WorksheetsESP 3Q mastery Platinum
Total questions: 46
Worksheet time: 1hrs 24mins
Section:
Name: Last name, First name, Middle initial
Kung ikaw ay may katangian tulad ni Thomas Edison, ano ang iyong gagawin upang magbunga ng tagumpay ang iyong kasipagan?
Ipapasa-Diyos na lamang ang mga pagsubok at balakid.
Magpatuloy lamang sapagkat maaring makapagbigay ito sa iyo ng masagana at magandang buhay.
Panghinaan ng loob dahil sa pagsubok.
Sumuko sa hamon ng buhay sa pagkamit ng mithiin.
Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?
Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.
Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn.
Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.
Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng ginawa.
Ayon kay Francisco Colayco, 'kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na isang obligasyon'. Ito ay nangangahulugang…
Opsiyonal lamang ang pag-iimpok.
Gawing tradisyon ang pag-iimpok.
Kailangang may determinasyon sa pag-iimpok.
Tungkulin ng bawat isa ang mag-impok.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
Mapabibilis ang paggawa.
Magkakaroon ng sense of achievement.
Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.
Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti o dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?
materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
personal na kaligayahan na makukuha mula dito
pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
kaloob at kagustuhan ng Diyos
Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala kay Mang Rene?
Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa.
Oo, sapagkat ibibigay ng isang kompanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang nararapat bigyan o gawaran nito.
Hindi, ibinigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.
Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng 'softdrinks in can' ang proyektong 'Ang latang naitabi mo, tulong sa kapwa mo'. Ang mga nalikom na lata ng softdrinks ay iri-recycle sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong produkto na maaaring ipagbili upang makalikom ng pera na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto, alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao.
B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao.
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao.
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos.
Alin ang isang patunay na may tungkulin ang bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan?
Anuman ang mangyari sa iba ay may epekto sa ating lahat na kabilang sa lipunan.
Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay nasasaad sa batas na umiiral sa lipunan.
Bilang isang mapanagutang indibiduwal, ang pagtulong sa kapwa ay tungkulin na hindi natin maitatanggi.
Sa anumang pagkakataon nararapat na tayo ay tumulong sa mga nangangailangan.
Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
Ipagpasa-Diyos nalang ang mga itinakdang mithiin
Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin.
Ano ang katarungan?
Paggalang sa sarili.
Pagsunod sa batas.
Pagtrato sa tao bilang kapuwa.
Lahat ng nabanggit
Nangangailangan ng _____________, maingat na pagpaplano, at patuloy na pagtutulak ng sarili upang makaahon tayo sa nakasanayan nating ugali na hindi paggawa ng gawain sa tamang oras.
determinasyon
kasipagan
pagpupunyagi
paglaan ng oras
Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa maliban sa _________.
Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.
Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa.
Anong bahagi o sangay ng lipunan ang may pananagutan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan?
Simbahan
Pamahalaan
Pamilya
Paaralan
Saan nagsisimula ang katarungang panlipunan?
Diyos
Lipunan
Pamahalaan
Sarili
Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang aspeto?
A. Pamamahala ng oras
B. Nagagawa ang lahat ng gawaing bahay
C. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan
D. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paraan ng pagtitipid?
Sa tuwing nanonood ng teleserye si Rosa, inoorasan niya ang paggamit ng TV.
Si Teresa ay gumagamit ng baso sa tuwing siya ay nagsisipilyo.
Nagtatabi ng pera si Mario para pambili ng imported na laruan na gusto niya.
Naglo-load lamang si Pilar sa cellphone tuwing may kailangang magonline sa klase at magsasaliksik ng aralin sa internet
Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
Kahinahunan
Kakayahan
Katamaran
Kaganapan
Ngayong panahon ng pandemya, maraming naging biktima ng sakit ng COVID-19 dulot sa hindi pagsunod sa health protocols. Gayunpaman naging matatag ang samahan ng bawat isa sa pamilya at pamayanan. Naipadama ang pagmamalasakit at paggalang sa bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipanatutupad ng DOH at AITF. Aling mga pagpapahalaga ang naipamalas ng mga mamamayan sa sa lipunan sa nasabing sitwasyon?
Pagkakaisa, Katotohanan at Pagmamahal
Pagmamahal, Sipag at Kapayapaan
Paggalang sa Dignidad, Ti
Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anomang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya.
Tunay na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa magandang kinabukasan at magbubunga ng maraming biyaya.
Sinisiguro na magiging maayos ang kalabasan ng kaniyang gawain at ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan, lakas, at panahon upang matapos nang buong husay.
Gaano man ang iyong pagdaraan na hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong gawing mabuti sapagkat darating ang araw na malalasap mo ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito.
Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan?
Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya
Pagpapautang ng 5 - 6
Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapuwa naghahanap-buhay
Pakikisabwat sa planong pagnanakaw
Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng birtud na ito?
Magtipid upang guminhawa ang sariling buhay.
Ito ay nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana.
Kapag ang tao'y marunong magtipid, marunong din siyang magbigay lalong-lalo na sa mga nangangailangan.
Gamitin ang birtud na ito upang higit na makapagbigay sa iba.
Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
a. Pagreretiro
b. Mga hangarin sa buhay
c. Maging inspirasyon sa buhay
d. Proteksyon sa buhay
Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?
Ikulong ang lumabag sa batas.
Patawarin ang humingi ng tawad
Sumunod sa tamang proseso
Bigyan ng limos ang namamalimos
Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatarungan?
Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakatutupad sa mga kakailanganin sa klase.
Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga.
Ang pagbibigay ng limos sa isang pulubi.
Ang paghuli sa mga magnanakaw.
Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
Lahat ng nabanggit
Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
Kasipagan
Katatagan
Pagsisikap
Pagpupunyagi
Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
Pakikisalamuha sa kapwa
Paglilingkod sa karapatan ng naaapi
Pakikipagtulongan sa mga mayayaman at mga mahihirap
Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan
Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng inumin ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba't ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan.
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan.
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
Alin sa mga sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
Binisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral..
Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
Bakit kailangan ng mga batas?
Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
Upang parusahan ang mga nagkakamali.
Lahat ng nabanggit.
Ano ano ang nakapaloob sa katarungang panlipunan?
Batas, kapuwa, sarili
Diyos, pamahalaan, komunidad
Baril, kapangyarihan, rehas
Batas, konsensiya, parusa
Ang mga sumusunod ay panukalang makatarungan MALIBAN sa:
Mata sa mata, ngipin sa ngipin.
Kunin mo lamang ang kailangan mo.
Walang sala hangga't hindi napapatunayang nagkasala.
Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.
Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuoan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?
A. Gumawa ng produkto o gawain para sa tao at sa Diyos.
B. Gumawa ng produkto o gawain na pagkakakitaan.
C. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa.
D. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan.
Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang tao?
Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pagaaral.
Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketbol.
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
Nagkakaroon ng "Feeding Program" ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
Si Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor, ang siyang nakaimbento ng electric light bulb. Bago niya ito natapos, dumaan siya sa maraming pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali ngunit hindi siya tumigil bagkus nagpatuloy pa siya ng husto hanggang sa nakuha niya ng tama ang kaniyang imbensiyon. Siya ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ___
Hangarin sa buhay
Kakayahan sa paggawa
Determinasyon
Kaganapan sa buhay
Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang aksyon?
Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aal na hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
Ang pagkulong sa mga nahuling kargador ng droga.
Ang pagsang-ayon sa maling pasya ng kaibigan
Ang sumusunod ay mga kalakip ng magpupunyagi maliban sa…
Kasipagan at Determinasyon
Pagtitiyaga
Pagtitiis
Pagkabatugan
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
May Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan, maliban sa:
Hindi umiiwas sa anomang gawain.
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
Binibigay ang buong oras sa kanyang gawain.
Ang sumusunod ay mga magandang dulot ng pagtatakda ng mithiin maliban sa…
Makagagawa ka ng mahusay na plano para maisakatuparan ang iyong mithiin sa buhay.
Natutukoy ang mga balakid upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga ito.
Hahaba ang panahon sa paggamit ng oras sa mga gawain.
Magiging inspirasyon ito upang magsikap kang matupad ang itinakdang mithiin.
Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay resulta ng katamaran maliban sa:
Ito ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
Ito ay magdadala ng kasaganahan sa iyong buhay.
Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang pagiging masipag lalo na sa panahon ng pandemiya?
Paglalaan ng panahon sa mga utos ng iyong nanay at tatay.
Pamamahala ng oras sa pagsagot ng modyul, sa online na klase at sa mga gawaing bahay.
Paggastos ng pera para sa mga mahahalagang bagay.
Pagpapanatili ng kalinisan at pagsunod sa mga patakarang isinasaad ng pamahalaan upang maging ligtas.
