wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 - AP7

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Basahin at unawain ang bawat aytem. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra na kumakatawan sa tamang sagot sa sagutang papel. Alin ang pamamaraan o patakaran ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang pangkat o estado sa pamamagitan ng pananakop sa ibang pangkat o estado.

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Merkantilismo

d)

Sosyalismo

2.

Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na dahilan ng panghihimasok ng mga kanluranin?

a)

Kagandahan na ugali ng mga Asyano sa kapwa Asyano.

b)

Upang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo sa Silangan.

c)

Pagsabak ng ruta ng kalakalan sa kamay ng mga Turknong Ottoman.

d)

Mga kaalaman mula kay Marco Polo tungkol sa kayamanan ng Silangan.

3.

Alin ang higit na naglalarawan ng Imperyalismo?

a)

Pananakop ng isang bansa sa isang bansa.

b)

Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa

c)

Pamamahala ng isang bansa sa isang bansa.

d)

Tuwiran o di-tuwiran na pagpapalawak ng awtoridad ng isang bansa sa isang bansa.

4.

Sino ang Italyanong adventurero mula sa Venice, Italy na nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan at inilarawan sa kanyang aklat ang kagandahan at karangyaan ng Asya.

a)

Amerigo Vespucci

b)

Christopher Columbus

c)

Ferdinand Magellan

d)

Marco Polo

5.

Ano ang barkong nakabalik sa Espanya noong Setyembre 1522 at unang nakaikot sa daigdig?

a)

Concepcion

b)

Santiago

c)

Trinidad

d)

Victoria

6.

Anong kontinente sa kasalukuyan ang tawag sa ‘Bagong Daigdig ‘na unang natuklasan ni Christopher Columbus?

a)

Amerika

b)

Aprika

c)

Inglatera

d)

Olandiya

7.

Alin sa Sumusunod ang natuklasan ni Ferdinand Magellan sa kanyang paglalakbay?

a)

Ang mundo ay bilog.

b)

Magkasama ang Asya at Europa

c)

Pareho ang laki ng bahagi ng tubig at lupa.

d)

Nasa Asya ang lupaing natuklasan ni Columbus.

8.

Alin ang HINDI dahilan ng eksplorasyon ng bansang Portugal at Espanya?

a)

Paghahanap ng ginto

b)

Pagpapalawak ng lupain

c)

Pagpapalaganap ng Relihiyong Katolisismo

d)

Pagbibigay ng tulong pang-ekonomiya sa kanilang mga bansang nasakop.

9.

Bakit masasabing mas agresibo ang ikalawang yugto ng imperyalismo kumpara sa una?

a)

Dahil kakaunti ang bansang lumahok dito

b)

Dahil nakatuon lamang ito sa pagpapaalaganap ng relihiyon

c)

Dahil mas mapayapa ang pananakop noong ikalawang yugto

d)

Dahil ginamit ng mga bansa ang makabagong teknolohiya at sandata upang palawakin ang teritoryo.

10.

Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa Asya?

a)

Pagsikil sa karapatan ng mga katutubo.

b)

Pagkawasak ng kultura ng mga katutubo.

c)

Eksploytasyon ng pinaggukunan ng yaman ng Asya.

d)

Pagkakaroon ng mga kalsada,tulay,simbahan at mga riles ng tren para mapaagaan ang transportasyon.

11.

Ano ang pangunahinang pagkakaatulad ng unang at ikalawang yugto ng imperyalismo?

a)

Parehong nakatuon sa edukasyon ng mga kolonya

b)

Parehong nagbigay ng Kalayaan sa mga bansang Asyano

c)

Parehong nagtagpos sa pagkatalo ng mga bansang kanluranin

d)

Parehong ginamit ng mga Kanluranin ang kolonisasyon upang mapalakas ang kanilang ekonomiya at kapangyarihan

12.

Ano ang uri ng pananakop kung saan nagbbigay ng proteksyon sa isang kolonya laban sa paglusob ng ibang bansa?

a)

Concession

b)

Manifest

c)

Protectorate

d)

Sphere of Influence

13.

Alin ang HINDI dahilan kung bakit hindi nasakop ng mga kolonyalista ang Thailand?

a)

Ipinakilat ang pagiging buffer zone ng bansa.

b)

Pagsisikap ni Haring Chulalongkorn na gawing moderno ang bansa.

c)

Kawalan ng interes ng mga Europeo sa lokasyong heograpikal ng Thailand.

d)

Pagtatatag ng hukbo upang maipakita ang lakas ng pamumuno ni Haring Chulalongkorn.

14.

Paano naapektuhan ang Asya sa nangyaring pananakop ng mga kanluranin?

a)

Natutong magtigis ang mga Asyano para sa kapayapaan.

b)

Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang bansa.

c)

Naging mapagbiyag ang mga Asyano para sa kapayapaan.

d)

Naging masidhi ang mga damdaming nasyonalismo ng mga Asyano.

15.

Bakit nakilahok sa kompetisyon ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ang United States? I . Dahil sa paniniwalang ‘Manifest Destiny’ II . Dahil sa pangangailangan ng mga alipin . III. Dahil sa pangangailangan ng hilaw na materyales. IV.Dahil sa pangangailangan ng mga barkong pandigma.

a)

I at II

b)

I at III

c)

II at III

d)

II at IV

16.

Alin sa sumusunod na bansa ang nasakop ng Spain?

a)

China

b)

Korea

c)

Pilipinas

d)

Portugal

17.

Alin ang HINDI kabilang sa mga motibasyon ng paggagalugad at pagtuklas ng mga lupain?

a)

Paghahapn ng Kayamanan

b)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

c)

Pagahangad na maging Makabayan

d)

Pagahangad ng karangalan at katanyagan

18.

Anong paraan ng pananakop na ginamit ng mga Dutch kung saan ay pinag-aaway-away ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.

a)

Cultivation System

b)

Divide and Rule Policy

c)

Resident System

d)

Strategic Hamlet

19.

Alin sa sumusunod ang sistemang agrikultural ang pinairal ng mga Dutch sa East Indies o Indonesia?

a)

Aquaculture

b)

Cultivation System

c)

Encomienda

d)

Falla

20.

Ano ang paraan ang ginamit upang masakop nang tuluyan ang mga Malay?

a)

Sapilitang sinakop ang mga British.

b)

Nakipakasundo ang mga British sa bawat sultan ng mga estadong Malay.

c)

Mabilis na ipinatupar ng mga British ang pamahalaang parlyamentaryo sa bansa.

d)

Agarang pinanghimasukan ng mga British ang pangangasiwa sa minahan ng bansa.

21.

Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ang mga patakaran ng mga Espanyol?

a)

Gumaan ang buhay ng mga Pilipino.

b)

Naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino.

c)

Naging mahirap para sa mga katutubo ang mabuhay.

d)

Walang nagbago sa paraan ng kanilang pamumuhay.

22.

Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa kabayanan?

a)

Upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino

b)

Upang mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino.

c)

Upang mapadali ang pagsakop sa mga katutubong Pilipino

d)

Upang dumami ang kanilang masisingil na tribute o buwis.

23.

Ano ang pangunahing layunin ng mga kolonyalistang bansa sa pagsakop sa Pilipinas, Indonesia, at Malaysia?

a)

Magtamo ng sistemang demokrasya

b)

Magtatag ng kapatiran sa mga Asyano

c)

Itaguyod ang Karapatan ng mga mamamayan

d)

Magpalaaganap ng relihiyon at makakuha ng likas na yaman

24.

Aling bansa ang sumakop sa Malaysia?

a)

Britain

b)

Netherlands

c)

Spain

d)

Portugal

25.

Ano ang tawag sa prosesong pagtanggap sa wika at kultura ng dominanteng pangkat ng tao o bansa sa isa pang bansa?

a)

Asimilasyon

b)

Industriyalisasyon

c)

Kolonyalisasyon

d)

Modernisasyon

26.

Ano ang tawag sa sapilitang paglipat ng maliit at magkakahiwalay na tirahan ng mga Pilipino sa isang higit na malaking bayan noong panahon ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas?

a)

Imigrasyon

b)

Migrasyon

c)

Reduccion

d)

Urbanisasyon

27.

Bakit nag-alsa ang mga bayan laban sa mga Espanyol?

a)

Dahil sa laganap na sapilitang paggawaa.

b)

Dahil sa hindi makatarungang pagpatag ng buwis.

c)

Dahil sa inaangkin ang lupain ng kanilang mga ninuno.

d)

Dahil sa pinwersa silang baguhin ang kanilang kinagisnang pananampalataya at yakapin ang Kristiyanismo.

28.

Alin sa sumusunod ang mga hangarin ng mga Repormista o Kilusang Propaganda ?

a)

Palayain ng Espanya ang Pilipinas.

b)

Itaguyod at palaganapin ang himagsikan.

c)

Itago ang mga di kanais-nais na gawain ng mga prayle.

d)

Pagkalooban ang mga Pilipino ng Kalayaan sa pamamahayag, pagpupulong at pagharap sa karaingan sa pamahalaan.

29.

Sino ang katutubong Indonesiana na nanguna sa pakikiplagaban sa mga Kanluranin sa Java War noong 1825-1830?

a)

Achmed

b)

Diponegoro

c)

Ho Chi Minh

d)

Lapu-Lapu

30.

Ano ang labanang naganap sa pagitan ng mga Dutch at sultanatong Muslim ?

a)

Digmang Acehnese

b)

Rebelyong Javanese

c)

Digmang Opyo

d)

Digmang Panrelihiyon

31.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda?

a)

Kakulangan ng mga lider

b)

Katamaran ng mga Pilipino

c)

Kakapusan sa kataliuhan at kahusayan sa pagsulat

d)

Kakulangan sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paghhingi ng reporma.

32.

Bakit umani ng batikos mula sa Netherlands ang cultivation system na ipinatupad ng mga Dutch sa East Indies?

a)

Mahina ang naging kita ng Netherlands dito.

b)

Naging mahirap para sa monarko ang pamahalaan ito.

c)

Naging sanhi ito ng pag-alsa ng mga nasyonalistikang Indones.

d)

Hindi nagustuhan ng mga Dutch sa Netherlands ang pamamalakad nito.

33.

Sino ang tinaguriang ‘Supremo ‘at nagtatag ng KKK O Kataas taasang Kagalang -galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan?

a)

Andres Bonifacio

b)

Apolinario Mabini

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Marcelo H.Del Pilar

34.

Ano ang Samahan na itinatag sa Pilipinas na humihiling ng reporma mula sa pamahalaang Kastila?

a)

Budi Otomo

b)

Kilusang Propaganda

c)

Katipunan

d)

Kuomintang

35.

Ano ang pahayagan ng Katipunan na ang layunin ay lumaya sa pananakop ng mga Kastila?

a)

Diyaryong Tagalog

b)

Kalayaan

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

36.

Alin sa sumusunod ang naging sanhi ng pangyayaring naglagay sa Cambodia bilang protectorate ng France?

a)

Sapilitang pinanghimasukan ng mga Pranses ang Cambodia.

b)

Walang pasabing ikinabit ng mga Pranses ang Cambodia sa Indochina.

c)

Hinimok ng mga Pranses ang Cambodia na lumagda sa Treaty of Protection

d)

Gradwal na kinontrol ng mga Pranses ang Cambodia sa tulong ng haring pumalit kay Haring Norodom.

37.

Ano ang tawag sa kinatawan ng pamahalaan ng Britian sa Burma?

a)

British Raj

b)

British Resident

c)

Crown Colony

d)

Royal Zone

38.

Ano ang tawag sa mga lalawigan sa rehiyon ng Vietnam sa panahon ng pananakop ng mga Pranses?

a)

Anglo

b)

Novice

c)

Pays

d)

Thakins

39.

Bakit naging dalawahan ang Sistema ng pamahalaan sa Cambodia noong panahon ng kolonyalismong Pranses?

a)

Hinati ang bansa sa dalawang lalawigan.

b)

Ipinakiusap ng hari na bigyan siya ng sariling kaharian

c)

Hinati ang bansa sa dalawang sonang Royal Zone at Colonial Zone.

d)

Kinailangan ito sa sentralisadong pamahalaang itinatag ng mga Pranses.

40.

Sino ang nagpadala ng pwersang -militar sa Vietnam upang sakupin ito?

a)

Gia Long

b)

Minh Mang

c)

Napoleon III

d)

Nguyen Anh

41.

Ano ang tawag ng mga Kanluranin sa kanilang tungkuling sakupin ang hindi maunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya?

a)

Civilizing Mission

b)

Divide and Rule

c)

Protectorate

d)

Concession

42.

Ano ang rebolusyonaryong organisasyon sa Vietnam na itinatag ni Phan Boi Chau na nagnais na tapusin ang kolonyal na pamahalaan ng France?

a)

Duy Tan Hoi

b)

Indochinese Communist Party

c)

Kuomintang

d)

Muslim League

43.

Sino ang rebolusyonaryong Tsino na tumulong sa mga Vietnamese na magsanay sa ibang bansa?

a)

Chin Tang

b)

Confucius

c)

Lao Tzu

d)

SunYat Sen

44.

Ano ang diyaryo na bumatikos sa pang-aabuso sa mga kanayunan,kawalan ng oportunidad para sa mga Khmer,hindi pagtigin sa mga Khmer at Vietnamese,at patuloy na instrusyon ng mga Pranses sa kanilang bansa?

a)

Derichan

b)

Kalayaan

c)

La Solidaridad

d)

Nagara Vatta

45.

Kailan sorpresang inatake ng Japan ang Pearl Harbor na nagtagumpay na wasakin ang pwersang pandagat ng Amerika sa Pilipinas?

a)

December 7,1939

b)

December 7,1940

c)

December 7,1941

d)

December 7,1942

46.

Anong bansa ang unang naging kolonya ng Japan?

a)

China

b)

Korea

c)

Pilipinas

d)

Taiwan

47.

Ano ang tawag sa panahona na tinanggap ng Japan mga pagbabago na hatid ng impluwensiya ng mga Kanluranin?

a)

Kasunduang Kanagawa

b)

Kasunduang Nanking

c)

Meiji Restoration

d)

Kasunduan sa Paris

48.

Bakit idineklarang “open city” ang Maynila noong panahon ng Ikalawang Digmang Pandaigdig?

a)

Upang maging bagong kabisera ng pamahalaan ng Pilipinas

b)

Upang ipakita ang suporta ng Maynila sa mga puwersang Haponese

c)

Upang bigyan ng pagkakataon ang mga sundalong Pilipino na umatake

d)

Upang maiwasan ang pagkasira ng lungsod at pagkawala ng maraming buhay

49.

Paano nakaapekto ang imperyalismong Hapon sa mga mamamayan ng Timog-Silangang Asya?

a)

Wala itong naging epekto sa mga mamamayan

b)

Nagdulot ito ng ganap na Kalayaan sa mga bansa sa rehiyon

c)

Nagdulot ito ng matinding paghihirap ngunit nagpalakas din ng damdaming makabansa

d)

Nagbigay ito ng pagkakataon para sa mga bansang Asyano na makaranas ng industriyalisasyon

50.

Bakit sinabing may pagkakatulad ang layunin ng imperyalismong Hapon sa mga kanlurangin bansa?

a)

Wala silang pagkakatulad

b)

Pareho silang nagnais magtulungan sa mga bansang Asyano

c)

Parehong itnaguoyd nila ang Kalayaan ng mga bansa sa Asya

d)

Pareho nilang layunin ang pagpapalawak ng teritoryo at kapangyarihan