wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer in AP 9 Q3

Total questions: 45

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Mahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya sapagkat:

a)

  Ito ang tagalikha ng produkto at serbisyo

b)

Ito ang nagpapatupad ng polisiya at patakaran na nagpapanatili sa balanseng ugnayan ng bahay kalakal at sambahayan

c)

Ito ang dahilan kung bakit may palitan ng produkto

d)

Ito ang may ari ng salik ng produksyon

2.

Bakit naman mahalaga ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

      Mahalaga upang umikot ang ekonomiya

b)

   Ito ang nag-uutos ng paglikha ng produkto

c)

  Dito nagmumula ang salik ng produksyon o factor market

d)

Pinagmumulan ito ng pag iimpok o savings.

3.

Bakit isinasagawa ng pamahalaan ang Patakarang Expansionary Fiscal?

a)

Upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa

b)

Upang liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo

c)

Upang babagsak ang demand

d)

Upang hihina ang produksiyon ng bahay-kalakal

4.

Ang mga sumusunod ay maaaring mangyari kapag ipinapatupad ang Contractionary Fiscal Policy maliban sa:

a)

Liliit ang pangkalahatang kita ng mga mamamayan

b)

Makokontrol ang labis na pagtaas na presyo ng mga bilihin

c)

Magkakaroon ng maraming trabaho ang mga mamamayan at malaking

kita.

d)

Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang mga

gastusin

5.

Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang napakarami nitong gawain. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pamahalaan upang makakalikom ng salapi?

a)

mamumuhunan

b)

mangolekta ng buwis

c)

magpatayo ng proyekto

d)

magbibigay ng trabaho

6.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan para sa mga gastusin nito?

a)

utang sa bangko

b)

kita mula sa panlabas na sektor

c)

buwis sa mga mamamayan at negosyo

d)

pera mula sa pag-iimpok ng pamahalaan

7.

Bakit mahalagang maipatupad ang patakarang piskal ng bansa?

a)

dahil naghahatid ito ng katatagan at katiwasayan sa ekonomiya ng bansa

b)

dahil nakatutulong ito sa pagpapasigla at pagpapatatag ng ekonomiya

c)

dahil nababalanse ng pamahalaan ang kaniyang paggatos para  makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya.

d)

lahat ng nabanggit

8.

Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng patakarang piskal?

a)

Pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.

b)

Paramihin ang umiikot na pera sa bansa.

c)

Pangangasiwa sa badyet na gagamitin ng pamahalaan

d)

Pagsasaayos ng mga suliraning may kaugnayan sa buwis

9.

Nakapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya ang mataas na paggastos ng pamahalaan. Ano ang maaaring dulot nito sa pangkalahatang demand sa pamilihan?

a)

Tataas ang demand

b)

Bababa ang demand

c)

Walang magbago sa demand

d)

Lahat ay posibleng mangyari

10.

Kapag ang kabuuang output ng ekonomiya ay mababa ng higit sa inaasahan at magdudulot ng pagbaba ng kabuuang demand dahil sa kawalan ng trabaho, anong paraan ang isasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya?

a)

Contractionary Fiscal Policy

b)

Expansionary Fiscal Policy

c)

Patakarang Pananalapi

d)

Patakarang Piskal

11.

Kapag ang demand ay mas mabilis na tumaas kaysa produksiyon, ano ang mangyayari?

a)

bababa ang presyo ng mga bilihin

b)

tataas ang presyo ng mga bilihin

c)

hindi tataas o bababa ang presyo ng mga bilihin

d)

hindi tataas ang presyo ng mga bilihin

12.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?

a)

ginagamit sa pagpapalago ng negosyo

b)

ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera

c)

ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.

d)

ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay

13.

Ang pagkonsumo ng salapi ay kinakailangan ng matalinong pag-iisip at pagdedisisyon upang ________________.

a)

mapakinabangan nang husto at walang nasasayang

b)

mabili lahat ang pangangailangan at kagustuhan

c)

matupad lahat ang mga pinapangarap at inaasam sa buhay

d)

maging masaya at makuntento sa araw araw na buhay

14.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng savings?

a)

upang may mailagak sa mga financial intermediaries tulad ng bangko

b)

upang magamit ng mga bangko ang ipon ng mga indibiduwal sa pagpapautang at pagpapahiram sa mga gustong mag-loan

c)

upang maitago nang matagal ang pera at hindi ito magagastos

d)

upang ang mga nag-loan ay magagamit ang nahiram sa pagpapalago ng kanilang mga asset at mga negosyo

15.

Halimbawang ikaw ay may ipon na limang libong peso (5,000.00) sa bangko, ano ang pinakamainam mong gawin upang lumago ito?

a)

iIagay sa mga investment programs ng bangko

b)

manatiling savings account ng bangko upang hindi magastos or mawala ang ipon

c)

gawing puhunan sa uumpisahang negosyo

d)

ipapautang ito upang kumita ng interes

16.

Sinusukat nito kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kumpara sa nagdaang taon.

a)

GNI

b)

Nominal GNI

c)

Real GNI

d)

Growth Rate

17.

Ang mga sumusunod ay uri ng mga bangko, maliban sa _______________

a)

Rural Banks

b)

Commercial Banks

c)

Thrift Banks

d)

GSIS

18.

Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?

a)

Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan

b)

Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan

c)

Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo

d)

Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan

19.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pamilihang pinansyal maliban sa:

a)

Kooperatiba

b)

Supermarket

c)

Stock market

d)

Bangko

20.

Ito ang ginagamit na pagkuwenta sa lahat ng naiambag ng bawat industriya sa bansa

a)

Income Approach

b)

Expenditure Approach

c)

Industrial Origin Approach

d)

E-vat Approach

21.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa gastusin ng inyong mga magulang?

a)

Bawasan o palitan ang mga di masyadong mahalaga

b)

Maghanap ng trabaho sa ibang bansa

c)

Huwag munang magpatuloy sa pag-aaral

d)

Magtinda gamit ang online selling

22.

Ano ang kahulugan ng Implasyon?

a)

Pagbaba ng presyo ng mga bilihin

b)

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin

c)

Pagbaba ng halaga ng salapi

d)

Pagtaas ng halaga ng salapi

23.

Ang mga sumusunod ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya maliban sa alin?

a)

Mamamayan

b)

Pamahalaan

c)

Bahay-Kalakal

d)

Sundalo

24.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, dito nagsisimula ang mga salik ng produksyon na kailangan sa paglikha ng produkto

a)

Pamahalaan

b)

Bahay-kalakal

c)

Sambahayan

d)

Panlabas na sektor

25.

Anong bangko ang itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa?

a)

Bangko Sentral ng Pilipinas

b)

Development Bank of the Philippines

c)

Land Bank of the Philippines

d)

Rural Banks of the Philippines

26.

Ito ay ang produksyon na nagawa sa loob ng isang bansa sa loob ng isang taon

a)

Gross National Income

b)

Real GNI

c)

Gross Domestic Product

d)

Nominal GNI

27.

Ito ay halagang tinatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ipinagkaloob.

a)

pondo

b)

ipon

c)

regalo

d)

kita

28.

Si Mr. Chen ay isang Tsino ay may pagawaan ng plastic sa Binondo. Saan kabilang ang kanyang kita?

a)

Gross National Income

b)

Real GNI

c)

Gross Domestic Product

d)

Nominal GNI

29.

Sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay - proteksiyon sa mga depositor at tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinasiyal sa bansa.

a)

Philippine Deposit Insurance Commission (PDIC)

b)

Department of Finance (DOF)

c)

Securities and Exchange Commission (SEC)

d)

Insurance Commission (IC)

30.

Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

a)

Cost Push

b)

Demand Pull

c)

Structural Inflation

d)

Hyperinflation

31.

Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na…

a)

implasyon

b)

deplasyon

c)

depresasyon

d)

resesyon

32.

Ang pakikipagpalitan ng produkto at mga salik ng produksyon mula sa DAYUHANG BANSA ay tinatawag na:

a)

Kalakalang Panlahat

b)

Kalakalang Pambansa

c)

Kalakalang Panlabas

d)

Kalakalang Panloob

33.

Ito ay ang kabuuang halaga ng mga tinanggap na kita ng mga sektor ng ekonomiya

a)

Eksport

b)

Import

c)

Pambansang Kita

d)

Panlabas na Kita

34.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagsukat ng Pambansang kita?

a)

Income Approach

b)

Expenditure Approach

c)

Industrial Origin Approach

d)

E-vat Approach

35.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon?

a)

Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar

b)

Monopolyo o kartel

c)

Pambayad utang

d)

Pagtaas ng demand at paggasta

36.

Isa sa mga kabuhayan na pinagkukunan ng kita ng mga taga Sta. Ana ay ang pagbuburda ng mga damit at pagbuo ng mga damit. Anong sektor ng ekonomiya ito?

a)

Sambahayan

b)

Pamahalaan

c)

Panlabas na Sektor

d)

Bahay Kalakal

37.

Bakit mahalaga ang pagsukat ng Pambansang Kita?

a)

Nagbibigay ito ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon

b)

Nasusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya.

c)

Kapani-paniwala ang datos at may batayan

d)

Lahat ng nabanggit

38.

Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya - sambayanan, kompanya o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa puwedeng isusuplay ng pamilihan.

a)

Cost Push

b)

Demand Pull

c)

Structural Inflation

d)

Hyperinflation

39.

Aling patakaran ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya?

a)

Patakarang Pananalapi

b)

Patakarang Expansionary

c)

Patakarang Piskal

d)

Patakarang Contractionary

40.

Ang mga sumusunod ay limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?

a)

Pormal na sektor

b)

Kalidad ng buhay

c)

Hindi pampamilihang gawain

d)

Externalities

41.

Ang ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan ibinaba ang interes sa pagpapautang para maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera para idagdag sa negosyo.

a)

contractionary money policy

b)

expansionary money policy

c)

demand money policy

d)

supply money policy

42.

Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong pamilya?

a)

Huwag nang gumastos

b)

Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain

c)

Huminto muna sa pag-aaral

d)

Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan

43.

Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?

a)

Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe

b)

Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon

c)

Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente

d)

Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto

44.

Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;

a)

Mga mangungutang

b)

Mga may tiyak na kita

c)

Mga may di tiyak na kita

d)

Mga speculator

45.

Ang Gross Domestic Product ay sumusukat sa kabuuang halaga ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan sa loob ng pambansang ekonomiya. Ang dalawang pangungusap na binanggit ay :

a)

Parehong tama

b)

Tama ang una, mali ang pangalawa

c)

Mali ang una, tama ang pangalawa

d)

Walang tama sa dalawa.