NEW
Font size
WorksheetsAP 9 Q3
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ito ang pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan sa hinaharap.
Allowance
Pag-iimpok
Insentibo
Sahod
Ito ay mahalagang kapangyarihan ng pamahalaan na kinokolekta mula sa kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal.
Buwis
Insentibo
Cash Gift
Token
Ang ________ ay produksyon na nagawa sa loob ng bansa sa isang taon.
Gross Domestic Product
Nominal GNI
Gross National Income
Gross Nation Product
Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon ang _________.
Gross National Product
Nominal GNI
Growth Rate
Gross Nation Product
Tawag sa kita mula sa buwis
Financial Revenue
Private Revenue
Market Revenue
Public Revenue
Katulong ng sambahayan at bahay-kalakal sa mga desisyong panghinaharap.
Bangko
Pamahalaan
Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon
Pamilihan ng Tapos na Produkto at Serbisyo
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
Deplasyon
Implasyon
Depresyon
Resesyon
Sa pamamagitan ng _____________ policy ay isinasagawa ng pamahalaan ang paggasta sa mga proyektong pampamahalaan at pagpapababa sa buwis.
contractionary Fiscal
demand Pull
cost – push
expansionary Fiscal
Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy
Demand Pull
Cost – push
Expansionary Fiscal Policy
Nabibigyang pondo o badyet ang mga gastusin para sa pagbili ng mga produkto at serbisyong tulad ng Personal Services at Maintenance and Other Operating Expenditures sa pamamagitan ng _____________________.
capital Outlays
expense Class
current Operating Expenditures
net Lending
Nakakalikom ng salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng __________.
sales tax at income tax
value-added Tax
taripa
withholding tax
Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagdaragdag sa asset ng pamahalaan tulad ng Government-owned and Controlled Corporation (GOCC).
Budget Allocation
Current Operating Expenditures
Capital Outlays
Net Lending
Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahay-kalakal sa pamamagitan ng ______________.
excise tax
sales tax at income tax
proporsiyonal na buwis
withholding tax
Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produktong ipinagbibili o serbisyo kada oras, araw at iba pa.
Impulsive Buyer
pag-iimpok
Kita
Savers
Ito ay pag-aaring materyal na maaring maubos kung hindi paplanuhin ng wasto ang pagbili ng pangangailangan at kagustuhan.
Impulsive Buyer
pag-iimpok
Kita
Savers
Mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa upang_________.
hindi na mangutang
lumago ang ekonomiya ng bansa
maging kasapi ng mayayamang bansa
makasama sa pandaigdigang pamilihan
Paano inilalarawan ang unang modelo?
Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa
Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan
Ang pambansang ekonomiya ay bukas
May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay kalakal
Alin ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita?
Added Approach
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Income Approach
Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?
Externalities
Kalidad ng buhay
Hindi pampamilihang gawain
Pormal na sektor
Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?
Ang supply ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na paggasta.
Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang paggasta.
Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
Bayad na isang libo na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
Hindi na sila binabayaran.
Sobra ang perang natatanggap.
Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan.
Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang supply ng salapi
Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis
Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis.
Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang_________?
dumami ang pera ng bansa
hindi magwelga ang mga manggagawa
maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
maiwasan ang pagtaas ng implasyon
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Gastusin at proyekto ng pamahalaan
Kalakalan sa loob ng bahay kalakal
Kita at gastusin ng sambahayan
Ugnayan ng bawat sektor
Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit may taong hindi nagagawang mag-impok MALIBAN sa isa.
Inuuna ang bisyo tulad ng alak, sigarilyo at sugal
Kawalan ng isang tao ng disiplina sa kanyang sarili
Pagiging mahilig magluto sa bahay kaysa kumain sa restaurant
Pagiging maluho sa mga bagay kahit hindi pa Kailangan
Saang sektor nagmumula ang mga suplay ng salik ng produksiyon?
Bahay-kalakal
Prodyuser
Konsyumer
Sambahayan
Sinasabing ang buwis ay napakamalaking tulong sa bansa, sa paanong pamamaraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis.
Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
Ilan ang GNI ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
₱200 M
₱204 M
₱548 M
₱550 M
Ilan ang GDP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
₱200 M
₱501 M
₱450 M
₱530 M
Ano’ng sektor ang may kakayahang lumikha ng mga produkto?
Bahay-kalakal
Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
Pamilihan ng tapos na produktoPamilihan ng tapos na produkto
Prodyuser
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon?
Kapital
Produkto
Lupa
Paggawa
Lahat ng mga bansa ay may itinuturing na banko ng mga banko. Ano ang bankong ito sa ating bansa?
Bank of Philippine Islands
Banko Sentral ng Pilipinas
Banko De Oro
Landbank of the Philippines
Anong sektor ng ekonomiya ang pinagmumulan ng buwis?
Sambahayan at pamilihan ng salapi
Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
Dayuhang sektor at mga namumuhunan
Bahay-kalakal at sambahayan
Sa paanong paraan makalilikha ang pamahalaan ng pampublikong paglilingkod?
palikom ng buwis
pag-iimpok sa mga banko
investmentpangungutang sa dayuhang bansa
produksiyon ng mga kalakal
Saan nakatuon ang ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
institusyong pinansiyal
kalakalang panlabas
pampublikong paglilingkod
saradong ekonomiya
Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
Sa ambag ng financial revenue
Sa pamamagitan ng public revenue
Sa pangangasiwa ng private revenue
Sa tulong ng electric revenue
Paano inilalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya ang mga ibat ibang sektor?
kanya kanyang transaksiyon ang bawat sektor
nakikipagugnayan ang lahat ng sektor sa bawat isa
pagluluwas at pag-aangkat ang nagaganap
pamumuhunan at pagiimpok ang konsepto nito
Si Mr. Yohan ay isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross Domestic Product isasama ang kaniyang kinita?
China at Pilipinas dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
Japan dahil mamamayan siya nito.
Pilipinas dahil nandito ang kanyang negosyo at kumikita siya dito.
Wala sa nabanggit.
Saang gastusin nakapaloob ang pagbabawas ng niluluwas o export sa inaangkat o import?
Namumuhunan
Panlabas na sektor
Pamahalaan
Personal
Paano malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa?
sa pag-alam sa National Income Accounting
sa pagsukat ng Gross National Income
sa paggamit ng mga economic indicators
sa pagsusuri ng economic performance
Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding ano ang iyong gagawin?
Hindi na makikialam at baka mapahamak pa.
Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.
Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong tumataasang presyo ng mga produkto.
Magkikibit-balikat na lang.
Paano sinusukat ang GNI o Gross National Income ng isang bansa?
Pagbilang sa kinita ng mga dayuhang negosyante sa bansa.
Paggamit ng salapi ng ibang bansa gaya ng dolyar ng US.
Pagsipat ng dami ng produkto na nalikha sa bansa.
Pagsusuri ng antas ng pasahod ng mga korporasyon.
Bilang isang bahagi ng pamilya, paano ka makakatulong sa ating bansa upang mabawasan ang problema sa implasyon ngayong panahon ng pandemya?
Hindi na lang lalabas ng bahay upang mabigyan ng ayuda.
Maging mapanuring mamimili lalo sa online shopping.
Pagtutuunan ng pansin na pagkagastusan lamang ang mahahalagang bagay.
Tutulong sa mga gawaing bahay upang makatipid sa gastusin.
Alin sa mga sumusunod ang dalawang uri ng patakaran sa pananalapi?
Contractionary monetary policy at Expansionary monetary policy
Open market at rediscounting
Tight Fiscal Policy at Expansionary fiscal policy
Ano ang pahayag na tumutukoy sa inflation?
Pagbaba ng kita ng mga mangagagawa
Pagbaba ng presyo ng mga Bilihin
Pagtaas ng bilang ng output sa produksiyon.
Pagtaas ng pangakalahatang presyo ng mga bilihin
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
Upang maipatupad ang Patakarang Pananalapi bakit sa tingin mo kailangan ng Fiat Money Authority ng Bangko Sentral?
Sapagkat lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral.
Sapagkat madami ditong perang maaaring gamitin.
Sapagkat sila ang may kapangyarihang mag imprenta ng salapi sa bansa.
Sapagkat sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
Kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money Policy ano ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya?
Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga negosyo
Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
Makatutulong ka upang maging malusog ang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng ____________.
pag-iimpok
pamumuhunan
pag-iinvest
pagnenegosyo
Bilang isang mag – aaral at kabahagi ng ating pambansang ekonomiya, ano ang maaari mong gawin upang magpapatuloy ang maayos na ugnayan ng mga sektor ng ating ekonomiya?
Bibili ako ng maraming produkto at serbisyo sa bahay – kalakal.
Hihikayatin ko ang lahat ng mga tao sa aming lugar na mag – impok at magbayad ng buwis.
Magiging matalino ako sa pagdedesisyon sa mga bagay na aking bibilhin at ugaliing makapag – ipon kahit konti.
Maghahanap ako ng pagkakakitaan upang magkaroon ako ng pera upang makabili ng maraming produkto para matulungan ko ang bahay kalakal
