NEW
Font size
Worksheets3RD PERIODICAL EXAMINATION_AP9
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Nahahati sa dalawang dibisyon ang ekomiks. Isa na dito ay ang pag-aaral sa malaking yunit ng ekonomiya. Ano ito?
Makroekonomiks
GDP
Mikroekonomiks
GNP
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Kita at gastusin ng pamahalaan
Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
Tawag sa kita mula sa buwis?
Public Revenue
Market Revenue
Private Revenue
Financial Revenue
Katulong ng sambahayan at bahay-kalakal sa mga desisyong panghinaharap?
Pamahalaan
Pamilihan ng Tapos na Produkto at Serbisyo
Bangko
Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon
Paano inilalarawan ang unang modelo?
Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa.
Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay kalakal
Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
Sa pamamagitan ng public revenue
Sa ambag ng financial revenue
Sa pangangasiwa ng private revenue
Sa tulong ng electric revenue
Si Randolp ay bahagi ng sambahayan na kumukonsumo ng produkto at serbisyo. Ang AFB Corporation ay isa sa mga kompanyang lumilikha ng mga produktong kailangan ni Amer. Anong sektor ang nagsisilbing ugnay sa pagitan ni Amer at AFB Corporation?
Commodity Market
Pamahalaan
Financial Market
Panlabas na Sektor
Ang ________ ay produksyon na nagawa sa loob ng bansa sa isang taon.sa?
Gross Domestic Product
Gross National Income
Real GNI
Nominal GNI
Alin ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita?
Economic Freedom Approach
Ependiture Aprroach
Income Aprroach
Added Approach
Aling sukatang pang-ekonomiya ang tumutukoy sa produkto at serbisyong ginagawa sa loob ng bansa,kasama ang produksyon ng mga dayuhan?
Gross Domestic Product.
Net National Product
Gross National Product
National Income
Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?
Hindi pampamilihang gawain
Externalities
Pormal na sektor
Kalidad ng buhay
Bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bansa?
Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya.
Ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa bansa.
Magiging malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan..
Lahat ay tamang sagot
Si Mr. Co ay isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross Domestic Product isasama ang kaniyang kinita?
Japan dahil mamamayan siya nito.
China at Pilipinas dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
Pilipinas dahil nandito ang kanyang negosyo at kumikita siya dito.
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagkwenta ng GNP?
Mga industriya sa loob ng bansa
Kita ng mga dayuhang may negosyo sa bansa.
Mga pribadong indibidwal na may sariling negosyo.
Remittance na ipinadala ng mga imigranteng Pilipino at OFW
Ang Gross National Product (GNP) ay isang mahalagang sukat ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa. Ano ang pinakawastong kahulugan ng GNP?Ano ang pinakawastong kahulugan ng GNP?
Halaga ng mga produkto at serbisyong nagagawa ng bansa sa loob ng isang taon
Kabuuang halaga ng mga produkto na nagawa ng pambansang ekonomiya sa loob ng isang taon
Sukat ng paglago ng ekonomiya sa isang taon.
Dami ng mga produkto na nagawa sa loob ng bansa sa loob ng isang taon.
Bakit mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDP at GNI?
Upang malaman kung may dapat baguhin sa patakarang pang-ekonomiya sa bansa
Upang malaman kung may laban ang ating bansa sa iba.
Upang malaman kung malaki ang ibinababa ng ating ekonomiya.
Upang malaman kung nagagampanan ng ekonomiya ang tungkulin nito.
Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay 25,000.00 at ang kanyang kabuuang gastos ay 21,000.00, magkano ang maaring ilaan ni Jonas para sa pag-iimpok?
P 4,000.00
P 6,000.00
P 5,000.00
P 7,000.00
Para sa bilang 18 - 20, suriin ang talahanayan at sagutin ang mga kaukulang tanong dito
Batay sa talahanayan, ano ang gross domestic product (GDP) ng bansa noon 2008 sa milyong piso?
827,326
1,102,750
2,349,426
3,971,031
Batay sa talahanayan, ano ang gross national product (GNP) ng bansa noon 2008 sa milyong piso?
P 7, 423, 207
P 3, 971, 031
P 8, 250, 539
P 3, 452, 182
Sa paanong paraan sinukat ang pambansang kita?
Income Approach
Expenditure Approach
Production Approach
Industrial Origin Approach
Saang gastusin nakapaloob ang pagbabawas ng niluluwas o export sa inaangkat o import?
Panlabas na sektor
Namumuhunan
Pamahalaan.
Personal
Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa halos lahat ng pamilihan sa bansa.
Implasyon
Debalwasyon
Deplasyon
Depresasyon
Isang uri ng Implasyon kung saan ang sanhi ng pagtaas ng mga bilihin ay ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon para magawa ang isang produkto?
Cost Push Inflation
Structural Inflation
Demand Pull Inflation
Supply Pull Inflation
Ang pagnanais ng mga sektor na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan ay magdudulot ng anong uri ng implasyon?
Demand Pull Inflation
Structural Inflation
Cost Push Inflation
Supply Pull Inflation
Si Jholan ay umutang kay Justin Cholo ng Php 100.00 na ipinambili ng isang kilong isda sa kalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong isda?
P 105.00
P 115.00
P 125.00
P 135.00
Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding ano ang iyong gagawin?
Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong tumataasang presyo ng mga produkto.
Hindi na makikialam at baka mapahamak pa
Magkikibit-balikat na lang
Iaasana lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.
Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.
Mga nagpapautang
Taong di-tiyak ang kita
Nangungutang
Speculators
Bakit sa kabila ng hindi magagandang epekto ng implasyon ay maganda pa rin ang pagtingin dito ng mga ekonomista?
Mataas ang produksiyon ng produkto at serbisyo kaya masigla ang ekonomiya
Mababa ang halaga ng utang kaya maaaring umutang nang malaki sa bangko
Nababawasan ang gastusin ng pamahaaan
Maraming negosyante ang naaakit mamuhunan sa bansa
Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan
Bumili lamang sa mga supermarket
Bumili lamang kung kilala at suki
Bumili lamang kung bagsak ang presyo
Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100 at ang CPI sa kasalukuyan ay 125, ano ang kahulugan nito?
Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas kaysa sa batayang taon
Ang market basket ay 125
Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 125% na mas mataas kaysa sa batayang taon
Ang price index ng batayang taon ay 125
Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay bibili lamang . . . . . .
sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo.
sa mga kakilala upang makatawad
ng sapat sa pangangailang
ng mga produktong bagsak ang presyo.
Kung si Felmar ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,000.00 at ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
Ang Php 25, 000.00 nuon ay hindi na kapareho ng halaga sa kasalukuyan
Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV
Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.
Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis
Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan
Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang supply ng salapi
Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis
Ang mga sumusunod ay pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan, alin ang HINDI kabilang?
Mula sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan
Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
Buwis
Nakakalikom ng salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng __________
sales tax at income tax
witholding tax
taripa
value-added Tax
Para sa bilang 36 -38, suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga kaukulang tanong dito. Batay sa talahanayan, ano ang may pinakamalaking nakalaang badyet?
DEPED
DILG
DPWH
DOH
Aling kagawaran ang pumapangalawa sa may pinakamaliit na badyet?
SUCs
DOH
DOTC
DA
Ano ang katotohanan tungkol sa proposed na badyet batay sa talahanayan?
Pinapahalagahan ang edukasyon ng bansa
Katamtamang buwis ang ibinabayad ng pamahalaan sa World Bank
Binibigyan ng pinakamalaking badyet ang mga SUC
May pantay-pantay na halaga ang ipinondo na badyet sa lahat ng kagawaran sa bansa.
Kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money Policy ano ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya?
Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga negosyo
Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang_________?
maiwasan ang pagtaas ng implasyon
dumami ang pera ng bansa
hindi magwelga ang mga manggagawa
maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
Kung ikaw ay nagnanais na makaipon ng sapat na salapi para sa hinaharap, ipagpapaliban mo ang paggastos sa pamamagitan ng __________.
Savings
Investment
Economic investment
Pamumuhunan
Ang mga sumusunod ay mga kabilang na uri pautang ng GSIS , MALIBAN sa;
Gambling Loan
Housing Loan
Salary Loan
Calamity Loan
Pribado: SSS; Publiko:____________________
GSIS
Insurance Companies
Pension Fund
Pre - need
Ito ang nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon.
Current Operating Expenditure
Capital Outlay
Expenditure Program
Net Lending
Naitatag ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines upang_________
tulungan ang mga Muslim
makautang ang mga nasa Mindanao
makasabay sa kultura ng mga Muslim
dumarami ang mga investor
May iba pang institusyong Pananalapi maliban sa mga bangko. Ano ang tulong nito sa mga mamamayan?
Nagkakaroon ng seguro sa anumang mangyayaring aksidente o pinsala sa katawan dulot ng trabaho
Makapagpalit ng dayuhang salapi sa pera na ginagamit sa ating bansa.
Nagkakaroon ng dagdag ahensya ang maaaring utangan.
Lahat ng nabanggit.
Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
Magpapatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimbak ng pera sa bangko
Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain
Bibili ako ng bago at magarang kotse
Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
Mahalaga ang pag-iimpok ng pera para ____________
sa hinaharap tulad ng emergencies at retirement
may maipagmalaki sa iba
sa bakasyon at luho
makabili ng kotse at bahay
Sinabi ni Alexa sa kanyang asawa na dapat niyang panindigan ang SUWELDO -________ = GASTOS upang makapag-imbak ng pera sa bangko.
Savings
Banking
Interest
Deposit
Si Jamela ay isang matalino at matipid na guro kaya naman, buwan-buwan siyang nagdedeposit ng limang libong piso (P 5,000.00) sa LANDBANK. Ginagawa niya ito upang __________.
makapag-impok ng salapi para sa hinaharap
magkaroon ng pangbayad sa utang
may panggastos sa kasalukuyan
may maipautang sa kapit-bahay
