wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Quarter Examination AP9

Total questions: 50

Worksheet time: 4hrs 10mins

Name
Class
Date
1.

Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag- aaral kung paano matugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman?

a)

Antroplohiya

b)

Ekonomiks

c)

Heograpiya

d)

Sosyolohiya

2.

Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat

a)

pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.

b)

pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

c)

nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.

d)

pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.

3.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

a)

Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan sa hinaharap.

b)

Ito ay tumutukoy sa siyensya ng kaasalan ng tao na nakaiimpluwensya sa kanyang pagdedesisyon.

c)

Ito ay pag- aaral ng tao kung paano haharapin ang mga sulirang pang- kabuhayan.

d)

Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng kakapusan.

4.

Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade off at opportunity cost. Ang trade off ay ang

pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay at ang opportunity cost

ay ang halaga o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade off at opportunity cost?

a)

dahil limitado ang kaalaman ng mga konsyumer

b)

dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo

c)

dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

d)

upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan

5.

Alin sa sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng kasabihang "Rational people think at the margin"?

a)

pagbuo ng matalinong desisyon upang hindi magsisisi sa bandang huli

b)

pag-iisip ng maraming pakinabang sa pagkonsumo

c)

pagsusuri ng pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya

d)

sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon

6.

Kung ikaw ay isang makatwiran na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng matalinong desisyon?

a)

isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

b)

isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon

c)

isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan

d)

isinasaalang-alang ang trade off at opportunity cost sa pagdedesisyon

7.

Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.

b)

Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.

c)

Naglilikom at nagsusuri ng mga datos impormasyon upang makapag-bigay ng sapat o angkop na konklusyon.

d)

Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.

8.

Ito ay ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

a)

kakapusan

b)

kalusugan

c)

kawalan ng trabaho

d)

pagkasira ng mga likas na yaman

9.

Alin sa sumusunod na pahayag ang palatandaan ng kakulangan o shortage?

a)

pagkasira ng mga coral reefs

b)

pagkaubos ng mga yamang mineral

c)

pagkaubos ng bigas sa bigasan ng bayan sa isang lugar

d)

pagkasira ng biodiversity at extinction ng mga species ng halaman at hayop

10.

Nakaugalian na ni Grace na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba ay may karagdagang halaga sa kanya maging ito man ay gastos o pakinabang. Ang ginagawa ni Grace ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?

a)

Incentives

b)

Marginal Thinking

c)

Opportunity Cost

d)

Trade-off

11.

Ngayong nasa Grade 9 na si Margie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang

makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng

kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?

a)

Incentives

b)

Marginal Thinking

c)

Opportunity Cost

d)

Trade-off

12.

Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?

a)

maaari kang magsilbing kritiko ng Pamahalaan

b)

magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks

c)

maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.

d)

mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap

13.

Bilang bahagi ng Lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks? Alin ang HINDI kabilang sa pangkat.

a)

Nauunawaan kung bakit maraming tao ang gusting mag nrgosyo.

b)

Nagagamit ang kaalaman sap ag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.

c)

Nakatutulong ito na maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang- ekonomiya.

d)

Naiintindihan ang Sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag- iimpok.

14.

Isaayos ang mga sumusunod na antas ayon saTeorya ng Herarkiya ng Pangangailangan niAbraham Harold Maslow mula sapinakamababa hanggang sa pinakamataas.

1. Pangangailangang Panlipunan

2. Seguridad at Kaligtasan

3. Pangangailangang Pisyolohikal

4. Kaganapan ng Pagkatao

5. Pagkamit ng respeto sa sarili at saibang tao

a)

2,3,4,5,1

b)

1,2,3,4,5

c)

3,2,1,5,4

d)

3,1,2, 4,5

15.

Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaring maganap MALIBAN sa.

a)

Magiging maayos ang pagbabadyet.

b)

Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin.

c)

Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman.

d)

Maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan.

16.

Alin sa sumusunod na pangyayari ang higit na nagpapakita ng tamang impluwensiya ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw araw na buhay?

a)

Nag-impok ng pera si Joy para bumili ng alahas.

b)

Nagnegosyo si Kristina para makatulong sa gastusin ng pamilya.

c)

Ginasta ni Renante ang allowance sa paglalaro sa computer shop.

d)

Nagpabili si Pepito ng bagong cellphone sa kanyang ama sa Dubai

17.

Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat pinagkukunang-yaman ng bansa?

a)

upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan

b)

upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.

c)

mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.

d)

nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusang umiiral.

18.

Ano ang ibig sabihin ng kasabihang "There isn't enough to go around", ayon kay John Watson Howe?

a)

May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

b)

Limitado ang pinagkukunang-yaman kaya't hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.

c)

Walang hangganan ang pangangailangan ng tao gayundin ang pinagkukunang-yaman.

d)

Ang walang pakundangang gamit ng pinangkukunang-yaman ay hahantung sa kakapusan.

19.

Sa iba't ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na naka- pagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?

a)

Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.

b)

Ang anomang produkto na kanilang

nalilikha ay ipamamahagi ayon sa

kanilang pangangailangan at kung sino

ang dapat gumamit.

c)

Nagpapahintulot sa pribadong

pagmamay-aring kapital, pakikipagugnayan sa pamamagitan ng presyo at

pangangasiwa ng gawain.

d)

Hinahayaan dito ang malayang

pagkilos ng pamilihan subalit maaaring

manghimasok o makialam ang

pamahalaan sa mga usaping nauukol sa

pangangalaga ng kalikasan,

katarungang panlipunan, at pagmamayari ng estado.

20.

Sa ipinag-uutos na ekonomiya o command economy, kanino nakasalalay ang pagpapasya sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman?

a)

mga sundalo

b)

mamamayan

c)

estado o pamahalaan

d)

mayayamang tao sa lipunan

21.

Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.

a)

alokasyon

b)

presyo

c)

produkto

d)

serbisyo

22.

Alin sa sumusunod na bansa umiiral ang sistemang mixed economy?

a)

Australia

b)

Bhutan

c)

North Korea

d)

Philippines

23.

Bilang mamamayan, paano ka makatutulong sa pamahalaan para maging maayos ang sistemang pang-ekonomiyang ipinatutupad nito?

a)

isaalang-alang ang mga nais ng mga mamamayan

b)

pagsunod sa mga batas at regulasyon na ipinatutupad ng pamahalaan

c)

magreklamo sa mga proyekto ng pamahalaan na hindi agad naipatutupad

d)

maging alerto upang manatiling mapayapa ang ating bansa sa anumang kaguluhan

24.

Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy?

a)

Wala, sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya ay nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.

b)

Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan

c)

Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang-yaman.

d)

Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain.

25.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sistemang pang-ekonomiya?

a)

silbing batayan ng mga prodyuser at konsyumer

b)

mapanatili ang tradisyon, kultura at paniniwala ng isang lipunan

c)

maipamahagi ng maayos at wasto ang mga pinagkukunang-yaman

d)

mapasunod nang mabuti ng pamahalaan ang mga mamamayan

26.

Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:

a)

pagtayo ng mga pabrika

b)

paggamit ng mga hilaw na sangkap

c)

pagkamalikhain ng mga manggagawa

d)

pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto

27.

Ang mga manggagawang kabilang sa "white collar job" ay may kakayahang mental at mas ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, habang ang mga kabilang sa "blue collar job" ay.

a)

ginagamit lamang ang lakas ng katawan

b)

nagtatrabaho sa malalaking kompanya

c)

may kakayahan at talino tulad ng mga manager, doktor, at inhinyero

d)

mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa

28.

Kung ikaw ay mahusay na entreprenyur, ano ang dapat mong bigyang tuon para lumago ang iyong negosyo?

a)

laki ng puhunan

b)

dami ng manggagwa

c)

mahusay na pamamahala

d)

suporta ng pamahalaan

29.

Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na "mesa at silya", alin sa sumusunod ang mga input nito?

a)

kahoy, kagamitan, makinarya

b)

tabla, makinarya, teknolohiya

c)

kagamitan, makinarya, manggagawa

d)

kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy

30.

Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng produkto at serbisyo. Ang bawat salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng.

a)

Sahod sa entreprenyur, upa sa lakas- paggawa, interes sa kapitalista at tubo sa lupa.

b)

Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas- paggawa, upa sa kapitalista at interes sa entreprenyur.

c)

Upa sa kapitalista, sahod sa lakaspaggawa, tubo sa may-ari ng lupa at

interes sa entreprenyur.

d)

Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa

manggagawa, interes sa kapitalista, at tubo

sa entreprenyur.

31.

Ang dayagram sa itaas ay tungkol sa

produksiyon, ano ang ipinahiwatig nito?

a)

Ang produksyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng mga input tulad ng

lupa, lakas-paggawa, kapital at entrepreneur upang makabuo ng produkto at serbisyo o output.

b)

Magaganap lamang ang produksyon

kung kumpleto ang mga salik na

gagamitin nito.

c)

Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang mabuo ang

input tulad ng lupa, paggawa, capital, at kakayahan ng entrepreneur.

d)

Magiging mas produktibo ang

produksyon kung mas marami ang

lakas-paggawa kaysa mga makinarya.

32.

Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?

a)

mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman

b)

pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan

c)

ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon

d)

dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto.

33.

Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?

a)

Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.

b)

Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.

c)

Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto

d)

Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.

34.

Alin sa mga paraan ng pag-aanunsyo ang may pinakamataas ang epekto sa mamimili?

a)

billboards

b)

dyaryo

c)

radyo

d)

telebisyon

35.

Ito ay salik na nakaapekto sa pagkosumo bunga ng madaling maimpluwensyahan ang mga tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media.

a)

demonstration effect

b)

kita

c)

mga inaasahan

d)

pagbabago ng panlasa

36.

Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapanang iyong ina na pagkasyahin ang sahod ngiyong ama para matugunan ang inyong mgapangangailangan. Bilang anak, paano mopamamahalaan ang iyong mga pangangailangan at kagustuhan?

a)

magtipid at bumili lamang ng mga kinakailangan upang magkaroon ng savings

b)

maghanap ng trabaho at tumulong sa paghahanapbuhay

c)

maglaro lamang ng videogame upang malibang

d)

bumili ng mga segunda manong gamit upang makatipid

37.

Batay sa talahanayan, alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan?

a)

Malaking bahagi ng gastos sa pagkonsumo ng sambahayan ay nagmumula sa edukasyon.

b)

Nagpapakita ng pagbababa sa kabuuang gastos sa pagkonsumo sa pagitan ng taong 2022-2023.

c)

Nagpapakita ng pagtaas ng kabuuang

gastos sa pagkonsumo sa pagitan ng taong 2022-2023.

d)

Pinakamababa ang gastos sa pagkonsumo ng sambahayan sa

transportasyon.

38.

Batay sa talahanayan, alin sa sumusunod na pagkonsumo ang may pinakamababa ang growth rate sa pagitan ng taong 2022-2023?

a)

transport

b)

food, clothing

c)

misc. goods and services

d)

health

39.

Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?

a)

hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan

b)

nagsasara ang mga malalaking tindahan

c)

inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

d)

nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto

40.

Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?

a)

hindi sumusunod sa uso

b)

nahuhumaling sa suot ng mga artista

c)

binibili ang mga napapanahong gamit

d)

suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

41.

Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?

a)

Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

b)

Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran

c)

Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto

d)

Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto

42.

Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa .

a)

enerhiya

b)

panahon

c)

pera

d)

lahat ng nabanggit

43.

Ang mga halimbawa sa ibaba ay mga katangian ng isang matalinong mamimili MALIBAN sa pagiging .

a)

malikhain

b)

mapanuri

c)

maselan

d)

matipid

44.

Anong batas ang nangangalaga at nagbibigay proteksyon sa kapakanan at interes ng mga mamimili o Consumer Act of the Philippines?

a)

R. A. 7394

b)

R. A. 7493

c)

R. A. 7934

d)

R. A. 7943

45.

Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang kalamidad?

a)

Demostration Effect

b)

Kita

c)

Mga Inaasahan

d)

Pagkakautang

46.

Aling karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain?

a)

Karapatang dinggin

b)

Karapatang pumili

c)

Karapatan sa kaligtasan

d)

Karapatan sa patalastasan

47.

Kailan masasabing isa kang matalinong mamimili?

a)

Bumibili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan.

b)

Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.

c)

Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.

d)

Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, mga sangkap at timbang ng produkto.

48.

Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?

a)

Department of Labor and Employment

b)

Department of Trade and Industry

c)

Energy Regulatory Commission

d)

Securities and Exchange Commission

49.

Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?

a)

Pag-aralan ang nakatatak sa tiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.

b)

Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.

c)

Palagiang gumagamit ng recycled materials upang mapangalagaan ang kapaligiran.

d)

Palaging pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na tama ang timbang ng biniling produkto.

50.

Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?

a)

Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan.

b)

Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa pagkonsumo

c)

Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo

d)

Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran ng pagkonsumo.