NEW
Font size
WorksheetsAP 9 (Q1) PERIODICAL EXAM
Total questions: 50
Worksheet time: 38mins
Sina Rosie at Mario ay parehong empleyado sa isang pribadong kumpanya. Mayroon silang dalawang anak, sina Daisy at Paolo. Nang makaipon ng sapat na pera, bumili sila ng bahay na may tatlong silid at sapat na espasyo para makagalaw nang maayos at komportable sa kanilang bahay. Ito ay halimbawa ng ano?
Ito ay isang kagustuhan dahil bumili sila ng bahay na may tig-iisang kuwarto.
Ito ay isang pangangailangan dahil sapat lamang ang laki ng bahay para maging komportable ang buong pamilya sa loob ng kanilang bahay.
Tumaas ang presyo ng bawang sa loob ng ilang linggo dahil sa kaunting suplay nito sa mga pamilihan. Anong konsepto ang ipinakikita ng sitwasyong ito?
kakulangan
kakapusan
produkto
serbisyo
Ano ang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan?
pagkaubos ng pinagkukunang-yaman
pagbaba ng suplay
hoarding
pagdami ng suplay
Ano ang tawag sa pagkawala ng malinis na tubig na maiinom sa mga bansa sa Aprika at Gitnang Silangan?
kakulangan
kakapusan
produkto
likas na yaman
Alin sa sumusunod ang nangyayari dahil may kakapusan?
Karangyaan
Kaunlaran
Kalayaan
kompetisyon
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan?
Ang kakapusan ay dulot ng tiyak na sitwasyon o pangangailangan sa merkado habang ang kakulangan ay dulot ng limitasyon ng pinagkukunang yaman.
Ang kakapusan ay dulot sa pagnanais ng merkado na baguhin ang antas ng produksyon habang ang kakulangan ay dulot ng iniatas ng pamahalaan.
Ang kakapusan ang pagbabago ng pamahalaan at merkado habang ang kakulangan ay dulot ng pagkaunti ng kabundukan at kagubatan.
Ang kakapusan ay dulot ng limitasyon ng pinagkukunang yaman habang kakulangan ay dulot ng tiyak na sitwasyon o pangangailangan sa merkado.
Ano ang uri ng kakapusan na nangyayari dahil hindi pantay-pantay ang pagkakataon ng mga tao na makuha ang mga pinagkukunang-yaman?
Supply-induced
Demand-induced
Economical
Structural
Ano ang tawag sa pagkakaroon ng limitadong dami ng pinagkukunang yaman para sa paggawa ng produkto na hindi sapat para matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng tao?
kakulangan
kahulugan
kakayahan
kasanayan
Ano ang tawag sa pansamantalang pagkaubos ng pinagkukunang yaman o produkto?
kakapusan
ekonomiya
demand
kakulangan
Ano ang tawag sa permanenteng pagkaubos ng pinagkukunang yaman?
kakapusan
kakulangan
produkto
supply
Alin sa sumusunod ang nangyayari dahil may kakapusan?
Karangyaan
Kaunlaran
Kalayaan
kompetisyon
Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng kakapusan?
Pagmahal ng presyo ng sapatos
Paggamit ng solar panel
Pagkawala ng kuryente dahil sa bagyo
Pagkaubos ng puno sa kagubatan
Ano ang isa sa mga dahilan kung bakit nauubos ang yamang tao?
Kahirapan
Katamaran
Kawalang ng kagustuhang magtrabaho
Hindi magandang kalusugan
Ito ay palatandaan ng kakapusan dahil mas maraming tao ang nasa edad na nangangailangan ng suporta kaysa sa mga nagtatrabaho.
Brain-drain
Extinction
Life expectancy
Age dependency ratio
Ano ang tawag sa pagbili ng produkto mula sa ibang bansa para matugunan ang kakapusan ng isang bansa?
pagbili
pag-prodyus
pag-export
pag-aangkat
Ang kakulangan ay mararanasan kapag isa o dalawang palatandaan ng kakapusan lamang ang nararanasan ng isang bansa?
Tama
Mali
Kakapusan ang nararanasan kapag ang lahat ng palatandaan ng kakapusan ay nangyayari sa isang bansa?
Tama
Mali
Ano ang ipinakikitang palatandaan kapag mahaba na ang pila ng mga mamimili sa isang tindahan?
Wala nang mabiling produkto sa pamilihan.
Mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nag-aangkat na ng produkto mula sa ibang bansa.
Marami na ang nagugutom at namamatay.
Ano ang maaaring maging epekto kapag nagsimula nang mag-angkat ng produkto ang isang bansa dahil sa kakapusan?
Tataas ang presyo ng produktong inaangkat.
Mabilis na mabibili at mauubos ang produkto sa pamilihan.
Bababa ang presyo ng produkto.
Mas marami ang bibili ng produkto
Ano ang epekto kapag patuloy na tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin?
Mahirap na itong bilihin ng mga pangkaraniwang tao.
Dadami ang bibili ng produkto.
Magsasaya ang mga tao.
Hahaba ang pila sa mga pamilihan
Ano ang epekto kapag naubos na ang suplay ng produkto sa mga pamilihan?
Tataas ang presyo ng produktong naubos.
Magdiriwang ang mga mamamayan.
Magsasaya ang mga tao.
Maghanap ng paraan
Alin sa sumusunod ang maaaring gawin upang malabanan ang kakapusan sa likas na yaman?
Paggamit ng solar panels bilang suplay ng kuryente
Pagbili ng organic na prutas
Paglilinis ng bahay
Pagturo ng mga bata sa lansangan
Alin sa sumusunod ang kailangang paunlarin upang malabanan ang kakapusan sa yamang tao?
Edukasyon
Hukbong sandatahan
Impraestruktura
Agrikultura
Ano ang magagawa ng pamahalaan upang matugunan ang kapusan?
Gumawa ng mga batas at polisiya
Maghanap ng mga matatalinong tao na siyang lulutas sa suliranin
Mag-angkat sa ibang bansa
Magkaroon ng ugnayan at usapan sa ibang bansa upang tayo ay mapautang
Ano ang kaugnayan ng pagkakaroon ng wastong alokasyon ng mga likas na yaman sa pagkakaroon ng kakapusan?
Ito ay solusyon sa pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay epekto ng pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay dahilan sa pagkakaroon ng kakapusan
Ito ay likas na yaman na nakatutulong sa pagkakaroon ng kakapusan
Ano ang kaugnayan ng kahirapan sa pagkakaroon ng kakapusan?
Ito ay epekto ng pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay dahilan sa pagkakaroon ng kakapusan.
Ito ay solusyon sa kakapusan
Ito ay likas na yaman na nakatutulong sa pagkawala ng kakapusan.
Ang lumalaking populasyon ng Pilipinas ay isang suliranin. Ano ang maaaring gawin para mapigilan ito?
Bigyan ng kabuhayang mapagkakaabalahan ang mga mamamayan.
Bigyan ng libreng sakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga mamamayan.
Bigyan ng makakain ang mga mamamayan.
Bigyan ng libreng edukasyon
Ano ang isang paraan para mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?
Iulat sa awtoridad ang mga mangingisdang gumagamit ng dinamita.
Iulat ang mga taong nagtatanim ng puno sa mga kalbong bahagi ng kabundukan.
Suportahan ang pagtatayo ng mga subdibisyon sa mga pinatag na bahagi ng bundok.
Makiisa sa pagsulong ng urbanisasyon sa isang umuunlad na bayan.
Ang pagbabago ng panahon o climate change ay isa sa mga dahilan ng kakapusan. Ano ang dapat gawin para malabanan ito?
Alamin ang mga paraan para sa adaptation at mitigation ng climate change.
Magpagawa ng maraming sea wall upang hindi mapinsala ng storm surge ang mga pamayanang malapit sa dalampasigan.
Iwasan ang madalas na paglabas ng bahay para maiwasan ang labis na init ng panahon.
Uminom ng maraming tubig araw-araw
Paano makatitiyak na wasto ang paggamit ng mga likas na yaman ng bansa?
May regulasyon ang pamahalaan sa dalas ng paggamit at dami ng ginagamit na likas na yaman ng bansa.
Hinahayaan ng pamahalaan ang mga negosyante na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa kahit kailan nila gusto.
Binibigyan ng pamahalaan ang mga negosyante ng kalayaang kuhanin ang mga likas na yaman ng bansa kahit gaano pa ito karami.
Iniuulat sa pamahalaan ang dami ng likas na yaman na ginagamit sa bansa.
Paano masasabi na may tamang alokasyon ang mga likas na yaman ng bansa?
Ang produktong ginagawa ay sapat, may tamang presyo, at napapanahon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang produktong ginagawa ay napakarami at napakababa ng presyo ngunit hindi nabibili sa pamilihan.
Ang produktong ginagawa ay kaunti lamang, mataas ang presyo, at madaling maubos sa pamilihan.
Ang produktong ginagawa ay batay sa pangangailangan noong nakaraang taon, batay sa demand ang presyo, at natatambak lamang sa pamilihan.
Ano ang tawag sa mga bagay na hindi kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay ngunit gustong makamit ng tao upang makaramdam ng kasiyahan?
kagustuhan
pangangailangan
Ang damit, pagkain, at tirahan ay mga halimbawa ng ano?
kagustuhan
pangangailangan
Ang play station ay isang halimbawa ng ano?
kagustuhan
pangangailangan
Ano ang tawag sa mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay?
kagustuhan
pangangailangan
Anong uri ng pagkain ang dapat makamit ng isang tao?
marami at matamis
sapat at masustansiya
May _______ na damit para sa bawat panahon at okasyon.
malinis
angkop
Ang tahanan ay dapat na _______ at matibay upang mabigyan ng proteksiyon mula sa init ng araw at malakas na ulan ang mga naninirahan dito.
makulay
matatag
Alin ang pangungusap ang totoo?
Lahat ng tao ay may magkakaparehong kagustuhan ngunit magkakaibang pangangailangan.
Lahat ng tao ay may magkakaparehong pangangailangan ngunit magkakaibang kagustuhan.
Si Marina ay isang guro samantalang isang inhinyero naman ang asawa niyang si Ronald. Isang araw, kumain sila sa isang mamahaling restawrant para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang nag-iisang anak na si Andrew. Ito ay halimbawa ng ano?
Ito ay isang pangangailangan dahil kailangan ng pamilya ni Marina ng pagkain.
Ito ay isang kagustuhan dahil higit pa sa kailangan nilang pagkain ang kinonsumo nila Marina mula sa mamahaling restawrant.
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* pagkain sa isang five-star na restaurant
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* pagbili ng gamot para sa maysakit
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* panonood ng sine sa mall
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
*pagpapatayo ng isang mansiyon
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
*pagkain ng mga prutas at gulay
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* pagsusuot ng makakapal na damit tuwing taglamig
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* pag-inom ng walong baso ng tubig at pagkain nang tatlong beses sa isang araw
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* paninigarilyo at pag-inom ng alak
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* pagpapakinis at pagpapaputi ng balat
Pangangailangan
Kagustuhan
Tukuyin kung alin sa sumusunod na produkto, sitwasyon, o kagamitan ang pangangailangan o kagustuhan.
* pagbili ng isang signature brand ng damit
Pangangailangan
Kagustuhan
