wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP9-3RD QUARTER PT REVIEW ( FROM LT 1 & LT2)

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang sangay ng ekonomiks na sumasaklaw sa pangkalahatan o pangmalawakang pag-aaral ng ekonomiya?

a)

Econometric

b)

Macroeconomics

c)

Microeconomics

d)

Positive Economics

2.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng panlabas na sektor sa ating ekonomiya?

a)

Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng balanse sa pamilihan

b)

Nakakatulong ito sa tuluyang pagpupunyagi ng mga dayuhang kompanya sa ating bansa

c)

Nakakatulong ito sa pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan

d)

Nakakatulong ito sa pagbibigay ng oportunidad na makapaghanapbuhay ang mga Pilipino sa ibang bansa    

3.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging kapaki-pakinabang ng pag-iimpok sa sambahayan?

a)

Kapag ito ay nakakatulong sa pagtaas ng demand at suplay ng mga produkto

b)

Kapag ito ay nakatutulong sa pagbabayad ng mga produktong ipinagkaloob ng pamahalaan

c)

Kapag ito'y nagagamit sa mga di-inaasahang pangyayari sa hinaharap

d)

Kapag ito'y nagagamit sa pagpaparami ng mga salik ng produksiyon

4.

Alin sa mga sumusunod ang may pangunahing layunin na panatilihing balanse, masigla at matatag ang daloy ng ekonomiya?

a)

Bahay-Kalakal

b)

Pamahalaan

c)

Pamilihan ng Kapital

d)

Sambahayan

5.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa Sambahayan?

a)

Ito ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan

b)

Ito ang pinanggagalingan ng mga salik ng produksiyon

c)

Ito ay tumatanggap ng kabayaran mula sa mga nagawang kalakal at paglilingkod

d)

Ito ay tumatanggap ng benepisyo mula sa ginawang pagbabayad ng buwis

6.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng kahalagahan ng pag-aaral ng payak na larawan ng ekonomiya?

a)

Matutugunan ng pamahalaan ang bawat ng mga iba’t-ibang sektor na bumubuo sa ating ekonomiya

b)

Maunawaan ng mga mamamayan ang bahaging ginagampanan ng bawat aktor sa ating ekonomiya

c)

 Maunawaan ng mga mamamayan ang mga kaganapan sa ating ekonomiya at Kahalagahan ng pagpapanatiling balanse nito

d)

Lahat ng nabanggit

7.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang siyang hindi nagpapatotoo sa gawain ng Bahay-Kalakal?

a)

Ito ang pangunahing nagsasagawa ng pag-iimpok

b)

Ito ay tumatanggap ng kita mula sa pinal na produkto at serbisyo

c)

Ito ay pangunahing nagbabayad sa paggamit ng salik ng produksiyon

d)

Ito ay tumatanggap ng benepisyo mula sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan

8.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salaping tinatanggap ng mga manggagawa?

a)

 Buwis

b)

Kapital

c)

Renta

d)

Sahod

9.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo sa depresasyon?

a)

Ito ang pagtaas ng presyo ng yamang kapital

b)

Ito ang tuluyang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

c)

Ito ang pagkakaroon ng karagdagang hilaw na materyales

d)

Ito ang tuluyang pagkasira at pagkaluma ng mga yamang kapital

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik ng produksiyon?

a)

Entreprenyur

b)

 Interes

c)

Kapital

d)

Paggawa

11.

Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan sa pagtutuos ng Gross National Income?

a)

Economic Recovery Approach

b)

Factor Income Approach

c)

Final Expenditure Approach

d)

Value Added Approach

12.

Si Mr. Tung ay isang Vietnamese National ay naghahanapbuhay sa isang kompanya na nasa PIlipinas. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita sa kung saan dapat isinasama ang kanyang kita?

a)

Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito

b)

Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita

c)

Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita

d)

Sa parehas na Gross Domestic Product ng Pilipinas at Tsina

13.

Alin sa mga sumusunod na ang pangunahing ahensiya na nagsasagawa ng mga planong pang-ekonomiko?

a)

National Income Authority

b)

National Economic Development Authority

c)

Philippine Statistics Office

d)

Philippine Information Agency

14.

Ayon sa balita, nakatulong ang pagluluwag ng Alert Level sa pagpapataas ng antas ng Gross Domestic Product ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan ng hindi paniniwala ng maraming mamamayan ng bansa sa nasabing ulat?

a)

Patuloy pa rin ang pagtaas at pagbaba ng mga bilihin

b)

Patuloy pa rin ang pag-aangkat ng bansa ng mga produktong agrikultural

c)

Patuloy pa rin ang pagluluwas ng bansa ng mga produktong agrikultural

d)

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong naghihikahos sa buhay

15.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng dahilan kung bakit mga pinal na produkto lamang ang sinasama sa pagtutuos ng GNP?

a)

Upang mas lalong mapabilis ang pagtutuos ng datos

b)

Upang maipabatid sa mga mamamayan ng agaran ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa

c)

Upang mapanatili pa ring abot kaya ang mga produkto sa mga mamamayan

d)

Upang maiwasan sa pagdodoble sa pagtutuos

16.

Alin sa mga sumusunod ang hindi pinagkukunan ng kita ng pamahalaan?

a)

Salaping nagmumula sa buwis na binabayaran ng Sambahayan at Bahay- Kalakal

b)

Salaping nagmumula sa kita ng mga kompanya na pag-aari ng pamahalaan

c)

Salaping nagmumula sa interes ng ginawang pagpapautang ng pamahalaan

d)

Salaping nagmumula sa pagkakautang ng bansa sa mga institusyong pampinansyal

 

17.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa kompyutasyon ng GNI kapag gagamitin ang Factor Income Approach?

a)

Capital Consumption Allowance

b)

Indirect Business Tax

c)

National Income

d)

Statistical Discrepancy

18.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo sa GNP?

a)

Bahagi ng GNP ang lahat ng mga produktong ginawa sa loob ng bansa

b)

Bahagi ng GNP ang lahat ng mga produktong ginawa sa labas ng bansa

c)

Bahagi ng GNP ang lahat ng mga produktong nagawa ng mga Pilipino sa loob

 at labas ng bansa

d)

Bahagi ng GNP ang lahat ng mga produktong nagawa ng mga dayuhan sa loob at labas ng bansa

19.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa deplasyon?

a)

Pagkakaroon ng pangkalahatang pagtataas ng presyo ng halos lahat ng mga bilihin 

b)

Pagkakaroon ng labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan

c)

Pagkakaroon ng agarang pagbaba ng suplay at demand ng halos lahat ng mga bilihin

d)

Pagkakaroon ng pangkalahatang pagbagsak ng presyo ng bilihin sa pamilihan

20.

Alin sa mga sumusunod ang uri ng implasyon na naranasan sa Weimar, Germany?

a)

 Deflation

b)

Cost Push Inflation

c)

Hyperinflation

d)

Stagflation

21.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa implasyon?

a)

Ito ay ang pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin

b)

Ito ay nararanasan lamang ng mga bansang itinuturing lower income economies

c)

Ito ay nararanasan ng lahat ng mga bansa sa buong daigdig

d)

Ito ay itinuturing panukat ng katatagan ng ekonomiya ng isang bansa

22.

Nagpataw ang pamahalaan ng polisiyang proteksiyonismo upang mapangalagaan ang mga lokal na industriya

a)

Dahilan ng Implasyon

b)

Bunga ng Implasyon

c)

Solusyon ng Implasyon

d)

Wala sa nabanggit

23.

Ang Bangko ng Sentral ng Pilipinas ay nagpatupad ng tight money policy upang mabawasan ang salaping nasa sirkulasyon

a)

Dahilan ng Implasyon

b)

Bunga ng Implasyon

c)

Solusyon ng Implasyon

d)

Wala sa nabanggit

24.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatotoo sa market basket?

a)

Ito ang listahan na naglalaman ng suggested retail price na itinakda ng pamahalaan

b)

Ito ang listahan na naglalaman ng produktong ipinagbabawal ng pamahalaan

c)

Ito ang listahan na naglalaman ng mga produktong pinapatawan ng mataas na buwis

d)

Ito ang listahan na naglalaman ng pangunahing kinokonsumo sa isang ekonomiya

25.

Alin sa mga sumusunod ang ahensya ng pamahalaan na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng buwis sa mga kalakal o serbisyo sa loob ng ating bansa?

a)

Bureau of Customs

b)

Bureau of Internal Revenue

c)

Department of Budget and Management

d)

Department of Finance

26.

Alin sa mga sumusunod ang ahensya ng pamahalaan na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng buwis mula sa dayuhang mga produkto?

a)

Bureau of Customs

b)

Bureau of Internal Revenue

c)

Department of Budget and Management

d)

Answer 4

Department of Finance

27.

Bawat bansa sa iba’t-ibang panig ng daigdig ay naghahangad na makamit ang isang balanse at matatag na ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa maayos na sistema ng buwis at sa maayos na paggamit ng nalikom na pondo?

a)

Patakarang Pangkaunlaran

b)

Patakarang Piskal

c)

Patakaran ng Paggasta

d)

Patakaran ng Pananalapi

28.

Nakatanggap si Kiro ng pamanang bukirin mula sa kanyang Lola. Alin sa mga sumusunod ang buwis na ipinapataw sa kanyang namanang ektaryang bukirin?

a)

Buwis sa Ari-Arian

b)

Buwis sa Hanapbuhay

c)

Tariff Duty

d)

Value Added Tax

29.

Ang Community Tax ay maaaring kunin sa mga lokal na munisipalidad. Ang mga sumusunod ay maituturing na pamantayan para makakuha ng Cedula maliban sa?

a)

Mga mamamayan ng bansa na nasa wastong gulang 

b)

Mga mamamayang naghahanap ng hanapbuhay o trabaho

c)

Mga mamamayan na nakatira sa Pilipinas

d)

Wala sa nabanggit

30.

Si Mark ay isang inhinyero na nakatanggap ng mahigit na 50,000 na sweldo kada buwan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maaring mangyari sa buwis na kanyang binabayaran?

a)

Kapag mababa ang kanyang kita mababa ang buwis na kanyang babayaran

b)

Kapag mataas ang kita ay tumataas din ang buwis na babayaran

c)

Magbabayad siya ng karagdagang buwis dahil isa siyang propesyonal na manggagawa

d)

Walang mangyayaring pagtaas o pagbaba sa kanyang buwis na binabayaran 

31.

Si Sasha ay mula sa isang mayamang pamilya. Habang si Anna ay galing sa isang middle-class na pamilya. Kapwa sila bumili ng laptop dahil ito ay kailangan para sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Ang kanilang biniling produkto ay mayroong 12% na Value Added Tax. Anong teorya ng pagbubuwis ang nagpapaliwanag sa ganitong sitwasyon?

a)

Ability to Pay Principle

b)

Benefit Theory

c)

Equal Distribution Theory

d)

Progressive Theory

32.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa teorya ng pagbubuwis na Ability to Pay Principle?

a)

Dapat magbayad ng buwis ang mga mamamayang higit na nakikinabang dito

b)

Dapat magbayad ng buwis ang mga mamamayang hindi nakikinabang dito

c)

Dapat magbayad ng buwis ang mga mamamayan ng naaayon sa kakayahan nito

d)

Dapat magkaroon ng pantay na pamamahala sa buwis na binabayaran ng mga tao

33.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hinihingan ng sangguni ng ating pangulo sa paggawa ng pambansang badyet ng bansa?

a)

Economic Experts

b)

Economic Managers

c)

Kalihim ng Budget Management

d)

Kalihim ng Kalusugan

34.

Dumadaan sa masusing proseso ang paglikha ng pambansang badyet ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang proseso ng paglikha nito?

 

1-Maghahanda ang pangulo ng proposed budget

2-Pag-aaralan at susuriin ng kongreso ang isinumiteng budget

3-Aaprubahan ng kongreso ang budget

4-Magsusumite ang pangulo ng proposed budget

5-Pagpirma ng pangulo sa budget

a)

1-2-3-4-5

b)

2-1-3-5-4

c)

1-4-2-3-5

d)

5-3-2-4-2

35.

Alin sa mga sumusunod ang plano kung saan nakalahad ang halaga ng pondo na gagamitin ng pamahalaan sa loob ng isang taon at kung anong sektor ang higit na makikinabang dito?

a)

Pambansang Badyet

b)

Pambansang Plano

c)

Pambansang Pondo

d)

Pambansang Salapi

36.

Alin sa mga sumusunod na na pahayag ang nagpapakita ng dahilan kung bakit ginagastos ng pamahalaan ang perang nalikom nito sa iba’t-ibang mga proyekto at programa?

a)

Upang makalikom ng karagdagang pondo

b)

Upang matulungan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyo ng  mga bilihin

c)

Upang magkaroon ng kontrol ang pamahalaan sa pamilihan at magkaroon ng trabaho ang mga mamamayan

d)

Upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan at matamo ang  pag- pag-unlad ng bansa   

37.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa serbisyong panlipunan na ipinagkaloob ng pamahalaan?

a)

Mga proyektong may kinalaman sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ng bansa

b)

Mga proyektong may kinalaman sa pagpapabuti ng tugon sa Covid-19

c)

Mga proyektong may kinalaman sa pagpapabuti ng panlipunang kapakanan ng mga mamamayan

     

d)

Mga proyektong may kinalaman sa pagpapatupad ng repormang pang-agraryo

 

38.

Dito nakapaloob ang badyet ng pamahalaan hinggil sa modernisasyon ng militar at kapulisan upang maiwasan ang banta ng karahasan at terrorismo

a)

General Public Service

b)

Serbisyong Pangkabuhayan

c)

Pambayad Utang 

d)

Tanggulang Pambansa

39.

Alin sa mga sumusunod na alokasyon ng pambansang badyet kabilang ang mga programa ni Pangulong Duterte na Build, Build, Build Program?

a)

Debt Burden

b)

Defense

c)

Economic Services

d)

General Public Services

40.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa pamamahala upang sagayon mapanatiling matatag ang halaga ng salapi ng bansa?

a)

Pampublikong Pangungutang

b)

Pampublikong Kalakalan

c)

Patakaran sa Pangungutang

d)

Patakaran ng Pananalapi

41.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pangunahing layunin ng patakaran ng pananalapi ng ating bansa?

a)

Upang kontrolin ang antas ng deplasyon

b)

Upang kontrolin ang antas implasyon

c)

Upang kontrolin ang palitan ng piso kumpara sa iba pang mga dayuhang salapi

d)

Upang kontrolin ang depresasyon

42.

Si Felix ay isang empleyado ng Lungsod ng Marikina ay gustong kumuha ng calamity loan dahil sa pinsala ng Bagyong Ulysses. Sa aling institusyon siya maaaring makipag-ugnayan?

a)

Social Security Association

b)

National Home Mortgage Finance Corporation

c)

Government Service Insurance System

d)

Governmental International Fund

43.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbili at pagbebenta ng government bonds and securities?

a)

Discount Rate

b)

Interest Rate

c)

Open Market Operations

d)

Reserve Requirement

44.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Bangkong komersiyal maliban sa

a)

BDO Unibank

b)

East West Bank

c)

Bank of San Mateo Rizal

d)

Security Bank

45.

Si Mang Ernie ay isang magsasaka sa lalawigan ng Isabela. Alin sa mga sumusunod na bangko siya maaring lumapit upang magkaroon ng karagdagang puhunan ngayong panahon ng anihan?

a)

Commercial Banks

b)

Rural Bank

c)

Trust Companies

d)

World Bank