wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Nasyonalismo at Pagkabansa (Grade 7)

Total questions: 50

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng nasyonalismo ayon sa aralin?

a)

Malalim na pagmamahal at katapatan sa sariling bansa

b)

Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa

c)

Pagpapalitan ng kultura sa ibang bansa

d)

Kalayaan mula sa tungkulin sa lipunan

2.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagkamulat ng mga Pilipino sa nasyonalismo noong panahon ng Espanyol?

a)

Paglaganap ng turismo

b)

Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

c)

Pagpapalakas ng agrikultura

d)

Pagbabago sa sistema ng edukasyon

3.

Sino ang pinuno ng Katipunan na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino noong 1896?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Jose Rizal

c)

Andres Bonifacio

d)

Marcelo H. del Pilar

4.

Ano ang apat na mahahalagang elemento ng isang bansa?

a)

Wika, kultura, kasaysayan, tradisyon

b)

Tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya

c)

Lakas-militar, ekonomiya, edukasyon, imprastruktura

d)

Klima, lokasyon, populasyon, agrikultura

5.

Sino ang lider ng Vietnam na nagpahayag ng kasarinlan noong Setyembre 2, 1945?

a)

Sukarno

b)

Aung San

c)

Ho Chi Minh

d)

U Nu

6.

Ano ang tumutukoy sa masidhing pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-Bayan at ang kagustuhan na maging malaya mula sa dayuhang pamamahala?

a)

Kasarinlan

b)

Pagkabansa

c)

Nasyonalismo

d)

Kolonyalismo

7.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mahahalagang pangyayaring nagpasimula ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas?

a)

Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

b)

Pagpasok ng teknolohiya at liberal na ideya mula Europa

c)

Pagtatatag ng United Nations

d)

Pagsibol ng middle class

8.

Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol?

a)

Agosto 30, 1896

b)

Hunyo 12, 1898

c)

Hulyo 4, 1946

d)

Disyembre 30, 1896

9.

Sino ang sumulat ng Acta de la Independencia de Filipinas?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Julian Felipe

c)

Jose Rizal

d)

Ambrosio Rianzares Bautista

10.

Alin sa apat na elemento ng pagkabansa ang tumutukoy sa demokrasya ng bansa?

a)

Tao

b)

Teritoryo

c)

Pamahalaan

d)

Soberanya

11.

Ano ang pangyayaring higit na nagpalakas sa pambansang kamalayan ng mga Pilipino noong 1872?

a)

Pagbitay kay Andres Bonifacio

b)

Pagpatay sa GomBurZa

c)

Pagpapasinaya sa Unang Republika

d)

Pagproklama ng Kasarinlan sa Kawit

12.

Ano ang tawag sa namumuno sa Katipunan?

a)

Lider

b)

Master

c)

Supremo

d)

Presidente

13.

Sino ang tinaguriang “Ama ng Kasarinlan ng Burma”?

a)

Ho Chi Minh

b)

Aung San

c)

Sukarno

d)

U Nu

14.

Ano ang pangunahing layunin ng partidong nasyonalista ng Indonesia na itinatag noong 1927?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

b)

Pagpababagsak sa pamahalaang Hapon

c)

Pagtamo ng kasarinlan mula sa Dutch

d)

Pagbuo ng sosyalisadong ekonomiya

15.

Kailan ipinahayag ni Ho Chi Minh ang kasarinlan ng Vietnam?

a)

Hunyo 12, 1898

b)

Setyembre 2, 1945

c)

Agosto 30, 1930

d)

Enero 1899

16.

Ano ang pangunahing layunin ng Philippine Rehabilitation Act of 1946?

a)

Palakasin ang kapangyarihang militar ng Pilipinas

b)

Itaguyod ang demokrasya sa Timog-Silangang Asya

c)

Isaayos ang pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

d)

Itatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas

17.

Kailan ipinagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Hunyo 12, 1898

b)

Hulyo 4, 1946

c)

Setyembre 2, 1945

d)

Disyembre 7, 1941

18.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hamong pampolitika matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Kakulangan sa likas na yaman

b)

Rekonstruksiyon ng mga imprastraktura

c)

Pag-usbong ng demokrasya ng elite

d)

Pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan

19.

Ano ang tawag sa makabagong paraan ng pananakop na hindi gumagamit ng dahas ngunit nagpapanatili ng impluwensiya ng isang makapangyarihang bansa?

a)

Imperyalismo

b)

Neokolonyalismo

c)

Awtoritaryanismo

d)

Sosyalismo

20.

Ano ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng isang indibidwal na may ganap na kapangyarihan?

a)

Oligarkiya

b)

Diktadura

c)

Teknokrasiya

d)

Patriyarkiya

21.

Ano ang pangunahing isyu na dulot ng lumalaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap?

a)

Pagtaas ng produksyon sa agrikultura

b)

Pagkakaroon ng pantay na oportunidad sa edukasyon

c)

Konsentrasyon ng yaman at kapangyarihan sa mga elit

d)

Mabilis na pag-unlad ng ekonomiya

22.

Ano ang isa sa mga pangunahing sanhi ng hindi maunlad na sektor ng agrikultura ayon sa teksto?

a)

Paglaganap ng mga pabrika sa kanayunan

b)

Mahinang suporta at imprastraktura mula sa pamahalaan

c)

Pagdami ng modernong makinarya

d)

Sobra-sobrang produksyon ng mga pananim

23.

Ano ang pangunahing epekto ng kawalan ng basehang industriyal ng bansa?

a)

Pagdami ng trabaho sa pribadong sektor

b)

Pagtaas ng kalidad ng lokal na produkto

c)

Mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya

d)

Pagkakaroon ng mas maunlad na teknolohiya

24.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hamong pangkultural at panlipunan na binanggit sa teksto?

a)

Pagtatakda ng bagong buwis

b)

Pag-usbong ng kilusang komunista at Moro

c)

Pagbaba ng presyo ng mga bilihin

d)

Pagtaas ng suplay ng agrikultural na produkto

25.

Ano ang maaaring maging epekto ng globalisasyon sa kulturang Pilipino ayon sa aralin?

a)

Lubos na pagtangkilik sa lokal na produkto

b)

Pagpapalakas ng lokal na industriya

c)

Pagkawatak-watak ng lokal na kultura dahil sa impluwensiya ng dayuhan

d)

Pagdami ng oportunidad sa mga manggagawang Pilipino

26.

Ano ang pangunahing layunin ng Kumperensiya ng Bandung noong 1955?

a)

Palakasin ang relasyon ng Asya at Europa

b)

Itaguyod ang kapayapaan at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa Asya at Africa

c)

Magtatag ng bagong pandaigdigang samahan

d)

Itaguyod ang kalakalan sa pagitan ng Kanluran at Silangan

27.

Aling bansa ang HINDI kabilang sa nag-organisa ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Indonesia

b)

India

c)

Estados Unidos

d)

Sri Lanka

28.

Ilan ang kabuuang bansa na lumahok sa Kumperensiya ng Bandung?

a)

15

b)

22

c)

29

d)

33

29.

Ano ang pangunahing napagkasunduan sa nasabing kumperensiya?

a)

Pagbuo ng isang hukbong sandatahan para sa Asya at Africa

b)

Pagtutol sa anuman anyo ng kolonyalismo

c)

Pagtatatag ng bagong pananalapi para sa dalawang rehiyon

d)

Pagbuo ng isang unyon ng mga bansa sa Asya

30.

Ano ang isa sa mga hamong kinaharap ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Pagkakaroon ng sobrang produksiyon sa industriya

b)

Pagkawatak-watak dahil sa dekolonisasyon at magkakaibang pananaw

c)

Paglawak ng teritoryo sa pamamagitan ng pwersa

d)

Pagtaas ng populasyon sa Europe

31.

Ano ang pangunahing layunin ng aralin tungkol sa mga bansa sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya?

a)

Tukuyin ang kultura at relihiyon ng bawat bansa

b)

Napaghahambing ang mga hamon sa pagkabansa ng limang bansa matapos ang Kumperensiyang Bandung

c)

Malaman ang populasyon ng bawat bansa

d)

Alamin ang mga produktong iniiluluwas ng bawat bansa

32.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hamong pang-ekonomiya na binanggit sa aralin?

a)

Pagbabago sa sistema ng edukasyon

b)

Kahirapan at pangangailangan sa likas na yaman

c)

Pagtuklas ng sariling kultura

d)

Pagtangkilik sa pambansang seguridad

33.

Ano ang isang hamong panlipunan na gustong masulusyunan ng gobyerno?

a)

Kawalan ng imprastraktura sa sariling bahay

b)

Paghahanap ng kaalyansa sa pandaigdigang komunidad

c)

Pagpapahalaga sa sariling kultura lamang

d)

Kakulangan sa pondo ng pamahalaan

34.

Alin sa mga sumusunod ang hamong pampolitika ayon sa teksto?

a)

Pag-usbong ng modernisasyon sa edukasyon

b)

Pagpapalakas ng lokal na ekonomiya

c)

Pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad

d)

Pagtaas ng produksiyon ng agrikultura

35.

Ano ang layunin ng gawaing "Pagsasama-sama ng Larawan" sa aralin?

a)

Gumawa ng liham ukol sa hamon ng Asya

b)

Lumikha ng collage na naghahambing ng hamon sa ekonomiya, politika at kultura ng mga bansa

c)

Pag-aralan ang GDP ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya

d)

Gumawa ng poster tungkol sa nasyonalismo

36.

Ano ang pangunahing layunin ng Kumperensiya ng Bandung noong 1955?

a)

Magtatag ng isang panrelihiyong samahan

b)

Itaguyod ang demokrasya, kalayaan, at soberensya ng mga bansa

c)

Bumuo ng isang sandatahang lakas ng Asya

d)

Palawakin ang teritoryo ng bawat bansa

37.

Aling bansa ang nagkaroon ng hamon sa pagbuo ng pambansang identidad at pagharap sa mga suliraning pang-ekonomiya matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Singapore

b)

Brunei

c)

Indonesia

d)

Malaysia

38.

Ano ang isang hamon na kinaharap ng Myanmar pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Matinding pagtaas ng GDP

b)

Paglobo ng sektor ng langis at gas

c)

Tunggaliang etniko at suliranin sa demokrasya

d)

Pagtaas ng populasyon sa Europe

39.

Bakit nagtagumpay ang Singapore sa aspetong pang-ekonomiya matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Mayaman sa likas na yaman tulad ng langis

b)

Nagpokus sa modernisasyon, edukasyon at imprastruktura

c)

Nagtatag ng malawakang monarkiya

d)

Naging pangunahing tagasuporta ng kolonyalismo

40.

Ano ang pangunahing pinagmulan ng pag-unlad ng Brunei pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Turismo at sining

b)

Sektor ng langis at gas

c)

Malawak na agrikultura

d)

Paghahabi ng tela at industriya ng lokal na produkto

41.

Alin ang HINDI layunin ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Bigyang halaga ang teritoryo ng mga bansang Asyano

b)

Magtayo ng pamahalaan sa Timog-Silangang Asya

c)

Itaguyod ang diktaduryang uri ng pamahalaan

d)

Ilunsad ang pandaigdigang hukbong sandatahan

42.

Aling bansa sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya ang nagtagumpay sa pag-unlad at modernisasyon matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Brunei

b)

Indonesia

c)

Singapore

d)

Myanmar

43.

Ano ang pangunahing hamon na kinaharap ng Indonesia pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Pagdami ng likas na yaman

b)

Suliraning pang-ekonomiya at panlipunan

c)

Paglawak ng teritoryo

d)

Pagbagsak ng kanilang industriyal na sektor

44.

Alin sa mga sumusunod ang naging hamon sa Myanmar matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Malawakang pag-unlad sa sektor ng langis

b)

Tunggaliang etniko at mga suliranin sa karapatang pantao

c)

Matagumpay na modernisasyon ng edukasyon

d)

Pagiging sentro ng kalakalan sa Asya

45.

Ano ang pangunahing pinagmulan ng pag-unlad ng Brunei pagkatapos ng Kumperensiya ng Bandung?

a)

Malawakang agrikultura

b)

Turismo at sining

c)

Sektor ng langis at gas

d)

Pag-usbong ng mga pabrika

46.

Ano ang pangunahing layunin ng SDGs?

a)

Lumikha ng bagong batas para sa bawat bansa

b)

Wakasan ang kahirapan, pangalagaan ang kalikasan, at mapabuti ang pamumuhay ng tao

c)

Magtayo ng mas maraming gusali sa lungsod

d)

Magbigay ng trabaho sa lahat ng kabataan

47.

Alin sa sumusunod ang halimbawa para sa Layunin 2: Walang Kagutuman?

a)

Pagbibigay ng libreng bakuna

b)

Pagtayo ng kalsada

c)

Feeding program sa paaralan

d)

Paggamit ng solar panel

48.

Ano ang layunin ng Layunin 6: Malinis na Tubig at Sanitasyon?

a)

Pantay na oportunidad sa trabaho

b)

Magkaroon ng malinis na poso at palikuran sa barangay

c)

Pagre-recycle ng basura

d)

Protektahan ang wildlife sanctuary

49.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Layunin 13: Aksyon sa Pagbabago ng Klima?

a)

Pagbabawas ng agwat ng mayaman at mahirap

b)

Pagtatanim ng puno at pagbawas ng polusyon

c)

Pagbawal sa illegal fishing

d)

Pagtuturo ng de-kalidad na edukasyon

50.

Ano ang pangunahing pakay ng Layunin 17: Pakikipagtulungan para sa mga Layunin?

a)

Magtayo ng tulay at kalsada

b)

Siguruhin ang mabuting kalusugan

c)

Palakasin ang kooperasyon ng mga bansa para sa SDGs

d)

Protektahan ang kagubatan