wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ONLINE QUIZZ-AP

Total questions: 50

Worksheet time: 55mins

Name
Class
Date
1.
Ano ang tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nasa basket of goods?
a)
Implasyon
b)
Stagflation
c)
Depresyon
d)
Recession
2.
Ano ang pangunahing tungkulin ng Bangko Sentral ng Pilipinas?
a)
Mapasigla ang matamlay na ekonomiya
b)
Mapababa ang presyo ng mga bilihin
c)
Mapataas ang interes sa pagpapautang
d)
Mapabagal ang pag-unlad ng ekonomiya
3.
Ano ang layunin ng Expansionary Fiscal Policy?
a)
Mapasigla ang matamlay na ekonomiya
b)
Mapababa ang presyo ng mga bilihin
c)
Mapataas ang interes sa pagpapautang
d)
Mapabagal ang pag-unlad ng ekonomiya
4.
Ano ang layunin ng Philippine Deposit Insurance Corporation?
a)
Magtala ng mga negosyo sa seguro
b)
Magbigay ng proteksiyon sa mga deposito
c)
Magpatupad ng patakarang piskal
d)
Magrehisto ng mga kompanya
5.
Sino ang nagmamay-ari ng salik ng produksyon tulad ng kapital, lupa at pagnenegosyo?
a)
Pamahalaan
b)
Pamilihan ng mga produkto at serbisyo
c)
Sambahayan
d)
Bahay-kalakal (Factory)
6.
Ano ang kahulugan ng GDP sa ekonomiya?
a)
Ito ang Gross Domestic Price na tumutukoy sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa.
b)
Ito ang Gross Domestic Production na tumutukoy sa dami ng mga produkto na ginawa sa isang bansa.
c)
Ito ang Gross Domestic Product na tumutukoy sa halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa isang taon.
d)
Ito ang Gross Domestic Profit na tumutukoy sa kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
7.
Saan tumutugon ang panlabas na sektor sa ekonomiya?
a)
Sa pag-unlad ng ekonomiya sa loob ng bansa
b)
Sa pagbili at paggasta ng mga produkto o serbisyo ng sambahayan
c)
Sa paggastos at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo
d)
Sa ugnayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-aangkat o pagluwas ng produkto.
8.
Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa ekonomiya?
a)
Magiging mas mahal ang presyo ng mga produkto at serbisyo
b)
Magkakaroon ng mas maraming trabaho sa sektor ng langis.
c)
Magiging mas mura ang transportasyon at pagbyahe.
d)
Magiging mas mura ang pag-import ng langis mula sa ibang bansa.
9.
Ano ang kahalagahan ng stock market sa ekonomiya?
a)
Isang paraan ito para mapanatili ang presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa.
b)
Nagbibigay ito ng oportunidad sa mga tao na mamuhunan at kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta ng mga shares ng kumpanya.
c)
Isang paraan ito para mapalago ang halaga ng pera sa pamamagitan ng pag-iinvest sa mga kumpanya.
d)
Nagbibigay ito ng libreng pagkain sa mga nangangailangan sa lipunan.
10.
Ano ang kahulugan ng GNP sa ekonomiya?
a)
Ito ang Gross National Production na tumutukoy sa dami ng mga produkto na ginawa ng mga mamamayan ng bansa sa isang taon.
b)
Ito ang Gross National Profit na tumutukoy sa kita ng mga negosyo sa loob ng bansa sa isang taon.
c)
Ito ang Gross National Price na tumutukoy sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa buong mundo.
d)
Ito ang Gross National Product na tumutukoy sa halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na ginawa ng mga mamamayan ng bansa, kahit sa labas ng bansa, sa isang taon.
11.
Ano ang papel ng pamahalaan sa ekonomiya?
a)
Nagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtatakda ng patakaran at regulasyon.
b)
Nagluluto ng pagkain para sa mga mamamayan.
c)
Nag-aalaga ng hayop sa bukid.
d)
Nagbebenta ng mga produkto sa merkado.
12.
Paano nakakaapekto ang pagtaas ng interes sa pautang sa ekonomiya?
a)
Magiging mas mura ang pautang at mas madali para sa mga negosyo na mag-expand.
b)
Magkakaroon ng mas maraming trabaho sa sektor ng pautang.
c)
Magiging mas mahirap para sa mga tao na makakuha ng pautang para sa bahay o negosyo.
d)
Magdudulot ito ng pagbaba ng halaga ng pera sa merkado.
13.
Ano ang epekto ng pagbaba ng halaga ng pera sa ekonomiya?
a)
Magkakaroon ng mas maraming trabaho sa sektor ng pautang.
b)
Magdudulot ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
c)
Magiging mas mura ang pautang at mas madali para sa mga negosyo na mag-expand.
d)
Magiging mas mahirap para sa mga tao na makakuha ng pautang para sa bahay o negosyo.
14.
Sino-sino ang mga kasali sa pagdaloy ng ekonomiya?
a)
Mga artista, mga atleta, mga musikero
b)
Mga guro, mga mag-aaral, mga magulang
c)
Pamahalaan, Pamilihang Pinansyal, Sambahayan, Bahay-kalakal
d)
Mga doktor, mga nurse, mga pharmacist
15.
Ano ang pangalawang modelo ng daloy ng ekonomiya?
a)
Dito na pumapasok ang pamahalaan.
b)
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
c)
Dito pumapasok ang investment o pamumunuhan sa banko o pamilihang pinansyal.
d)
Binubuo ito ng sambahayan at bahay-kalakal.
16.
Si Mrs. Park ay isang Koreana na nagtatrabaho sa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinikita kung siya ay nagtatrabaho dito sa Pilipinas subalit siya ay isang Koreana?
a)
Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil mamamayan siya nito
b)
Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
c)
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
d)
Sa Gross Domestic Product ng Korea at Pilipinas dahil dito `nagmula ang kaniyang kinikita
17.
Si Cha Eun Woo ay isang koreano na may negosyo sa Vietnam. Alin ang TAMA sa mga sumusunod na pahayag?
a)
Kasali sa GDP ng Korea ang kanyang kita.
b)
Kasali sa GNP ng Vietnam ang kanyang kita dahil doon ito ginawa.
c)
Kasali sa GDP at GNP ng Vietnam ang kanyang kita sa negosyo dahil doon ito matatagpuan.
d)
Kasali sa GNP ng Korea ang kanyang kita dahil mamayan siya ng Korea.
18.
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto
a)
Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income (GNI) nito.
b)
Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI
c)
Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI
d)
Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI
19.
Si Paulo ay bumili ng ng isang kilong isda sa kasalukuyan sa halagang Php 100.00 . Kung 3% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, magkano na ang halaga ng isang kilong isda sa susunod na buwan?
a)
Php 103.00
b)
Php 206.00
c)
Php 205.00
d)
Php 216.00
20.
Piliin sa pangungusap ang TAMA.
a)
Mataas ang halaga ng piso kung may implasyon
b)
Mababa ang halaga ng piso kung may implasyon.
c)
Hindi naapektuhan ang halaga ng piso kahit may implasyon.
d)
Tumataas o bumababa ang halaga ng piso kung ang implasyon ay demand-pull o cost-push.
21.
Anong uri ng implasyon ito kung saan tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo?
a)
Petron Hike
b)
Petrodollars
c)
Import-induced
d)
Demand-pull
22.
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil kulang ang supply dahil sa hoarding?
a)
Demand-pull Inflation
b)
Cost-push Inflation
c)
Profit-push inflation
d)
Currency Inflation
23.
Ito ang pinakamataas na naabot ng ating ekonomiya kung saan mababa ang antas ng walang trabaho at maganda ang takbo ng pamumuhay ng mga tao?
a)
Economic Boom
b)
Economic Zoom
c)
Stagflation
d)
Reflation
24.
Tumaas ang presyo ng tinapay dahil tumaas din ang mga gamit sa paggawa ng tinapay tulad ng harina, itlog, asukal, yeast at iba pa. Anong uri ng implasyon ito?
a)
Demand-pull
b)
Cost-push
c)
Profit-push
d)
Currency
25.
Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga sumusunod maliban sa ___?
a)
Nagpapautang
b)
Tiyak na kita
c)
Di-tiyak na kita
d)
Investor
26.
Ilan ang Price Index ng taong 2021 kung gawing basehang taon ang 2018? (see attached picture)
a)
103
b)
113
c)
123
d)
133
27.
Ilan ang Price Index ng taong 2022 kung gawing basehang taon ang 2018? (see attached picture)
a)
147
b)
155
c)
149
d)
135
28.
Ilan ang Constant/Real GNI ng taong 2022 kung gawing basehang taon ang 2018? (see attached picture)
a)
P 156, 656.00
b)
P 149, 660.00
c)
P 135, 566.00
d)
P 123, 455.00
29.
llan ang growth rate ng taong 2020 gamit ang Current/Nominal GNI? (see attached picture)
a)
6.55%
b)
8.57%
c)
8.63%
d)
9.56%
30.
llan ang price index ng taong 2020 gamit ang 2018 bilng batayang taon? (see attached picture)
a)
127
b)
129
c)
135
d)
132
31.
Sino ang nagdisenyo ng daloy ng ekonomiya?
a)
Francis Magalona
b)
Francois Quensay
c)
Francisco Balagtas
d)
Franco Quevas
32.
Ano ang kapalit ng paggawa, lupa at capital na binibigay ng sambahayan sa bahay-kalakal?
a)
Utang, interes at tubo
b)
Sahod, upa at kita
c)
Interes, gastos at buwis
d)
Tubo, renta at buwis
33.
Si Manuel ay bumili ng loptop sa halagang P 23,000.00 ngunit pagkatapos ng dalawang taon ay bumaba ang halaga nito at naibenta niya lamang sa halagang P 19, 500.00 dahil kalumaan nito, magkano ang halaga ng depresasyon nito?
a)
P 2,000.00
b)
P 3,500.00
c)
P 3,000.00
d)
P 2,500.00
34.
Magkano ang gastos ng panlabas na sektor?
a)
P 300,000.00
b)
P 250,000.00
c)
P 200,000.00
d)
P 100,000.00
35.
Magkano ang Net Factor Income from Abroad?
a)
P 300,000.00
b)
P 250,000.00
c)
P 150,000.00
d)
P 125,000.00
36.
Magkano ang Gross Domentic Product?
a)
P 800,000.00
b)
P 700,000.00
c)
P 900,000.00
d)
P 950,000.00
37.
Magkano ang Gross National Income?
a)
P 800,000.00
b)
P 1,000,000.00
c)
P 900,000.00
d)
P 1,050,000.00
38.
Ilan ang purchasing power of peso ng taong 2018?
a)
57%
b)
67%
c)
37%
d)
87%
39.
Ilan ang inflation rate ng taong 2017?
a)
60%
b)
50%
c)
40%
d)
30%
40.
Ilan ang price index ng taong 2016?
a)
100
b)
90
c)
80
d)
70
41.
Ang sumusunod ay gawain ng pamahalaan tuwing ipinapatupad ang expansionary fiscal policy MALIBAN sa_____.
a)
Tinataasan ang buwis
b)
Nagdaragdag ng gastos
c)
Nagdaragdag ng manggagawa
d)
Binababaan ang buwis
42.
Alin sa mga sumusunod ang gawain ng pamahalaan tuwing ipinapatupad ang contractionary fiscal policy?
a)
Nagdadagdag ng gastos ang pamahalaan
b)
Nagbabawas ng gastos ang pamahalaan
c)
Binababaan ang buwis na ipinapataw sa mga may negosyo
d)
Bumubili ng maraming kalakal ang pamahaalan para lumaki ang produksyon.
43.
Magkano ang pinakamataas na halaga ng deposito sa bangko na nakainsured sa Philippine Deposit Insurance Corporation?
a)
P 300,000.00
b)
P 200,000.00
c)
P 450,000.00
d)
P 500,000.00
44.
Tinataasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest ng pautang para mabawasan ang mga namumuhanan, anong patakaran ito?
a)
Contractionary fiscal policy
b)
Expansionary money policy
c)
Expansionary fiscal policy
d)
Contractionary money policy
45.
Bakit binabawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interes ng pautang pag ipinapatupad ang Expansionary Money Policy?
a)
Para konti lang ang mamuhunan
b)
Para bumaba ang demand ng bansa
c)
Para makalikha ng maraming trabaho
d)
Para bumaba ang paggasta ng bansa
46.
Anu-ano ang mga bumubuo sa sektor ng pananalapi?
a)
Banko, Di-Banko at Regulators
b)
SSS, GSIS at PAG-IBIG
c)
Commercial Bank, Thrift Bank at Rural Bank
d)
BSP, PDIC at SEC
47.
Ito ay sistemang pinapairal ng BSP upang makontrol ang sirkulasyon ng pera sa bansa?
a)
Expansionary Fiscal Policy
b)
Patakarang Pananalapi
c)
Contractionary Fiscal Policy
d)
Patakarang Piskal
48.
Tinataasan ng pamahalaan ang buwis ng mamamayan pag ipinapatupad ang Contractionary Fiscal Policy.
a)
TAMA
b)
MALI
49.
Tinataasan ng BSP ang interes ng pautang pag ipinapatupad ang Contractionary Money Policy.
a)
TAMA
b)
MALI
50.
Isa sa halimbawa ng pension funds ang PHILHEALTH.
a)
TAMA
b)
MALI