wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 - GEMELINA 2025-2026

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Anong rehiyon sa Asya ang binansagang "Farther India" at "Little China" dahil sa mga naging impluwensiya ng mga bansang ito sa kultura nito sa rehiyong ito?

a)

Hilagang Asya

b)

Silangang Asya

c)

Timog-Kanlurang Asya

d)

Timog-Silangang Asya

2.

Anong subregion ka napapabilang kung ikaw ay nakatira sa Thailand?

a)

Central Asia

b)

Inner Asia

c)

Insular Southeast Asia

d)

Mainland Southeast Asia

3.

Anong uri ng taniman ang pinakamainam kung ikaw ay magsasaka sa kabundukan,?

a)

Pag-aalaga ng tilapia sa sapa

b)

Pagtatanim ng palmera sa baybayin

c)

Paggamit ng hagdan-hagdang palayan

d)

Taniman ng palay sa mababang kapatagan

4.

Ano ang pangunahing kahulugan ng heograpiya?

a)

Pag-aaral sa anyong lupa at tubig

b)

Pag-aaral sa kultura at tradisyon

c)

Pag-aaral sa pisikal at pantao na katangian ng mundo

d)

Pag-aaral sa kasaysayan ng mga sinaunang tao sa mundo

5.

Paano nakatutulong ang pag-unawa sa depinisyon ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan?

a)

Nagpapakita ng iba't ibang tradisyon at kaugalian

b)

Nagpapaliwanag kung paano natutunan ang wika

c)

Nagbibigay ng tala ng mga nakaraang pangyayaria

d)

Nagbibigay-linaw kung paano nakakaapekto ang kapaligiran sa pamumuhay ng tao

6.

Ano ang implikasyon ng Klimang Tropikal sa pamumuhay ng mga taga Timog-Silangang Asya?

a)

Madalas magtayo ng bahay na yari sa yelo

b)

Kaunti ang hayop at halaman dahil sa tuyong klima

c)

Limitado ang pagtatanim dahil sa mahabang taglamig

d)

Naaangkop ang pagtatanim ng palay, prutas, at gulay buong taon

7.

Anong uri ng likas na yaman ang mga gulay, mais, at palay?

a)

Yamang Gubat

b)

Yamang Lupa

c)

Yamang Mineral

d)

Yamang Tubig

8.

Bakit tinatawag na kapuluan ang Pilipinas?

a)

Maraming mga ilog

b)

Isang malaking pulo

c)

Binubuo ito ng maraming pulo

d)

Napapalibutan ng mga bulubundukin

9.

Alin sa mga impluwensya ng India sa Timog-Silangang Asya ang may pinakamalaking epekto sa pamumuhay ngayon?

a)

Pagpapakilala ng sistema ng pagsusulat at panitikan

b)

Pagpapalawak ng kalakalan ng tela, pampalasa, at hiyas

c)

Pagpapalaganap ng mga relihiyong Hinduismo at Budismo

d)

Pag-unlad ng arkitekturang may disenyo ng templo at palasyo

10.

Anong bansa ang kilala sa pagkakaroon ng maraming etnolinggwistikong grupo kabilang ang Karen, Shan at Mon?

a)

Laos

b)

Myanmar

c)

Thailand

d)

Vietnam

11.

Ano ang tawag sa isang katutubong sistema ng pananampalataya na naniniwala sa mga espiritu o makapangyarihang pwersa na naninirahan sa kalikasan at sa mga bagay sa paligid?

a)

Animismo

b)

Budhismo

c)

Islam

d)

Kristiyanismo

12.

Alin ang itinuturing na puso/kaluluwa ng isang kultura?

a)

Kagamitan

b)

Pananamit

c)

Ritwal

d)

Wika

13.

Paano mo maipapakita ang paggalang sa kultura kung ikaw ay maninirahan sa bansang may karamihang populasyon na Buddhist?

a)

Pagtanggi sa kanilang paniniwala

b)

Pagbabawal sa paggamit ng wika

c)

Pagbabawal sa pagdiriwang ng pista

d)

Pagsuot ng angkop na kasuotan sa templo

14.

Bakit magkakaiba ang kultura sa iba't ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya?

a)

Magkakaparehas ng klima

b)

Magkakatulad ang relihiyon

c)

Dulot ng impluwensya ng heograpiya at kalakalan

d)

Iisa ang pinagmulan ng lahi ng mga tao sa rehiyon

15.

Bakit karamihan sa populasyon ng Pilipinas ay Kristiyano?

a)

Pananakop ng mga Espanyol

b)

Maraming Kristiyanong turista

c)

Malapit sa bansang Kristiyano

d)

Impluwensya ng kalakalan sa Europa

16.

Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng iba't ibang pangkat-etnolinggwistiko sa kultura ng isang bansa?

a)

Nagpalakas sa isang relihiyon lamang

b)

Nag-aalis ng pagkakaiba sa pananamit

c)

Nagtutulak ng mas maraming wika at tradisyon

d)

Nagpapaunti ng wika at tradisyon sa bansa

17.

Ano ang tawag sa batayang yunit ng lipunan?

a)

Barangay

b)

Lahi

c)

Pamilya

d)

Tribo

18.

Anong anyo ng pamilya nangingibabaw ang ama sa paggawa ng mahahalagang desisyon?

a)

Matriyarkal

b)

Monogamous

c)

Nuclear

d)

Patriyarkal

19.

Bakit itinuturing na egalitarian ang isang pamilya?

a)

Pantay ang tungkulin ng ama at ina

b)

Higit ang kapangyarihan ng ina kaysa ama

c)

Higit ang kapangyarihan ng ama kaysa ina

d)

Walang ano mang tungkulin ang mga magulang

20.

Ano ang ibig sabihin ng "extended family"?

a)

Pamilya na walang anak

b)

Pamilya na may kasamang kamag-anak

c)

Pamilyang magkahiwalay ang magulang

d)

Pamilya na binubuo ng magulang at anak

21.

Bakit tinawag na "Dalampasigan ng Ginto" ang Imperyong Srivijaya?

a)

Masagana sa mina ng ginto

b)

Maraming palasyo na yari sa ginto

c)

May gintong buhangin sa dalampasigan

d)

Ginagamit ng mga tao ang ginto bilang pagkain

22.

Alin sa mga kabihasnang ito ang kilala sa pagtatayo ng Angkor Wat?

a)

Champa

b)

Khmer

c)

Pagan

d)

Srivijaya

23.

Paano naiimpluwensiyahan ng mga imperyong Khmer, Ayutthaya, at Champa ang Mainland Southeast Asia?

a)

Nagdala sila ng malawakang kalakalan sa rehiyon

b)

Nag-ambag sila sa pag-unlad ng relihiyon sa rehiyon

c)

Nagtatag sila ng mga imperyo sa timog-silangang asya

d)

Nagsagawa sila ng mga eksedisyon sa iba't ibang bahagi ng mundo

24.

Alin sa mga kabihasnang ito ang kilala sa pagtatayo ng Borobudur?

a)

Majapahit

b)

Malacca

c)

Sailendra

d)

Srivijaya

25.

Bakit maaaring mas epektibo ang pamumuno ng Imperyong Maritima kaysa imperyong panlupa?

a)

Kaunti ang yaman sa dagat

b)

Mas mabilis ang kalakalan at komunikasyon

c)

Mahirap pamahalaan ang mga isla

d)

Mahirap salakayin ang mga pulo dahil sa karagatan

26.

Alin sa imperyong marino ang nakilala sa kanilang malakas na impluwensya pangkultura lalo na sa sining at panitikan?

a)

Majapahit

b)

Malacca

c)

Sailendra

d)

Srivijaya

27.

Bakit tinawag na Imperyong Maritima ang Srivijaya?

a)

Nakontrol nito ang mga bundok

b)

Nakuha nito ang kalakalan sa dagat

c)

Nagpalawak ito ng sakop sa disyerto

d)

Nakontrol nito ang mga ilog sa Europa

28.

Alin ang HINDI kabilang sa mga pangunahing pangkat etniko sa Timog - Silangang Asya?

a)

Inca

b)

Malay

c)

Melanesian

d)

Polynesian

29.

Ano ang pangunahing ideya ng Island Hypothesis ni Solheim?

a)

Austronesian mula Timog China

b)

Nagmula sa isang malaking pulo

c)

Pananakop ang nagdala ng pagbabago

d)

Umusbong mula sa kalakalan ng mga isla

30.

Bakit naging mahalaga ang lokasyon ng Imperyong Srivijaya sa kanyang pag-unlad?

a)

Mayaman ito sa yamang lupa

b)

Malapit sa mga rutang pangkalakalan

c)

Nakapuwesto ito sa tabi ng mga minahan

d)

Matatagpuan ito sa malalaking kapatagan

31.

Paano nakatulong ang kalakalan sa ugnayan ng Pilipinas at mga bansa sa Timog-Silangang Asya?

a)

Nagtigil ng migrasyon

b)

Nagpalitan ng produkto at kultura

c)

Nagturo ng paggawa ng ginto at pilak

d)

Nagbukas ng mga bagong lungsod

32.

Paano nakaapekto ang kalakalan sa pagitan ng mga Tsino at mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol?

a)

Nagpakilala ng bagong pamahalaan

b)

Nagdala ng seda, tsaa, at porselana

c)

Nagturo ng paggawa ng ginto at pilak

d)

Nagpatayo ng mga pader sa pamilihan

33.

Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit pampolitika sa sinaunang Pilipinas?

a)

Barangay

b)

Bayan

c)

Lalawigan

d)

Nayon

34.

Ano ang tawag sa pinunong Muslim sa mga sultanato sa Mindanao noong sinaunang panahon?

a)

Datu

b)

Lakan

c)

Rajah

d)

Sultan

35.

Alin sa sumusunod ang kahulugan ng kabihasnan?

a)

Nabago ng kapaligiran

b)

Pinaunlad gamit teknolohiya

c)

Nakagawian sa ilog at lambak

d)

Pamumuhay na kinagawaian at pinaundlad ng maraming pangkat

36.

Paano nakaapekto ang pamumuno ni Abu Bakr bilang unang Sultan ng Sulu sa pag-unlad ng kanilang pamayanan?

a)

Nagtayo ng pader sa Sulu

b)

Itinatag ang unang sultanato

c)

Nagtayo ng plantasyon ng tabako

d)

Nagpatawag ng mangangalakal mula Europa

37.

Paano nakatulong ang kalakalan sa ugnayan ng Pilipinas at mga bansa sa Timog-Silangang Asya?

a)

Nagtigil ng migrasyon

b)

Nagpalitan ng produkto at kultura

c)

Nagpahina ng lokal na ekonomiya

d)

Nagbukas ng mga bagong lungsod

38.

Bakit mahalagang pinag-aaralan ang sinaunang kabihasnan ng ating rehiyon?

a)

Matutunan ang mga batas noon

b)

Gayahin ang kanilang teknolohiya

c)

Tularan ang kanilang pamahalaan

d)

Maunawaan ang ating pinagmulan

39.

Alin sa mga produkto ang ipinagpapalit ng Pilipinas sa kalakalan noong sinaunang panahon?

a)

Ginto

b)

Lata

c)

Pilak

d)

Tanso

40.

Anong tawag sa sinaunang bangkang ginamit sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa?

a)

Balangay

b)

Bangka

c)

Paraw

d)

Vinta

41.

Bakit mahalaga ang mga ilog sa pag-usbong ng kabihasnan?

a)

Nagsisilbing lugar libangan

b)

Nagsisilbing ruta ng kalakalan

c)

Ginagamit sa paggawa ng alahas

d)

Ginagamit lamang bilang hangganan ng teritoryo

42.

Paano mo gagamitin ang lokasyon para sa kaunlaran kung ikaw ay mamumuno sa isang bayan na malapit sa dagat?

a)

Iwasan ang pangingisda

b)

Magbawal ng paglalayag

c)

Magtatag ng pantalan para sa kalakalan

43.

Ang 'mother of waters' na nagsisilbing daanan ng kalakalan at kabuhayan ng mga bansa sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya

a)

Ilog Cagayan

b)

Ilog Huang Ho

c)

Ilog Mekong

d)

Ilog Tigris

44.

Alin ang mas mahalaga sa pag-unlad ng kabihasnan, lokasyon o likas na yaman?

a)

Wala sa dalawa dahil teknolohiya ang susi

b)

Lokasyon dahil nakakaapekto sa kalakalan

c)

Likas na yaman dahil nagbibigay ng kabuhayan

d)

Pareho dahil parehong nakakatulong sa kaunlaran

45.

Anu-anong aspeto ng kabihasnang Pilipino ang kaiba sa mga kabihasnang Timog Silangang Asya, Tsina, at India?

a)

Sistema ng pagsulat

b)

Pagsasaka at pangingisda

c)

Paggamit ng Tansong kagamitan

d)

Pagsamba sa mga espiritu ng kalikasan

46.

Paano nagdulot ng malalim na impluwensiya ang mga kabihasnan at relihiyon sa Mainland Southeast Asia?

a)

Pinilit baguhin ang pamumuhay

b)

Nagbigay ng yaman sa karanasan

c)

Nagdala ng pagbabago sa ekonomiya

d)

Nagpakilala ng paniniwalang tinanggihan

47.

Ano ang mga bagay na nakukuha na nalinang at nanggagaling pa noong unang panahon at ginawa, nilubog at ginamit ng kultura ng tao?

a)

Artifact

b)

Calligraphy

c)

Wika

d)

Terraces

48.

Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?

a)

Indus

b)

Longshan

c)

Shang

d)

Sumer

49.

Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang kilala sa maayos na urban planning na may tuwid na kalsada at sistemang palikuran?

a)

Indus Valley

b)

Mesopotamia

c)

Shang

d)

Sumer

50.

Alin sa sumusunod ang HINDI magandang epekto ng pagtatayo ng Great Wall ng kabihasnang Tsina?

a)

Napoprotektahan nito ang bansa sa mga kaaway

b)

Nahahati ang mga natural na daanan ng mga hayop

c)

Pinoproteksyonan nito ang mga rutang pangkalakalan ng Tsina

d)

Nagsisilbing palatandaan ng hangganan ng nasasakupan ng Dinastiyang Ming.