NEW
Font size
WorksheetsQ3 AP7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
1. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling bansa?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Neokolonyalismo
2. Anong tawag sa kalayaan mula sa mananakop at kakayahang itaguyod ang sariling bansa?
Kasarinlan
Nasyonalismo
Pagkabansa
Patriyonismo
Bakit dapat kabisado ng isang Pilipino ang pambansang awit at panunumpa sa watawat?
Maipakita ang paggalang
Maipakita ang pagkakaisa
Maipakita ang pagka-Pilipino
Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?
Pag-angkat ng produkto
Pagtangkilik ng produkto
Pagpapatibay ng ugnayan
Pakikipag-ugnayan sa bansa
Paano maipakikita ang pagmamahal sa bayan bilang hakbang tungo sa paglaya sa panahon ng pananakop?
Pagpapakita ng takot
Pagtangkilik sa banyaga
Pagpapaunlad ng kultura
Pagkakaisa laban sa mananakop
Paano mo ilalarawan ang isang bansang malaya?
Walang sariling pamahalaan.
Kinokontrol ng mga dayuhan
Pinamamahalaan ng mga dayuhan.
Pinamamahalaan ang sariling bansa
Anong batas ang nagbigay Kalayaan sa Pilipinas pagkatapos ng sampung taon sa Komonwelt?
Hare-Hawes Cutting Act
Jones Law
Philippine Bill of 1902
Tydings-McDuffie Act
Kailan opisyal nakamit Pilipinas ang kasarinlan mula sa Estados Unidos?
Agosto 23,1896
Hunyo 12,1898
Disyembre 10,1898
Hulyo 4, 1946
Ano ang pagkilos na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar?
Saya San,rebelyon laban British
Ho Chi Minh laban Tsino, British
Diponegoro, pag-aalsa laban Dutch
Bonifacio, Katipunan laban Espanyol
Sino ang kinilala bilang “Father of Independence” ng Myanmar?
Aung San
Ho Chi Minh
Saya San
Sukarno
Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Java?
Pagdami ng turista
Pagdami ng negosyo
Pag-usbong ng edukasyon
Pagkakaroon ng teknolohiya
Anong mga patakarang kolonyal ng mga Pranses ang nagpaunlad ng nasyonalismong Vietnamese?
Ekonomiya at kultura
Reporma at resistensya
Pagtuturo at pagsasamantala
Edukasyon at pagpapalaganap
Ano ang bagong paraan ng kolonisasyon sa pamamagitan ng pag-impluwensya sa aspetong pampulitika,pang-ekonomiya ng maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Neokolonyalismo
Ano ang tawag sa pang-aabuso ng kapangyarihang ipinagkatiwala para sa pansariling kapakinabangan?
Elitismo
Korapsyon
Oposisyon
Pananagutan
Paano ipinakita ng Amerika ang kanilang layunin sa ilalim ng Benevolent Assimilation?
Pagpapalaganap ng relihiyon
Pagpapakilala ng wikang Kastila
Pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas
Pagtatatag ng pampublikong paaralan
Paano mo maiiwasan ang negatibong epekto ng political dynasty bilang isang botante?
Maging Kritikal
Pumili ng tama
Pag-aralan ang kandidato
Suportahan ang pagbabago
Paano nakakaapekto ang sistemang patronage sa pag-unlad ng pampublikong sektor?
Nagdulot ng katiwalian
Pinalakas ang transparency
Pinabilis ang serbisyo publiko
Nagpataas ng tiwala ng mamamayan
Paano nakakaapekto ang diktadura sa mga mamamayan ng Pilipinas?
Nalimitihann ang kalayaan
Nagkaroon ng krisis pang-ekonomiya
Nawalan ng katatagan ang sektor ng politika
Lahat ng nabanggit
Ano ang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-ugnayan at pagbabagong nagbubuklod-
buklod sa mga tao at bansa sa mundo?
Globalisasyon
Komersyo
Kultura
Serbisyon
Bakit nangyayari ang paglipat ng mga tao o migrasyon sa Pilipinas?
Pagbabago sa klima
Natural na kalamidad
Paghahanap ng trabaho
Pagnanais ng edukasyon
Bakit nahihirapan ang sektor ng agrikultura na umunlad sa Pilipinas?
Pagtaas ng pondo
Kakulangan ng teknolohiya
Mataas na demand ng produkto
Malawak na access sa edukasyon
Paano mo mapapabuti ang hindi pantay na distribusyon ng kita kung ikaw ay presidente?
Magdagdag ng trabaho
Palawakin ang globalisasyon
Magpatupad ng reporma sa lupa
Taasan ang buwis ng mayayaman
Paano mo matutulungan ang iyong komunidad sa panahon ng public health crisis?
Magtakda ng event
Mag-imbita sa pagtitipon
Mag-donasyon sa ospital
Magpatupad ng social distancing
Paano nakakatulong ang pagbabawas ng carbon emissions sa paglaban sa climate change?
Pina-pabagal ang pag-init
Nakakasira sa ozone layer
Pinapabagal ang teknolohiya
Dinadagdagan ang epekto ng bagyo
Ano ang tawag sa kasunduan na naganap sa Indonesia na naglalayong talakayin ang kolonyalismo, kapayapaan, at pagkakaisa?
Bandung Conference
France Conference
Pangkor Conference
Yandaboo Conference
Alin ang hindi kabilang sa prinsipyo ng kumperensiyang Bandung?
Paggalang sa Soberanya
Pagtanggi sa Kolonyalismo
Pagtanggap sa Kolonyalismo
Pagpapanatli ng Kapayapaan
Ano ang tawag sa pagpapatalsik sa isang opisyales ng gobyerno na nilalahukan ng mga militar?
Coup d'état
Impeachment
Propaganda
A. Rebolusyon
Bakit nagsagawa ng pag-atake si Plaek Phibunsongkhram sa komunidad ng mga Tsino na naninirahan sa sa Thailand?
Takot maging monarkiya
Kagustuhan ng punong ministro
Pangalagaan ang kapangyarihan
Takot maging komunistang bansa
Ano ang tawag sa restriksyon ng kalakalan sa pagitan ng Amerika at mga bansa sa Indochina?
Cultural Embargo
Political Embargo
Social Embargo
Trade Embargo
Paano mo maipapakita ang pagpapanatili ng kapayapaan sa iyong sariling bansa?
Ikampanya ang kapayapaan.
Paigtingin ang nasyonalismo.
Huwag magpatupad ng batas.
Makipag-away sa ibang bansa.
Saang politikal na aspekto nagkakatulad ang Laos at Vietnam?
Pantay na Karapatan
Pagtatatag ng Komunismo
Pagtatatag ng Demokrasya
Pamamaraan ng Pamumuno
Alin sa sumusunod na bansa ang hindi naging isang komunistang bansa?
Cambodia
Laos
Thailand
Vietnam
Paano nagtapos ang rehimen ni Pol Pot sa Cambodia?
Kusa itong nagtapos
Dahil sa World War 2
Pagsalakay ng Vietnam sa Cambodia
Pagiging espiya ng Vietnam sa Cambodia
Anong pangyayari ang nakaapekto upang maging isang bansa ang North Vietnam at South Vietnam?
Pagbagsak ng N. Vietnam
Pagkakaroon ng World War 2
Pagsuporta ng China sa S. Vietnam
Pang-iiwan ng America sa S.Vietnam
Saang organisasyon parehas na kasama ang Laos, Pilipinas at Vietnam?
ASEAN
IMF
SEATO
WB
Alin ang hindi salik na nakaapekto sa tunggalian ng North Vietnam at South Vietnam?
Pagpapalaganap ng kapayapaan.
Panghihimasok ng China sa N. Vietnam.
Panghihimasok ng America sa S.Vietnam.
Magkaibang pananaw sa pangpolitikang ideolohiya.
Bakit naging mahirap ang pagkamit ng tunay na pagkabansa para sa mga bansa sa TSA?
INTERBENSYON
PAGKAKAKILANLAN
PAGKAKAISA
PAG-UNLAD
Ano ang pangunahing isyu na kinaharap ng Brunei pagkatapos ng Kumperensyang Bandung?
INDEPENDENSYA
PAG-UNLAD
SOBERANYA
TENSYON
Ano ang epekto ng Kumperensyang Bandung sa relasyon ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Kanlurang mundo?
KOOPERASYON
PAGKAKAISA
PAGKAKAKILANLAN
TENSYON
Anong aspeto ng nasyonalismo ang nais iparating ng mga lider sa Timog-Silangang Asya matapos ang Kumperensyang Bandung?
PAGKAKAISA
PAGKAKAWATAK-WATAK
PAGPAPALAKAS NG MILITARY
PAGKAKAROON NG ALYANSA
Anong bansa ang nakipag-alyansa sa Malaysia pagkatapos ng Kumperensiyang Bandung?
BRUNEI
INDONESIA
SINGAPORE
THAILAND
Ano ang karanasan ng Malaysia sa mga relasyon sa iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya pagkatapos ng Kumperensiyang Bandung?
PAGKAKALITO
PAG-AAWAY
PAGKAKAPIT-BISIG
PAGKAKAROON NG KAAWAY
Ano ang pangunahing layunin ng Malaysia sa Kumperensiyang Bandung?
KALAYAAN
KOOPERASYON
PAGKAKAISA
PAGTUTULUNGAN
Ano ang pangunahing layunin ng Singapore sa Kumperensiyang Bandung?
KALAYAAN
PAGKAKAISA
PAGPAPALAKAS
PAG-UNLAD
Anong bansa ang naging kaalyado ng Singapore sa Timog-Silangang Asya pagkatapos ng Kumperensiyang Bandung?
INDONESIA
MALAYSIA
THAILAND
VIETNAM
Anong mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang naging malapit na kaalyado ng Brunei pagkatapos ng Kumperensiyang Bandung?
PILIPINAS AT MYANMAR
THAILAND AT LAOS
INDONESIA AT MALAYSIA
VIETNAM AT CAMBODIA
Anong ideolohiya ang ipinaglaban ng Indonesia sa Kumperensiyang Bandung?
IMPERYALISMO
KAPITALISMO
NON-ALIGNMENT
SOSYALISMO
Sino si Lee Kuan Yew at ano ang kanyang papel sa kasaysayan ng Singapore?
LIDER NG KALAKALAN SA TSA
KILALANG MAKATA AT MANUNULAT
UNANG PRESIDENTE NG SINGAPORE
UNANG PUNONG MINISTRO, MODERNISASYON
Anong isyu ang pinagtibay ng Pakistan sa Kumperensiyang Bandung?
KALAYAAN
PAGKAKAISA NG ASYA
PAGPAPALAKAS NG MILITAR
PAGTUTULUNGAN SA KALAKALAN
Paano ipinakita ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagpapahalaga sa nasyonalismo?
Pagsupota sa digmaan
Pagpapalakas ng mga diktadura
Pagdiriwang ng mga kasaysayan
Pagtanggap ng mga banyagang ideolohiya
