Font size
WorksheetsREVIEWER IN AP_4TH QUARTER_24-25
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Ano ang tawag sa pagpapakita ng masidhing pagmamahal sa bayan?
Ideolohiya
Liberalismo
Modernismo
Nasyonalismo
Ano ang naging epekto ng paglipas ng merkantilismo sa kalagayang pang-ekonomiya at panlipunan ng Pilipinas?
Lalong yumaman ang Espanya sa mga negosyo nito.
Bumagsak ang ekonomiya o antas ng kabuhayan sa kolonya
Ipinagtuloy ang kalakalang galyon upang magkaroon ng dagdag na kita
Nagkaroon ng malayang kalakalan kung saan ang mga bansang kalahok ay makikinabang sa kayamanan.
Alin ang salik sa mga pandaigdigang kaganapan ang itinuring na nagpahina sa kalakalang galyon na nagwakas noong 1815?
Pagsalakay ng mga pirate
Nagkaroon ng ibang pinagkakitaan ang mga Espanyol
Kompetisyon sa mga negosyanteng Amerikano at Briton
Malayang kalakalan at deklarasyon ng Cadiz Constitution ng1812
Paano nakaapekto ang pagbubukas ng Suez Canal sa pag-usbong ng kamalayang makabansa?
Napagtanto nila na ang pamamahala ng mga Espanyol ay nakabuti sa ating bansa
Namulat sa kaisipan ng mga Pilipino na ang kulturang Espanyol ay dapat tangkilikin
Nagkaroon ng kakayahan ang mga Pilipino na pag-aralin ang kanilang anak sa Maynila
Nabuksan ang kaisipang liberal ng mga Pilipino kaugnay sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran
Sa paglahok ng Pilipinas sa Malayang Kalakalan bunsod ng pagbubukas ng Suez Canal sumilang ang panggitnang uri ng mamamayan sa panahong kolonyal. Ano ang tawag dito na kinabibilangan ni Dr. Jose Rizal?
Datu
Ilustrado
Indio
Sultan
Alin sa mga sumusunod ang hindi pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng kamalayang pambansa ng mga Pilipino?
Isyu ng Sekularisasyon at pagbitay sa tatlong paring martir
Pagbubukas ng Suez Canal kaya napabilis ang paglalakbay
Liberal na pamumuno ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre
Pagwawakas ng kalakalang galyon at pagsisimula ng malayang kalakalan
Ano sekularisasyon na ipinaglaban ng mga paring sekular sa pangunguna ni Padre Pelaez at kabilang sa mga salik na nagsulong ng nasyonalismo sa kamalayan ng mga Pilipino noong ika-19 na siglo?
Gawing prayle o paring regular ang mga Pilipino sa kanilang parokya
Kalayaan ng mga katutubong pari na ipahayag ang kanilang sarili
Pagtatatag ng mga relhiyosong orden na binubuo ng mga paring Pilipino
Pagbibigay ng karapatan sa mga Pilipino na pamunuan ang kani-kanilang parokya.
Ang Kaisipang liberal ay nakarating sa bansa sa tulong ng mga Ilustrado na nakapag-aral sa Europa at ibang babasahin. Sino ang nakilalang gobernador-heneral na nagpatupad ng pamahalaang liberal sa Pilipinas?
Carlos Maria dela Torre
Diego de los Rios
Jose Basco y Vargas
Rafael Izquerdo
Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
Paggarote sa tatlong paring martir
Pagpapasara ng pahayagang Pilipino
Pagpapatapon sa mga Pilipino sa ibang lugar
Pagbili ng mga ari-arian ng mga mayayamang Pilipino sa mababang halaga
Sinu-sino ang tatlong paring martir na nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garrote dahil sa bintang na namuno sila sa pag-aalsa sa Cavite?
Mariano Gomez
Jacinto Zamora
Jose Burgos
Pedro Pelaez
Paano pinukaw ng Cadiz Constitution ng 1812 at La Ilustracion ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino?
Dumami ang nagnanais na mag-aral sa mga unibersidad sa Europa
Nagkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa pagpapahalaga sa karapatang-pantao
Pinaalalahanan ng mga kaisipang ito ang pagiging masunurin sa Espanyol
Pinalakas ang kalooban ng mga katutubo na maghimagsik.
Nagpatuloy ang impluwensya ng La Ilustracion sa ika-19 na siglo. Sa paanong paraan nakatulong ang pangkat ng mga ilustradong kinabibilangan nina Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Ponce at iba pang propagandista?
Nag-aral at nagkaisa para sa mapayapang panawagan ng reporma sa Pilipinas.
Namuno sa mga rebelyon at pinabagsak ang pamahalaang kolonyal.
Nagsanay sa mga hukbo para makipaglaban sa mga Espanyol
Nagtrabaho sa ibang bansa para sa sariling kapakanan.
Sa pagbatid ng kaisipang liberal ng mga Ilustrado sila ay nagtatag ng isang samahang naghangad ng reporma sa pamahalaang Espanyol sa mapayapang pamamaraan. Ano ang samahang ito?
Katipunan
Kilusang Propaganda
La Liga Filipina
La Solidaridad
Ano ang tawag sa mga kabataang Pilipino na nagkaroon ng liberal na edukasyon sa Europa at nagmula sa umusbong na panggitnang uri sa antas sa lipunan sa panahon ng mga Espanyol?
Cacique
Ilustrado
Indio
Principalia
Nakita ng mga Pilipinong ilustrado ang mga tiwaling pamamahala ng mga kastila. Sinu-sino sa mga sumusunod ang kabilang sa Ilustrado na naglayon na gumamit ng mapayapang pamamaraan sa pagtamo ng kanilang Karapatan?
Jose Rizal
Andres Bonifacio
Bilang I at II
Graciano Lopez Jaena
Marcelo H. del Pilar
Sino ang kilalang ilustrado na nagtatag ng “La Liga Filipina” sa Tondo noong 1892 upang maging daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino at sumulat ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, kwentong naghahayag ng pagmamalabis, pagmamalupit at pagkaganid ng mga pinuno at prayleng Espanyol sa mga Pilipino?
Gregorio del Pilar
Jose Rizal
Marcelo H. del Pilar
Mariano Ponce
Kinilala si Graciano Lopez Jaena bilang pangunahing orador ng mga Pilipino sa Espanya na naghahayag ng katiwalian at paninikil sa kalayaan ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang kanyang isunulat na nagbunyag ng kasibaan at kasamaan ng mga prayle?
Caiingat Cayo
Fray Botod
La Solidaridad
Sa Aking Kababata
Bantog na mamamahayag at nakiisa sa pagpapalaganap ng damdamin ng kilusang propaganda sa pamamagitan ng pagsasalita at paglalathala ng mga babasahin tungkol sa maling pamamala at ang kanyang pangalan ay Plaridel?
Antonio Luna
Juan Luna
Marcelo H. del Pilar
Mariano Ponce
Bantog na mamamahayag at nakiisa sa pagpapalaganap ng damdamin ng kilusang propaganda sa pamamagitan ng pagsasalita at paglalathala ng mga babasahin tungkol sa maling pamamalakad sa Pilipinas. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Sino siya?
Antonio Luna
Ferdinand Marcos
Juan Luna
Marcelo H. del Pilar
Isa sa mga matapang na bayani ng ating lahi at kinilalang “Ama ng Rebolusyong Pilipino” na nagtatag ng kilusang Katipunan na naglayong makamtam ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Sino siya?
Andres Bonifacio
Gregoria de Jesus
Jose Rizal
Mariano Ponce
Sino ang propagandista na gumamit ng sagisag panulat na Kalipulako, Naning at Tikbalang at ang kaniyang karaniwang paksa ay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon?
Antonio Luna
Deodato Arellano
Jose Maria Panganiban
Mariano Ponce
Ang mga sumusunod ay mga salik sa pagsilang ng nasyonalismong Pilipino. Alin lamang ang hindi?
Paglaganap ng kaisipang liberal
Pagpasok ng mga mestisong Intsik sa bansa
Pagbubukas ng Piipinas sa pandaigdigang pamilihan
Pagpalitaw ng bagong panggitnang uri ng mamamayan o mga ilustrado
Siya ang Utak ng Katipunan at nag-alay ng talino pagod at buhay sa Katipunan. Sino siya?
Apolinario Mabini
Emilio Aguinaldo
Emilio Jacinto
Juan Luna
Si Emilio Jacinto ang tunay na patnugot ng pahayagan ng Katipunan na Kalayaan ngunit para iligaw ang mga Kastila sa kanilang plano sino ang isinulat nilang patnugot nito?
Agustin dela Rosa
Marcelo H. del Pilar
Miguel Morayta
Maria dela Torre
Ano ang paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan sa panahon ng kolonyalismo?
Mayaman ang Mindanao
Pagmamay-ari nila ang Mindanao
Makapangyarihan at matalino ang mga Sultanato
Mayroon silang matibay na relihiyon na nagbuklod sakanila sa panahon ng digmaan
Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng mga Muslim sa Mindanao laban sa kolonyalismong Espanyol?
Paggamit ng sariling diyalekto
Pagbihag sa mga opisyal at prayle sa Mindanao
Paggamit ng kanilang tradisyon na tinawag na pangangayaw
Pagkapit sa kanilang relihiyon a pagdeklara ng jihad laban sa mga Espanyol
Ano ang mahalagang papel ng relihiyong Islam sa pagpapanatili ng kalayaan ng mga Sultanato?
Nagkaroon ng kasunduang pangkapayaan
Tinulungan sila ng mga sultanato sa ibang bansa
Pinairal ng Espanya ang paggalang sa kanilang relihiyon
Ito ang bigkis ng kanilang pagkakaisa, kultura, at kalayaan.
Kailan binitay ang GOMBURZA?
A. 17 Nobyembre 1869
B. 20 Enero 1872
C. 17 Pebrero 1872
19 Setyembre 1868
Sino ang namuno sa pag-alsa sa Cavite?
A. Mariano Gomez
B. Pedro Pelaez
C. Fernando La Madrid
D. Jose Burgos
Sino ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad?
A. Jose Rizal
B. Marcelo H. del Pilar
C. Antonio Luna
D. Diego Silang
Ano ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong paring martir na inakusahang pinuno sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite?
A. ilihis ang mainit na isyu sa Sekularisasyon
B. pagpasok ng mga Pilipino sa ordeng relihiyoso
C. ibunyag ang katiwalian na kinasasangkutan ng mga prayle
D. mailipat sa mga magsasaka ang mga yaman na kinuha mula sa kurakot na prayle
Sino ang bayaning nagsilbing tagapagtago ng dokumento at napilitang sunugin lahat kaysa madiskubre ng mga sundalong Espanyol?
A. Gregoria de Jesus
B. Marina Santiago Dizon
C. Melchora Aquino
D. Trinidad Tecson
Isa sa mga hiniling ni Andres Bonifacio ay ang pagtahi ng kauna-unahang opisyal na watawat ng Katipunan,sino ang kasama ni Benita Rodriquez?
A. Gregoria De Jesus
B Marina Dizon
C. Josefa Rizal
D. Teresa Magbanua
Si Trinidad Tecson ay kabilang sa ilang babaeng Filipino na nakipaglaban kasama ang rebolusyunaryo. Ano ang naging taguri sa kanya?
A. Ina ng Biak na Bato
B. First Lady ng Pilipinas
C. Joan of Arc ng Visayas
D. Lakambini ng Katipunan
Binansagang ‘’Selang Bagsik’’ ang bayaning ito na nagmula sa Malibay, Pasay City. Sino siya?
A. Agueda Esteban
B. Magthea Rodriguez
C. Marcela Marcelo
D. Maria Paz Mendoza
Anong samahan ang nais wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng puwersa o lakas?
A. Katipunan
B. La Liga
C. Kilusang Propaganda
D. Katipun
Ano ang nakamit at tinamasa ng mga Pilipino ng makabagong panahon mula sa pakikibaka ng mga Pilpino sa mga naunang pag-aaklas?
A. Karapatan
B. Kalayaan
C. Kagitingan
D. Kalakasan
inilala si Graciano Lopez Jaena bilang pangunahing orador ng mga Pilipino sa Espanya na naghahayag ng katiwalian at paninikil ng kalayaan ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang kanyang isunulat na nagbunyag ng kasibaan at kasamaan ng mga prayle?
A. Caiingat Cayo
B. Fray Botod
C. La Solidaridad
D. Sa Aking Kababata
Bakit hindi nagtagumpay ang mga pagtatangkang sakupin ang mga Igorot?
A. Sumuko agad ang mga Espanyol.
B. Mayroon silang mga makabagong sandata
C. Walang makuhang likas-yaman sa kanilang lupain.
D. Kabisado nila ang pasikut-sikot sa mga bulubundukin kung saan sila nakatira at ang kanilang tradisyon sa pakikipaglaban na pangangayaw.
Bakit tinaguriang “Ina ng Katipunan” si Melchora Aquino?
A. Tumahi sa watawat ng Pilipinas
B. Bumibili ng mga baril at pulbura para sa sa kilusan
C. Nagbigay ng salapi upang matustusan ang kilusan
D. Pinakain niya at inalagaan ang mga sugatang rebolusyunaryo
Sino ang Pambasang Bayani ng Pilipinas na ipinanganak sa Calamba sa Laguna?
A. Andres Bonifacio
B. Antonio Luna
C. Jose Rizal
D. Lapu-Lapu
Sino ang namuno sa pag-aalsa sa Cavite?
A. Mariano Gomez
B. Pedro Pelaez
C. Fernando La Madrid
D. Jose Burgos
Ang Katipunan sa Cavite ay nahati sa dawalang pangkat. Anong pangkat ang pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo?
A. Magdalo
B. Magdiwang
C. Makalikasan
D. Martires
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa unang lalawigan na nag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol batay kay Gobernador-heneral Ramon Blanco?
A. Bulacan
B. Laguna
C. Tarlac
D. Valenzuela
Sino ang “Utak ng Himagsikan” na kilala rin bilang “Dakilang Lumpo”?
A. Apolinario Mabini
B. Emilio Aguinaldo
C. Emilio Jacinto
D. Juan Luna
