wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1ST QUARTER-MGA PAKSA SA AP 7

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga bansa ang kabilang sa Pangkapuluan o Insular na Timog Silangang Asya?

a)

Cambodia

b)

Indonesia

c)

Thailand

d)

Vietnam

2.

Ano ang pinakamahabang ilog sa Timog Silangang Asya?

a)

Cagayan

b)

Chao Phraya

c)

Irrawaddy

d)

Mekong

3.

Saan matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Timog Silangang Asya na tinatawag na Hkakabo?

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Myanmar

d)

Pilipinas

4.

Saan matatagpuan ang Timog Silangang Asya?

a)

Kanlurang hemisphere

b)

Timog ng karagatang Indian

c)

Silangan ng karagatang Pasipiko

d)

Kanluran ng karagatang Pasipiko

5.

Ano ang ibig sabihin ng klimang Tropikal?

a)

Sobrang init sa buong taon at kaunti lamang ang ulan.

b)

Nakararanas ng pagpapalit ng panahon kada apat na buwan o 4 seasons.

c)

Malamig sa anim na buwan at sobrang init sa natitirang anim pa na buwan.

d)

Kadalasang mainit at mahalumigmig sa buong taon na may kasamang maraming ulan.

6.

Nararanasan sa Timog Silangang Asya ang habagat at amihan. Paano ka makikibagay sa dalawang sistema ng monsoon na dumadaan din sa Pilipinas?

a)

Magdala ng payong lalo na tuwing habagat.

b)

Magsuot ng maninipis na damit tuwing may amihan.

c)

Maligo sa mga dalampasigan tuwing buwan ng Agosto.

d)

Huwag magtanim ng palay tuwing tag-ulan upang hindi masira ang pananim.

7.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Pangkapuluang Timog Silangang Asya na matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Bilang isang mag-aaral ng City of San Fernando sa Pampanga, ano ang nararapat mong gawin upang paghandaan ang masamang dulot sa pamumuhay ng lokasyong nabanggit?

a)

Magsanay lumangoy upang hindi malunod tuwing may tsunami.

b)

Magtambak ng lupa sa paaralan upang hindi bahain tuwing may bagyo.

c)

Magtanim ng maraming puno upang maiwasan ang forest fire sa Mt. Arayat.

d)

Sanaying mabuti ang duck, cover, hold upang maiwasan ang disgrasya tuwing may lindol.

8.

Napakahalaga ng mga ilog sa Timog Silangang Asya. Ang mga sumusunod na pahayag ay mabubuting dulot ng ilog sa Timog Silangang Asya MALIBAN sa isa. Alin ito?

a)

Nagsisilbing hangganan ng mga bansa.

b)

Relokasyon ng mga tao dahil sa pagbaha.

c)

Lugar panirahan ang mga pampang ng ilog.

d)

Daluyan ng syncretismo ng relihiyon at kultura.

9.

Ayon sa flowchart, ano ang pangunahing dahilan sa pagkasaid ng likas yaman ng isang bansa?

a)

Maraming Likas Yaman

b)

Paglaki ng Populasyon

c)

Pagkaunti ng Likas Yaman

d)

Pangangailangan sa Likas-kayang Pag-unlad

10.

Alin ang may TAMANG pagtatambal ng bansa at kanyang pangunahing likas yaman na panluwas?

a)

Brunei: bigas

b)

Indonesia: langis

c)

Laos: natural gas

d)

Pilipinas : lata

11.

Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa matitigas na punong-kahoy o hardwoods. Subalit malaki din ang suliranin nito sa pagkakalbo ng kagubatan. Ano ang mahihinuha mula sa graph ng deforestation sa Timog Silangang Asya noong 1990 - 2000?

a)

Kalahating porsiyento ng pagkakalbo ng kagubatan ay dahil sa pagkakaingin.

b)

Ang pangunahing dahilan ng pagkakalbo ng kagubatan ay dahil sa pagtotroso.

c)

Ang pangangailangan sa pagkain ng lumalaking populasyon ang pangunahing dahilan sa pagkakalbo ng kagubatan.

d)

Malaking bahagi ng mga nakalbong kagubatan ay dulot ng mga itinayong dam at malalawak na taniman ng mga prod

12.

Alin ang HINDI implikasyon ng katotohanang lumalaki ang populasyon subalit ang lupa ay hindi?

a)

Nabibigyang solusyon ang problema sa polusyon.

b)

Nagbunbunsod sa pagkasira ng kagubatan at pagkaubos ng hayop at halaman.

c)

Nagsasagawa ng land conversion upang tugunan ang pangangailangan sa tahanan.

d)

Ginagamitan ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at kapaligiran.

13.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat gawin sa likas-kayang pag-unlad o sustainable development?

a)

Pagmamalasakit sa kapaligiran gaya ng pagtitipid sa paggamit ng enerhiya.

b)

Paglilinis ng bakuran upang mabawasan ang kalat gaya ng pagsusunog ng mga basura.

c)

Pagtitipid sa paggamit ng likas yaman sa pamamagitan ng hindi labis-labis na pagkonsumo o pagbili.

d)

Bayanihan sa pangangalaga sa likas yaman tulad ng tulong-tulong sa pagtatanim ng halaman.

14.

Aling bansa sa Timog Silanganang Asya ang may etnolinggwistikong Cham?

a)

Cambodia

b)

Indonesia

c)

Myanmar

d)

Vietnam

15.

Ano ang dahilan bakit kailangan magkaroon ang bawat bansa ng Pambansang Wika?

a)

Para sa pagkabuklod-buklod at pakakaintindihan.

b)

Upang magsilbing halimbawa sa iba pang mga lokal na wika.

c)

Para lalo pang yumabong ang wika ng nakararaming mamamayan.

d)

Upang hindi mahirapan ang mga dayuhan na kausapin ang mga lokal na mamamayan.

16.

Ayon sa turo ng Budismo, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin upang maging isang mabuting tagasunod ng nasabing relihiyon?

a)

Sumunod sa batas ng Sharia.

b)

Mag-alay ng bulaklak at pagkain sa mga monk sa templo.

c)

Magbigay ng tulong tuwing araw ng pasko at mahal na araw.

d)

Humingi ng tulong sa mga santo para sa pananalangin sa Diyos.

17.

Alin ang tamang sagot sa patlang ng sumusunod na analohiya?

a)

Bumiputra

b)

Chinese

c)

C. Javanese

d)

D. Papuan

18.

Alin ang TAMANG pagpapangkat ng etnolinggwistiko sa Timog Silangang Asya?

a)

Khmer, Muong, Thai, Tausug

b)

Achang, Karen, Kyah, Padaung

c)

Javanese, Karen, Malay, Papuan

d)

Hmong, Hilagaynon, Karen, Kapampangan

19.

Alin ang TAMANG pagtatambal ng bansa at ang pangunahing relihiyon nito?

a)

Indonesia: Budismo

b)

Thailand: Jainismo

c)

Cambodia: Hinduismo

d)

Pilipinas: Kristiyanismo

20.

Bakit mas napapanatili ang orihinal na kultura ng mga uplander gaya ng mga Igorot sa Cordillera, Luzon?

a)

Mabilis ang pag-unlad sa kabundukan kaya dapat panatilihin.

b)

Maraming kumpanya ang tumatangkilik at nagsusulong sa kanilang kultura.

c)

Bahagi sila ng pagkakakilanlan ng isang bansa kaya pinangangalagaan ng pamahalaan ang kanilang kultura.

d)

Dahil kaunti lamang ang populasyon sa kabundukan hindi ito masyadong nahahaluan ng ibang kultura na dala ng mga dayo.

21.

Bakit kailangan pag-aralan ang heograpiyang pantao ng isang bansa?

a)

Dahil ito ay nakapaloob sa mga pamantayang pangnilalaman ng kurikulum.

b)

Upang magkaroon ng tamang pagkakakilanlan ang mga tao sa isang bansa.

c)

Bahagi talaga ng pag-aaral ng heograpiya ang mga pangkat etnolinggwistiko, relihiyon, lipunan, at pamahalaan.

d)

Malaki ang epekto ng pagkakaiba sa lahi, kultura, at relihiyon ng mga tao sa pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran sa bansa.

22.

Mula sa nabanggit na kahulugan, alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMANG hinuha sa kasalukuyang relasyon ng Tsina at Pilipinas?

a)

Nais ng Pilipinas na mangibabaw sa kalakalan sa Tsina.

b)

Nais ng Tsina na mapailalim ang Pilipinas sa kanyang saklaw na kapangyarihan.

c)

Matitigil ang pakikialam ng Tsina sa Pilipinas kung puputulin ang kanilang ugnayan sa kalakalan.

d)

Mas makapangyarihan ang Pilipinas kaysa sa Tsina dahil sa istratehikong lokasyon ito.

23.

Ano ang pangunahing institusyon o unit ng lipunan sa Timog Silangang Asya?

a)

Kamag-anak

b)

Pamilya

c)

Relihiyon

d)

Wika

24.

Paano naaapektuhan ng mga tradisyunal na relihiyon ang tungkulin ng mga matatanda sa pamilya sa Timog Silangang Asya?

a)

Nagbibigay sila ng pangunahing desisyon sa pamilya.

b)

Karaniwan silang hindi pinakikinggan sa mga desisyon ng pamilya.

c)

Sila ay may maliit na papel sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya.

d)

Sila ay hindi pinapayagan na magbigay ng opinyon sa mga desisyon.

25.

Sa larangan ng edukasyon sa Timog Silangang Asya, sa paanong paraan nakakaapekto ang pamilyang Asyano?

a)

Ang edukasyon ay pinipilit lamang ng gobyerno.

b)

Ang edukasyon ay hindi mahalaga sa mga magulang.

c)

Ang mga magulang ay mas nakatuon sa pag-aalaga ng mga bata kaysa sa edukasyon.

d)

Ang mga magulang ay nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa edukasyon ng kanilang mga anak.

26.

Kung ikaw ay nasa patriyarkal na lipunan, paano mo ipapamana ang iyong mga ari-arian?

a)

Sa mga magulang

b)

Pantay-pantay sa mga miyembro

c)

Sa mga anak na lalaki

d)

Sa mga anak na babae

27.

Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng nukleyar na pamilya at ekstended na pamilya?

a)

Ang nukleyar na pamilya ay mas malaking yunit ng pamilya kumpara sa extended na pamilya.

b)

Ang ekstended na pamilya ay binubuo ng mga magulang at mga anak, habang ang nukleyar na pamilya ay binubuo ng mga lolo't lola at mga apo.

c)

Ang nukleyar na pamilya ay may kasamang mga kamag-anak mula sa parehong panig ng pamilya, samantalang ang ekstended na pamilya ay binubuo lamang ng mga magulang at kanilang mga anak.

d)

Ang nukleyar na pamilya ay binubuo ng mga magulang at kanilang mga anak lamang, habang ang ekstended na pamilya ay kasama ang iba pang kamag-anak tulad ng mga lolo't lola at tiyuhin.

28.

Paano naaapektuhan ng bilateral na sistema ang relasyon sa pagitan ng magulang at kanilang mga anak sa isang pamilya?

a)

Ang bilateral na sistema ay nagbibigay ng higit na kapangyarihan sa linya ng ina sa pamilya.

b)

Ang bilateral na sistema ay nagbibigay ng higit na kapangyarihan sa linya ng ama sa pamilya.

c)

Ang bilateral na sistema ay hindi naapektuhan ang relasyon sa pagitan ng magulang at kanilang mga anak.

d)

Ang bilateral na sistema ay nagpapalakas ng parehong linya ng magulang (ama at ina) sa pamamahagi ng ari-arian at pagkakamag-anak.

29.

Alin sa mga sumusunod ang TAMANG pakahulugan sa polygamy?

a)

Ito ay katumbas ng pagiging walang asawa.

b)

Ito ay labag sa batas sa karamihan ng mga bansa sa buong mundo.

c)

Ito ay tumutukoy sa praktis ng pagkakaroon ng isang asawa sa isang pagkakataon.

d)

Ito ay isang anyo ng kasal kung saan ang isang indibidwal ay may maraming asawa nang sabay-sabay.

30.

Ano ang tawag sa pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian na nanirahan sa Timog Silangang Asya, Polynesia, at Oceania?

a)

Austronesian

b)

Austral- Melanesian

c)

Chinese

d)

Indonesian

31.

Alin ang HINDI tamang impormasyon tungkol sa Mainland Origin Hypothesis?

a)

Teorya ito ni Peter Bellwood.

b)

Kilala din ito bilang Out of Thailand Model.

c)

Ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog China.

d)

Mula sa Pilipinas ay nagtungo ang mga tao sa Indonesia.

32.

Ano ang kahulugan ng Island Origin Hypothesis?

a)

Unang tumira ang mga tao sa mga pampang ng ilog at naglayag sa mga isla patungong Pangkontinenteng Timog Silangang Asya.

b)

Mula ang mga Austronesian sa Taiwan patungong Pilipinas hanggang sa kumalat sa Timog Silangang Asya dahil sa pakikipagkalakalan.

c)

Galing ang mga Austronesian sa Indonesia patungong Pilipinas hanggang sa kumalat sa Timog Silangang Asya dahil sa pakikipagkalakalan.

d)

Nagsimulang manirahan ang mga tao sa mga isla at pagkatapos ay nagtungo sa mga pampang ng ilog doon permanenteng manirahan.

33.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa pinagmulan ng iyong lahi?

a)

Pag-aaral ng mabuti.

b)

Pakikilahok sa organisasyon ng paaralan.

c)

Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan.

d)

Pagiging isang mabuting ehemplo na kumakatawan sa iyong pinagmulan.

34.

Ang migrasyon o pandarayuhan sa ibang bansa ay mahalagang salik sa pagtataya ng kaunlarang pangkabuhayan. Sa iyong palagay, paano ito nakakatulong sa pag- unlad ng ating bansa o estado?

a)

Pagkawala ng interes ng mga Pilipino sa sariling bansa.

b)

Pagkabawas sa lumalaking populasyon ng ating bansa.

c)

Pagkatuto ng mga bagong kaisipan na bagaman hindi akma ay kailangan sa ating bansa.

d)

Nakakatulong ito sa pamamagitan ng mga ipinapasok nilang dolyar/kita na ipinapadala sa kanilang pamilya.

35.

Ano ang magandang dulot nang pagdating ng mga Austronesian sa ating bansa?

a)

Nagkaroon ng iba't ibang tao.

b)

Umasa ang mga Pilipino sa kanila.

c)

Yumaman ang kaalaman at kultura ng mga Pilipino.

d)

Naging masidhi ang pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino.

36.

Mainland Origin Hypothesis: Peter Bellwood; Island Origin Hypothesis: _____

a)

Antonio Pigafetta

b)

F. Landa Jocano

c)

H. Otley Beyer

d)

Wilhelm G. Solheim II

37.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Mainland Southeast Asia?

a)

Agrikultura

b)

Heograpiya

c)

Kalakalan

d)

Relihiyon

38.

Anong sinaunang kaharian sa Timog Silangang Asya ang kilala sa pagtatayo ng mga dambuhalang templo tulad ng Angkor Wat?

a)

Funan

b)

Khmer

c)

Majapahit

d)

Srivijaya

39.

Paano nakatulong ang mga sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang Asya sa paghubog ng kasalukuyang lipunan?

a)

Pinalaganap ang kolonyalismo.

b)

Pinakilala ang makabagong teknolohiya.

c)

Pinalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.

d)

Pinaunlad ang katutubong sining at kultura.

40.

Ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng Funan ay ang digmaang sibil at pag-aaway ng mga namumuno (dynastic cycle). Kung matututo tayo sa karanasan ng Funan, ano ang dapat gawin upang magpatuloy ang ating kasaysayan?

a)

Palakasin ang mga political dynasty.

b)

Huwag hayaan ang hidwaan na maging dahilan ng kaguluhan sa bansa.

41.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagkakatulad ng sinaunang kabihasnan ng Pilipinas sa mga kabihasnan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Ruta ng kalakalan

b)

Paraan ng pagsasaka.

c)

Sistema ng pamahalaan.

d)

Sistema ng pananampalataya.

42.

Ano ang epekto ng kalakalan ng Pilipinas sa ibang kabihasnan sa Timog-Silangang Asya, China, at India?

a)

Pagbabago ng klima

b)

Paglaki ng populasyon

c)

Paglaganap ng digmaan

d)

Pagyaman ng ekonomiya

43.

Bakit natatangi ang mga sinaunang kabihasnan ng Pangkapuluang Timog-Silangang Asya?

a)

Sila ay pangunahing nagpaunlad ng sining ng pagsulat at panitikan.

b)

Sila ay nanatiling hiwalay mula sa impluwensiya ng ibang kabihasnan.

c)

Sila ay nagsagawa ng malalaking mga proyekto sa irigasyon at pagsasaka.

d)

Sila ay nagtatag ng mga makapangyarihang maritimong kaharian na kinontrol ang kalakalan sa mga ruta ng dagat.

44.

Anong imperyo ang nagsimula bandang ika-6 na siglo at kinilala bilang "Dalampasigan ng Ginto" dahil mayaman ito sa mina ng ginto?

a)

Malacca

b)

Majapahit

c)

Sailendras

d)

Sri Vijaya

45.

Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga kulturang dinala sa atin ng mga dayuhan partikular ang impluwensiyang Indian at Tsino?

a)

Pagbili ng produktong Indian at Tsino.

b)

Pagpunta sa mga lugar ng India at China.

c)

Manonood ng mga dokumentaryo tungkol sa mga dayuhan.

d)

Pagrespeto sa mga kulturang may kinalaman sa impluwensiyang Indian at Tsino.

46.

Ano ang maitutulong mo upang mapaunlad pa lalo ang kinagisnang kulturang Pilipino?

a)

Maghahanap ng mga larawan ng bayani.

b)

Magsasaliksik tungkol sa mga mananakop.

c)

Magtatanong sa mga nakatatanda ukol sa kasaysayan.

d)

Mag-aaral ng mabuti para magkaroon ng sapat na kaalaman sa kulturang pinagmulan.

47.

Bilang isang batang indibidwal, bakit mahalagang pag-aralan ang mga impluwensiyang naging bahagi na ng ating pamumuhay?

a)

Para sa ating kinabukasan.

b)

Upang makapagtapos sa pag-aaral.

c)

Upang magkaroon ng mataas na grado sa Araling Panlipunan.

d)

Para malaman ang kultura, kasaysayan, at buhay ng nakalipas na panahon.

48.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan ng paghina ng kapangyarihan ng Malacca sa rehiyon?

a)

Naging mahihina ang pamumuno ng mga lider ng Malacca.

b)

Hindi nagustuhan ng mga tao ang paraan ng mga namuno.

c)

Nagkaroon ng agawan ng kapangyarihan sa loob pamamahala.

d)

Humina nang maagaw ng mga Muslim ang kapangyarihan sa rehiyon.

49.

Ayon sa kasaysayan, bago pa man maganap ang pagsakop ng mga kanluranin may mga maituturing na kaalaman ang mga taga-Timog Silangang Asya na mababasa sa ibaba. Ano ang HINDI kabilang?

a)

Pagmimina ng mga ginto.

b)

Pag-oopera ng may sakit.

c)

Paglalayag at pakikipagkalakalan.

d)

Pagpapahalaga sa mga kalikasan

50.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ugnayan ng heograpiya at sinaunang kasaysayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya?

a)

Pagpapalitan ng kaalaman sa kasaysayan ng mga bansa.

b)

Pagkilala sa mga anyong lupa at anyong tubig ng mga bansa.

c)

Pagpapatibay ng depensa ng mga natural na takdang hangganan.

d)

Pagpapaunlad ng maritimang ugnayan sa kalakalan ng mga bansa.