NEW
Font size
WorksheetsGrade 9_Araling Panlipunan_2nd Periodical Exam
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Ano ang tawag sa produktong binibili para gamitin sa paggawa muli ng isang produkto?
input
output
commodity
product with derive use
Mga uri ng hanapbuhay na mas ginagamitan ng kaisipan o pag-iisip?
white collar jobs
blue collar jobs
manual labor
menial labor
Ang pagtatagpo ng panustos at pangangailangan sa pantay na napagkasunduang presyo at dami ng produkto sa pamilihan.
demand
ekwilibriyo
disekwilibriyo
supply
Ano ang ibang tawag sa mga taga-gawa ng mga produkto at serbisyo?
entreprenyur
lakas-paggawa
pabrika
bahay-kalakal
Ito ay tumutukoy sa pisikal at mental na kakayahan ng tao upang makagawa ng produkto o serbisyo?
white collar job
lakas-paggawa
blue collar job
kakayanan
Salitang ginagamit na nagpapakita ng walang pagbabago sa mga salik na maaring makakaapekto sa supply.
ceteris paribus
equilibrium
diseuilibrium
commodity
Tawag sa produkto kung ito ay ipinagbibili na sa pamilihan?
supply
commodity
products
goods
Tawag sa mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo katulad ng asukal, bigas at kape.
complimentary goods
normal goods
substitute goods
inferior goods
Ano ang literal na kahulugan ng “ceteris paribus'?
holding all things together
we joined together
market forces
we heal as one
Ano ang ahensiya ng pamahalaan na umaayos sa pamamalakad ng mga negosyo sa bansa?
DOH
DTI
DepEd
IATF
Ang demand sa pag-aaral ng ekonomiks ay tumutukoy sa ano?
dami ng produkto at serbisyo
dami ng nagtitinda at namimili
dami ng kagustuhan ng mga mamimili
wala sa pagpipilian
Sa ekonomiks, palaging may interaksyon ang dalawang ito?
goods and services
supply at demand
complimentary goods at substitute goods
wala sa pagpipilian
Ito ay talaan na nagpapakita ng dami ng produktong mabibili sa isang particular na presyo.
demand schedule
demand
demand curve
elastisidad ng demand
Tumutukoy sa gawaing pang-ekonomiya na may layuning magkaroon ng tubo o kita.
negosyo
kapital
produksyon
entreprenyursip
Ano ang pangkaraniwang ginagawa ng mga negosyante kung may espekulasyong tataas ang ibinibenta nilang produkto?
sale
implasyon
hoarding
taasan ang presyo
Konsepto ng ekonomiks na siyang bumubuhay sa ekonomiya?
demand
supply
mamimili
prodyuser
Halaga ng kompensasyon na ibinibigay ng isang partido upang makakuha ng produkto o serbisyo.
kita
tubo
presyo
demand
Negosyong pagmamay-ari ng dalawa o higit pang tao.
korporasyon
kooperatiba
sole proprietorship
sosyohan
Pinakapayak at pangkaraniwang itinatayong negosyo ng karamihan.
solong propitaryo
sosyohan
kompanya
sari-sari store
Sa pagtugon sa kakulangan ng supply, ito ay ipapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang sobrang pagtaas ng presyo ng isang produkto.
price floor
price floor
price ceiling
price maintenance
Ito ay nagaganap kapag ang dami ng pangangailangan ay higit na marami kumpara sa dami ng panustos, dahilan upang tumaas ang presyo ng kalakal at serbisyo.
shortage
surplus
shortfall
scarcity
Nangyayari sa interaksyon ng demand at supply na kung saan ang pangangailangan at panustos ay hindi magtatagpo sa parehong presyo at dami ng produkto.
ekwilibriyo
disekwilibriyo
shortage
surplus
Mga bagay na ginagamit upang maproseso ang mga likas na yaman at gawin itong isang produkto. Halimbawa nito ay mga gusali, makina, sasakyan, at pera.
lupa
entreprenyur
kapital
paggawa
Ito ay ang paggamit ng produkto at serbisyo ng mga sambahayan upang tugunan ang kanilang pangangailangan at mga kagustuhan.
pangangailangan
pagtugon
pagkonsumo
pagprodyus
Tumutukoy sa kapag mataas ang presyo ng produkto, baba ang dami ng demand at kapag mababa ang presyo ay tataas ang dami ng demand?
eskedyul ng demand
kurba ng demand
demand function
batas ng demand
Mga produktong bumababa ang demand habang lumalaki ang kita ng konsyumer.
normal goods
inferior goods
substitute goods
complimentary goods
Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
goods
commodity
supply
demand
Uri ng sosyohan na kung saan pantay na namumuhunan sa kanilang negosyo.
general partners
limited partners
equal partners
partnership
Isinasaad sa batas na ito na kapag ang pangangailangan ay mas marami kaysa sa panustos ang presyo ng produkto o serbisyo ay tataas dahil sa kakulangan. Kapag ang panustos naman ay higit sa pangangailangan, ang presyo ng produkto o serbisyo ay bababa dahil sa kalabisan.
batas ng demand
batas ng supply
market forces
batas ng supply at demand
Sa pagtugon sa kalabisan ng supply, ito ang ipapatupad ng pamahalaan sa presyo ng isang produkto upang mabigyang-daan ang maayos at patas na kompetisyon ng mga negosyante.
importasyon
export
price floor
price ceiling
Estraktura ng pamilihan na may maliit na bilang o IILAN lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
oligopolyo
kartel
monopolyo
monosopyo
Uri ng pamilihan na IISA lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya't walang pamalit o kahalili.
oligopolyo
monosopyo
monopolyo
kartel
Isang samahan ng malalayang bahay-kalakal o prodyuser na gumagawa ng magkakatulad na produkto, sama-samang kumikilos upang itaas ang presyo, at takdaan ang dami ng gagawaing produkto.
kartel
monopolyo
monosopyo
oligopolyo
Isang sistema ng pamilihan na marami ang nagtitinda ngunit kakaunti o halos iisa lamang ang bumibili.
monopolyo
oligopolyo
oligarkiya
monosopyo
Isang konsepto ng batas ng demand at supply na nararanasan kapag ang dami panustos ay higit na marami kumpara sa dami ng pangangailangan.
surplus
shortage
shortfall
scarcity
Ang itinatakdang presyo ng pamahalaan para sa mga pangunahing produkto na kinokonsumo ng mga mamamayan gaya ng bigas, asukal, itlog, at tinapay.
price ceiling
Suggested Wholesale Price
Suggested Retail Price
price stabilization
Ang pagbabawal ng pamahalaan sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa panahon ng kalamidad.
price floor
price ceiling
Suggested Retail Price
price freeze
Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang pamilihan at maiwasan ang mataas na inflation o mabilisang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Suggested Retail Price
price floor
price ceiling
Price Stabilization Program
Naglalarawan sa isang lugar kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng mga produkto o kalakal sa pagitan ng mga mamimili at bahay-kalakal.
pamilihan
tiangge
department store
pabrika
Ito ang tindahan na nagbebenta ng mga produkto nang paisa-isa o pira-piraso.
wholesale
retail
foreign market
local market
Uri ng pamilihan na nakapaloob sa palitan ng mga pagmamay-ari ng shares of stocks ng mga kompanya. Ang palitan ng salapi ng iba’t-ibang bansa ay isa sa mga kabilang dito.
retail
foreign market
stock
real estate
Ang ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng price stabilization program.
Department of Trade and Industry
Bangko Sentral ng Pilipinas
Department of Finance
Bureau of Internal Revenue
Isang hakbang ng pamahalaan para matugunan ang suliranin sa KAKULANGAN ng supply.
price ceiling
price stabilization
price floor
SRP
Isang hakbang ng pamahalaan para matugunan ang suliranin sa KALABISAN ng supply.
Suggested Retail Price
price floor
price ceiling
price stabilization
Ang mga halimbawa nito ay ang subsidy, tax exemption o tax deduction, at discount na ipinapatupad ng pamahalaan upang napapanatili ang mababang halaga ng produksyon at naiiwasang tumaas ang presyo ng mga bilihin.
price ceiling
price floor
price stabilization
price support
May malaki at mahalagang papel na ginagampanan ang pamahalaan sa pagpapatatag ng mga presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapalianag nito?
Panghuhuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa lansagan
Pagtatakdaa ng price ceiling at price floor upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo
Kapag ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan parasa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawain ng mga may-ari , nanghihimasok angpamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ngpinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
price stabilization
price floor
price ceiling
price support
Ito ang pamilihan na nagbebenta ng kalakal nang maramihan.
retail
wholesale
local market
palengke
Uri ng kompetisyon na marami ang nagtitinda at marami ang namimili, maraming magkakaparehong produkto ang ipinagbibili sa pamilihan, at walang limitasyon ang paligsahan ng mga nagtitinda ng produkto at serbisyo.
di-ganap
di-gaanong ganap
ganap
perpekto
Ayon sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?
I-regulate ang presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng price ceiling at price floor
Pangangalagaan ang karapatan ng mga mamimili
Maningil ng buwis sa mamamayan
Pangalagaan at paglingkuran ang sambayanan
