NEW
Font size
WorksheetsEkonomiks 9 Review
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Sino ang Amerikanong sikolohista na nagmungkahi ng hirarkiya ng pangangailangan?
Abraham Maslow
Michael Todaro
David Mc Clellan
Mayroong ilang antas sa hirarkiya ng pangangailangan?
4
5
3
Ano ang antas ng pangangailangan na tumutukoy sa mga bagay na makatitiyak sa kaligtasan at katiyakan ng tao sa kaniyang buhay?
makibahagi
pisyolohikal
pangkaligtsan
Pang-ilang antas ang pangangailangang maging ganap ang pagkatao sa pamamagitan ng pagkamit ng mga pangarap gamit ang kaniyang mga kaalaman at kakayahan?
ikalima
ikaapat
ikatlo
Sa anong antas kabilang ang pagkain tulad ng kanin, tinapay, at karneng pang-ulam?
ikatlo
una
ikalawa
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa unang antas sa hirarkiya ng pangangailangan?
damit
asawa
pagkain
Sa anong antas kabilang ang pangangailangang maging bahagi ng isang samahan o isang kumpanya?
ikatlo
ikalima
ikalawa
Ang pagkilala at paggalang mula sa ibang tao ay mahalaga at kabilang sa anong pangangailangan?
pangangailangang pisyolohikal
pangangailangang mapahalagahan
pangangailangang maging ganap ang pagkatao
Ano ang sinasabi ng teorya ng hirarkiya ng pangangailangan?
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay tumataas ang antas ng pangangailangang dapat niyang makamit.
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay bumababa ang antas ng pangangailangan dapat niyang makamit.
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay walang pagbabagong nangyayari sa antas ng pangangailangang dapat niyang makamit.
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng ikalawang antas ng pangangailangan?
asawa
pagkain
seguridad
Ang mga tao ay may ______ pangangailangan batay sa mga salik na nakaiimpluwensiya rito.
magkakaparehong
magkakaibang
magkakapantay na
Alin sa sumusunod ang salik na nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng tao?
tirahan
asawa
edad
Anong salik ang tumutukoy sa pagbabago ng pangangailangan ng tao batay sa kaniyang kabuhayan o gawaing pinagkakaabalahan?
edad
hanapbuhay
kita
Alin sa sumusunod ang hindi nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng tao?
Correct answer
pisikal na anyo
kita
panlasa
Si Rita ay nagtatrabaho sa bangko. Kumikita siya ng 30,000 piso kada buwan. Dahil dito, nabibili niya ang lahat ng kaniyang mga pangangailangan at nakatutulong din siya sa kaniyang pamilya. Anong salik ang nakaiimpluwensiya rito?
kita
edad
panlasa
Si Paul ay isang pintor. Dahil dito, kailangan niyang bumili ng canvas, mga pintura, at iba't ibang brush. Anong salik ang nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan niyang ito?
kita
edukasyon
hanapbuhay
Bumili si Harold ng damit para sa kaniyang mga anak. Ibinili niya ng bestida ang kaniyang anak na si Helen at ng ternong short at tshirt ang anak niyang si Herald. Anong salik ang nakaimpluwensiya sa pagbili ni Harold ng damit ng kaniyang mga anak?
panlasa
kasarian
kita
Tuwing may okasyon ay nagpapaluto si Andrea ng spaghetti samantalang si Lola Ana ay nagpapaluto ng pansit. Anong salik ang nakaiimpluwensiya sa pagkakaiba nila ng gustong pagkain?
trabaho
panlasa
kasarian
Si Cris ay isang guro sa elementarya. Malapit nang magbukas ang klase kaya kailangan na niyang bumili ng mga gamit para sa paaralan. Alin sa sumusunod ang kailangan niyang bilihin?
class record
tuwalya
helmet
Si Lloyd ay isang mag-aaral ng engineering. Alin sa sumusunod ang kakailanganin niya sa kaniyang pag-aaral?
microscope
gunting
calculator
Alin sa sumusunod ang salik na hindi nakaiimpluwensiya sa mga kagustuhan ng tao?
kasarian
personal na pagpapahalaga
presyo ng produkto
Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga pangkapaligirang salik?
lugar na tinitirahan
pag-uugali ng tao
kita
Alin sa sumusunod na mga salik ang parehong nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao?
kita
pagpapahalaga sa sarili
presyo ng produkto
Kapag malaki ang kita ng isang tao, dumadami ang kaniyang kagustuhan. Sa kabilang banda, limitado lamang ang kagustuhan ng taong may maliit na kita. Anong salik ang tinutukoy sa konseptong ito?
presyo ng produkto
kita
pag-uugali ng tao
Ang mga commercial na nakikita sa telebisyon na tungkol sa produktong nakagaganda ng buhok o nakakikinis ng mukha ay nakaeengganyo sa mga kabataan. Anong salik ang tinutukoy ng konseptong ito?
kita
mass media
presyo ng produkto
Ang inggit ay karaniwang nagtutulak sa isang tao na gustuhing magkaroon ng mga bagay na nakikita niya sa kaniyang kapwa. Anong salik ito?
personal na pagpapahalaga
kita
pag-uugali ng tao
Idolo ni Katrina ang isang artista sa telebisyon. Gusto niyang bumili ng mga damit na isinusuot ng idolong artista. Anong salik ang nakaiimpluwensiya sa kagustuhan ni Katrina?
trabaho
mass media
kita
Nag-aaral sa isang pribadong paaralan si George dahil sa kaniyang scholarship. Madalas niyang makita ang kaniyang mga kaklase na may bagong gadget o mamahaling bag. Bunga nito, gusto rin niyang magkaroon ng bagong cellphone at bag. Anong salik ang nakaiimpluwensiya sa kagustuhan ni George?
presyo ng produkto
taong nakasasalamuha
kita
Paborito ni Pinky ang kulay rosas. Dahil dito, binibili niya ang kahit anong bagay na may ganitong kulay. Anong salik ang nakaiimpluwensiya kay Pinky?
trabaho
kita
personal na pagpapahalaga
Matagal nang gustong magkaroon ng computer ni Ms. Perez. Makatutulong kasi ito sa kaniyang trabaho bilang isang guro, ngunit hindi sapat ang kaniyang kita para makabili nito. Nang magkaroon ng sale sa mall ay agad na bumili si Ms. Perez ng computer. Alin sa sumusunod na mga salik ang hindi nakaimpluwensiya sa kagustuhan ni Ms. Perez?
kita
presyo ng produkto
mass media
Ang sistemang pang-ekonomiyang ito ay nakapaloob lamang sa kultura ng isang lugar. Ano ito?
sistemang pangkultura
sistemang tradisyonal
sistemang pampamilihan
Sa sistemang ito ginagamit ang presyo bilang batayan ng alokasyon at kung sino ang may kakayahang bumili ay siyang makagagamit ng produkto.
pinaghalo
pampamilihan
kontrolado
Alin sa sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang nakabatay sa mga paniniwala, kultura, at tradisyon?
tradisyonal
kontrolado
pinaghalo
Tinanong ka ng iyong kamag-aral kung paano nakaaapekto ang kontroladong sistemang pang-ekonomiya sa isang bansa. Paano mo ito ipaliliwanag sa kaniya?
Ang pamahalaan ay may ganap na kapangyarihan na kontrolin ang produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo ng produkto.
Walang ganap na kapangyarihan ang pamahalaan na kontrolin ang produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo ng produkto.
Tulad ng pamahalaan, ang mga pribadong sektor ay may karapatang magdesisyon sa paggamit ng likas na yaman.
Nabatid mo na ang Estados Unidos ay may sistemang pang-ekonomiya na kung saan ay malayang nakakikilos ang pamilihan o lahat ng sektor sa lipunan sa pagtatakda ng presyo o halaga ng mga bilihin. Ipinahihiwatig lamang nito na ang nasabing bansa ay may sistemang ___________________?
pinaghalo
pampamilihan
kontrolado
Kung ang iyong bansa ay nasa pinaghalong ekonomiya (mixed economy), ano ang iyong aasahang kaugnayan ng pamahalaan sa pamamalakad ng ekonomiya?
kontrolado ng pamahalaan ang mga pagdedesisyon na may kaugnayan sa pinagkukunang-yaman
ang pamahalaan ay walang kakayahang mangialam sa pagpapatakbo ng ekonomiya
ang pamahalaan ay maaaring magtakda ng mga patakaran at regulasyon upang maprotektahan ang mga mamimili
Sinabi ng iyong guro na ang lugar na inyong pupuntahan ay may tradisyonal na uri ng sistemang pang-ekonomiya. Paano mo ito ipaliliwanag sa iyong mga kaklase?
may palitan ng produkto o sistemang barter
may malayang pamilihan kung saan ang mga produkto sa lahat ng bansa ay madaling mabibili ng kahit sino
gumagamit ng salapi o pera sa pagbili ng mga produkto
Ang mga prodyuser at nagtitinda ng bigas ay may malayang kompetisyon sa pamilihan. Ngunit nang magkaroon ng kakapusan sa suplay ng bigas sa bansa, nag-angkat ng bigas ang pamahalaan para ipagbili sa mga mamamayan sa murang halaga. Ipinahihiwatig lamang nito na ang bansa ay may sistemang pang-ekonomiya na _________________________?
kontrolado
pinaghalo
tradisyonal
Ano ang tawag sa paggamit ng produkto at serbisyo ng mga sambahayan upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan?
produksiyon
pagkonsumo
suplay
Ano ang posibleng maganap sa kakayahan ng isang mamimili na magamit ang mga produkto at serbisyo kung ang kita nito ay mababa?
walang epekto ang kita sa kaniyang pagkonsumo
tataas ang kaniyang pagkonsumo
bababa ang kaniyang pagkonsumo
Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagkonsumo?
presyo
kita
lupa
Ano ang dapat gawin ni Jose sa kaniyang mga pagkakautang upang hindi na ito makaapekto sa kakayahan niyang magkonsumo ng mga produkto at serbisyo?
huwag pansinin ang pinagkakautangan
bayaran ito sa takdang panahon
lumayo sa taong pinagkakautangan
Kung ikaw ang may-ari ng isang produkto at nais mong mahikayat ang maraming tao na tangkilikin ito sa pamamagitan ng bandwagon, alin sa sumusunod ang mainam mong gawin?
patalastas ng sikat na manlalaro ng basketball tungkol sa paborito niyang gatas
patalastas ng mga nanay na natutuwa sa ginagamit nilang sabong panlaba
patalastas ng maraming artistang gumagamit ng isang beauty cream
Sa kasalukuyang panahon, alin sa mga katangian ng isang mamimili ang marapat na isabuhay ng bawat isa?
pag-aralan at pagplanuhan ang mga ikokonsumong produkto o serbisyo
maengganyo sa mga produkto at serbisyong inaanunsiyo ng pinakasikat na artista
bumili ng maraming produkto kahit 'di kailangan
Alin sa sumusunod ang masasabing may malaking impluwensiya sa pagkonsumo ng tao sa mga produkto at serbisyo?
panahon
okasyon
kita
