wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sektor ng Agrikultura

Total questions: 50

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

Ang terminong tumutukoy sa pagtaas ng antas ng pamumuhay?

a)

Pag-iimpok

b)

Pag-unlad

c)

Paggasta

2.

Sa anong usapin kabilang ang pag-unlad sa pamamagitan ng mga produkto, serbisyo, at trabaho?

a)

medisina

b)

ekonomiya

c)

agham

3.

Tuwing kailan pinakaproduktibo ang isang bansa?

a)

Full Exposure

b)

full employment

c)

Partial Employment

4.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

lakas paggawa

b)

economic resources

c)

kita

5.

Bakit mahalaga na palaguin ang lakas paggawa ng bansa?

a)

upang dumami ang populasyon ng bansa

b)

upang makamit ang full employment

c)

upang mapangalagaan ang economic resources ng bansa

6.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng paglago ng puhunan?

a)

pagtatayo ng bagong branch o sangay ng isang negosyo

b)

pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng bangko upang mangutang

c)

pag-upa ng puwesto sa isang mataong lugar

7.

Alin sa sumusunod ang hindi totoong pahayag?

a)

Kailangang panatilihing sustainable ang pag-unlad.

b)

Ang pag-unlad ay maaaring makamit ng anumang bansa.

c)

Mas malaki ang kita ng mga mamamayan mula sa less developed countries kaysa sa mga moderately developed countries.

8.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ang Human Development Index (HDI) ng United Nations Development Program (UNDP) ay isang kilalang pamamaraan upang masukat ang kakayahan ng isang bansa kumpara sa lahat ng mga bansa sa mundo.

B. Ang Pilipinas ay maituturing na isang moderately-developed na bansa.

a)

Tama ang A; mali ang B.

b)

Parehong tama ang A at B.

c)

Parehong mali ang A at B.

9.

Suriin ang dalawang pahayag. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng matinding pagbabago sa Pilipinas tungkol sa papel ng pamahalaan at pribadong sektor.

B. Mas maunlad ang Pilipinas ngayon kumpara noon.

a)

Tama ang B; mali ang A.

b)

Tama ang A; mali ang B.

c)

Parehong tama ang A at B.

10.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nais makamit ng Pilipinas?

a)

pagkawala ng full employment

b)

maliit na pagkakautang

c)

mababang implasyon

11.

Alin sa sumusunod ang pang-ekonomiyang palatandaan ng kaunlaran?

a)

GDP

b)

HDI

c)

NFT

12.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang estado ng kalusugan?

a)

Pag-iimpok

b)

haba ng buhay

c)

implasyon

13.

Ano ang antas ng kakayahan ng tao na makapagsulat at makapagbasa?

a)

communication rate

b)

Academic capability

c)

literacy rate

14.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

Nurse

b)

Doctor

c)

Albularyo

15.

Bakit maituturing na palatandaan ng kaunlaran ang pagkaunti ng dami ng sanggol na namamatay bago mag-isang taon?

a)

Ipinakikita nito ang moralidad ng mga tao.

b)

Ipinakikita nito ang kakayahan ng bansa na tugunan ang mga ganitong problemang pangkalusugan.

c)

Ipinakikita nito ang pagiging matalino ng mga doktor.

16.

Bakit mahalaga ang mga Overseas Filipino Workers?

a)

Nakapag-aambag sila sa ekonomiya ng bansa.

b)

Magaling sila sa kanilang trabaho.

c)

Malaki ang kanilang kinikita sa ibang bansa.

17.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagsasaayos ng kapaligiran?

a)

pagpapahinto ng mga gawain para sa sustainable development

b)

paggamit ng mga styrofoam at plastik

c)

mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa pagrerecycle

18.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ang sustainable development ay nakabubuti para sa isang bansa.

B. Ang pag-aalaga ng likas na yaman at kapaligiran ay nagagawa sa tulong ng kagawaran ng kalikasan.

a)

Parehong mali ang A at B.

b)

Parehong tama ang A at B.

c)

Tama ang B; mali ang A.

19.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Nagsisikap ang mga bansa na pababain ang kanilang crime rate.

B. Ang krimen ay matatagpuan lamang sa mga papaunlad na bansa.

a)

Parehong tama ang A at B.

b)

Tama ang B; mali ang A.

c)

Tama ang A; mali ang B.

20.

Katatapos pa lamang ni Maria sa pag-aaral. Sa kabila nito, nakahanap agad siya ng trabaho isang buwan pagkatapos niyang makapagtapos. Anong palatandaan ng kaunlaran ang ipinakita?

a)

Oportunidad sa trabaho

b)

Kaayusan ng kapaligiran

c)

Kaayusan ng edukasyon

21.

Anong sektor ang nagsusuplay ng mga palay, pineapple, at abaca na inilalabas sa bansa?

a)

Edukasyon

b)

agrikultura

c)

Pananalapi

22.

Anong sektor ang tumutugon sa mga pag-aaral upang bumuo ng pundasyon ng mga disiplina?

a)

Ekonomiya

b)

Pananalapi

c)

agham at teknolohiya

23.

Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng sektor ng paglilingkod?

a)

Transportasyon

b)

produksyon

c)

Turismo

24.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

pakikialam sa personal na isyu ng mga tao

b)

pagbabayad ng buwis

c)

pagnenegosyo

25.

Bakit kailangang bumoto nang tama?

a)

Sa maihahalal nakasalalay ang pagpapahirap sa mga manggagawa ng bansa.

b)

Sa maihahalal nakasalalay ang mga batas na maipatutupad sa bansa.

c)

Makatutulong sa personal na problema ang mga pulitiko.

26.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtangkilik sa produktong Pilipino?

a)

paggamit ng sapatos na gawa sa Marikina

b)

pagluluto ng carbonara, lasagna, at pizza

c)

pamamasyal sa Osaka at Tokyo

27.

Paano ka makalalahok sa pamamahala ng bansa?

a)

sa pag-alam ng mga current events

b)

sa pagkakaroon ng komisyon sa pamahalaan

c)

sa pamamagitan ng volunteer work

28.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng kapital o puhunan ng mga miyembro upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin.

B. Ang kooperatiba ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng bansa.

a)

Tama ang B; mali ang A

b)

Tama ang A; mali ang B.

c)

Parehong tama ang A at B.

29.

Suriin ang dalawang pahayag. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ang mga mamamayan ay mahalagang sangkap ng pambansang kaunlaran.

B. Ang mga OFW ay nakatutulong sa pamamagitan ng remittance.

a)

Tama ang B; mali ang A.

b)

Parehong mali ang A at B.

c)

Parehong tama ang A at B.

30.

Paano mailalarawan ang estado ng kaunlaran ng Pilipinas gamit ang sitwasyon ng mga OFW?

a)

Dapat ay tugunan ng pribadong sektor sa bansa ang mga pangangailangang pangkabuhayan ng mga Pilipino.

b)

Kailangan ng mas organisado at maayos na mga patakarang pangkabuhayan sa bansa.

c)

Ang pamahalaan ay hindi nakatuon sa pagpapaunlad ng mga patakarang pangkabuhayan sapagkat isa itong maliit na problema ng bansa.

31.

Anong sektor ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap o materyales?

a)

Industryiya

b)

Agrikultura

c)

Teknolohiya

32.

Anong bahagi ng sektor ng agrikultura ang tumutukoy sa pangangalaga ng mga kalabaw, baka, at manok?

a)

paghahayupan

b)

pagmimina

c)

pangingisda

33.

Anong bahagi ng sektor ng agrikultura ang tumutukoy sa pagtatanim ng iba’t ibang halaman?

a)

pagmimina

b)

pangingisda

c)

pagsasaka

34.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

pagkukumpuni

b)

pagsasaka

c)

pagmimina

35.

Bakit mahalaga na bigyang-pansin ang mga maliliit na industriyang pang-agrikultura ng bansa?

a)

May sapat na pondo ang mga industriyang ito upang buhayin ang agrikultura ng bansa.

b)

Katuwang ito ng pamahalaan sa pagsasaayos ng sistemang agrikultural ng bansa.

c)

Ang pangulo ng bansa ang siyang namumuno sa industriyang ito.

36.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya?

a)

Nagkaroon ng malawakang tagtuyot sa mga sakahan ng bansa.

b)

Dumami ang trabaho sa Pilipinas nang gamitin ng bansa ang mga lupain nito bilang sakahan.

c)

Tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso.

37.

Alin sa sumusunod ang hindi totoong pahayag?

a)

Walang pagkakaugnay ang sektor ng industriya at sektor ng agrikultura.

b)

Halos lahat ng bansa sa mundo ay mayroong sektor ng agrikultura.

c)

Nakaaapekto ang sektor ng agrikultura sa GDP ng isang bansa.

38.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ang Kagawaran ng Agrikultura ay nabuo noong 1899 matapos iproklama ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa.

B. Nagbibigay-tuon ang Kagawaran ng Agrikultura sa dalawang pangunahing layuning agrikultural.

a)

Parehong mali ang A at B.

b)

Tama ang A; mali ang B.

c)

Tama ang B; mali ang A.

39.

Suriin ang dalawang pahayag. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ang mga pangunahing produkto na makukuha mula sa paggugubat ay ang troso, plywood, at veneer.

B. Minimina lamang sa Pilipinas ang mga metal na yamang mineral.

a)

Parehong mali ang A at B.

b)

Parehong tama ang A at B.

c)

Tama ang A; mali ang B.

40.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nais makamit ng Kagawaran ng Agrikultura?

a)

pag-iwas sa mga mamumuhunan

b)

sapat na suplay ng pagkain

c)

kawalan ng kahirapan

41.

Alin sa sumusunod na samahan ang binuo ng United Nations upang tugunan ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura?

a)

World Bank

b)

Food and Agriculture Organization

c)

WHO

42.

Alin sa sumusunod ang kasalungat ng rural na pamumuhay?

a)

urbanisasyon

b)

panahanan

c)

Implasyon

43.

Ano ang nagdudulot ng mga natural na suliranin?

a)

natural na kalamidad

b)

pagtaas ng kita ng mga magsasaka

c)

magandang kalikasan

44.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

gawain ng tao

b)

halaga ng kita

c)

mga patakarang maykroekonomiko

45.

Bakit mahalaga ang urbanisasyon sa sektor ng agrikultura?

a)

Maraming tao ang nagnanais manirahan sa isang urbanisadong lugar.

b)

Mapalalago nito ang kakayahan ng sektor.

c)

Binibigyang-halaga nito ang mga karapatan ng mga maliliit na magsasaka.

46.

Paano tinutugunan ng bansa ang mga problemang may kinalaman sa mga likas na yaman?

a)

Nagkakaroon ng mga limitasyon para sa mga tao.

b)

Nagiging bukas para sa ibang bansa ang mga estado.

c)

Hindi maaaring galawin o pakialaman ang anumang likas na yaman ng bansa.

47.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng suliraning dulot ng tao?

a)

Inaayos ni Lucas ang mga basura ng kanilang pamilya nang wasto.

b)

Palaging nagkakalat at nagsisiga si Diana.

c)

Nagtatanim ng mga halaman si Menchi.

48.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Ayon sa mga pag-aaral, upang tugunan ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura, kailangang magkaroon ang mga estado ng isang moderno at industriyalisadong sistemang agrikultural.

B. Halimbawa ng mga modernong kagamitang agrikultural ang high yielding seed varieties, fertilizers, mechanization, at water management.

a)

Parehong tama ang A at B.

b)

Parehong mali ang A at B.

c)

Tama ang A; mali ang B.

49.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

A. Dahil sa mas maraming oportunidad na makukuha mula sa iba pang sektor ng bansa, mas pinipili ng mga mamamayan na lumayo sa sektor ng agrikultura.

B. Nangunguna sa modernisasyon ang sektor ng agrikultura.

a)

Parehong mali ang A at B.

b)

Tama ang B; mali ang A.

c)

Tama ang A; mali ang B.

50.

Malaki ang buwis na sinisingil para sa pagluluwas ng mga golden crops ng Pilipinas. Anong suliranin ang ipinahahayag nito?

a)

natural na suliranin

b)

patakarang piskal at pakikipagkalakalan

c)

halaga ng kita