NEW
Font size
WorksheetsPamantayan sa Pagmamarka at Kolonyalismo sa Timog Silangang Asya
Total questions: 51
Worksheet time: 26mins
Naipaghahambing ang mga pamamaraan, patakarang kolonyal, at iba’t ibang pagtugon sa kaayusang kolonyal (pag-alsa, pag-angkin, at pag-angkop) sa apat na mga bansa sa Timog Silangang Asya. Sagutin: Ano-ano ang mga paraan ng pagtugon sa kaayusang kolonyal?
Pag-alsa, pag-angkin, at pag-angkop
Paglalakbay, pag-aaral, at paglalaban
Pagkakaisa, pag-aaway, at pag-iwas
Pagpapasakop, pagtalikod, at paglimos
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan ng pagtugon sa kaayusang kolonyal sa Timog Silangang Asya?
Pag-alsa
Pag-angkin
Pag-angkop
Pag-iwas
Alin ang naglalarawan sa Economic Imperialism?
A. Kinokontrol ng dayuhang militar ang bansa.
B. Direktang pinamamahalaan ng dayuhan ang bansa.
C. Kontrolado ang ekonomiya ng pribado o dayuhang kumpanya.
D. Pagkontrol ng makapangyarihang estado sa isang mahina at maliit na bansa.
Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng kolonyalismo at imperyalismo?
A. Ang kolonyalismo ay ekonomikal; ang imperyalismo ay politikal.
B. Ang kolonyalismo at imperyalismo ay parehong uri ng protektorado.
C. Pareho lamang ang kolonyalismo at imperyalismo sa lahat ng aspeto.
D. Tuwirang kontrol ang kolonyalismo at maaaring di-tuwiran sa imperyalismo.
Sa kasalukuyang panahon, may banta ng pag-angkin ng malakas na bansa sa West Philippine Sea. Kung ikaw ang pinuno, ano ang pinakamainam na gawin?
Pwersahang paalisin ang mga mananakop sa ating teritoryo.
Huwag tangkilikin ang anumang produkto ng nasabing malakas na bansa.
Makipag-alyansa sa ibang mga bansa at patatagin ang sandatahang lakas.
Pumayag sa concession upang maprotektahan ang kapayapaan ng bansa.
Ano ang maaaring kahinatnan ng isang bansang walang kontrol sa pamahalaan?
Maaari itong umunlad dahil malakas na bansa ang namamahala dito.
Hindi magkakaroon ng korapsyon dahil mahigpit ang pamamahala ng dayuhan.
Nawawala ang kakayahan nitong magpasya para sa ikabubuti ng nasasakupan.
Malilinang ng maayos ang likas yaman nito dahil sa teknolohiyang dala ng malakas na bansa.
Bakit nangingibabaw ang hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at sistemang kolonyalismo sa isang imperyo na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, at kultura?
Lahat ng mamamayan ay gustong maging bahagi ng pamahalaang kolonyal.
Nagdadala ang mga dayuhan ng bagong teknolohiya at paraan ng pamumuhay.
Ang mga dayuhan ay may iba't ibang pananaw tungkol sa mga lokal na tradisyon.
May pangkat na pinagkakalooban ng mas malaking kapangyarihan na naging sanhi ng diskriminasyon sa iba.
Paano binago ng kolonyalismo ang estrukturang panlipunan sa mga kolonya?
A. Nawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na pinuno.
B. Nagkaroon ng paghahalo at pagtatangi ng mga lahi.
C. Naging makulay ang tradisyon at kultura ng mga kolonya.
D. Nagkaroon ng pagkakataon ang karamihan sa mahihirap na umangat ang buhay.
Ano ang salitang Pranses na nangangahulugang “Muling Pagsilang” ng kaalamang klasikal na Griyego at Romano kung saan ang tuon ay sa agham, pagtuklas, indibidwalismo, humanismo, rason, at hindi sa relihiyon? Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
Merkantilismo
Paggalugad at Pagtuklas
Rebolusyong Industriyal
Renaissance
Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang pagtutol sa hindi magandang epekto ng imperyalismo sa iyong sariling bansa?
Kakalimutan ang nakaraan.
Iiwasan ang pag-aaral ng kasaysayan.
Ipagmamalaki ko ang aking sariling kultura.
Gumamit lamang ng mga dayuhang produkto.
Kung ikaw ay pinuno ng isang bansang Asyano noong panahon ng imperyalismo, anong pinakamabisang estratehiya ang iyong gagamitin upang mapanatili ang kalayaan ng iyong bansa?
Sumuko agad upang maiwasan ang digmaan.
Itago ang mga likas na yaman mula sa mga mananakop.
Makipagkasundo sa ibang bansa upang humingi ng tulong.
Palakasin ang edukasyon at modernisasyon upang mapanatili ang soberanya.
Paano ginamit ng kapangyarihang kolonyal ang edukasyon bilang instrumento ng pagkontrol?
Naipasa ang makabansang kamalayan.
Lalong lumakas ang kilusang mapagpalaya.
Naging malaya ang isipan ng mga mamamayan para sa bansa.
Naimpluwensyahan ang pananaw ng mamamayan pabor sa mananakop.
Paano nakaapekto ang kolonyalismo sa kasalukuyang kultura ng mga bansang nasakop tulad ng Pilipinas?
Lalong umunlad ang sariling kultura ng mga Pilipino.
Lubusang nabura ang lahat ng katutubong kaugalian.
Wala itong naging epekto sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.
Naipamana ang mga banyagang ideya tulad ng wika, relihiyon, at edukasyon.
Makapangyarihan noong ikalawang yugto ng imperyalismo ang Britanya dahil sa Rebolusyong Industriyal. Ilan sa mga dahilan bakit hindi nasakop ng Kanluraning bansa ang Thailand ay modernisasyon at matatag na pagkakakilanlang kultural. Bilang Pilipino, alin ang mainam na hinuha na maaaring matutunan mula dito?
Makipagtulungan sa mga Kanluranin upang umunlad ang bansa.
Modernisasyon na may pagpapahalagang Asyano ang susi sa kaunlaran.
Maging mapusok sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan para umunlad.
Gayahin ang Kanluranin sa lahat ng aspeto ng pamumuhay upang umunlad.
Ano ang tawag sa mga lugar na matatagpuan malapit sa Kipot ng Malacca kung saan nanirahan at nakipagkalakalan ang mga dayuhang Ingles? Binubuo ito ng Penang, Singapore, Malacca, at Labuan.
White Rajas
Strait Settlements
Federated Malay States
Unfederated Malay States
Alin ang madalas na ginamit ng mga British sa pagsakop nang tuluyan sa mga Malay?
Pakikipagkasundo sa mga sultan.
Pwersahang pananakop gamit ang militar.
Pagpapatupad ng parlamentaryong pamahalaan.
Panghihimasok sa mga minahan ng tangway ng Malay.
Alin ang tumutukoy sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo?
Ang tributo ay maaaring bayaran ng cash o in kind at noong 1884 ay napalitan ng cedula kada tao edad 18 taon pataas.
Unang dumating ang mga Portuguese sa Moluccas subalit naagaw ito ng mga Olandes noong ika-16 siglo matapos bumagsak ng imperyong Mataram.
Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo upang kontrolin ang mga Pilipino. Ano ang dapat gawin ng kabataan ngayon?
Huwag na lamang magkaroon ng relihiyon para hindi maloko.
Bumuo ng sariling relihiyon para siguradong tama ang mga aral.
Talikdan ang Kristiyanismo dahil ito ang relihiyong ng mananakop.
Maging mapanuri sa mga katuruan at pahayag ng relihiyong sasalihan.
Bakit kinakailangang ipatupad ng mga Espanyol ang reduccion sa Pilipinas?
Kailangang sumamba ng mga Pilipino araw-araw.
Lubos na makilala ng mga misyonero ang bawat Pilipino.
Mabilis mabisita ng gobernador-heneral ang bawat bayan.
Madaling pamahalaan ang mga katutubong pinagsama-sama sa poblacion.
Madalas gamitin ng mga mananakop ang Divide and Rule Policy. Ano ang epekto nito sa ating bansa kung mangyayari ito sa kasalukuyang panahon?
Hindi uunlad ang bansa dahil sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.
Hindi uunlad ang bansa dahil sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.
Magiging magaling ang mga Pilipino sa matematika lalo na sa pagsukat.
Uunlad ang bansa dahil matututuhan ng mga Pilipino kung paano mamuno.
Isa ang tributo sa mga patakarang kolonyal na labis na nagpahirap sa mga sinakop lalo na hindi naman para sa kanilang kapakanan ang pondong nakalap mula dito. Sa kasalukuyan, nararapat pa ba na magpatuloy ang paniningil at pagbabayad ng buwis sa pamahalaan?
Oo, dahil kailangan nating magbayad ng utang.
Hindi, dahil malaya na tayo sa mga mananakop.
Hindi, dahil mapupunta lamang sa korapsiyon ang perang nakalap.
Oo, dahil dito nagmumula ang pondo para sa mga serbisyo publiko.
Sino ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa sa Pilipinas na naganap sa Bohol?
Diego Silang
Francisco Dagohoy
Hermano Pule
Tamblot
Isa sa mga pamamaraan na ginawa ng mga Pilipino bilang pagtugon sa kolonyalismong Espanyol ay ang pamumundok. Bakit umakyat at nanirahan sa bundok ang ilang Pilipino noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Upang hindi sila matutong ng mga Kastila.
Ipinag-utos ng mga prayle na sila ay manirahan sa mga bundok.
Dahil mas marami ang makukuhang kapakinabangan sa kabundukan.
Para makaligtas sa polo y servicio, reduccion, tributo, at pagyakap sa Kristiyanismo.
Bilang isang mag-aaral, paano ka makikiisa sa pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea?
Makikisa ako sa mga programa ng bansa na nagsusulong sa kaunlaran.
Hindi ako makikisasangkot sa mga usapin patungkol sa West Philippine Sea.
Aalamin ko ang impormasyon upang maunawaan ang ipinaglalaban ng bansa.
Magpapakumbaba ako upang hindi magkaroon ng hidwaan sa ibang mga lahi.
Bilang isang makabayang Pilipino noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, ano ang nararapat gawin upang ipakita ang pagmamahal sa bayan?
Sumali sa mga kilusan laban sa kolonyalismo
Makipagtulungan sa mga Espanyol
Manatiling tahimik at sumunod sa mga patakaran
Iwasan ang anumang uri ng pakikilahok
Ang mga Pilipino at Malay ay nagsagawa ng pag-aalsa bilang pagtutol sa mga patakarang kolonyal. Alin sa mga sumusunod ang isa sa naging tugon ng mga Indones sa pananakop ng mga Dutch?
Pagpapatigil sa patakarang encomienda ng pamahalaan.
Pamumuhunan sa mga plantasyon ng goma at minahan ng lata.
Pakikidigma ng mga Aceh para sa kanilang lupain, kultura at relihiyong Islam.
Pakikipagsundo sa English East India Company ng mga sultan kaya naitatag ang Strait Settlements.
Isa sa mga naging tugon ng mga Pilipino sa patakarang kolonyal ng mga Espanyol ang pamumundok. Sa kasalukuyang panahon, nararapat pa rin ba na ganito ang maging tugon sa mga patakaran ng pamahalaan na hindi mo sinasang-ayunan?
Oo, dahil mahirap sumunod kung napipilitan ka lamang.
Oo, dahil malaya kang gawin ang gusto mo sa kabundukan.
Hindi, dahil delikado at mahirap ang mabuhay sa kabundukan.
Hindi, dahil may paraan na pwedeng gawin nang naaayon sa batas.
Ano ang tawag sa pinagsanib na rehiyong kolonyal sa Vietnam, Laos, at Cambodia?
British East Asia
Dutch East Indies
French Indochina
Southeast Asia Union
Ano ang naging pangunahing estratehiya ng mga kolonyalistaing Europeo upang makontrol ang ekonomiya ng mga nasakop?
Pagsasara ng daungan
Pagpapatayo ng mga palengke
Pagbibigay ng tulong-pinansyal
Monopolyo ng kalakalan at industriya
Maraming mga dahilan ang mga kanluranin sa kanilang pananakop ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Isa sa mga ito ay ang kanilang pansariling interes lamang. Bilang isang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin para makuha mo ang iyong mga hinahangad sa buhay?
Makikipag-unahan sa mga kamag-aral sa lahat ng bagay.
Gagayahin ang nakikitang ginagawa ng mga tao sa paligid mo.
Mag-aaral mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Huwag tumulong sa mga kamag-aral para palaging nauuna sa lahat.
Alin ang HINDI naglalarawan sa imperyalismong kanluranin sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya?
Ang Myanmar ay napasailalim sa French protectorate.
Direktang pamamahala ang ipinatupad ng mga Pranses sa Vietnam.
Sa lahat ng tatlong Digmaang Anglo-Burmese natalo ang mga Burmese.
Sa ilalim ng Kasunduang Saigon noong 1862, may karapatan ang mga Pranses na maglayag sa ilog Mekong.
Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa edukasyon ng mga bansang nasakop?
Naipagbawal ang edukasyon.
Lumawak ang lokal na sining at literatura.
Naging sagana sa sariling kultura at tradisyon.
Lumikha ng makabagong paaralan at unibersidad.
Ang pinakamagandang naitulong sa Cambodia ng pagiging French Protectorate nito ay:
Pagpapalaganap ng relihiyong Islam
Pagpapabuti ng sistemang edukasyon at imprastraktura
Pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga lokal na pinuno
Pagpapalawak ng teritoryo ng Cambodia
Sa Timog-Silangang Asya, maraming mga nasyonalista ang kumilos upang mapalaya ang kanilang bansa sa imperyalismo ng mga kanluranin. Ano ang pagkilios na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar (Burma noon)?
Nakipaglaban si Ho Chi Minh sa mga Tsino at British.
Sinuimulan ni Diponegoro ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Dutch.
Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang labanan ang mga Espanyol.
Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British noong 1930-1932.
Natutong lumaban ang mga Asyano dahil sa pagmamalabis na ginagawa ng mga mananakop. Ibat-ibang paraan ang ginawa nila para maipakita ito. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
Magmasid sa mga pangyayaring nagaganap.
Lumikha ng samahang tutuligsa sa pamahalaan.
Huwag tularan at ipahayag ang pagputol sa masamang gawain.
Hikayatin ang mga kapwa mag-aaral na sumali sa mga protesta at rally.
Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-usbong ng damdaming makabayan ng mga Cambodian ay ang hindi pangingi-alam ng mga Pranses sa kultural na aspeto ng buhay ng mga sinakop gaya ng relihiyon at tradisyon. Bilang mamamayan na nakaranas ng pananakop, ano ang maaaring matutuhang aral mula rito?
Biyayan ng kalayaan na mamili ng relihiyon ang mga nasasakupan upang hindi sila mag-alsa.
Mabuti na sumang-ayon na lamang sa lahat ng patakaran ng mga nanunungkulan upang hindi magkagulo.
Mainam na may malasakit ang mamamayan sa kanilang bansa kahit na hindi sila direktang apektado sa mga nangyayari.
Bilang pinuno, kung ayaw mong mag-alsa ang iyong nasasakupan, huwag pakialaman ang paniniwala ng nasasakupan.
Paano tumugon ang mga Burmese sa patakaran ng mga British na paghihiwalay ng relihiyon at estado?
Tinanggap ito at inangkin ang relihiyong Kristiyanismo.
Nagrebelde ang mga Burmese sa pangunguna ng hari ng Burma.
Sapilitang tinanggap ito ng mga Buddhist monk ng walang pagtutol.
Nag-alsa ang mga Burmese sa pangunguna ng mga Buddhist monk.
Hindi naging madali ang pananakop ng mga British sa Burma. Nagkaroon ng iba't ibang tugon sa kanilang pananakop. Isa na dito ang rebelyon ni Saya San. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsuporta ng mga Burmese sa kaniyang pag-aalsa?
Nais ni Saya San na ibalik ang pamumuno ng hari ng Burma.
Nagalit ang mga Burmese sa strategic hamlet ng mga British.
Malawakang kahirapan na dinaranas ng mga magsasakang Burmese.
Naniniwala ang mga Burmese na kayang manalo ng kanilang mga agimat laban sa mga armas ng mga British.
Alin ang nagsasaad ng tamang analohiya tungkol sa mga pinuno sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya na nag-alsa laban sa imperyalismong Kanluranin?
Hlutdaw: Burma; Thibaw: Cambodia
Sayan San: Vietnam; Thibaw: Burma
Sayan San: Burma; Phan Dinh Phung: Vietnam
Nguyen Anh: Vietnam; ; Norodom Sihanouk: Cambodia
Ano ang tawag sa panahon kung saan natamasa ng Japan ang kaunlaran at ang pagtagumpay nito sa mga pagbabago na hatid ng impluwensiya ng mga kanluranin sa aspektong pamamahala, edukasyon, at ekonomiya?
Meiji Restoration
Edo Period
Taisho Era
Showa Era
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng imperyalismong Hapon sa ika-20 siglo?
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Pakikipagkalakalan lamang sa Europa.
Pagpapalawak ng industriyang medikal.
Paghahanap ng mga teritoryo at likas yaman.
Bilang pinuno na nabigyan ng pagkakataon na mapaunlad ang bansa ayon sa pamamaraang ng Japan, alin ang mainam na gayahin sa kasalukuyang panahon?
A. Paalisin ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
B. Palakasin ng industriya ng pagluluwas ng mga yaring produkto.
C. Manakop ng ibang bansa upang dumami ang pinagkukunan ng likas yaman.
D. Umutang sa mga mayayamang Pilipino upang tumaas ang pondo ng bansa.
Pananakop ang nakitang solusyon ng Japan upang matugunan ang problema nito sa lumalaking populasyon. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong lutasin ang problema ng mabilis na pagtaas ng populasyon sa Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang pinaka mainam na gawin?
Ipatupad ang isang anak lamang sa kada pamilya.
Palakasin ang kampanya sa maayos na pagpaplano ng pamilya.
Manakop din ng mga teritoryo upang lumawak ang lupaing matitirhan.
Umangkat ng maraming pagkain upang hindi magutom ang mga mamamayan.
Anong aspeto ang naimpluwensiyahan ng Japan sa pamamagitan ng mga kompanya tulad ng Sony at Toyota?
Edukasyon
Ekonomiya
Pulitika
Ugnayang Panlabas
Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Timog Silangang Asya, alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin bilang isang mamamayang makabansa?
Mangiibang bansa upang makaiwas sa karahasan.
Makipagtulungan sa mga Hapon upang hindi mapahamak.
Tumulong sa mga kababayan na nakikipaglaban para sa kalayaan.
Magsulat ng palihim tungkol sa mga katiwalian at karahasan ng mananakop.
Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglayag ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Marami ang napinsala at namatay.
Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war
Lumakas ang Nasyonalismo at napabilis ang paglayag
Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at komunismo
Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang tamang naglalarawan sa mga ito. Pahayag 1: Ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas ang mga patakarang curfew, pagkakaroon ng certificate of residence at ang sapilitang pagkulong sa mga kababaihan bilang comfort women. Pahayag 2: Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay ang pangunahing layunin ng Japan sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
A. Pahayag 1 ay TAMA, Pahayag 2 ay MALI
B. Pahayag 1 ay MALI, Pahayag 2 ay TAMA
C. Lahat ng pahayag ay TAMA
Paano nakatulong ang Treaty of Versailles sa Japan?
Naging kolonya ng Britain ang Japan.
Lumawak ang sakop ng Japan sa China.
Nakuha ng Japan ang ilan sa mga teritoryo ng Germany sa China.
Bumagsak ang ekonomiya ng Japan dahil sa hindi pagpansin ng mga Kanluranin.
Ano ang naganap noong Disyembre 7, 1941 na nagsilbing hudyat ng pagsali ng Pilipinas at Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Bataan Death March
Pagdeklara ng Open City
Pagbomba sa Pearl Harbor
Pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki
Bakit kailangang ideklara ni Douglas MacArthur ang Maynila bilang Open City?
Para hikayatin ang mga Pilipino na labanan ang mga Hapon.
Upang magbigay daan sa pagsuko ng mga Pilipino sa Hapon.
Upang hindi lubusang mawasak ng digmaan ang lungsod ng Maynila.
Upang maipakita ang suporta ng mga Pilipino sa patakarang Hapon.
Bunsod ng labis na paghihirap na naranasan ng mga Pilipino sa mga patakarang Hapon, tinutulan nila ang pamamahala ng mga Hapones. Sa kasalukuyang panahon, nararanasan din ng mga Pilipino ang kahirapan, hindi dahil sa mga patakarang mapang-abuso kundi dahil sa katiwalian sa pamahalaan. Bilang isang kabataang Pilipino, anong pagpapahalaga ang kailangang ipakita para sa ating bansa sa kasalukuyang panahon?
Pipiliin lamang ang mga susundin na batas.
Mananahimik na lamang kapag may nakikitang pang-aabuso.
Lalahok sa mararahas na kilos protesta upang maipabatid ang galit ng bayan.
Susunod pa rin sa mga batas at maging mapanagutang mamamayan na huwaran sa mga kapwa kabataan.
