wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 7 – Summative Test No. 2 (Revised)

Total questions: 50

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang nagmula sa 'colonus' na nangangahulugang 'magsasaka' ay tumutukoy sa:

a)

A. Imperyalismo

b)

B. Kolonyalismo

c)

C. Nasyonalismo

d)

D. Patriotismo

2.

Ang salitang nagmula sa 'imperium' na ibig sabihin ay 'utos' o 'command' ay tumutukoy sa:

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Nasyonalismo

d)

Patriotismo

3.

Kung may isang bansa na sinakop ang iba upang palawakin ang teritoryo at kontrolin ang kanilang pamahalaan, ito ay isang halimbawa ng:

a)

Pagtutulungan ng pamilya

b)

Pagmamahal sa bayan

c)

Pagbuo ng sariling pamahalaan

d)

Imperyalismo o pananakop ng bansa

4.

Noong panahon ng Espanyol sa Pilipinas, pinanatili ang mga datu bilang lokal na pinuno ngunit limitado ang kanilang kapangyarihan at kailangang sumunod sa mga Espanyol. Anong uri ng pamamahala ito?

a)

Kolonyalismo

b)

Imperyalismo

c)

Di-tuwirang pamamahala

d)

Tuwirang pananakop

5.

Alin ang pinakamahusay na paglalarawan ng pangunahing pagkakaiba ng kolonyalismo at imperyalismo?

a)

Kolonyalismo—pagmamahal sa bayan; Imperyalismo—pakikipaglaban

b)

Kolonyalismo—direktang pananakop; Imperyalismo—mas malawak na kontrol sa ekonomiya, politika, at kultura

c)

Kolonyalismo—pamamahala gamit ang lokal na pinuno; Imperyalismo—tuwirang pamamahala

d)

Walang pagkakaiba

6.

Alin sa sumusunod ang may pinakamaraming epekto sa sinakop na bansa?

a)

Mas malaki ang epekto ng kolonyalismo dahil direktang pamamahala

b)

Mas malaki ang epekto ng imperyalismo dahil kontrolado pati ekonomiya at kultura

c)

Pareho lang ang epekto

d)

Walang epekto dahil kalaunan nakalaya rin ang mga bansa

7.

Kung gagawa ka ng awitin para ipaliwanag ang pagkakaiba ng kolonyalismo at imperyalismo, alin pinakamatapat na mensahe?

a)

'Ang kalayaan ay tunay na yaman ng bayan.'

b)

'Ang mundo ay umiikot sa pagkakaibigan.'

c)

'Kolonyalismo ay pananakop ng lupa; imperyalismo ay kontrol ng isip at lipunan.'

d)

'Ang teknolohiya ay dulot ng pag-unlad.'

8.

Ano ang pangunahing layunin ng Unang Yugto ng imperyalismong Kanluranin sa Asya ayon sa mga mananaliksik?

a)

Humanap ng mga bagong pamilihan at hilaw na materyales

b)

Magbigay ng kalayaan sa mga bansang Asyano

c)

Itatag ang mga makabagong industriya sa Asya

d)

Magpalaganap ng Kristiyanismo at maghanap ng ruta ng kalakalan

9.

Alin sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang nanatiling malaya sa panahon ng pamamayani ng imperyalismong Kanluranin?

a)

Pilipinas

b)

Thailand

c)

Indonesia

d)

Vietnam

10.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Unang Yugto at Ikalawang Yugto ng imperyalismong Kanluranin?

a)

Unang yugto: edukasyon; Ikalawang yugto: kalayaan

b)

Unang yugto: agham at teknolohiya; Ikalawang yugto: sining at kultura

c)

Unang yugto: kalakalan at Kristiyanismo; Ikalawang yugto: hilaw na materyales at pamilihan

d)

Wala silang pagkakaiba

11.

Bilang pinuno ng isang maliit na bansa noong imperyalismo, anong estratehiya ang ginamit ng Thailand na makakatulong upang manatiling malaya?

a)

Pabayaan na lamang ang mga mananakop

b)

Gumamit ng diplomasya at magsilbing panangga sa pagitan ng malalaking kapangyarihan

c)

Umasa lamang sa lakas ng sariling hukbo

d)

Humingi ng tulong sa ibang nasakop na bansa

12.

Alin ang pinakamahalagang salik na nakaapekto sa pagiging malaya ng Thailand kumpara sa mga karatig-bansa?

a)

Malakas na puwersang militar

b)

Estratehikong lokasyon at mahusay na diplomasya ng mga pinuno

c)

Kawalan ng yaman na nais sakupin

d)

Pagiging malayo sa sentro ng kalakalan

13.

Kung susuriin, ano ang pinakamabisang dahilan kung bakit nanatiling malaya ang Thailand?

a)

Malakas na hukbo

b)

Kawalan ng interes ng mga Kanluranin

c)

Estratehiya sa diplomasya

d)

Pagkakaisa ng mamamayan

14.

Bilang lider ng bansa noong imperyalismo, anong estratehiya ang pinakamalapit sa ginamit ng Thailand upang mapanatili ang kalayaan?

4 lines
15.

Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang sinakop ng Espanya sa loob ng mahigit 300 taon?

a)

Indonesia

b)

Pilipinas

c)

Malaysia

d)

Thailand

16.

Ano ang pagkakatulad ng pamahalaang ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas at ng mga Dutch sa Indonesia?

a)

Parehong ginamit ang sistemang encomienda

b)

Parehong ginamit ang relihiyon bilang bahagi ng kolonisasyon

c)

Parehong nagturo ng sistemang republikano

d)

Parehong pinanatili ang mga katutubong pinuno na walang limitasyon sa kapangyarihan

17.

Bakit masasabi magkaiba ang naging karanasan ng Malaysia at Pilipinas sa ilalim ng kolonyalismo?

a)

Sapagkat ang Malaysia ay sakop ng Britanya habang ang Pilipinas ay sakop ng Espanya

b)

Dahil parehong ginamit ng Espanya at Britanya ang relihiyon bilang sandata

c)

Sapagkat ang Pilipinas ay pinanatiling malaya samantalang ang Malaysia ay sinakop

d)

Dahil parehong hindi nakaranas ng kolonyalismo ang dalawang bansa

18.

Kung ikaw ay mamamayan ng Indonesia noong panahon ng Dutch, paano mo magagamit ang kanilang patakaran sa kalakalan upang mapabuti ang kalagayan ng iyong pamilya?

a)

Magtrabaho sa plantasyon ng mga pampalasa na kontrolado ng Dutch

b)

Tumangging makisali sa anumang kalakalan

c)

Umalis ng bansa upang umiwas sa kolonyalismo

d)

Sumali sa hukbo ng Dutch upang makakuha ng proteksyon

19.

Ano ang pinakamalaking epekto ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas kumpara sa kolonyalismong Dutch sa Indonesia?

a)

Parehong ginamit ang edukasyon bilang pangunahing paraan ng kolonisasyon

b)

Sa Pilipinas, nakapokus ang Espanya sa kalakalan; sa Indonesia, nakapokus ang Dutch sa relihiyon

c)

Sa Pilipinas, malakas ang impluwensya ng relihiyon; sa Indonesia, malakas ang impluwensya sa kalakalan

d)

Parehong nanatiling malaya ang dalawang bansa

20.

Alin sa mga patakaran ng mga mananakop ang maaaring ituring na pinakamalaking hadlang sa pag-unlad ng Pilipinas?

a)

Pagpapalaganap ng kalayaan at sariling pamahalaan

b)

Pagpapatupad ng sistemang encomienda na nagbigay ng lupa sa mga katutubo

c)

Pagtutok ng Espanya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo kaysa ekonomiya

d)

Pagbibigay ng malawak na oportunidad sa industriya at edukasyon

21.

Kung gagawa ka ng patakarang pang-ekonomiya batay sa natutunan mula sa kolonyalismo, alin ang pinakanaangkop?

a)

Pag-asa lamang sa mga dayuhang produkto

b)

Pagpapalakas ng sariling industriya at patas na kalakalan

c)

Pagbabalik ng sistemang encomienda

d)

Pagbibigay ng lahat ng yaman sa iisang bansa

22.

Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang nakaranas ng Rebolusyong 1896 bilang pagtutol sa pamahalaang kolonyal?

a)

Indonesia

b)

Pilipinas

c)

Malaysia

d)

Thailand

23.

Bakit naiiba ang pagtugon ng Pilipinas sa kolonyalismo kumpara sa Indonesia at Malaysia?

a)

Mas maaga itong nagkaroon ng kilusang rebolusyonaryo laban sa mananakop

b)

Dahil hindi ito nakaranas ng kolonyalismo

c)

Dahil nakipagkasundo agad ito sa mga mananakop

24.

Ano ang ipinapakita ng pag-angkop ng Malaysia sa patakarang kolonyal ng Britanya?

a)

Na walang pagtutol ang mga Malayo sa pananakop

b)

Na mas pinili nilang makipaglaban kaysa makipag-ugnayan

c)

Na ginamit nila ang mga patakarang kolonyal upang makinabang sa kalakalan at edukasyon

d)

Na agad nilang nakamit ang kalayaan nang walang sakripisyo

25.

Bilang lider noong panahon ng kolonyalismo, alin ang pinakamainam mong gawin upang mapanatili ang kalayaan ng bayan?

a)

Manatiling tahimik at tanggapin ang lahat ng patakarang kolonyal

b)

Maglunsad ng pag-aalsa laban sa mga mananakop kahit may panganib

c)

Makipag-ugnayan at gamitin ang mga patakarang kolonyal para sa kapakinabangan ng bansa

d)

Walang gagawin at aasa na kusang aalis ang mga mananakop

26.

Paano mo maihahambing ang pagtugon ng mga Pilipino, Indones, at Malay noong kolonyalismo sa kalagayan ng mamamayan ngayon?

a)

Ang pakikibaka noon ay katulad ng pakikilahok ngayon sa mga usaping panlipunan at politikal

b)

Ang pagtanggap noon ay katulad ng kawalan ng pakialam ngayon

c)

Ang pakikipag-ugnayan noon ay wala na ngayon

d)

Ang paglaban noon ay walang kaugnayan sa kasalukuyan

27.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakaiba ng pagtugon ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia sa kolonyalismo?

a)

Pare-parehong nag-alsa at nakalaya

b)

Pilipinas mas matagal sa ilalim ng kolonyalismo kumpara sa Indonesia at Malaysia

c)

Indonesia gumamit ng pag-aalsa; Malaysia nag-angkop at nakipag-ugnayan

d)

Pareho silang mabilis nakalaya

28.

Bilang lider, alin ang mas angkop na tugon para sa bayan batay sa karanasan ng ibang bansa sa rehiyon?

a)

Makipag-ugnayan at gamitin ang mga patakarang kolonyal para sa kapakinabangan ng bansa

b)

Iwasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

c)

Magpatupad ng mga lokal na patakaran na walang kinalaman sa ibang bansa

d)

Magsagawa ng mga hakbang na naglalayong ihiwalay ang bansa mula sa rehiyon

29.

Kung gagawa ka ng bagong paraan ng pagtugon na hango sa pag-aalsa, pag-angkin, at pag-angkop, alin ang pinakamainam?

a)

Kilusang rebolusyonaryo na gagamit ng teknolohiya at edukasyon para palakasin ang laban

b)

Tahimik na pagtanggap ng lahat ng patakaran

c)

Kilusang pangkultura na pagsamahin ang tradisyon at modernong sistema

d)

Pag-iwas sa impluwensiya ng mananakop

30.

Aling bansa sa pangkontinental na Timog-Silangang Asya ang naging kolonya ng Pransiya?

a)

Myanmar

b)

Cambodia

c)

Vietnam

d)

Thailand

31.

Bakit magkahawig ang karanasan ng Cambodia at Vietnam sa ilalim ng kolonyalismo?

a)

Parehong nasakop ng Britanya

b)

Tinulungan ng Thailand

c)

Parehong bahagi ng French Indochina

d)

Hindi nakaranas ng direktang pamumuno

32.

Kung ikaw ay estudyante sa Myanmar noong panahon ng Britanya, paano mo magagamit ang karanasan ng Vietnam at Cambodia para makatulong sa bayan?

a)

Susunod sa patakaran ng Britanya

b)

Gamitin ang ideya ng nasyonalismo at kilusang panlipunan

c)

Umalis ng bansa

d)

Magtayo ng negosyo upang makinabang sa kolonyalismo

33.

Ano ang pinaka-malinaw na pagkakaiba ng pamamahala ng Britanya sa Myanmar at ng Pransiya sa Vietnam at Cambodia?

a)

A. Britanya – indirect rule; Pransiya – direct rule

b)

B. Parehong indirect rule

c)

C. Britanya nagbigay ng kalayaan

d)

D. Parehong hindi nagpatupad ng edukasyong kanluranin

34.

Kung pagbabatayan ang karanasan ng Cambodia, Myanmar, at Vietnam, alin ang may pinakmabigat na negatibong epekto?

a)

Direct rule ng Pransiya sa Vietnam at Cambodia

b)

Indirect rule ng Britanya sa Myanmar

c)

Sistemang pampulitika ng Thailand

d)

Patakarang pang-edukasyon ng mga Europeo

35.

Bilang guro sa Vietnam noong kolonyalismo, anong malikhaing hakbang ang gagawin mo upang itanim ang nasyonalismo?

a)

Itigil ang pagtuturo

b)

Sundin ang aralin ng kolonyal na pamahalaan

c)

Gumamit ng akdang pampanitikan at kasaysayan na makabayan

d)

Ituro lamang ang Pranses at iwasan ang katutubong wika

36.

Ano ang tawag sa pagtutol ng mamamayan laban sa mananakop gamit ang lakas o rebolusyon?

a)

Pag-angkin

b)

Pag-aalsa

c)

Pag-angkop

d)

Pakikipagkasundo

37.

Bakit naiiba ang pag-angkop sa pag-aalsa?

a)

Pag-angkop – pagtanggap at paggamit ng patakarang kolonyal; Pag-aalsa – aktibong pagtutol

b)

Pareho silang paggamit ng lakas

c)

Pag-aalsa ay tahimik; Pag-angkop ay marahas

d)

Walang kaugnayan sa kolonyalismo

38.

Paano maaaring gamitin ng Myanmar ang karanasan ng Vietnam upang palakasin ang sariling kilusan?

a)

Itatag ang organisasyong makabayan

b)

Manatili sa ilalim ng Britanya

c)

Lumayo sa politika

d)

Ipadala ang kabataan sa ibang bansa

39.

Aling sitwasyon sa kasalukuyan ang nagpapakita ng paglalapat ng karanasan ng Cambodia sa ilalim ng Pransiya?

a)

Pagpapatuloy ng diskriminasyon

b)

Pagbuo ng programang pantay sa edukasyon

c)

Pagtanggap ng lahat ng patakaran ng banyaga

d)

Pag-iwas sa kilusang panlipunan

40.

Bakit mas matindi ang pagtugon ng Vietnam sa kolonyalismo kaysa Myanmar at Cambodia?

a)

Mas malawak at organisadong kilusang makabayan

b)

Walang pagtutol ang Vietnam

c)

Tinanggap ng Vietnam ang patakaran ng Pransiya

d)

Nakipagtulungan sa Britanya

41.

Alin sa mga sumusunod na pagtugon ng Cambodia, Myanmar, at Vietnam ang maaaring ituring na pinakamabisang paraan laban sa kolonyalismo?

a)

Tahimik na Myanmar

b)

Pagtanggap ng Cambodia

c)

Masiglang kilusang makabayan ng Vietnam

d)

Pakikipagtulungan sa mananakop

42.

Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang nasakop ng Hapon mula 1942 hanggang 1945?

a)

Pilipinas

b)

India

c)

Thailand

d)

Laos

43.

Ano ang ipinapakita ng mabilis na pananakop ng Hapon sa maraming bansa sa Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Mahina ang teknolohiya ng Hapon

b)

Malakas ang estratehiyang militar ng Hapon

c)

Hindi handa ang Hapon sa digmaan

d)

Maraming umayaw sa pamahalaan ng Hapon

44.

Kung ikaw ay Pilipino noong pananakop ng Hapon (1942–1945), anong kilos ang nagpapakita ng pagtutol?

a)

Pakikipagtulungan sa pamahalaang puppet

b)

Pagsali sa kilusang gerilya

c)

Pagpapalaganap ng propaganda ng Hapon

d)

Pag-iwas sa laban

45.

Ano ang ipinapakita ng pagkakatulad ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas at Indonesia noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Ginamit ang demokrasya

b)

Ginamit ang pananakot, militar, at propaganda

c)

Binigyan ng ganap na kalayaan ang mamamayan

d)

Umasa sa tulong ng Kanluranin

46.

Bakit nabigo ang Imperyalismong Hapon sa Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Hindi tinanggap ng mga Asyano ang marahas na pamumuno

b)

Hindi sapat ang likas na yaman ng Hapon

c)

Kulang sa modernong teknolohiya

d)

Sumupporta ang lahat ng Asyano sa pananakop

47.

Alin sa mga sumusunod ang impluwensya ng Hapon na nakikita pa rin sa kulturang Pilipino?

a)

Ramadan

b)

English bilang wikang panturo

c)

Jeepney bilang pangunahing sasakyan

48.

What does the continued consumption of sushi and ramen in the Philippines signify?

a)

Removal of traditional Filipino food

b)

Filipinos being open to foreign influences

c)

Prohibition of Asian traditions

d)

Proof that the country has no native cuisine

49.

How can Japanese influence on discipline and diligence in studying be practiced?

a)

By neglecting responsibilities

b)

Not following rules

c)

Arriving on time and finishing tasks

d)

Avoiding tasks

50.

Which shows the difference between Japanese influence on technology and culture in the Philippines?

a)

Technology: communication and transportation; Culture: anime, manga, and food

b)

Technology: clothing; Culture: cellphone and vehicles

c)

Both are the same

d)

Technology: cooking; Culture: factory