wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st PERIODICAL EXAM_AP7

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang malawak na sona kung saan madalas nagaganap ang mga paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan. Hitik sa mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol bunga ng kanilang pagsabog.

a)

Mainland Timog Silangang Asya

b)

Insular Timog Silangang Asya

c)

Ring of Fire

d)

Fire of Ring

2.

Ang Insular Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga kapuluang nagkalat sa karagatan. Kabilang dito ang mga isla ng ______________.

a)

Amerika, Japan China

b)

China, Pilipinas, Indonesia

c)

Pilipinas, Indonesia, at East Timor

d)

Laos, Pilipinas at Indonesia

3.

Ito ay pagbabagong pandaigdigan o rehiyon na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago o ng mga gawain ng tao.

a)

Biodiversity

b)

Deforestation

c)

Global Climate Change

d)

Siltation

4.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit madalas na nagaganap ang mga lindol at pagsabog ng bulkan sa Ring of Fire?

a)

Mataas na temperatura ng hangin

b)

Paggalaw ng tectonic plates

c)

Lakas ng ulan

d)

Bilis ng hangin

5.

Paano nakakatulong ang pag-aaral ng Heograpiya sa pag-unawa sa mga panganib ng lindol at pagsabog ng bulkan sa Timog Silangang Asya?

a)

Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa oras ng pagputok ng bulkan

b)

Nagpapaliwanag ng mga lugar na maaaring hindi maapektuhan ng kalamidad

c)

Tinutukoy ang mga sona na may mataas na panganib ng mga natural na kalamidad

d)

Nagbibigay ng mga pangalan ng lahat ng bulkan

6.

Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng maraming isla sa Insular Timog Silangang Asya sa kanilang heograpiya?

a)

Nagiging mas mahirap ang transportasyon sa mga lugar

b)

Nakakapagbigay ng higit na access sa mga internasyonal na mercado

c)

Nagdudulot ng mas kaunting panganib sa natural na kalamidad

d)

Nagpapahirap sa pagbuo ng mga estratehiya sa pag-iwas sa kalamidad

7.

Nagpapahirap sa pagbuo ng mga estratehiya sa pag-iwas sa kalamidad Kung ikaw ay isang tagaplano ng urbanisasyon, paano mo gagamitin ang kaalaman tungkol sa mga anyong tubig na pumapalibot sa Insular Southeast Asia upang mapabuti ang pamamahala sa mga baybaying lugar?

a)

Magpatayo ng mga high-rise buildings sa mga lugar malapit sa baybayin upang mapakinabangan ang tanawin

b)

Magdisenyo ng mga estratehiya sa proteksyon laban sa pagbaha at erosion upang maiwasan ang pinsala sa mga komunidad

c)

Magdagdag ng mga industrial zone sa mga lugar malapit sa baybayin upang mapabilis ang ekonomiya

d)

Mag-rekomenda ng paglikha ng mga bagong baybaying isla para sa pagbuo ng mga bagong komunidad

8.

Kung ikaw ay isang tagaplano ng kalikasan sa isang lugar na may maraming kagubatan ngunit kulang sa fossil fuels, paano mo dapat gamitin ang mga likas na yaman para mapanatili ang pag-unlad ng lugar?

a)

Magtayo ng mga pabrika sa kagubatan upang makuha ang fossil fuels

b)

Panatilihin ang mga kagubatan at gamitin ang mga mineral habang binabawasan ang paggamit ng fossil fuels

c)

Bumili ng fossil fuels mula sa ibang lugar at iwasan ang paggamit ng mga mineral at kagubatan

d)

Gumamit ng fossil fuels para sa lahat ng enerhiya at huwag pansinin ang mga kagubatan

9.

Ano ang pangunahing mineral na matatagpuan sa Malaysia ayon sa impormasyon sa itaas?

a)

Nickel

b)

Tanso

c)

Tin

d)

Silver

10.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kasama sa listahan ng mga pangunahing prodyuser ng tanso?

a)

Pilipinas

b)

Indonesia

c)

Thailand

d)

Myanmar

11.

Ano ang pangunahing iniluluwas ng Vietnam na tinutukoy sa impormasyon sa itaas?

a)

Bigas at kape

b)

Kape at petroleum

c)

Coal at rubber

d)

Seafood at tin

12.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang nangunguna sa pag-export ng kape sa Timog-Silangang Asya?

a)

Thailand

b)

Cambodia

c)

Malaysia

d)

Vietnam

13.

Ano ang pangunahing itinatanim sa Cambodia na hindi nabanggit sa listahan ng mga pangunahing iniluluwas sa Malaysia?

a)

Cocoa

b)

Corn

c)

Rubber

d)

Pineapple

14.

Ito ay tumutukoy sa pangkat ng tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika,kultura at etnisidad.

a)

Tribo

b)

Pamilya

c)

Pangkat- Etnolinggwistiko

d)

Katutubo

15.

Ang mga pangkat-etnolinggwistiko na Shan, Karen, Kachin, Burman at Achang ay matatagpuan sa bansang __________.

a)

Myanmar

b)

Indonesia

c)

Pilipinas

d)

Malaysia

16.

Dahil sa mga pulo-pulong bumubuo sa bansang ito, ay nagkaroon ng magkakaibang wikang sinasalita. Ang Tagalog,Cebuano at Ilocano ay ilan sa wikang matatagpuan sa _______.

a)

Myanmar

b)

Pilipinas

c)

Malaysia

17.

Malalim ang impluwensya ng Buddhismo sa bansang Thailand. Mahalagang bahagi ng kultura nila ang templo ng ________.

a)

Pagoda

b)

Wat

c)

Roman Catholic Church

d)

Mosque

18.

Pilipinas:Tagalog Indonesia:_________

a)

Cebuana

b)

Indones

c)

Sumatra

d)

Bahasa

19.

Cambodia: Khmer Pilipinas:_________

a)

Tagalog

b)

Malay

c)

Sumatra

d)

Tsino

20.

Malaysia: Islam Pilipinas:

a)

Katolisismo

b)

Islam

c)

Buddhism

d)

Taoism

21.

Ano ang pangunahing papel ng pamilya sa lipunan?

a)

Pagpapalaganap ng teknolohiya

b)

Pagbibigay ng emosyonal at pinansyal na suporta sa a. mga miyembro

c)

Pagtuturo ng mga pamantayan sa Negosyo

d)

a. Pagpapalakas ng pondo ng gobyerno

22.

Paano makakatulong ang isang pamilya sa pagbuo ng mga pangunahing kasanayan sa isang bata?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapadala ng bata sa mga seminar tungkol sa teknolohiya

b)

Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga social events nang mag-isa ang bata

c)

Sa pamamagitan ng pagbigay ng wastong edukasyon at paglalagay ng magandang asal

d)

Sa pamamagitan ng pagbibigay sa bata ng iba't ibang gadgets at laruan

23.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng ekstended na pamilya sa nukleyar na pamilya?

a)

Ang nuclear na pamilya ay binubuo lamang ng mga magulang at kanilang mga anak, habang ang pinalawak na pamilya ay kasama rin ang iba pang kamag-anak tulad ng lolo, lola, tiyahin, tiyo, at pinsan.

b)

Ang nuclear na pamilya ay may kasamang mga kapitbahay, habang ang pinalawak na pamilya ay hindi.

c)

Ang pinalawak na pamilya ay may lamang mga magulang at kanilang mga anak, habang ang nuclear na pamilya ay kasama rin ang mga kamag-anak.

d)

Ang nucleara pamilya ay may mas malaking bilang ng miyembro kumpara sa pinalawak na pamilya.

24.

Ang sistemang patriarkal ay pangkaraniwang sa Timog-Silangang Asya bilang estruktura ng pamilya sa pagbibigay ng desisyon sa loob ng tahanan. Ano ang pangunahing katangian ng isang patriarkal na estruktura sa loob ng isang pamilya?

a)

Ang mga desisyon ay ginagawa nang sama-sama ng lahat ng miyembro ng pamilya

b)

Ang mga desisyon ay pangunahing ginagawa ng ina o pinakabatang babae sa pamilya

c)

Ang ama o pinakamatandang lalaki ang may pangunahing kapangyarihan at nagdedesisyon sa mga mahalagang bagay

d)

Ang kapangyarihan ay pantay-pantay sa lahat ng miyembro ng pamilya

25.

Alin sa mga sumusunod na senaryo ang pinaka-makikita sa isang pamilya na may egalitarian na estruktura?

a)

Ang mga magulang ay nagdedesisyon sa lahat ng aspeto ng buhay ng kanilang mga anak nang walang konsultasyon.

b)

Ang mga miyembro ng pamilya ay nagsasagawa ng regular na pulong upang talakayin ang mga desisyon at paborito ang opinyon ng bawat isa.

c)

Ang pinakamatandang miyembro ng pamilya ang laging nagiging tagapamagitan sa mga desisyon ng pamilya.

d)

Ang mga bata ay walang boses sa mga desisyon ng pamilya at ang mga magulang lamang ang nagdedesisyon.

26.

Ano ang pangunahing katangian ng poligamya?

a)

Ang isang babae ay maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa.

b)

Ang isang lalaki ay maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa.

c)

Ang isang tao ay hindi maaaring magkaroon ng anumang asawa.

d)

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng isang asawa lamang.

27.

Paano nakakatulong ang proseso ng reproduksyon sa pagpapanatili ng isang lipunan?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng teknolohiya at agham sa susunod na henerasyon.

b)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga bagong produkto at serbisyo para sa komunidad.

c)

Sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong miyembro ng lipunan na magpapatuloy sa mga pamantayan at tradisyon.

d)

Sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga bagong ideya at kultura mula sa ibang bansa.

28.

Ano ang pangunahing ideya ng Waves of Migration Theory ni Henry Otley Beyer?

a)

Ang mga sinaunang tao ay nagmula sa isang sentral na lugar sa Africa at naglakbay papuntang Asya

b)

Ang mga sinaunang tao ay nagmula sa tatlong pangunahing migratory waves: Aeta, Indones, at Malay, na nagbigay-daan sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

c)

Ang mga sinaunang tao ay hindi naglakbay mula sa ibang lugar kundi umusbong lamang sa Pilipinas

d)

aAng mga sinaunang tao ay naglakbay mula sa Europa patungo sa Pilipinas.

29.

Paano nag-ambag ang Waves of Migration Theory sa pag-unawa ng etniko at kultural na pagkakaiba sa Pilipinas?

a)

Nagbigay ito ng paliwanag kung paano ang iba't ibang teknolohiya ay umabot sa Pilipinas.

b)

Nagbigay ito ng paliwanag sa pagkakaroon ng iba't ibang wika at kultura sa Pilipinas batay sa migratory waves ng mga Aeta, Indones, at Malay

c)

Nagbigay ito ng paliwanag sa pagkakaroon ng isang tiyak na relihiyon sa Pilipinas.

d)

Nagbigay ito ng paliwanag kung paano ang mga sinaunang tao ay bumuo ng kanilang mga unang sibilisasyon sa Europa.

30.

Ano ang pangunahing ideya ng Mainland Origin Hypothesis (Out of Taiwan Model) na ipinanukala ni Peter Bellwood?

a)

Ang mga Austronesian ay nagmula sa Africa at naglakbay patungong Timog-Silangang Asya.

b)

Ang mga Austronesian ay nagmula sa China, naglakbay patungong Taiwan, at mula roon ay kumalat sa Timog-Silangang Asya at iba                   pang lugar.

c)

Ang mga Austronesian ay nagmula sa Australia at kumalat sa Pacific Islands.

d)

Ang mga Austronesian ay umusbong mula sa mga isla ng Pacific at naglakbay patungong China.

31.

Ito ay bahagi ng Asya na pinagmulan ng mga Austronesian ayon sa Mainland Origin Hypothesis.

a)

Timog-Silangang Asya

b)

Timog Asya

c)

Taiwan

d)

China 

32.

Ano ang pangunahing ideya ng Island Origin Hypothesis (Nasuntao Hypothesis) ni Wilhelm Solheim?

a)

Ang mga Austronesian ay naglakbay mula sa China patungong Taiwan bago makarating sa Pilipinas.

b)

Ang mga Austronesian ay nagmula sa Australia at naglakbay patungong Timog-Silangang Asya.

c)

Ang mga Austronesian ay unang dumating sa Pilipinas mula sa Indonesia, partikular sa Mindanao.

d)

Ang mga Austronesian ay umusbong mula sa mga isla ng Pacific at naglakbay patungong Taiwan.

33.

Ito ang pangunahing lugar na tinutukoy ng Island Origin Hypothesis bilang pinagmulan ng mga unang Austronesian na dumating sa Pilipinas.

a)

Taiwan      

b)

Timog Asya

c)

Indonesia

d)

China  

34.

Ito ay pangunahing dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesian.

a)

Pangangalakal

b)

Pakikipagkaibigan

c)

Pagpapalawak ng Teritoryo

d)

Pagpapayaman

35.

Sya ay ang arkeologong Australian na naniniwala na ang mga ninunong Filipino ay nagmula sa mga Austronesian.

a)

Wilhelm Solheim

b)

Peter Bellwood

c)

H. Otley Beyer

d)

Robert Fox

36.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkukumpara sa  Mainland Origin Hypothesis at Island Origin Hypothesis?

a)

Pareho nilang ipinapakita na ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Pacific, ngunit may pagkakaiba sa kanilang ruta ng migrasyon.

b)

Pareho nilang ipinapakita na ang mga Austronesian ay nagmula sa Taiwan, ngunit may pagkakaiba sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

c)

Pareho nilang ipinapakita na ang mga Austronesian ay nagmula sa China, ngunit ang Mainland Origin Hypothesis ay tumutukoy sa paglakbay patungong Timog China at ang Island Origin Hypothesis ay tumutukoy sa paglakbay mula sa Indonesia patungong Pilipinas.

d)

Pareho nilang ipinapakita na ang mga Austronesian ay nagmula sa Australia, ngunit may pagkakaiba sa kanilang ruta patungong Timog- Silangang Asya.

37.

Ano ang naging epekto ng paghahalo ng mga lahi at kultura sa pagbuo ng kasalukuyang pagkakakilanlan ng mga tao sa Timog-Silangang Asya?

a)

Nagdulot ito ng pagkakaroon ng iisang wika at kultura sa rehiyon.

b)

Pinabilis nito ang pag-usbong ng teknolohiya sa lugar.

c)

Nagbigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa pinagmulan ng mga kasalukuyang lahi.

d)

Nagresulta ito sa pagkakaroon ng mas kaunting pagkakaiba-iba sa rehiyon.

38.

Paano nakaapekto ang migrasyon ng mga Austronesian sa pagbuo ng agrikultura sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pinadali nila ang pagbuo ng mga permanenteng pamayanan

b)

Nagdala sila ng mga bagong teknolohiya sa pangingisda.

c)

Nagdulot sila ng pagbaba ng populasyon sa rehiyon.

d)

Pinalitan nila ang kultura ng Hoabinhian sa Vietnam.

39.

Ano ang tinutukoy ng salitang "Batangan" sa konteksto ng tradisyunal na teknolohiya ng bangka?

a)

Isang uri ng pang-itaas na bahagi ng bangka na ginagamit upang magsagawa ng mga tradisyunal na ritwal.

b)

Isang mahabang suporta na matatagpuan sa magkabilang gilid ng bangka na nagbibigay ng karagdagang katatagan at suporta.

c)

Isang espesyal na uri ng sail na ginagamit sa mga bangka sa panahon ng bagyo.

d)

Isang kagamitan na ginagamit para sa pag-aalaga ng mga hayop sa loob ng bangka

40.

Ano ang ibig sabihin ng salitang "Nusantao" sa konteksto ng mga salitang Austronesian?

a)

"Tao mula sa hilaga" na tumutukoy sa mga tao mula sa Northern Asia.

b)

"Tao mula sa timog" na tumutukoy sa mga tao mula sa Timog-Silangang Asya.

c)

"Tao mula sa gitnang bahagi ng isla" na tumutukoy sa mga tao mula sa Central Pacific Islands.

d)

"Tao mula sa kanluran" na tumutukoy sa mga tao mula sa Western Asia.

41.

 Bakit naging mahalaga ang pangingisda at pagsasaka para sa mga Asyano na naninirahan sa lambak at tabi ng ilog?

a)

Dahil sa kakulangan ng mga likas na yaman sa kanilang kapaligiran.

b)

Dahil sa pagkakaroon ng mainit na klima na hindi angkop para sa agrikultura.

c)

Dahil sa mayamang kapaligiran sa lambak at tabi ng ilog na nagbibigay ng sapat na tubig at lupa para sa pagsasaka at pangingisda.

d)

Dahil sa malakas na hangin na nagpapahirap sa pagbuo ng mga komunidad.

42.

Ano ang pangunahing kahulugan ng salitang "kabihasnan" kapag tinutukoy ang isang masalimuot na pamumuhay sa lungsod?

a)

Isang simpleng pamumuhay sa rural na lugar na nakatuon sa pangingisda at pagsasaka.

b)

Isang sistematikong pamumuhay na may teknolohiya, organisadong lipunan, at kompleks na estruktura sa lungsod.

c)

Isang pamumuhay na walang anumang uri ng organisasyon o estruktura sa lipunan.

d)

Isang pamumuhay na nakatuon lamang sa likas na yaman at agrikultura.

43.

Ang kaharian na ito ay nagsimula sa masaganang lambak ng Mekong at matatagpuan sa bansang Vietnam.

a)

Funan

b)

Pagan

c)

Ayutthaya

d)

Majahapit

44.

Paano maiaangkop ang prinsipyong itinakda ng kodigong legal na Darmasatra mula sa tradisyong Hindu at Thai sa pagbuo ng isang makatarungan at organisadong sistema ng batas sa isang modernong bansa?

a)

Sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong batas na hindi nakabatay sa anumang nakaraang tradisyon o sistema.

b)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga batas na sumasalamin sa mga pangunahing prinsipyo ng Darmasatra tulad ng katarungan at pagkakaisa, at isinasama ang mga modernong pangangailangan ng lipunan.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalit ng lahat ng umiiral na batas ng mga batas mula sa ibang kultura at bansa.

d)

Sa pamamagitan ng pagtanggal ng lahat ng aspeto ng tradisyonal na batas at pagpapakilala ng isang ganap na bagong sistemang legal na walang historical na pundasyon.

45.

Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang kilala sa kanilang pagbuo ng malalaking kompleks ng templo sa Timog-Silangang Asya katulad na lamang ng Angkor Wat.

a)

Ang mga Khmer

b)

Ang mga Tagalog

c)

Ang mga Javanese

d)

Ang mga Burmese

46.

Piliin kung alin sa mga sumusunod ang sinaunang kabihasnan na matatagpuan sa Pangkapuluan Timog-Silangang Asya?

a)

Toungoo

b)

Funan

c)

Srivijaya

d)

Pagan

47.

Paano naapektuhan ng pagtatatag ng Sultanato sa Sulu ni Sayyid Abu Bakr ang istruktura ng pamamahala sa rehiyon, at ano ang naging implikasyon nito sa ugnayan ng mga lokal na pamayanan sa mga dayuhang mangangalakal at kolonisador?

a)

Ang pagtatatag ng Sultanato sa Sulu ay nagresulta sa isang monarkiya na nagbigay ng higit na kapangyarihan sa mga lokal na pinuno, na nagdulot ng mas kaunting ugnayan sa mga dayuhang mangangalakal at kolonisador.

b)

Ang pagbuo ng Sultanato ay nagdala ng sentralisadong pamamahala sa rehiyon, na nagbigay ng pagkakataon sa Sultan na kontrolin ang mga kalakalan sa dagat at makipag-ugnayan nang mas madali sa mga dayuhang mangangalakal

c)

Ang Sultanato ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa istruktura ng pamamahala sa rehiyon, ngunit nagdulot ito ng isang malawak na pakikisalamuha sa mga dayuhang mangangalakal.

d)

Ang pagtatatag ng Sultanato sa Sulu ni Sayyid Abu Bakr ay nagdulot ng pag-unlad ng isang demokratikong sistema na pumigil sa sentralisadong pamamahala, na nagresulta sa mas malawak na pakikipag-ugnayan at pagtanggap ng mga lokal na pamayanan sa mga dayuhang mangangalakal at kolonisador.

48.

 Ang kaharian na ito ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa pagbuo ng kulturang Vietnamese, kabilang ang mga makasaysayang templo, arkitektura, at panitikan.

a)

Le

b)

Funan

c)

Pagan

d)

Toungoo

49.

Paano mo maipapakita ang impluwensya ng Indian sa pagkakatatag ng mga kaharian tulad ng Funan, Khmer, Pagan, Ayutthaya, at Srivijaya sa Timog-Silangang Asya?

a)

Ang pagkakatatag ng mga kaharian tulad ng Funan at Khmer ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga sistemang panlipunan at relihiyon mula sa India, gaya ng Hinduismo at Budismo.

b)

Ang impluwensyang Indian sa pagkakatatag ng mga kaharian ay makikita sa pamamagitan ng mga pagbabagong teknikal sa agrikultura, na nagpabuti sa ani ng mga sakahan sa mga rehiyon tulad ng Funan at Srivijaya.

c)

Ang pagkakatatag ng mga kaharian ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga lokal na wika at pagsasalin ng mga I ndian na teksto sa mga wika ng Timog-Silangang Asya.

d)

Ang impluwensyang Indian sa mga kaharian ng Timog-Silangang Asya ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng pagbuo ng mga estratehiya sa pakikidigma at militar.

50.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga impluwensya ng India sa Pilipinas?

a)

Paghahagis ng bigas sa bagong kasal.

b)

Pagsusuot ng sarong at turban o putong.

c)

Mga salitang sanskrit

d)

Pagkain tulad ng pancit at “siopao”.