WorksheetsAP 9 PRE - TEST FOR QUARTER 1
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na
ang ibig sabihin ay
pamamahala ng negosyo.
pakikipagkalakalan.
pamamahala ng tahanan
pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay
may hangganan din.
kaunti lamang kayat madaling tugunan.
parami nang parami at walang katapusan.
kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
lumiliit ang sukat ng daigdig.
nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.
nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis namang lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa paglikha ng mga serbisyo at produktong makatutugon sa mga pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito?
lupain, teknolohiya, at yamang-tao
puhunan, yamang-tao, at negosyo
yamang-likas, puhunan, at teknolohiya
yamang-likas, puhunan, at yamang-tao
8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa:
Luho at Hilig
Likas at Di-Likas
Materyal at Di-materyal
Produkto at Serbisyo
9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanatili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na
luhong pangkatawan.
pangunahing pangangailangan.
hilig-pantao.
sekundaryong pangangailangan.
10. Isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na uri ng pangangailangan ayon sa teorya ni A. Maslow.
1. Pangangailangan sa karangalan
2. Pangangailangan sa seguridad
3. Responsibilidad sa lipunan
4. Pisyolohikal at biyolohikal
5. Self Actualization
a. 1 2 3 4 5
b. 4 2 3 1 5
c. 4 2 1 3 5
d. 4 2 5 1 3
11. Natatanging salik ng produksyon na fixed o takda ang bilang.
a. lupa
b. capital
c. entrepreneur
d. paggawa
12. Sistemang pang-ekonomiya kung saan pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari ngunit nanghihimasok din ang pamahalaan sa pagdedesisyon sa produksyon ng ilang mahahalagang produkto at serbisyo.
a. Traditional
b. Market
c. Command
d. Mixed
13. Kapag Malaki ang ___________, lumalaki ang kakayahan ng mga konsyumer na bumili ng nais nilang produkto.
a. Capital
b. Kita
c. Lupa
d. Gastos
14. Siya ang tinaguriang "Ama ng Ekonomiks"
Abraham Maslow
Abraham Lincoln
Adam Smith
Herodotus
15. Ito ay tumutukoy sa pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo upang magtamo ng pakinabang o kasiyahan.
Alokasyon
Pamilihan
Pagkonsumo
Produksyon
16. Ang ___________ ay tumutukoy sa paraan ng pangangasiwa at pamamahagi ng pinagkukunang yaman sa mga pinaglalaanan nito.
Alokasyon
Pamilihan
Pagkonsumo
Produksyon
17. Ito ay tumutukoy sa paggawa o paglikha ng mga produkto.
Alokasyon
Pamilihan
Pagkonsumo
Produksyon
18. Sino ano nagpakilala ng "Heirarchy of Needs" na kadalasang inilalarawan sa anyo ng pyramid?
Abraham Maslow
John Stuart Mill
Adam Smith
Karl Marx
19. Ito ay ang tawag sa pagtatago ng produkto upang mapataas ang presyo nito
Hoarding
Panic Buying
Scarcity
Shortage
20. Anong suliraning ekonomikal ang tumutukoy sa hindi sapat na produksyon upang makalikha ng produktong kailangan ng tao.
Hoarding
Panic Buying
Scarcity
Shortage
21. Lahat ng nabanggit ay palatandaan na nakakaranas ng kakapusan ang isang ekonomiya. Tukuyin ang hindi kabilang.
Pagtaas ng ekonomiya ng bansa.
Pagbili ng produkto sa ibang bansa.
Laganap ang mahihirap at nagugutom.
Pagtaas ng presyo ng pangangailangan.
22. Ang tinutukoy ng Safety needs sa Hirarkiya ng Pangangailangan ay;
Beauty, balance, form
Protection, order, law, limits, stability
Knowledge, meaning, self-awareness
Achievement, status, responsibility, reputation
23. Bilang isang entrepreneur, anong katangian ang dapat mong maipakita?
Laging tinatalo ng stress sa araw- araw na gawain.
Pagnanais na pabagsakin lahat ng kakumpitensya.
Kakayahang makipagsapalaran.
Madaling pagsuko.
24. Ang paggaya o imitation ay isa sa salik na nagtatakda ng pagkonsumo. Ito ay nangangahulugang;
Pagbabago ng pangangailangan.
Motibasyon sa mamimili ang pag-aanunsyo.
Impluwensya ng pagbili dahil sa kaisipang kolonyal.
Pagbili dahil gustong gayahin ang kilalang personalidad na nageendorso.
25. Ang pagkonsumo ay mahalagang gawain ng bawat indibidwal at nagkakaroon ng direktang epekto sa galaw ng ekonomiya. Tukuyin sa mga sumusunod ang hindi kabilang.
Ang pagkonsumo ay hindi batayang ng pamumuhay.
Ang gawaing pamproduksyon ay nakadepende sa pagkonsumo.
Nagsisimula sa kagustuhan at matatapos sa pagtamo ng kasiyahan.
Pagbili ng produkto na nakaiimpluwensya sa presyo ng produkto.
26. Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na _________ na nangangahulugang "mahusay na pamamahala ng sambahayan"
Ad Hominem
Aesthea
Ceteris paribus
Oikonomia
27. Ayon sa "Heirarchy of Needs" ni A.H. Maslow, ang self-actualization ay tumutukoy sa pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao. Sa paanong paraan nakabatay ang lebel na ito?
Pagpuna sa mga hindi magandang gawa ng tao.
Ang tao ay nangangailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw.
Mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho at magandang buhay.
Pag-aaral at pananaliksik sa lahat ng nangayayari sa lipunan na kailangang malaman.
28. Ang ekonomiks ay maitruturing na sining dahil;
kinakailangan ng masusing pag-aaral sa limitadong pangangailangan
kinakailangang ng magagandang diesnyo sa pagbuo ng mga gusali at imprastraktura sa negosyo.
kinakailangan ng isang malikhaing pagdedesisyon upang tugunan ang mga suliranin at interpretasyon sa gawaing pang ekonomiya.
lahat ng nabanggit.
29. Pinilit ni Angel na pumasok sa trabaho kahit na masama ang pakiramdam. Nanghihinayang kasi siya sa isang araw na suweldo na maaaring ikaltas sa kanya.
Trade Off
Marginal Thinking
Opportunity Cost
Incentives
30. Maliban sa mura at maganda, eco-friendly pa ang nabiling bag ni Lyka.
Trade Off
Marginal Thinking
Opportunity Cost
Incentives
31. Pursigido si Chrille na magkaroon ng average na 90 pataas o With honor ngayong Grade 9 na siya dahil sa pangakong cellphone sa kanya ng mga magulang.
Trade Off
Opportunity Cost
Marginal Thinking
Incentives
32. Tukuyin kung anong salik sa paggawa ng matalinong desisyon ang tinutukoy ng sitwasyon: Pinili ni Brayle na gamitin ang naipong pera sa pagbili ng school supplies sa halip na bumili ng sapatos na matagal niya ng gusto."
Trade Off
opportunity Cost
Marginal Thinking
Incentives
33.Tumutukoy sa halaga na maaring mawala o nang "best alternative" na pangunahing nararapat na isaalang-alang sa paggawa ng anumang desisyon.
Trade Off
Marginal Thinking
Opportunity Cost
Incentives
34. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang may layuning pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan?
Capitalism
Socialism
Communism
Market Economy
35. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng
Konsyumer
Prodyuser
Pamilihan
Pamahalaan
36. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang _______________ na pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanyang _____________pangangailangan.
sapat; walang hanggang
limitado; walang hanggang
sapat; may hangganan
limitado; may hangganan
37. Ang _________ at ____________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks
tao: lipunan
agham: matematika
likas na yaman; pangangailangan
suplay; demand
38. Alin dito ang HINDI kasali sa mga sa katanungan sa paggawa ng desisyon.
Ano ang gagawin?
Paano ang gagawin?
Bakit ito gagawin?
Gaano karami?
39. Ano ang iba pang tawag sa KAKAPUSAN?
Shortage
Scarcity
Kakulangan
Hoarding
40.Kumain ng prutas at gulay upang mapanatiling malakas ang pangangatawan..
Kagustuhan
Pangangailangan
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng kakapusan?
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng Kakulangan?
Sino sa mga sumusunod ang nagsabi na ang isa sa mga sanhi ng kakapusan ay mabilis na paglaki ng populasyon?
Karl Marx
David Ricardo
David Hume
Thomas Robert Malthus
Sino ang tinaguriang Ama ng Macroeconomics?
David Ricardo
Milton Friedman
John Maynard Keynes
Adam Smith
____ ako sa panahon dahil sa napakarami ko pang dapat tapusin bago matapos ang isang araw.
Kapos
Kulang
_____ ang perang hawak ng mag - asawang Santos para matustusan nito ang pangangailangan ng buong pamilya.
Kapos
Kulang
Alin sa mga nabanggit ang maituturing na basic needs?
pagkain
alahas
gadget
appliances
Alin ang tumutukoy sa pangangailangan?
maaaring ipagpaliban
mga bagay na luho o luxuries
kailangan para mabuhay
maaaring mayroon o wala
Alin ang tumutukoy sa kagustuhan?
nakapagbibigay ng kasiyahan
binansagang basic needs
inuuna
nakapgdudulot ng pakinabang
Alin ang pinakamababang antas ng hierarchy of needs?
self - actualization
safety needs
esteem needs
physiologican needs
