wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter Test Part 1 Aral Pan 9

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isa sa mga variables kung saan ito ay nangangahulugan na mas marami ang konsyumer kaysa sa produkto at serbisyo kahit na nanatili ang presyo nito.

a)

Kinikita

b)

Populasyon

c)

Panlasa

d)

Panahon

2.

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto o kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo at partikular na panahon.

a)

Demand

b)

Demand Curve

c)

Demand Function

d)

Law of Supply

3.

Ito ay naglalarawan ng pag-uugali ng konsyumer sa pagtugon sa mga pagbabago sa presyo.

a)

Demand

b)

Demand Curve

c)

Demand Function

d)

Law of Supply

4.

Ito ay iginuhit sa paraang downward sloping upang ipakita kabaliktarang kaugnayan) increase relationship) ng dami ng demand at presyo nito.

a)

Demand

b)

Demand Curve

c)

Demand Function

d)

Law of Supply

5.

Ay talahanayang nagpapakita kung gaano karaming produkto o serbisyo ang gustong bilhin ng konsyumer sa iba’t-ibang presyo sa partikular na panahon, ceteris paribus (lahat ng iba pang variable ay nakapirmi)

a)

Demand Schedule

b)

Demand Curve

c)

Demand Function

d)

Law of Supply

6.

Ito ay nagpapakita na kapag mas malaki ang kita, ito ay nangangahulugan ng mas malaking

Kapasidad upang makabili ng

Produkto at serbisyo kahit

Na nanatili ang presyo.

a)

Kinikita

b)

Populasyon

c)

Panahon

d)

Panlasa

7.

Ito ay ang desisyon ng konsyumer upang

bumili ay dumedependa sa kaniyang

panlasa o naisin at sa mga

nauusong

produkto at

serbisyo .

a)

Kinikita

b)

Populasyon

c)

Panahon

d)

Panlasa

8.

Ito ay nakakaimpluwensiya sa pagbili ng produkto at serbisyo depende sa pagdiriwang

a)

Kinikita

b)

okasyon

c)

Panahon

d)

Panlasa

9.

Ito ay nakakaimpluwensiya sa pagbili ng produkto at serbisyo depende sa kung ano ang kalagayan ng panahon.

a)

Kinikita

b)

okasyon

c)

Panahon

d)

Panlasa

10.

Sa panahon g pagkakaroon ng bagyo ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa demand ng mga gulay

a)

kurba na pakanan

b)

kurba na pakaliwa

c)

walang pagbabago sa kurba

11.

Ayon sa batas ng demand, anong salik ang pangunahing nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng demand para sa isang produkto?

a)

Panlasa

b)

Kagusuthan

c)

Presyo

d)

Kalidad ng produkto

12.

Ang pagiging “in” o uso ng isang produkto ay maaaring makapanghikayat ng mas maraming mamimili dahilan upang tumaas ang demand para rito. Tinatawag itong

a)

Substitution Effect

b)

Complementary Effect

c)

Bandwagon Effect

d)

Income Effect

13.

Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa iba’t-ibang presyo.

a)

Produksyon

b)

Demand

c)

Supply

d)

Ekwilibriyo

14.

Upang masabing demand, dapat nagtataglay ito ng dalawang elemento: gusto at kayang bilhin. Sino sa mga sumusunod ang tumpak na naglalarawan tungkol sa demand?

a)

Si Daniel na isang grade 9 student na nangangarap bumili ng Ferrari sports car

b)

Si Lilyn na inilibre ng kanyang kaklase na kumain ng mamahaling pizza

c)

Si Mark na bumili ng mamahaling sapatos matapos makaipon mula sa allowance

d)

Si Mayet na nangutang para makapanood ng KPOP concert

15.

“Nakatakdang ipatupad ng pamahalaan ang Sin Tax Law na nagpapataw ng mas mataas na buwis sa alak at sigarilyo”. Alin sa mga sumusunod na graph ang tumpak na maglalarawan sa epekto ng nabanggit na sitwasyon sa demand para sa alak at sigarilyo?

a)
b)
c)
d)
16.

Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, maaaring asahan na

a)

Tataas ang demand ng nasabing produkto

b)

Ang dami ng produktong ipinagbibili ay tataas

c)

Ang dami ng produktong ipinagbibili ay bababa

d)

Ang kurba ng suplay ay pupunta sa kanan.

17.

Ang pagtaas sa presyo ng asukal ay maaaring magpataas sa presyo ng kape. Ano ang maaaring paliwanag dito?

a)

Substitution effect

b)

Complementary effect

c)

Income effect

d)

Bandwagon effect

18.

Tumaas ang konsumo ng pamilya ni Jun ng bacon simula ng mapromote sa trabaho. Sa kaso ni Jun, ang bacon ay maituturing na

a)

Normal Goods

b)

Inferior Goods

c)

Substitute Goods

d)

Complementary Goods

19.

May kotse si Jane na kanyang ginagamit pagpasok sa trabaho. Isang araw nabalitaan niyang magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng gasolina susunod na mga araw. Ano ang inaasahang mangyayari sa kasalukuyang demand ni Jane sa gasolina?

a)

Tataas ang kanyang demand

b)

Bababa ang kanyang demand

c)

Walang magiging pagbabago sa kanyang demand

d)

Hindi muna gagamit ng kotse si Jane

20.

Isa itong grapikong paglalarawan ng magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded.

a)

Demand Schedule

b)

Demand Function

c)

Demand Curve

d)

Batas ng Demand

21.

Ano ang konsepto sa ekonomiks na tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin sa isang takdang panahon, lugar, at presyo?

a)

suplay

b)

pamilihan

c)

demand

d)

ekwilibriyo

22.

Kailan ipinakikita ang pagtaas ng demand?

a)

Kung ang demand curve ay lilipat pakanan

b)

Kung ang demand curve ay hindi magbabago

c)

Kung ang demand curve ay lilipat pakaliwa

d)

Wala sa nabanggit

23.

Kailan ipinakikita ang pagbaba ng demand?

a)

Kung ang demand curve ay hindi magbabago

b)

Kung ang demand curve ay lilipat pakaliwa

c)

Kung ang demand curve ay lilipat pakanan

d)

Maaaring sa kaliwa at sa kanan

24.

Lahat ng nabanggit ay ukol sa batas ng demand, alin ang hindi tumutukoy rito?

a)

Kapag bumaba ang presyo, ang quantity demanded ay tataas.

b)

Ceteris Paribus, ang presyo lang ang isinasaalang na salik.

c)

Kapag tumaas ang presyo, ang quantity demanded ay bababa.

d)

Kapag tumaas ang quantity demanded, bababa ang presyo.

25.

Ano ang mangyayari sa demand para sa kamias kung tumaas ang presyo ng sampalok na panigang sa ulam?

a)

bababa

b)

tataas din

c)

hindi magbabago

d)

Walang tamang sagot

26.

Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na --------------.

a)

kakapusan

b)

alokasyon

c)

ekonomiks

d)

pamimigay

27.

Ang --------------------------------- ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.

a)

sistemang pang-ekonomiya

b)

sistemang pang-bansa

c)

sistemang pang-politika

d)

sistemang pang-sibiko

28.

Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang ---------------------------------------. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

29.

Sa--------------------------------, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

30.

Sa ------------------------, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

31.

Ang ---------------------------- ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

32.

Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig, Maliban sa isa.

a)

Lokal na Ekonomiya

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

33.

Isang Institusyunal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon,pagmamay-ari,at paglinang ng pinagkukunang yaman at pamamahalang gawaing pang-ekonomiya ng isang lipunan.

a)

Sistemang panlipunan

b)

Alokasyon

c)

Sistemang pang-ekonomiya

d)

Distribusyon

34.

May apat (4) na batayang katanungang pang-ekonomiko sinasagot ang ekonomiks upang mabigyan ng solusyon ang kakapusan. Alin ang hindi kasama sa pangkat?

a)

Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?

b)

Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?

c)

Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?

d)

Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

e)

Gaano karaming produkto at serbisyo ang lilikhain?

35.

Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.

a)

Tama

b)

Mali

41.

Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North Korea

a)

Tama

b)

Mali

43.

Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag-aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na --------------.

a)

kakapusan

b)

alokasyon

c)

ekonomiks

d)

pamimigay

46.

Ang --------------------------------- ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.

a)

sistemang pang-ekonomiya

b)

sistemang pang-bansa

c)

sistemang pang-politika

d)

sistemang pang-sibiko

47.

Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang ---------------------------------------. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

48.

Sa--------------------------------, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

49.

Sa ------------------------, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya

50.

Ang ---------------------------- ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.

a)

market na ekonomiya

b)

tradisyonal na ekonomiya

c)

command na ekonomiya

d)

mixed na ekonomiya