wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ekonomiks 1st Qtr. Exam

Total questions: 52

Worksheet time: 1hrs 18mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng produksyon?

a)

Paglikha ng produkto (kalakal) o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

b)

Pagtaas at pagbaba ng presyo ng bilihin sa palengke.

c)

Galaw ng tao sa ekonomiya.

d)

Negosyo

2.

Tataas na naman ang singil sa kuryente ngayong pasko. Bunsod ng dagdag presyo sa petrolyo na ginagamit at iba pang mga salik sa pagprodyus nito. Alin sa sumusunod ang wastong pagpapakita ng paggamit ng limitadong yaman upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao?

a)

Gawing mas makulay at maliwanag ang inyong bahay dahil bagong taon naman.

b)

Maghanap ng iba pang mapagkukunan ng kuryente.

c)

Wastong paggamit ng kuryente.

d)

Huwag na lang gumamit ng kuryente

3.

Tawag sa tinatanggap na kabayaran ng mga manggagawa kapalit ng paglilingkod

(a)  

4.

Uri ng pagkonsumo na gumagamit ng ibang produkto o hilaw na materyales upang makabuo ng iba pang produkto o serbisyo

a)

Produktibong Pagkonsumo

b)

Tuwirang Pagkonsumo

c)

Maaksayang Pagkonsumo

d)

Mapanganib o Nakakapinsalang Pagkonsumo

5.

Ito'y pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin o bigyang pansin at bilhin ang mga produkto o serbisyo.

a)

Produksiyon

b)

Pag-aanunsiyo

c)

Pagkonsumo

d)

Enterprenyur

6.

Nauubos ang pera dahil sa kakapadeliver ng mga bagay na nakikita sa shopee at lazada na kadalasan ay wala na sa badyet.

a)

produktibong pagkonsumo

b)

maaksayang pagkonsumo

c)

tuwirang pagkonsumo

d)

mapanganib o nakapipinsalang pagkonsumo

7.

Kulturang pilipino na nakakaimpluensya sa pagkonsumo dahil bumibili ka ng produktong buhat sa sarili mong lalawigan o rehiyon.

a)

rehiyonalismo

b)

kaisipang kolonyal

c)

pakikisama

d)

hospitalidad

8.

Mas masaya ka kung ikaw ay nakabili ng imported na chocolate kesa sa chocolate na gawa sa Pilipinas

a)

rehiyonalismo

b)

pakikisama

c)

kaisipang kolonyal

d)

hospitalidad

9.

Para sa isang mamimili, ang tamang pag-aanunsiyo at impormasyon patungkol sa isang produkto o serbisyo ay makakatulong upang

a)

magugustuhan ng konsyumer ang produkto kahit hindi pa nakagamit ni minsan

b)

makakabisado ng konsyumer o mamimili ang mga patalastas

c)

magkakaroon ng ideya ang konsyumer o mamimili tungkol sa kalidad, bisa at husay ng binibiling produkto o serbisyo

d)

makakabawas sa pagtitiwala ng mga konsyumer sa nasabing produkto

10.

Kung ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha ng produkto, kalakal o serbisyo, ito naman ay tumutukoy sa paggamit, pagbili o pag-ubos ng mamimili sa produkto o serbisyo.

(a)  

11.

Sa panahon ng pandemya, mahalagang maibabalita ang mga ahensya ng pamahalaan patungkol sa hindi pagpayag sa mga mamimili na pumasok sa mga grocery stores o mga Malls ang hindi nakasuot ng mask at face shield kahit mahalaga at marami pa ang iyong bibilhin.

a)

katangian

b)

karapatan

c)

tungkulin

d)

kalayaan

12.

Bilang mamimili, napakahalagang malaman mo ang lahat ng impormasyon(label) na may kinalaman sa iyong binibiling produkto o serbisyo.

a)

katangian

b)

tungkulin

c)

karapatan

d)

kalayaan

13.

Alin ang hindi kasali sa mga Uri ng Pag-aanunsiyo

a)

Trending/Fad/Uso

b)

Bandwagon

c)

Testimonial

d)

Fear

e)

Brand Name

14.

Ang mga nailista ay mga tungkulin ng mamimili, alin ang hindi kasama.

a)

tungkuling humingi ng resibo

b)

tungkuling bayaran ang biniling produkto o serbisyo

c)

tungkuling maging mulat sa mga karapatan

d)

tungkuling humingi ng karagdagang produkto dahil sa dami ng iyong binili

15.

Ang mga sumusunod ay mga ahensiya ng Pamahalaan na nagbibigay ng proteksiyon sa mga mamimili. Lagyan ng tsek ang mga ahensiyang kabilang dito.

a)

DTI Department of Trade and Industry

b)

BIR Bureau of Internal Revenue

c)

DOE Department of Energy

d)

SSS Social Security System

e)

DOH Department of Health

16.

Pinakasikat na pinupuntahan ng lahat tuwing merong reklamo para sa mabilis na solusyon, na kung minsan ay hindi din mabuti ang kinalalabasan dahil sa kahihiyan.

a)

Barangay

b)

Lokal na Munisipyo

c)

Mass Media

d)

Senado

17.

Ang unang antas sa Produksiyon kung saan sinisimulang pagsamasamahin ang mga hilaw na materyales na gagamitin sa pagbuo ng produkto o serbisyo.

a)

Ganap na Produkto

b)

Intermedya

c)

Primarya

d)

Fixed Input

18.

Ang input ay tumutukoy sa salik ng produksiyon. Alin ang hindi kasali sa Fixed input

a)

Lupa

b)

pabrika

c)

hilaw na materyales

d)

makinarya

19.

Unang salik ng Produksiyon

a)

Paggawa

b)

Enterprenyur

c)

Kapital

d)

Lupa

20.

Uri ng sahod na bayad sa mga ahente, base sa kanilang kabuuang pagbebenta ng mga produkto.

a)

Fee

b)

Tip

c)

Komisyom

d)

Royalty

21.

Kalagayan ng isang manggagawa na matagal ng nagtatrabaho ngunit hindi pa rin buo ang kanyang tinatanggap na benepisyo.

a)

Kaswal

b)

Kontraktwal

c)

Pansamantala

d)

Regular

22.

Pinakamahalagang salik ng produksiyon

(a)  

23.

Manggagawa na palagian sa kanyang trabaho at nakakatanggap ng iba't ibang benepisyo mula sa employer

a)

kaswal

b)

pansamantala

c)

kontraktwal

d)

regular

24.

Ito ay kalipunan ng lahat ng mga batas-panlipunan at pangmanggagawa sa bansa.

a)

Kodigo sa Paggawa

b)

COLA Cost of Living Allowance

c)

Minimum wage earner

d)

Night differential pay

25.

Ito ang talaan ng mga bibilhin ng isang mamimili upang magkaroon ng hangganan ang kaniyang mga bibilhin. Ito ay napakahalaga sa isang matalino at responsableng mamimili

(a)  

26.

Tumutukoy sa salaping tinatanggap ng isang tao habang ito ay nagbibigay serbisyo sa mga restaurant at sa mga hotel.

a)

Kita/sahod o sueldo

b)

tip

c)

bonus

d)

royalty

27.

Ito ang batas na nagsasaad na kapag nagbili ng isang produkto, may kasamang garantiya (warranty) upang may karapatan sa replacement o refund kung sakali

a)

Artikulo 1546

b)

Batas Republika 7581

c)

Artikulo 187

d)

Batas Republika 3740

28.

Batas Republika na ipinagbabawal ang pag-aanunsiyo o pagdidispley ng mga huwad o fake na produkto o serbisyo

a)

Artikulo 1546

b)

Artikulo 187

c)

Artikuloy 1547

d)

Batas Republika 3740

29.

Karapatan ng isang mamimili na madinig at mabigyan ng bayad-pinsala sakaling may depekto ang nabiling produkto

a)

replacement

b)

refund

c)

karapatang pumili

d)

karapatan sqa tamang impormasyon

30.

Alin sa mga naitala sa ibaba, ang aking pinaka natutunan sa Ekonomiks mula Aralin 1 hanggang Aralin 6.

a)

pagbabadyet

b)

pagpapahalaga sa mga pinagkukunang yaman ng aking pamilya at kung paano ito hahatiin sa napakarami at walang hanggang pangangailangan at kagustuhan.

c)

susuriing mabuti ang mga pag-aanunsyo upang hindi masayang ang pera na pambibili ng mga produkto

d)

pagkilala na lahat ng bagay ay may katapusan, ang kita ay limitado, pero mahalagang isabuhay ang pagbabadyet para maayos ang pamamahala ng sambahayan.

e)

Alamin ang mga karapatan, tungkulin bilang mamimili at ang mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay proteksyon sa mga mamimili.

31.

Ekonomista na kinikilalang "Father of Modern Theory of Employment" o "Ama ng modernong Markoekonomiks" na ang kanyang teorya ay nakatuon sa Paikot na daloy ng Ekonomiya.

a)

Thomas Robert Malthus

b)

John Maynrd Keynes

c)

Karl Marx

d)

David Ricardo

32.

Mga salik na nakakakaapekto sa Pagkonsumo.

a)

Presyo

b)

Kita

c)

Pag aanunsyo

d)

Pagpapahalaga ng tao (pamilya)

e)

Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto sa mga katiwalian ng mga negosyante.

33.

Halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo. Ito rin ang isang pinakamahalagang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo o pagbili ng produkto o serbisyo.

(a)  

34.

Batas ng Pagkonsumo na nagpapaliwanag sa unti-unting bumababang kasiyahan na natatamo ng isang tao, dahil sa sunod sunod na pagkonsumo sa iisang klase ng produkto.

a)

Law of Harmony

b)

Law of Diminishing Utility

c)

Law of Variety

d)

Law of Economic Order

35.

Lagyan ng tsek ang mga naglalarawan sa Market Economy.

a)

Kapitalismo

b)

Laissez-Faire

c)

Adam Smith

d)

Free Enterprise

e)

Sentralisado

36.

Tawag sa boluntaryong grupo (operates independently) na may misyon o layunin na pangalagaan ang kalikasan na siyang pinagkukunan ng likas yaman ng bansa.

(a)  

37.

Ang ibig sabihin ng Kakapusan ay kaganapan na ang pagkawala ng produkto sa pamilihan ay hindi na babalik o di kaya'y sobrang matatagalan bago ito maibalik sa pamilihan.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Ang Malthusian Theory ay nagsasabing ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na pag eeksport ng mga produkto tulad ng saging, pinya, at iba pa, sa ibang bansa.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Mga katanungang pang ekonomiya na siyang basehan sa produksiyon.

(a)  

40.

Dumayo pa si Utol sa Bulacan upang sadyain ang pagbili ng fireworks para sa darating na kapaskuhan at bagong taon. Salik ng pagkonsumo: (panggagaya, okasyon, pagpapahalaga ng tao, presyo, pag-aanunsyo, kita)

(a)  

41.

Kaliwa't kanan at maya't maya ang nakikita sa facebook tungkol sa Grand Sale ng mga produkto sa shopee ngayong darating na 12-12-2021. Isulat kung anong klase ng salik ng pagkonsumo ito. (panggagaya, okasyon, pagpapahalaga ng tao, presyo, pag-aanunsyo, kita)

(a)  

42.

Sa narinig ko kanina sa usapan ni nanay at tatay, meron daw malaking bonus na matatanggap si tatay ngayong Disyembre. Kami daw ay magbabakasyon sa Baguio para mag bonding ang aming pamilya. Isulat kung anong Salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ito) (panggagaya, okasyon, pagpapahalaga ng tao, presyo, pag-aanunsyo, kita)

(a)  

43.

Kapag mas malaki ang kita ng tao, mas taas ang kanyang pangkonsumo.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Produktibo ang pagkonsumo kapag agad itong ginagamit pagkabili.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Mas nakakaengganyo ang pagkonsumo kapag mas mababa ang presyo ng produkto.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Pakinabang na matatanggap ng mga entreprenyur, negosyante, pagkatapos iawas lahat ang gastusin sa pag prodyus ng kalakal o produkto at serbisyo.

a)

interes

b)

renta

c)

tubo o kita

d)

sahod

47.

Bilang mamimili, mahalagang malaman mo ang lahat ng impormasyon na may kinalaman sa iyong biniling produkto at serbisyo.

a)

karapatan

b)

tungkulin

c)

katangian

48.

Ang pagtangkilik sa sarili nating produkto ay isang _________________ dahil makakatulong ito sa ikakaunlad ng ating ekonomiya.

a)

karapatan

b)

tungkulin

c)

katangian

49.

Pagkaluma o pagiging obsolete o pagbawas ng kapakinabangan ng kapital tulad ng computer, sasakyan, gusali at iba pa.

a)

depresasyon

b)

pagbawas ng kapital

50.

Ang pagproseso ng mga hilaw na materyales upang mabuo ang ganap na produkto o serbisyo ay siyang intermedya o pangalawang antas ng produksiyon.

a)

Tama

b)

Mali

51.

Kung pipiliin ni Jojo na magkolehiyo sa darating na pasukan, mawawalan siya ng posibleng kita kung siya ay magtatrabaho. Ang kikitain ni Audrey ay ang kanyang _________________________.

a)

Trade off

b)

Opportunity Cost

52.

Ang hangin, init ng araw, tubig sa bundok na galing sa bukal ay mga kaloob ng Diyos, na siyang halimbawa ng _______________________.

a)

free goods

b)

economic goods