Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Digmaang Pandaigdig Quiz

Total questions: 50

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa pagkakaroon ng isang malakas na puwersang militar, gayundin sa agresibong paggamit nito.

a)

Alyansa

b)

Digmaan

c)

Imperyalismo

d)

Militarismo

2.

Ito ang lugar na tinaguriang powder keg sa Europe dahil sa masidhing tensyong namamayani rito.

a)

Balkan

b)

Germany

c)

Italy

d)

Russia

3.

Ang pagpaslang kay _______________ ay nagmistulang mitsa na tuluyang nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig.

a)

Franz Ferdinand

b)

David Lloyd George

c)

Georges Clemenceau

d)

Winston Churchill

4.

Ang mga sumusunod ay mga pinuno ng tinaguriang Big Four maliban sa isa:

a)

David Lloyd Georges

b)

Georges Clemenceau

c)

William P. Fyre

d)

Woodrow Wilson

5.

Ang mga sumusunod ay mga bansang kasapi ng Allied Forces maliban sa isa:

a)

France

b)

Great Britain

c)

Hungary

d)

Russia

6.

Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa

a)

pag-atake sa Manchuria

b)

pagkakabuo ng mga alyansa

c)

masidhing damdaming nasyonalista

d)

pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa

7.

Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan at kayamanan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop sa mga mas mahihinang bansa.

a)

alyansa

b)

imperyalismo

c)

legalismo

d)

nasyonalismo

8.

Ito ay isang samahan na nagdeklara ng digmaan laban sa Imperyong Ottoman noong 1912 upang mabawi ang Macedonia.

a)

Balkan League

b)

Central Powers

c)

League of Nations

d)

United Nations

9.

Ito ay isang lihim na organisasyon na naglalayong wakasan ang rehimen ng Austria-Hungary.

a)

Allied Forces

b)

Balkan League

c)

Black Hand

d)

League of Nations

10.

Ito ay isang pampasaherong barkong pinalubog ng puwersang Germany na naging sanhi sa pagkamatay ng mahigit 100 Amerikano.

a)

Dardanelles

b)

Frye

c)

Gallipoli

d)

Lusitania

11.

Ang Liga ng mga Bansa ay nabuo matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang sumusunod ay ang mga layunin ng Liga, maliban sa __________.

a)

mapalaganap ang pandaigdigang kapayapaan

b)

mapalaganap ang kasunduang pangkapayaan

c)

maprotektahan ang Germany mula sa pagbabayad ng malaking halaga

d)

lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping

12.

Siya ang chancellor ng Germany na nanguna sa pakikipag-alyansa sa Austria-Hungary at Italy.

a)

Adolf Hitler

b)

Otto von Bismarck

c)

Wilhelm II

d)

Woodrow Wilson

13.

Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang Digmaang Pandaigdig:

a)

Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si Sophie

b)

Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina

c)

Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng teritoryo sa Macedonia

d)

Nabuo ang Balkan League

14.

Siya ay miyembro ng Black Hand na tinuturong responsable sa pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand at ng kaniyang asawa.

a)

Benito Mussolini

b)

Gavrilo Princip

c)

Otto von Bismarck

d)

William Frye

15.

Pagsunud-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari noong Unang Digmaang Pandaigdig:

a)

Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France

b)

Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia

c)

Sumanib ang Japan at Italy sa Allied Powers

d)

Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa Germany

16.

Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa _______.

a)

Pagkakatag ng United Nations

b)

Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente

c)

Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa

d)

Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa

17.

Sinasabing sa Kanlurang Europe

4 lines
18.

Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?

a)

Digmaan ng Germany at Britain

b)

Labanan ng Austria at Serbia

c)

Paglusob ng Russia sa Germany

d)

Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland

19.

Ito ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.

a)

League of Nations

b)

Treaty of Paris

c)

Treaty of Versailles

d)

United Nations

20.

Ito ang lugar kung saan pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa na si Sophie.

a)

Austria

b)

Hungary

c)

Sarajevo

d)

United Kingdom.

21.

Ito ay isang pandaigdigang samahan ng mga bansa na nabuo matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.

a)

Balkan League

b)

Black Hand

c)

League of Nations

d)

United Nations

22.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing bilang Great War dahil ito ang kauna-unahang digmaan na tumagal sa loob ng apat na taon sa pagitan ng mga bansa sa Europe. Ang sumusunod ay mga naging bunga ng Unang Digmaan, maliban sa isa.

a)

Naitatag ang United Nations

b)

Pagkamatay ng maraming mamamayan

c)

Pagkasira ng maraming kabuhayan sa Europe

d)

Nabago ang kalagayang politikal sa Europe at sa ibang bahagi ng mundo

23.

Ayon sa Treaty of Versailles, ito ang bansa na pangunahing responsable sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.

a)

France

b)

Germany

c)

Great Britain

d)

United States

24.

Ito ay isang pampasaherong barko ng Britain na naglululan ng 1,959 na pasahero, kung saan mahigit sa isang libong pasahero ang namatay nang palubugin ito ng Germany noong 1915.

a)

Gavrilo

b)

Frye

c)

Lusitania

d)

Pearl Harbor

25.

Ito ang pangunahing plano ng pakikidigma na ginamit ng hukbong German upang mabilis na masakop ang France.

a)

Blitzkrieg

b)

Operation Sea Lion

c)

Marne Plan

d)

Schlieffen Plan

26.

Ito ang itinuturing bilang kauna-unahang tagumpay ng mga Allied Forces sa laban sa kanluran.

a)

Labanan sa Jutland

b)

Labanan sa Marne

c)

Labanan sa Tannenberg

d)

Labanan sa Gallipoli

27.

Ito ang itinuturing bilang kauna-unahang tagumpay ng Central Powers sa labanan sa silangan.

a)

Labanan sa Gallipoli

b)

Labanan sa Jutland

c)

Labanan sa Marne

d)

Labanan sa Tannenberg

28.

Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa _________.

a)

pag-atake sa Manchuria

b)

pagkakabuo ng mga alyansa

c)

masidhing damdaming nasyonalista

d)

pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa

29.

Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang Digmaang Pandaigdig:

a)

I. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si Sophie II. Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina III. Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng teritoryo sa Macedonia IV. Nabuo ang Balkan League.

b)

I, II, III, IV

c)

II, IV, I, III

d)

IV, III, II, I

e)

I, IV, III, II

30.

Pagsunud-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari noong Unang Digmaang Pandaigdig:

a)

I. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France II. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia III. Sumanib ang Japan at Italy sa Allied Powers IV. Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa Germany

b)

I, II, III, IV

c)

II, I, IV, III

d)

III, IV, I, II

e)

IV, I, III, II

31.

Siya ang chancellor ng Germany na nanguna sa pakikipag-alyansa sa Austria-Hungary at Italy.

a)

Adolf Hitler

b)

Otto von Bismarck

c)

Wilhelm II

d)

Woodrow Wilson

32.

Siya ang pinuno na nagtatag ng pasistang pamahalaan sa Italy.

a)

Adolf Hitler

b)

Benito Mussolini

c)

Georges Clemenceau

d)

Woodrow Wilson

33.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Allied Forces?

a)

France

b)

Great Britain

c)

Italy

d)

United States

34.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Digmaang Sibil sa Spain

b)

Pagbuo ng mga alyans

35.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Digmaang Sibil sa Spain

b)

Pagbuo ng mga alyansa

c)

Paglusob ng Germany sa Poland

d)

Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa

36.

Sino ang nagtatag sa Republika ng Weimar at nagpairal ng totalitaryang Nazi na uri ng pamahalaan?

a)

Adolf Hitler

b)

Benito Mussolini

c)

Emperador Hirohito

d)

Franklin Roosevelt

37.

Ano ang tawag sa pagsasanib-puwersa ng Germany at Austria?

a)

Anschluss

b)

Alyansa

c)

Imperyalismo

d)

Team work

38.

Ang pag-aasam ng Japan na mapalawig ang kaniyang nasasakupan ay nagdulot ng mga sigalot sa Silangan Asya. Isa sa mga ito ay ang naganap na pagsalakay ng mga puwersang Hapones sa sa Peking, China na nagdulot ng digmaan. Anong digmaan ito?

a)

Digmaang Tsino-Koreano

b)

Digmaang Tsino-Hapones

c)

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

d)

Lahat ng nabanggit

39.

Siya ang lider ng Nationalist Front sa naganap na digmaang sibil sa Spain.

a)

Benito Mussolini

b)

Edouard Daladier

c)

Francisco Franco

d)

Haile Selassie

40.

Ito ay isang maliit na lupain na humihiwalay sa Silangang Prussia at Germany.

a)

Danzig

b)

Dardanelles Strait

c)

Dunkirk

d)

Polish Corridor

41.

Ito ang kasunduan sa pagitan ng Germany at Russia na nagsasaad ng pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.

a)

Non-Aggression Pact

b)

Pact of Friendship

c)

Treaty of Berlin

d)

Treaty of Versailles

42.

Ito ang pangunahing estratehiyang militar na ginamit ng puwersang Nazi upang mabilis na malupig ang kanilang mga kalaban.

a)

Blitzkrieg

b)

Enigma

c)

Luftwaffe

d)

Radar

43.

Ang mga sumusunod na bansa ay kabilang sa Axis Powers, maliban sa ________.

a)

Germany

b)

Italy

c)

Japan

d)

Poland

44.

Siya ang Pranses na nagtatag ng samahan na Free France sa London na naglalayong palayain ang France mula sa kamay ng mga Nazi.

a)

Charles de Gaulle

b)

Franklin Roosevelt

c)

Henri Philip Pétain

d)

Winston Churchill

45.

Ito ang kasunduang pinirmahan nina Pangulong Franklin Roosevelt ng United States at Punong Ministro Winston Churchill ng United Kingdom. Nilalaman ng kasunduang ito ang mga demokratikong prinsipyong ipinaglalaban ng mga Allied Forces sa digmaan.

a)

Atlantic Charter

b)

Armistice Agreement

c)

Non-Aggression Pact

d)

Treaty of Zaragoza

46.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

Nagdeklara ang France at Britain ng digmaan laban sa Germany

b)

Sinakop ng Soviet Union ang kalahati ng Poland

c)

Nilusob ng Germany ang Poland

d)

Sinalakay ng mga Nazi ang Norway at Denmark

47.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

Sinalakay ng puwersang Nazi ang Norway at Denmark

b)

Niligtas ng hukbong British ang mga puwersang Allies na nagipit sa Dunkirk

c)

Idineklara ang Paris bilang isang open city

d)

Nagtatag ng isang puppet na pamahalaan sa Vichy

48.

Tukuyin kung alin sa mga pahayag na ito ang totoo (fact) o hindi (bluff). Itiman ang bilog para sa titik A kung ang pahayag ay fact, at Itiman ang bilog sa titik B kung ang pahayag naman ay bluff.

4 lines
49.

Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naapektuhan ang halos lahat ng bansa sa mundo.

4 lines
50.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay idineklara bilang open city ang Maynila at Paris.

4 lines