wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Regional Test Assessment AP 7

Total questions: 50

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

1. Dumaranas ng iba’t ibang suliranin sa kapaligiran ang Asya. Ito ay nakaapekto sa pag-unlad ng mga bansang Asyano. Alin sa sumusunod ang makakatulong sa paglutas sa nasabing suliranin

a)

A. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.

b)

B. Patuloy na pagsunog ng mga plastic at pagtapon ng basura kung saan-saan.

c)

C. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda upang makahuli ng mas maraming isda.

d)

? D. Walang tigil ang pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.

2.

2. Alin sa sumusunod na konsepto ang aangkop sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at sa kanilang kapaligiran?

a)

A. Anoman ang gawin ng mga tao wala itong kaugnayan sa kanilang kapaligiran.

b)

B. Ang patuloy na pagsira sa ating kalikasan ay nakatutulong sa pagunlad ng bansa.

c)

C. Ang ugnayan ng mga bagay na may buhay at kapaligiran ay walang kinalaman sa isang tao.

d)

D. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.

3.

3. Alin sa sumusunod na grupo ng mga bansa ang kabilang sa Silangang Asya?

a)

A. Afghanistan, Bangladesh, India, Nepal, Pakistan

b)

B. China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan

c)

C. Azerbaijan, Kazakhstan, Mongolia, Tajikistan, Turkmenistan

d)

D. Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Singapore

4.

4. Hinati ang Asya sa limang rehiyon. Ano ang naging batayan sa paghahating heograpikal?

a)

A. isinasaalang ang sukat at lawak

b)

B. batay sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa

c)

C. gamit ang batayang pisikal, historikal at kultural na aspeto

d)

D. ayon sa klima, vegetation cover at likas na yaman mayroon ang bansa

5.

5. Anong anyong lupa ang pinakamalaking dibisyon ng daigdig?

a)

A. disyerto

b)

B. kapatagan

c)

C. kapuluan

d)

D. kontinente

6.

6. Ang hanay ng mga buhay na bundok na tinaguriang “Pacific Ring of Fire” ay nagmumula sa hilagang bahagi ng Siberia at bumabagtas patungong Korea, Tsina, Hapon at Taiwan. Ano ang tinutukoy na buhay na bundok?

a)

A. bulkan

b)

B. bulubundukin

c)

C. burol

d)

D. disyerto

7.

7. Ang mga rehiyon sa Asya ay may magkakaibang uri ng klima bunsod ng iba-ibang salik. Ang mga lugar sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya ay may mahabang taglamig at maigsi ang tag-init. Ano naman ang katangian ng klima mayroon sa Timog Asya?

a)

A. Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.

b)

B. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

c)

C. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tagaraw at tag-ulan

d)

D. May mainit na panahon sa mga lugar na nasa mababang latitude at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.

8.

8. Alin sa sumusunod na rehiyon ng Asya ang may hugis tatsulok?

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Kanlurang Asya

c)

C. Silangang Asya

d)

D. Timog Asya

9.

9. Ang bawat rehiyon sa Asya ay may natatanging katangiang pisikal. Matatagpuan ang matataas na hanay ng kabundukan sa Timog Asya, dumaranas naman ng monsoon ang Timog Silangang Asya. Sa anong katangiang pisikal kilala ang Kanlurang Asya?

a)

A. mabato at mabuhangin

b)

B. malawak na damuhan

c)

C. taiga at tundra

d)

D. tropical rainfores

10.

10. Ang kapuluan o archipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng pangkat ng mga pulo na napapalibutan ng katubigan. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI nabibilang dito?

a)

A. Indonesia

b)

B. Japan

c)

C. Pilipinas

d)

D. Saudi Arabia

11.

11. Halos lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya ay may klimang tropikal na nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa rehiyon?

a)

A. Indonesia

b)

B. Japan

c)

C. Malaysia

d)

D. Pilipinas

12.

12. Ang Hilagang Asya ay may malalawak na damuhan o grasslands. Alin sa sumusunod na uri ng vegetation cover ang pinagsamang damuhan at kagubatan?

a)

A. prairie

b)

B. savanna

c)

C. steppe

d)

D. taiga

13.

13. Ang mga rehiyon ng Asya ay naaapektuhan ng iba’t ibang salik kaya’t magkakaiba ang mga panahon dito. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik?

a)

A. populasyon

b)

B. uri o dami ng halaman

c)

C. lokasyon ng isang lugar

d)

D. distansiya sa mga anyong-tubig

14.

14. Ang monsoon o hanging nagtataglay ng ulan ay isang mahalagang salik sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga rehiyon sa Asya ang higit na naaapektuhan nito?

a)

A. Hilaga at Silangang Asya

b)

B. Kanluran at Silangang Asya

c)

C. Silangan at Timog-Silangang Asya

d)

D. Timog at Timog-Silangang Asya

15.

15. Ang kahabaan ng rehiyong ito ay makikita sa timog ng China at Japan. Magubat na kabundukan ang matatagpuan sa hilaga at nauuri sa dalawa ang rehiyon. Alin sa mga rehiyon ng Asya ang tinutukoy?

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Silangang Asya

c)

C. Timog Asya

d)

D. Timog-Silangang Asya

16.

16. Anong bansa sa Asya ang itinuturing na pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang sa 13,000 mga pulo?

a)

A. Indonesia

b)

B. Malaysia

c)

C. Pilipinas

d)

D. Thailand

17.

17. Anong kontinente ang mayroong absolute location na may 100 mula Timog hanggang 900 Hilagang latitude at mula 110 hanggang 1750 Silangang longitude?

a)

A. Aprika

b)

B. Asya

c)

C. Europa

d)

D. Hilagang Amerika

18.

18. Magkakaiba ang mga likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Alin sa mga rehiyon ang sagana sa yamang mineral at deposito ng langis?

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Kanlurang Asya

c)

C. Silangang Asya

d)

D. Timog Asya

19.

19. Alin sa sumusunod na bansa ang sinasakop ang dalawampung bahagdan (20%) na sukat ng kabuuang kontinente ng Asya?

a)

A. China

b)

B. Indonesia

c)

C. Kazakhstan

d)

D. Mongolia

20.

20. Ito ang rehiyon sa Asya na may magubat na kabundukan at malawak na matabang kapatagan na kinabibilangan ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Singapore at Pilipinas. .

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Silangang Asya

c)

C. Timog Asya

d)

D. Timog-Silangang Asya

21.

21. Saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang Kabundukang Ural na humahati sa mga kontinente ng Asya at Europa at Bering Sea na naguugnay sa Hilagang Asya sa Alaska?

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Silangang Asya

c)

C. Timog Asya

d)

D. Timog-Silangang Asya

22.

22. Ayon sa mga datos sa talahanayan, ano ang dalawang pangunahing yamang mineral ng mga rehiyon?

a)

A. ginto at langis

b)

B. ginto at natural gas

c)

C. langis at natural gas

d)

D. langis at petrolyo

23.

23. Batay sa talahanayan, ano ang pangunahing pananim ng bawat rehiyon?

a)

A. palay at barley

b)

B. palay at bulak

c)

C. palay at mais

d)

D. palay at trigo

24.

24. Mula sa talahanayan sa itaas, sa rehiyon na ito matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo.

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Silangang Asya

c)

C. Timog Asya

d)

D. Timog-Silangang Asya

25.

25. Batay sa talahanayan, anong rehiyon ang may puno ng palm, ebony at satinwood?

a)

A. Hilagang Asya

b)

B. Silangang Asya

c)

C. Timog Asya

d)

D. Timog-Silangang

26.

26. Alin sa sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa panahong Paleolitiko?

a)

A. Nomadiko ang uri ng pamumuhay ng mga tao.

b)

B. Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.

c)

C. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang mga tao.

d)

D. Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.

27.

27. Pagsunod-sunorin ang mga panahon ayon sa pangyayari.

1. Panahong Neolitiko

2. Panahong Metal

3. Panahong Paleolitiko

4. Panahong Mesolitiko

a)

A. 1,2,3,4

b)

B. 2,3,4,1

c)

C. 3,4,1,2

d)

D. 4,1,2,3

28.

Para sa bilang 28-31, tukuyin kung anong panahon naganap ang sumusunod na pangyayari o pagbabago.

28. Umaasa lamang ang mga sinaunang tao sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa kapaligiran na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

a)

A. Panahong Paleolitiko

b)

B. Panahong Neolitiko

c)

C. Panahong Mesolitiko

d)

D. Panahong Metal

29.

29. Sa panahong ito, ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at sa pagdaan ng panahon ay napalitan ng tanso.

a)

A. Panahong Paleolitiko

b)

B. Panahong Neolitiko

c)

C. Panahong Mesolitiko

d)

D. Panahong Metal

30.

30. Natutong magpaamo ng hayop ang mga tao at gumawa ng mga damit na galing sa balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan.

a)

A. Panahong Paleolitiko

b)

B. Panahong Neolitiko

c)

C. Panahong Mesolitiko

d)

D. Panahong Metal

31.

31. Sa panahong ito nabuo ang pinakaunang pundasyon ng kabihasnan.

a)

A. Panahong Paleolitiko

b)

B. Panahong Neolitiko

c)

C. Panahong Mesolitiko

d)

D. Panahong Metal

32.

32. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kahulugan ng kabihasnan?

a)

A. pamumuhay na nabago ng kapaligiran

b)

B. pamumuhay na pinaunlad gamit ang bagong teknolohiya

c)

C. pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa lambak at ilog

d)

D. pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

33.

33. Ito ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog.

a)

A. kabihasnan

b)

B. kalinangan

c)

C. kaunlaran

d)

D. sibilisasyon

34.

34. Anong lupain sa pagitan ng dalawang ilog ang kinikilala bilang cradle of civilization?

a)

A. China

b)

B. Fertile Crescent

c)

C. India

d)

D. Mesopotamia

35.

35. Ano ang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

36.

36. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI kabilang sa mga batayang salik sa pagbuo ng kabihasnan?

a)

A. masalimuot na relihiyon

b)

B. organisado at sentralisadong pamahalaan

c)

. C. mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura

d)

D. paglaki ng populasyon at pagpapangkat ng tao ayon sa kakayahan

37.

37. Kinikilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan dahil ___________________________________.

a)

A. maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito

b)

B. maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan

c)

C. hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito

d)

D. natuklasan ang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan

38.

38. Ito ang itinuturing na pinakamalaking templo na itinatag ng mga Sumerian bilang pagbibigay karangalan sa kanilang diyos.

a)

A. Great Wall of China

b)

B. Hanging Garden

c)

C. Taj Mahal

d)

D. Ziggurat

39.

Para sa bilang 39-44, tukuyin kung ano ang naging ambag o kontribusyon ng sumusunod na kabihasnan.

39. Cuneiform

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

40.

40. Potter’s wheel

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

41.

41. Harrapa at Mohenjo-Daro

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

42.

42. Lunar calendar

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

43.

43. Calligraphy

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

44.

44. Pictogram

a)

A. Indus

b)

B. Persian

c)

C. Shang

d)

D. Sumer

45.

45. Ang Kabihasnang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pagsasaayos ng kanilang lungsod na napalilibutan ng mga matataas na pader na naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain. Ano ang tawag sa estrukturang ito?

a)

A. . Great Wall of China

b)

B. Hanging Garden

c)

C. Taj Mahal

d)

D. Ziggurat

46.

46. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumunong Emperador ay “Anak ng Langit” o “Son of God”. Ano ang kahulugan ng konseptong ito?

a)

A. Ang emperador ay namumuno batay sa mga kautusan na itinakda.

b)

B. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng diyos.

c)

C. Ang emperador ay namumuno dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng diyos.

d)

D. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.

47.

47. Sa bansang ito, ang mga hari ay kinilala bilang devajara o haring diyos at cakravatin bilang hari ng daigdig.

a)

A. China

b)

B. India

c)

C. Korea

d)

D. Pilipinas

48.

48. Ito ang tawag sa pinuno ng mga Muslim na may utos at basbas ni Allah.

a)

A. Amaterasu

b)

B. Caliph

c)

C. Devajara

d)

D. Son of God

49.

49. Alin sa sumusunod na bansa na kinikilala ang mga namumuno batay sa katapangan, kagalingan at katalinuhan o men of prowess at nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga estado?

a)

A. China

b)

B. India

c)

C. Korea

d)

D. Pilipinas

50.

50. Para sa mga Hapones, dito nagmula ang kanilang emperador na naging pundasyon ng pagkabuo ng mga imperyo at pag-inog ng kanilang relihiyon at pamumuno.

a)

A. Amaterasu

b)

B. Caliph

c)

C. Devajara

d)

D. Son of God