

7.

Ama na naging kaagaw ng anak sa kanyang iniibig na nagngangalang Flerida.

a)

Ali-Adab

b)

Osmalik

c)

Miramolin

8.

Ang makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ay inihalal na heneral sa hukdo ng Albanya.

a)

Adolfo

b)

Florante

c)

Aladin

d)

Laura

9.

Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis

ang gererong bantog sa palad kong amis;

at sa kaaway ma’y di ko ninanais

ang laki ng dusang aking napagsapit.


Ano ang damdaming nangingibabaw sa saknong?

a)

pagmamalasakit sa kapwa

b)

pagkamuhi sa sarili

c)

matinding takot

d)

kagustuhang makapaghiganti

10.

Ito ay hamak pa bagang sumasala

Ng karupukan mo at gawing masama?

Kung ano ang taas ng pagkadakila,

Siya ring lagapak naman kung marapa.


Ano ang damdaming nangingibabaw sa saknong?

a)

pagpapakumbaba

b)

pagtitiis

c)

pagsisisi

d)

pagkainis

11.

Tanggapin mo nawa kahit walang lasap

Nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.


Ano ang damdaming nangingibabaw sa taludtod?

a)

pagsusumamo

b)

pagtampo

c)

pag-aalay

d)

pagdadamot

12.

"Saan kalangitan napaakyat kaya

ang aking Florante sa tinamong tuwa;

ngayong tumititig sa ligayang mukha

ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?"


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Kabiguan ang naramdaman ni Florante nang makita niya si Laura.

b)

Inaalala ni Florante ang kagandahang anyo ni Laura.

c)

Lampas langit ang kasiyahan ni Florante nang makita si Laura.

d)

Nang makita ni Florante si Laura ay labis siyang nabighani sa kagandahan nito.

13.

"Nguni't sa puso ko'y matamis pang lubha

na tuloy nakitil ang hiningang aba,

huwag ang may buhay na nagugunita--

iba ang may kandong sa langit ko't tuwa.


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Ang mabuhay na kasama ang minamahal ay walang kapalit na kasiyahan.

b)

Mas mabuting mamatay na lamang kaysa mabuhay na alam mong ang minamahal ay kapiling na ng iba..

c)

Ang kabiguan ay hindi madaling ipaliwanag sa sobrang sakit.

d)

Ang pag-ibig ay masaya subalit ang kabiguan ay labis na kapighatian.

14.

Aniya'y "Sa madlang gyerang dinaanan,

di ako naghirap ng pakikilaban

para nang bakahin ang pusong matibay

ni Fleridang irog na tinatangisan.


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Ang pag-ibig ay komplikado kaya't magmahal ng matinong tao.

b)

Nakaranas ng maraming gyera subalit pagdating sa pag-ibig ay lubos na nahirapan.

c)

Pag-ibig ang kasagutan sa anumang gulo na kinahaharap.

d)

Ang pag-ibig sa bayan ay pagtangkilik sa sarili nating produkto.

15.

Bakit baga noong kami'y maghiwalay

Ay di pa nakitil yaring abang buhay?


Ano ang damdaming nangingibabaw sa taludtod?

a)

pagsisisi

b)

pagkasawi

c)

pagkalungkot

d)

pagkagalit

16.

Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw

Sa lansanga't nayong iyong niyapakan.


Ano ang damdaming nangibabaw sa taludtod?

a)

pag-alala

b)

pagkawalang-bahala

c)

pagkasuya

d)

pag-aalipusta

17.

Ang babaeng tumakas sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan.

a)

Floresca

b)

Flerida

c)

Laura

d)

Juana

18.

Ang babaing muntik nang gahasain ng isang Moro.

a)

Floresca

b)

Flerida

c)

Laura

d)

Juana

19.

Isang binatang kumalaban sa isang buwitre upang iligtas ang pinsan.

a)

Menalipo

b)

Menandro

c)

Adolfo

d)

Antenor

20.

Isang tapat na kanang kamay ni Florante at lagi niyang kasama sa mga digmaan.

a)

Menalipo

b)

Menandro

c)

Adolfo

d)

Antenor

21.

Isang magiting na heneral ng Persya na namuno sa pananakop sa Krotana.

a)

Emir

b)

Miramolin

c)

Osmalik

d)

Adolfo

22.

Bakit si Aladin galit sa kanyang ama?

a)

Dahil inagaw sa kanya si Flerida

b)

Dahil inagaw sa kanya aso

c)

Dahil inagaw sa kanya si Laura

d)

Dahil pinagalitan siya ng knayang ama

23.

Punongkahoy na mayabong subalit may malalapad na mga dahon.

a)

Higera

b)

Piedras Platas

c)

Narra

24.

Siya ay kinilala bilang reyno ng bait dahil sa pagiging patas at maprinsipyong pagtutuwid sa pagpapalaki sa kanyang anak.

a)

Duke Briseo

b)

Haring Linceo

c)

Prinsesa Floresca

d)

Sultan Ali Adab

25.

Isang gobernador ng mga Moro na nagtangkang manggahasa sa isang dalaga.

a)

Emir

b)

Miramolin

c)

Osmalik

d)

Adolfo

26.

MULA SA PAG-IBIG KAY FLERIDA;

Suriin kung ang mga mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga saknong na ating tinalakay. Lagyan lamang ng TSEK ang mga pahayag na tunay na naging bahagi ng tinalakay. Iwanang blangko kung hindi ito bahagi.

a)

Umalis si Aladin sa kanilang kaharian dahil nagkaroon ng hidwaan doon ng Relihiyon.

b)

Ang pagluha ni Aladin dahil sa pagkabigo sa pag-ibig ka Flerida.

c)

Inagaw ng ama ni Aladin ang kanyang minamahal na si Flerida.

d)

Nais gumanti ni Aladin sa kanyang ama na si Sultan Aliadab.

27.

Ano ang konotatibong kahulugan ng "nagpapangilo sa nerbyos"

a)

Nagpapanginig sa kaba

b)

Nagpaalab ng galit

28.

Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli; para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Ang denotatibong kahulugan ng "matigas ang loob" ay matibay ang loob.

a)

Tama

b)

Mali

29.

ang rosas ay nangangahulugan sa denotatibong pahayag na _________________-

a)

isang uri ng bulaklak na may mabangong amoy

b)

sumisimbolo ng pag-ibig ng isang tao

30.

Ang bahaghari kung bibigyang pagpapakahulugan sa konotatibong pahayag ito ay nangangahulugan ng ______________________

a)

pulutong ng kulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog.

b)

simbolo ng pag-asa

31.

Kapag ang isang salita ay may ekstrang kahulugan, kaisipan, o pahiwatig na nakadepende sa layunin ng gumagamit ito ay tinatawag na (a)   kahulugan.

32.

Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba?

Dinaan ni Alexander si Monica sa mga pambobola upang ito siya ay ibigin nito.

a)

paglalaro

b)

laruang hugis bilog

c)

matatamis na salita

d)

pamimilit

33.

"Siya ang nagsilbing ilaw ng kanilang tahanan mula ng nawala ang kanilang nanay." Ang Ilaw ng tahanan ay nangangahulugang?

a)

Liwanag

b)

Ina

34.

"Sa larawan na lamang niya nakikita ang kaniyang nasirang asawa." Anong ibig sabihin ng nasira?

a)

Pumanaw

b)

Nawala sa katinuan

35.

"Usap-usapan na siya sa kanilang lugar dahil sa tila paglobo ng kanyang tiyan" ano ang kahulugan ng paglobo?

a)

laruan ng bata na nilalagyan ng asupre

b)

lumalaki

36.

"Dilim ang bumabalot sa kanyang pagkatao" ang dilim ay nangangahulugang...

a)

gabi

b)

masama

c)

palubog na ang araw

d)

takot

37.

May malaking puso ang mga taong tumutulong sa kanilang kapwa.

a)

DENOTATIBO- sukat ng puso

b)

DENOTATIBO- tumitibok

c)

KONOTATIBO- mapagmahal

d)

KONOTATIBO-mapagbigay

38.

Nagsiliparan ang mga ibon dahil sa kulog.

a)

KONOTATIBO-may pakpak

b)

KONOTATIBO- mabilis mawalan ng gana

c)

DENOTATIBO-maliit na hayop

d)

DENOTATIBO-isang uri ng hayop na lumilipad

39.

Ang denotatibo ay tumutukoy sa __________ na kahulugan ng isang salita

a)

pahiwatig

b)

literal

40.

KRUS - pasanin o problema

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

41.

Sa loob ng aming kusina ay nakapasok ang isang malaking ahas, habang kami ay nananghalian.

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

42.

"Si Lukas ay kumikembot na naglalakad sa kalye, palibhasa berde ang dugo ng taong yan."

a)

Konotatibo

b)

Denotatibo

43.

Ang mga bata ay nagsusunog ng kilay sa pagsasagot ng kanilang modyul.

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

44.

Ito ay tinatawag sa Ingles na 'Dictionary Meaning'.

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

c)

Anapora

d)

Katapora

45.

'Alalahanin mo na ang pawis ko ay ipinambayad ko sa tuition fee mo.' Anong uri ng pagpapakahulugan ang salitang PAWIS na ginamit sa pangungusap?

a)

Konotatibo

b)

Denotatibo

c)

Anapora

d)

Katapora