NEW
Font size
WorksheetsReviewer-Pre-Finals-A.P. 7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Saan nilagdaan ng limang punong ministro ang ASEAN Declaration?
Bangkok, Thailand
Jakarta, Indonesia
Hanoi, Vietnam
Manila, Philippines
Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kasapi sa ASEAN?
Indonesia
Malaysia
Pilipinas
Pakistan
Ano ang kapisanan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na itinatag noong Agosto 8, 1967?
Asia Cooperation Dialogue (ACD)
Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF)
Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Paano tinupad ng ASEAN ang pangunahing layunin nito?
Nagpautang sa oras ng kagipitan
Nagtulungan sa panahon ng sakuna
Nagkaisa na labanan ang terorismo
Pinaunlad ang ekonomiya ng bawat bansa sa rehiyon
Paano tinutulungan ng ASEAN ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga kasapi?
Pag-angkat ng petrolyo mula Iran
Pag-iwas sa digmaan sa bawat kasapi
Paninindigan sa isyung politikal ng mga bansa
Pagpapaunlad ng kasunduang pang-kabuhayan
Saan matatagpuan ang punong-tanggapan ng ASEAN?
Jakarta, Indonesia
Hanoi, Vietnam
Manila, Philippines
Phnom Penh, Cambodia
Sino ang kinatawan ng Pilipinas sa pagbuo ng ASEAN?
Adam Malik
Narciso R. Ramos
Tun Abdul Razak
Thanat Khoman
Alin ang pinakamataas na kapulungan ng ASEAN?
ASEAN Summit
ASEAN Integration
ASEAN Coordinating Council
ASEAN Community Councils
Ano ang layunin ng Declaration on the Zone of Peace, Freedom, and Neutrality (ZOPFAN)?
Payagan ang interbensyon ng dayuhan
Limitahan ang ugnayan sa Timog-Silangang Asya
Itaguyod ang ugnayan sa makapangyarihang bansa
Panatilihin ang ASEAN na malaya sa dayuhang pakikialam
Anong bansa ang nagpanukala ng konsepto ng neutrality sa ASEAN na nagresulta sa ZOPFAN?
Indonesia
Malaysia
Pilipinas
Singapore
Aling larangan ang HINDI kabilang sa mga isinulong ng Declaration of ASEAN Concord?
Militar
Pampolitika
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Ano ang layunin ng Declaration of ASEAN Concord?
Mapalawak ang teritoryo
Mapalakas ang hukbong sandatahan
Magkaroon ng kompetisyon ang kasaping bansa
Itaguyod ang kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa
Paano nakaapekto ang ASEAN Free Trade Area (AFTA) sa ekonomiya ng ASEAN?
Naghigpit sa kalakalan ng mga miyembro
Pinataas ang buwis sa inaangkat na produkto
Nagpapataw ng dagdag na bayarin sa negosyo
Pinababa ang taripa sa pagitan ng kasaping bansa
Ano ang magiging bagong presyo ng Goma na mula sa Malaysia kung ito ay nagkakahalaga ng $300 na ipapasok sa Pilipinas at papatawan ng 20% na taripa?
$320
$340
$360
$380
Ano ang isa pang tawag sa SEANWFZ Treaty?
Bangkok Treaty
Hanoi Accord
Jakarta Declaration
Manila Treaty
Paano isinulong ng SEANWFZ ang seguridad ng ASEAN?
Pagbili ng armas mula sa ibang bansa
Pagbabawal paggamit ng sandatang nukleyar
Pagtatayo ng sariling hukbong nukleyar ng ASEAN
Pakikipag-alyansa sa mga bansang may sandatang nukleyar
Bakit mahalaga ang papel ng Pilipinas sa pagbuo ng ASEAN?
Naging tagapagtatag ng organisasyon
Nagtatag ng mahalagang alyansa militar
Naging tagapamagitan sa pang-ekonomiya
Nanguna sa pagpapatibay ng kapayapaan, seguridad, at kooperasyon
Paano pinipili ang tagapangulo ng ASEAN?
Paikot na rotasyon
Halalan ng miyembro
Bilang ng populasyon
Pinakaaktibong bansa
Kailan ang unang pagkakataon na naging tagapangulo ang Pilipinas ng ASEAN?
1983
1987
2007
2022
Bakit mahalaga ang kasunduang ASEAN Consensus on the Protection of the Rights of Migrant Workers?
Pinalakas ang kalakalan
Nagbigay ng libreng edukasyon
Nagkaroon ng bagong kasunduan sa kalakalan
Nagbigay proteksyon nito ang mga migranteng manggagawa
Bakit ipinagpaliban ang 2006 ASEAN Summit sa Cebu?
Isyu sa seguridad
Kakulangan sa pondo
Dahil sa masamang panahon
Hindi pagkakaunawaan ng mga bansa
Ano ang dahilan kung bakit pinag-aagawan ang West Philippine Sea?
Yaman sa ilalim ng dagat
Nagsisilbing ruta ng migratory birds
Bakasyunan ng mga bansa sa ASEAN
Likas na yaman at estrahikong lokasyon
Paano hinarap ng ASEAN ang isyu sa West Philippine Sea?
Sa isang giyera
Diplomasya at dayalogo
Pagpapatayo ng hukbong militar
Pagpaparusa ng economic sanctions
Ano ang layunin ng Sustainable Development?
Pagtutok lamang sa pagtaas ng ekonomiya
Pabilisin ang industriyalisasyon ng mga bansa
Magtayo pabrika upang palakasin ang ekonomiya
Mapabuti ang kalikasan at kalidad ng buhay ng tao sa kabila ng pag-unlad
Ilan ang Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations?
15
16
17
18
Kailan opisyal na binuo at ipinasa ng United Nations ang Sustainable Development Goals (SDGs)?
Nobyembre 27, 1971
Pebrero 24, 1976
Nobyembre 15, 2003
Setyembre 25, 2015
Bakit binuo ng UN ang World Commission on Environment Development (WCED)?
Mapaunlad ang daigdig
Magkaroon ng komisyon
Mapalawak ang kapaligiran
Solusyunan ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran
Ano ang naging bunga 2030 Agenda para sa Likas- Kayang Pag- unlad na pinagtibay noong 2015?
Maraming tao ang nakasaksi nito
Dumami ang mga produkto at serbisyo
Nagkaroon ang UN ng selebrasyon taon-taon
Naging malinaw ang tunguhin sa kapayapaan at kasaganaan
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng likas-kayang programa ng ASEAN?
Pagpapa-unlad ng pabrika
Walang pakialam sa polusyon
Pagputol ng lahat ng mga puno
Pagbawas ng paggamit ng plastik
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Sustainable Development Goals (SDGs)?
Pagtatapos sa kahirapan
Malinis at murang enerhiya
Kalusugan at kapakanan ng lahat
Pagpapabagal ng internet connection
Anong haligi ng ASEAN Community tagapagtaguyod sa usaping kapayapaan at seguridad sa rehiyon?
Economic
Environmental
Political-Security
Socio-Cultural
Ano ang pangunahing layunin ng ASEAN Economic Community (AEC)?
Paunlarin ang kultura at sining
Pagpapalakas ng kapayapaan at seguridad
Magkaroon ang ASEAN ng iisang pamilihan
Mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa rehiyon
Aling bansa ang HINDI kabilang sa ASEAN Community?
Laos
Myanmar
Timor-Leste
Vietnam
Anong taon opisyal na isinulong ang ASEAN Community?
2010
2015
2020
2025
Ano ang kasunduan ng ASEAN na naglalayong pabutihin ang ekonomiya ng rehiyon?
Defense Pact
Economic Partnership
Free Trade Area
security Agreement
Ano ang hamon ng likas kayang pag-unlad na kinakaharap ng Pilipinas at mga bansa sa ASEAN?
Edukasyon ng mga kabataan
Pagpapalawak ng industriya
Produksyon ng agrikultural na produkto
Balanseng ekonomiya at pangangalaga sa kalikasan
Aling sektor ang pinaka-apektado ng mga hamon ng likas kayang pag-unlad sa ASEAN?
Agrikultura
Industriya
Pagmimina
Turismo
Paano tinutugunan ng ASEAN ang isyu ng pagbabago ng klima?
Pagpapalakas ng sektor ng turismo
Pagsulong sa paggamit ng nuclear energy
Pagsuporta sa mga makabagong industriya
Pagtutok sa green energy at renewable sources
Alin sa hakbang ang magdudulot ng positibong epekto sa likas kayang pag-unlad sa ASEAN?
Pagsuporta sa pagmimina
Pagpapalawak ng mga industrial zone
Paggamit ng renewable energy sources
Pagpapalakas ng sektor ng langis at gas
Alin sa mga sektor ang pangunahing nag-aambag sa polusyon sa Timog-Silangang Asya?
Agrikultura
Edukasyon
Industriya
Turismo
Ano ang itinatag ng ASEAN para mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga bansang kasapi?
ASEAN Vision 2020
ASEAN Community 2015
ASEAN Human Rights Declaration
ASEAN Intergovermental Commission on Human Rights
Ano ang karapatan kung saaan ang lahat ng tao ay nararapat na magtamo o matanggap?
Konstitusyonal
Pantao
Sibil
Sibiko
Kailan naitatag ang ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights (AICHR)?
Enero 23, 2009
Oktubre 23, 2009
Nobyembre 23, 2009
Disyembre 23, 2009
Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ASEAN ang pagtataguyod ng karapatang pantao?
Mapaunlad ng ekonomiya
Maitaguyod ang kapayapaan
Mapangalagaan ang karapatang pantao
Magkaroon ng sama-samang pag-unlad
Alin ang karapatang pantao ang higit na dapat protektahan at itaguyod para sa mga kabataan?
Edukasyon
Pagbili
Pagboto
Paglilingkod
Ano ang layunin ng ASEAN sa usapin ng karapatang pantao sa rehiyon?
Palakasin ang ugnayang militar
Magbigay ng pinansyal na tulong
Paigtingin ang ugnayang pang-ekonomiya
Maproteksyunan ang mga karapatang pantao
Paano nakakatulong ang ASEAN sa pagtatanggol ng karapatang pantao sa Pilipinas?
Pag-aalok ng suportang militar
Pagpapadala ng mga aid workers
Pagpapalaganap ng mga bagong teknolohiya
Pagsusuri ng mga isyu ng karapatang pantao
Paano nakikialam ang ASEAN sa mga usapin ng karapatang pantao sa Myanmar?
Pagtulong sa militar ng Myanmar
Pagpapadala ng humanitarian aid
Pagpapalakas ng kalakalan sa Myanmar
Pagtutok sa datos tungkol sa karapatang pantao
Ano ang pangunahing hakbang upang labanan ang kahirapan sa bansa?
Pagpapataas ng buwis
Pagtutok sa agrikultura
Pagbibigay ng libreng pagkain
Pagpapabuti ng edukasyon at kalusugan
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa karapatang pantao?
Pagtulong sa mga programa pangkalikasan
Huwag makialam sa mga isyu ng lipunan
Pagpapakita ng respeto sa pinagmulan ng isang tao
Pagkakaroon ng negosyo para sa sariling pakibangan
