NEW
Font size
WorksheetsRHS AP8 SY25-26 1st Quarter Reviewer
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Bakit ang nakararami sa mga sinaunang mga kabihasnan ay lumitaw sa mga lambak-ilog?
Napapaligiran ng disyerto na nagsisilbing natural na depensa.
Mayaman ang lupa para sa agrikultura at sagana sa tubig.
Mataas ang kabundukan na pumapalibot sa lambak
Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga kontinente ayon sa laki, mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit?
Asya, Europa, Aprika, Timog Amerika, Hilagang Amerika, Australia, Antartika
Asya, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antartika, Europa, Australia
Aprika, Asya, Europa, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Australia, Antartika
Ito ang teoryang ipinanukala ni Alfred Wegener na nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kontinente.
Big Bang Theory
Continental Drift Theory
Plate Tectonics Theory
Ano ang tawag sa makitid na anyong-tubig na naghihiwalay sa Russia at Alaska, at pinaniniwalaang dinaanan ng mga sinaunang tao papunta sa Amerika?
Kipot
Ilog
Lawa
Karagatan
Ito ay isang agham panlipunan na nag-aaral tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig. Ano ito?
Antropolohiya
Ekonomiks
Heograpiya
Bakit mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng mga karagatan ng daigdig?
Nagbibigay ito ng kabuhayan sa maraming tao.
Itinuturing lamang itong bahagi ng kasaysayan ng mundo.
Naging daan ito sa pananakop ng ilang makapangyarihang bansa.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang lugar ay kabilang sa isang rehiyon na may parehong katangiang kultural, politikal, o pisikal?
Mataas na bahagdan ng populasyon ng Saudi Arabia ay mga Muslim.
Ang Pilipinas ay miyembro ng Association of South-East Asian Nations.
Ang Tokyo ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista.
Bakit mahalagang malaman ang limang tema ng heograpiya para maintindihan ang ugnayan ng tao at ng kapaligiran?
Makakatulong ito upang maunawaan ang ugnayan ng tao at kapaligiran.
Ginagamit ito sa paggawa ng mga mapa at globo.
Madaling matutukoy kung aling lugar ang may pinakamaraming tao.
Sa Luzon, may lugar na madalas makaranas ng lindol at pagtaas ng lupa dahil sa pagtulakan ng dalawang tectonic plate. Kung magpapatuloy ito, maaaring mabuo ang kabundukan. Anong uri ng plate boundary ang inilalarawan dito?
Covergent Boundary
Divergent Boundary
Ano ang tawag sa imahinaryong linyang pahalang na naghahati sa globo sa dalawang bahagi?
Longhitud
Prime Meridian
Ekwador
Dahil sa kakulangan ng lupang pansakahan, nagtayo ang mga Hapon ng patubig at ginamit ang terasa sa kabundukan upang mapaunlad ang agrikultura. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa ugnayan ng tao at kapaligiran?
Ang pakikibagay sa kalikasan ay nagpapahintulot sa tao na pakinabangan ang lupa at tubig.
Mas mainam na iwasan ng tao ang pagtira sa mapanganib na mga lugar.
Walang epekto ang anyong lupa at tubig upang maiwasan ang sakuna.
Anong sibilisasyon ang umusbong sa masaganang lupa sa paligid ng Yellow River o
Huang He?
Tsino
Mesopotamia
Indus
Ehipto
Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Ehipto?
Itinuturing na tahanan ng mga diyos ang buong rehiyon.
Maraming cactus ang tumutubo sa paligid ng ilog.
Nabigyang-buhay ng Ilog Nile ang tuyong lupain ng Ehipto.
Paano yumaman ang mga sinaunang kabihasnan sa Gresya?
Kalapitan sa karagatan na nagpadali sa kalakalan.
Pagkakaroon ng kabundukan at kagubatan na pinagkukunan ng yaman.
Pagpapalaganap ng produkto sa iba’t ibang isla.
Dahil sa iba’t ibang elebasyon at pabago-bagong panahon sa Mesoamerica, nabuo ang magkakaibang uri ng ekolohiya at klima. Paano kaya nakaapekto ang ganitong heograpikal na kalagayan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao rito?
Natutong umangkop ang mga tao sa kapaligiran at bumuo ng iba’t ibang sistemang agrikultural.
Naging dahilan ito ng mabagal na pag-unlad ng mga pamayanan.
Naging limitado ang uri ng agrikultura na kanilang naitaguyod.
Bakit mahalagang bahagi ng kabihasnan ang
pagkakaroon ng sistema ng pagsulat?
Nagiging daan ng pakikipagkalakalan sa ibang kabihasnan.
Ginagamit sa paglikha ng sining at panitikan.
Paraan ng pagpapanatili ng tala ng mga gawaing panrelihiyon.
Ang mga Pulo sa Pacific ay mayaman sa likas na yaman, makakapal na gubat, at umaasa sa turismo. Kung ikaw ay tagapayo ng pamahalaan, anong estratehiya ang pinakamainam upang mapangalagaan ang kalikasan at sabay na mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan?
Palitan ang lokal na produkto ng mga imported na kalakal.
Magpatupad ng balanseng programa sa turismo, kalikasan at kalakalan.
Ipagbawal ang kalakalan sa pagitan ng mga pulo.
Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakaunang kabihasnan na
umusbong sa rehiyon ng Ilog Tigris at Euphrates at tinatawag na Fertile Crescent?
Ehipto
Indus
Mesopotamia
Shang
Sino ang namumuno sa lipunan ng mga Sumerian at may hawak ng kapangyarihang pampulitika at panrelihiyon?
Eskriba
Hari at Pari
Magsasaka
Ano ang tawag sa matagumpay na estado ng buhay na nilikha ng tao sa pagdaan ng panahon?
Kultura
Kabihasnan
Pamayanan
Sino ang kinikilalang pinakamataas na pinuno sa istrukturang panlipunan ng sinaunang Egypt?
Maharlika
Pharaoh
Magsasaka
Opisyal ng Pamahalaan
Ano ang tawag sa uri ng panlipunang sistema sa India na nakabatay sa hanapbuhay at tungkulin ng tao sa lipunan?
Dalit
Varna
Jati
Ano ang naging epekto ng pag-usbong ng demokrasya sa pamahalaan at antas ng lipunan sa Athens?
Pinalawak nito ang pakikilahok ng mamamayan sa pamahalaan at nagbigay ng higit na pagkakapantay-pantay.
Binigyang-karapatan lamang nito ang mga alipin na lumahok sa politika.
Nagpahintulot ito sa mga dayuhan na pamunuan ang lungsod.
Bakit sumasailalim ang mga batang lalaki sa Sparta sa mahigpit na pagsasanay mula pagkabata?
Ihanda sila sa paglilingkod sa mga maharlika
Ihanda sila para sa buhay ng serbisyong military at disiplina
Sanayin sila bilang pari at tagapagturo
Aling proyekto ang pinakamainam upang maipakita ang kaugnayan ng lokasyon sa pamumuhay ng mga sinaunang Griyego?
Gumawa ng modelo ng sinaunang lungsod-estado na nagpapakita ng rutang pangkalakalan at pagkakaisa ng kultura ng mga Griyego
Ilista ang mga pangalan ng mga Griyegong mandirigma sa mitolohiya.
Gumuhit ng mapa ng mga likas na hangganan sa Peninsulang Balkan.
Sa iyong pananaw, makatarungan ba ang pagpapatupad ng caste system sa sinaunang kabihasnan ng Indus?
Hindi, dahil pinayagan nitong magbago ng katayuan sa lipunan ang lahat.
Oo, sapagkat nagkaroon ng kapangyarihan ang bawat antas ng lipunan.
Hindi, sapagkat nilimitahan nito ang mga karapatan ng nasa mababang antas.
Oo, dahil nakatulong ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan
Sa sinaunang Egypt, malinaw ang pagkakahati ng lipunan ayon sa tungkulin ng bawat antas. Ano ang dahilan kung bakit mahirap para sa mga nasa mababang antas na makaakyat sa mas mataas na posisyon?
Dahil ang mga mangangalakal at kawal ay pumipili ng mga bagong pharaoh
Dahil ang kapangyarihan at katayuan ay kadalasang namamana at nakabatay sa
bloodline
Dahil ang mga eskriba at artisan lamang ang may kapangyarihang politikal
Kung gagawa ka ng bagong lungsod-estado sa Mesopotamia, aling aspeto ng pamumuno ng Sumerian ang puwede mong gamitin upang mapanatili ang kaayusan?
Alisin ang uring manggagawa para sa pantay-pantay
Magtalaga ng hari at pari na may pampulitika at panrelihiyosong awtoridad
Bigyan ng kapangyarihan ang mga eskriba na pamunuan ang lungsod
Kung isasaalang-alang ang pagkakahati ng lipunan sa Athens sa pagitan ng mga aristokrata at karaniwang mamamayan, anong hakbang ang maaari mong imungkahi upang makabuo ng sistemang panlipunan na nagtataguyod ng katarungan at pantay na karapatan?
Magpataw ng mas mataas na buwis sa mahihirap upang matugunan ang pangangailangan ng estado.
Panatilihin ang pamumuno ng mga aristokrata upang mapangalagaan ang kaayusan.
Isagawa ang mga reporma sa pamahalaan upang magkaroon ng boses sa batas ang mga karaniwang mamamayan
Ano ang pangunahing gampanin ng mga eskriba sa lipunan ng Sumer?
Pakikilahok sa kalakalan at pagsasaka
Pangunguna sa mga ritwal at gawaing panrelihiyon
Pagsusulat at pagtatala ng mahahalagang impormasyon at dokumento
Ang lipunang sinaunang Egypt ay may anim na antas ng estrukturang panlipunan. Kapag namatay ang isang pharaoh, kanino karaniwang naipapasa ang kanyang kapangyarihan?
Punong pari ng templo
Panganay na anak na lalaki
Pinakamatandang tagapayo ng pamahalaan
Ano ang tawag sa pinakamababang pangkat na itinuturing na ‘outcast’ at madalas nakararanas ng diskriminasyon?
Shudra
Brahmin
Dalit
Kshatriya
Sa sinaunang Gresya, ang mga lalaki ay tinuturuan para sa edukasyon, militar, at pulitika, habang ang mga babae ay inihahanda para sa pagiging asawa at ina. Ano ang ipinapakita ng pagkakaibang ito?
Mas mahalaga ang papel ng kababaihan sa pamahalaan
Pantay ang pagkakataon ng babae at lalaki sa edukasyon.
Tanging mga babae ang puwedeng lumahok sa mga seremonya sa lungsod.
Magkaiba ang papel ng babae at lalaki ayon sa hinihingi ng lipunan.
Sa Sumer, ang mga pari at hari ang nasa itaas ng lipunan, habang ang mga manggagawa at alipin ay nasa ibaba. Ano ang naging epekto nito?
Pinayagan ang mga alipin na gumawa ng batas
Nawala ang pagkakaiba ng yaman at kapangyarihan
Nabuo ang organisadong lipunan na may tiyak na tungkulin ang bawat uri
Binigyan ng pantay na karapatan ang lahat
Sa Sparta, nakatuon ang kultura sa disiplina, pagtitipid, at lakas-militar. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao?
Mas pinahalagahan ang sining at panitikan.
Nabigyan ng pantay na pribilehiyo ang lahat ng mamamayan.
Nakatutok ang lipunan sa paghahanda para sa digmaan at pagtatanggol ng estado.
Ang Islam ay hindi lang tungkol sa pananampalataya kundi pati sa pamumuhay. Paano nito ipinapakita ang epekto sa pagkakakilanlang kultural ng mga tagasunod?
Pagdarasal lang ng limang beses sa isang araw
Pagtutok lang sa katuruan ni Propeta Muhammad
Pagsunod sa Sharia na nagtatakda ng pananamit, ugnayan, at pamumuhay
Ang Athens ay kilala sa demokrasya at pagbibigay ng karapatan sa mamamayan. Paano ito maipapakita sa kasalukuyan?
Mag-asawa ng dayuhan para sa mas maraming karapatan
Sumunod na lang sa lider nang walang tanong
Bumoto at makilahok sa mga usaping pampubliko
Sa sinaunang Greece, may mga mamamayang lalaki, babae, alipin, at dayuhan. Ano ang epekto ng pagkakaiba ng kanilang tungkulin at karapatan?
Dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Greek
Pantay na oportunidad para sa lahat
Nahubog ang papel ng tao batay sa katayuang panlipunan
Parehong kapangyarihang politikal para sa lahat
Sa sinaunang Egypt, malinaw ang antas ng lipunan mula pharaoh hanggang alipin. Ano ang pinakamainam na paraan para mapaunlad ang kabuhayan ng mga nasa mababang uri?
Magbigay ng edukasyon at pagkakataon sa artisan at magsasaka
Panatilihin ang kasalukuyang sistema
Palakasin lang ang kapangyarihan ng pharaoh
Ituon ang yaman sa mga pari at maharlika
Kung gagawa ka ng isang dula tungkol sa lipunan ng Athens at Sparta, anong tema ang pinakamainam para ipakita ang epekto ng kanilang estruktura sa pamumuhay ng mga tao?
Tunggalian ng mga diyos at diyosa
Kasaysayan ng pagtatayo ng Parthenon
Paglalakbay ng isang batang Greek sa iba’t ibang lugar
Pagkakaibigan ng isang Athenian na mangangalakal at Spartan na magsasaka
Ang salitang relihiyon ay mula sa wikang Latin. Ano ang ibig sabihin ng salitang religare?
Paniniwala sa iisang Diyos
Mag-ugnay o magbalik
Pagsunod sa mga pangako sa Diyos o espiritu
Pakikipagkapwa
Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa mga turo ni Hesus. Paano ipinapakita rito ang konsepto ng kaligtasan?
Pagsamba sa iba’t ibang espiritu ng kalikasan
Makakamit sa pamamagitan lang ng mabubuting gawa
Pananampalataya kay Hesus at pagsunod sa kanyang mga aral
Maraming relihiyon ang nagpapahalaga sa kalikasan. Aling proyekto ang pinakamainam para ipakita ang ugnayan ng relihiyon at pangangalaga sa kalikasan?
Magdisenyo ng poster na nagpapakita kung paano nagtuturo ang relihiyon ng pangangalaga sa kalikasan
Maglista ng mga bansa at ihambing ang klima
Gumawa ng talumpati tungkol sa kasaysayan ng relihiyon
Ang Judaismo ay may malalim na tradisyon at kasaysayan. Paano nito ipinapakita ang ugnayan ng relihiyon at kultura sa buhay ng mga Hudyo?
Pagtalikod sa batas moral at pagtanggap sa modernong pamumuhay
Pagsunod lang sa mga rabbinic writings, hindi sa Banal na Kasulatan
Pagsasama ng paniniwala, ritwal, at tradisyon sa araw-araw
Ang Kristiyanismo ay nakatuon sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Paano ito maipapakita sa araw-araw?
Magpakita ng malasakit, respeto, at pagtulong sa kapwa
Sumunod lang sa mga seremonya ng simbahan
Tutulan ang ibang denominasyon ng relihiyon
Sa Hinduismo, paano naaapektuhan ng karma, reinkarnasyon, at moksha ang pagkakakilanlang kultural ng mga Hindu?
Tinuturuang iwasan ang ritwal at pista
Pinipilit sumamba sa iisang diyos
Ginagabayan ang moral na kilos at pananaw sa buhay
Pinapalawak ang kaalaman sa agham
Ang Shintoismo ay nakatuon sa paggalang sa mga espiritu. Paano ito ipinapakita ng mga tagasunod?
Sa pamamagitan ng ritwal at seremonya sa mga banal na lugar
Sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ng pamahalaan
Sa pamamagitan ng pagsamba sa iisang diyos
Mahalagang bahagi ng kultura ang relihiyon. Ano ang pangunahing layunin nito sa buhay ng tao?
Magbigay ng kapangyarihang politikal
Magtakda ng moral na gabay at espirituwal na direksyon
Magbigay ng aliwan at libangan
Ang Confucianismo ay may malaking impluwensiya sa sinaunang Tsina. Ano ang pangunahing layunin ng aral ni Confucius?
Pagsamba sa maraming diyos at espiritu
Pagpayaman ng mga pinuno at aristokrata
Panatilihin ang kaayusan at tamang ugnayan sa lipunan
Ang layunin ng Budismo ay makalaya sa siklo ng pagdurusa. Paano naiiba ang pananaw nito sa pagdurusa kumpara sa ibang relihiyon?
Naniniwala na ang pagdurusa ay bahagi ng karma at walang lunas
Itinuturo na ang pagdurusa ay may sanhi at maaaring wakasan sa pamamagitan ng tamang pamumuhay
Sinasabi na ang pagdurusa ay hindi maiiwasan at dapat tanggapin nang walang aksyon
