wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Summative Test -

Total questions: 50

Worksheet time: 1hrs 14mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng   ekonomiya ng isang bansa maliban sa:

a)

likas na yaman

b)

yamang- tao

c)

teknolohiya 

d)

kalakalan

2.

Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong? 

a)

Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.

b)

Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.

c)

Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.

d)

Wala sa nabanggit

3.

Pahayag I: Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa salitang pagsulong.

Pahayag II: Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad.

a)

Tama pareho ang pahayag I at II

b)

Mali ang pahayag I at II

c)

Tama ang pahayag I at mali ang pahayag II

d)

Mali ang pahayag I at tama ang pahayag II

4.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pag-unlad? 

a)

Pagpapababa ng antas ng kahirapan

b)

Pagbaba ng bilang ng walang trabaho

c)

Modernong pasilidad ng pagamutang-bayan.

d)

Pagbaba ng bilang kamangmangan at pananamantala. 

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pagsulong

a)

Mga daan at mga sasakyan 

b)

Mga kabahayan at mga gusali

c)

Mga pagamutan, bangko at mga  paaralan 

d)

Pagbaba ng antas ng kahirapan

6.

Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagsukat ng aspektong kalusugan.

a)

Haba ng buhay at kapanganakan

b)

Edad ng tao

c)

Benepisyo mula sa gobyerno

d)

Pisikal na pagsusuri sa kalusugan

7.

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan.  Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa maliban sa isa.

a)

Tamang pagbabayad ng buwis.

b)

Pagtangkilik sa dayuhang produkto.

c)

Tamang pagboto.

d)

Pagnenegosyo.

8.

Ang mga sumusunod ay mga gampanin ng mga mamamayan na makakatulong sa  pag-unlad ng bansa maliban sa isa.

a)

Tamang pagbabayad ng buwis             

b)

Pananahimik sa isyung panlipunan.

c)

Pagnenegosyo

d)

Tamang pagboto

9.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa tamang pagbabayad ng buwis. Ito ay ___________________.

a)

ginagamit ng mga opisyal ng gobyerno para sa kanilang pangsariling interes. 

b)

isang paraan ng perahan ang mga Pilipino.

c)

pinaggagalingan ng pondo ng gobyerno para ipatupad ang mga proyektong pangkaunlaran.

d)

hindi nakasaad sa batas kaya pwedeng hindi na ito bayaran.

10.

Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng malinaw na konsepto ng kaunlaran?

a)

Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing maulad ang bansa.

b)

Ang bansa ay patuloy na nakaasa sa lakas-paggawa sa ibang bansa.

c)

Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugang pagtaas ng kalidad ng pamumuhay.

d)

Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng gross domestic product.

11.

. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao.

a)

Human Development Index (HDI)

b)

Inequality Adjusted Index (IAI)

c)

. Multidimentional Poverty Index (MPI)

d)

Gender Development Index (GDI)

12.

Ito ang tumutulong upang mas magamit ng episyente ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. Sa paraang ito mas napararami ang mga produkto at serbisyo.

a)

Yamang tao

b)

Likas na yaman

c)

Teknolohiya at Inobasyon

d)

Kapital

13.

Ito ay gawaing pamproduksiyon at serbisyong may kinalaman sapaghahalaman, paghahayupan, pangingisda at paggugubat.

a)

Industriya

b)

Agrikultura

c)

Pagmimina

d)

Komersiyo

14.

Sa sektor na ito, itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga  pinakamalaking tagapagtustos ng isda sa buong mundo.

a)

Paghahayupan

b)

Paghahalaman

c)

Pangingisda

d)

Paggugubat 

15.

Ito ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri ng tubig pangisdaan.

a)

agriculture

b)

aquaculture

c)

horticulture

d)

vermiculture

16.

Ito ay tumutukoy sa sektor ng agrikultura maliban sa isa.

a)

 Pagmimina

b)

Paghahalaman

c)

Pangingisda

d)

Paggugubat 

17.

Bakit itinuturing na primaryang sektor ang agrikultura?

a)

Pinagmumulan ng hilaw na materiyal.

b)

Nagpapasok ng dolyar sa bansa.

c)

Maraming manggagawa.

d)

Pangunahing gawain sa bansa.

18.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa.

a)

Ito ang pangunahing pinagmumulan ng pagkain.

b)

Pinagkukunan ng kitang panlabas.

c)

Pinagkukunan ng material sa pagbuo ng bagong produkto.

d)

Wala sa nabanggit.

19.

Alin sa mga pahayag ang hindi nagpapakita ng katuturan tungkol sa Sektor ng Agrikultura?

a)

Nagbibigay ito ng kita.

b)

Nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao.

c)

Nagpoproseso ng mga hilaw na materyal.

d)

Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.

20.

Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa dahil malaking bahagi nito ang kumakatawan sa mga gawaing agrikultural. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura?                                 

a)

Pinagmumulan ng hilaw na materyal.

b)

Nakagagawa ng produkto gamit ang makina.

c)

Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino.

d)

Pangunahing pinagmumulan ng pagkain.

21.

Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?

a)

Nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan.

b)

Nagbibigay ng pinansiyal sa mga mamamayan.

c)

Pinagkukunan ng pinansyal na pangangailangan.

d)

Pinagkukunan ng kitang panlabas mula sa mga produktong agrikultural na ibinebenta sa pandaigdigang pamilihan.

22.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng epekto ng kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya sa Sektor ng Agrikultura?

a)

Mabagal na pagsasaka.

b)

Kalabaw pa rin ang gamit sa pag-aararo.

c)

Pagkakaroon ng kakompetensya ang mga lokal na produkto.

d)

Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan

23.

Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng agrikultura? 

a)

Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal.

b)

Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon.

c)

Nagbibigay ng pagkakataon na malinang ang kaisipan ng mga tao.

d)

Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga pangangailangan

24.

Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo?

a)

komersyal na pangingisda

b)

munisipal na pangingisda

c)

trawl fishing 

d)

aquaculture

25.

Sa anong sub-sektor ng paglilingkod kabilang ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga bangko, sanglaan, kooperatiba at iba pang institusyong pampinasyal? 

a)

Pampublikong Paglilingkod

b)

Pananalapi

c)

Kalakalan

d)

Transportasyon, at Komunikasyon

26.

Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyal upang maging isang produkto?

a)

Agrikultura  

b)

Impormal na Sektor  

c)

 Industriya

d)

Paglilingkod

27.

Alin sa mga sumusunod na sub-sektor ng industriya na tumutugon sa industriya ng pagpapatayo ng gusali, pagawaan, pabrika at iba pang istruktura?

a)

Industriya    

b)

Pagmimina

c)

Pagmamanupaktura

d)

Konstruksyon

28.

Ibinibigay nang hindi lalagpas sa ika-24 ng Disyembre bawat taon sa mga manggagawang nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang buwan sa isang taon?

a)

13th Month Pay

b)

Service Charges              

c)

PAG-IBIG Benefits

d)

SSS Benefits

29.

Alin sa mga ito ang kinokolekta ng mga hotel, restaurant, night club at iba pa na ang 85% na ipinamahagi ng pantay sa lahat ng manggagawa nito?

a)

Bonus

b)

 SIL

c)

Service Charges

d)

Holiday Pay

30.

Alin sa sumusunod na sekondaryang sektor ng industriya na naglilinang ng mineral at iba pang mahalagang metal mula sa mga minahan ng bansa?

a)

Pagmimina

b)

Konstruksyon

c)

Pagmamanupaktura

d)

Utilities

31.

Ibinibigay sa mga manggagawang nagdadalang-tao, kasal man o hindi, sa oras ng kaniyang kapanganakan.

a)

Paternity Leave

b)

Maternity Leave

c)

Parental leave for Solo Parent

d)

Special leave for Women

32.

Ang batas na ito ay pinagpatibay upang malabanan ang mga gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.

a)

Anti-Trust/Competition Law

b)

Intellectual Property Code

c)

Barangay Micro Business Enterprises

d)

Copyright Act

33.

Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real state, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal?

a)

Sektor ng Industriya

b)

Sektor ng Agrikultura 

c)

Sektor ng Paglilingkod

d)

Impormal na Sektor

34.

Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod? 

a)

Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at    serbisyo.

b)

Sila ang nagtatanim, at nangingisda, upang may makain ang mga mamamayan. 

c)

Sila ang mga pagmamanupaktura ng mga produktong kinakailangan natin araw-araw. 

d)

Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

35.

Anong uri ng industriya nakapaloob ang produktong gawang kamay hindi hihigit sa 100 manggagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng operasyon

a)

Cottage industry

b)

Small-scale industry   

c)

Large-scale industry

d)

Medium-scale industry

36.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng industriyalisasyon?

a)

Ang malawakang paggamit ng manual labor ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga manggagawa.

b)

Ang mga makabagong teknolohiya ay nakakatulong sa paggawa ng mas maraming produkto at serbisyo.

c)

Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga rin mabilis na industriyalisasyon.

d)

Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.

37.

Ang impormal na sektor ay kinabibilangan ng mga     __________.

a)

Uri ng hanapbuhay sa mga bansang papaunlad pa lamang.

b)

Regular na hanapbuhay para sa bansang maunlad na.

c)

Solusyon sa problema ng hanapbuhay sa mga bansang apektado ng kahirapan.

d)

Mahihirap na mamamayan sa mga bansang walang pag-unlad.

38.

Alin sa mga sumusunod ang karaniwang katangian ng impormal na sektor?

a)

Hindi nakarehistro sa pamahalaan.

b)

Rehistrado sa pamahalaan.

c)

Nagbabayad ng buwis.

d)

Nakapaloob sa pormal na balangkas ng pamahalaan.

39.

Isa sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapalakas ng programa ng edukasyon upang masolusyonan ang mga suliranin sa Impormal na sektor. Isa rito ang pagpapatag ng mandato ng TESDA. Ano ang mga programang nakapalood sa ahensyang ito?

a)

Magkaloob ng libreng matrikula sa kolehiyo.

b)

Magbigay ng suporta sa edukasyong teknikal at bokasyunal.

c)

Tumulong sa mga nais pumasok sa Senior High School.

d)

Wala sa nabanggit

40.

Ano ang posibleng epekto ng pag-iral ng impormal na sektor?

a)

Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis.

b)

Paglaganap ng maraming rehistradong negosyante.

c)

Para sa mga mamimili.

d)

Maraming buwis na makolekta.

41.

Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang hindi kabilang sa impormal na sektor?  

a)

Tindero ng sorbetes

b)

Sidewalk vendor

c)

Labandera 

d)

Pharmacist

42.

Ano ang nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor?

a)

Kahirapan

b)

Ambisyon

c)

Bisyo 

d)

Lahat ng nabanggit

43.

Ano ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes ang mga mananakop na palawigin ang pangangalakal?

a)

Malaki ang populasyong ng Pilipinas.

b)

Mayaman ang Pilipinas sa maraming produkto.

c)

Malawak ang lupain ng ating bansa kaya malaki ang populasyon.

d)

Madaling kontrolin at kumbinsihin ang mga mamamayan na tangkilikin ang kanilang produkto.

44.

Ang mga produkto tulad ng bigas, mais, gulay, at mga prutas ay napapabilang sa anong produkto?

a)

Produktong pinansiyal      

b)

Produktong agrikultural    

c)

Produktong nasa pagmimina 

d)

Produktong pan-teknolohiya  

45.

Ano ang tawag sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa?

a)

Export          

b)

Opportunity cost

c)

Kalakalang panloob   

d)

Kalakalang panlabas    

46.

Anong pahayag ang tumutugma sa layunin ng ASEAN na isang samahang pandaigdigang pang-ekonomiko?

a)

Paunlarin at isulong ang malayang kalakalan ng mga bansang kasapi nito.

b)

Paunlarin at pasayahin ang malayang kalakalan ng mga bansang kasapi nito.

c)

Palakasin at isulong ang malayang kalakalan ng mga bansang kasapi nito.

d)

Payamanin at isulong ang malayang kalakalan ng mga bansang kasapi nito.

47.

Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot ng kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa? 

a)

Maging mapagmasid sa mga nangyari sa lipunan.

b)

Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pilipino .

c)

Tangkilikin ang mga produktong nanggaling sa ibang bansa.

d)

Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pang-kaunlaran sa paaralan at komunidad. 

48.

Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa sektor ng ekonomiya?

a)

Ang pamahalaan ang nagtatakda ng buwis.

b)

Ang pamahalaan ang nangongolekta ng buwis. 

c)

Kumikita ang ating bansa mula sa mga kalakal ng mga mamamayan.

d)

Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga patakaran at programa para sa kaayusan ng ating ekonomiya.

49.

Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng samahang pandaigdigang pang-ekonomiko?  Ito ay dahil ________________.

a)

layunin nitong sumigla ang kalakalang pandaigdig.

b)

layunin ng bawat bansa na makilala ang kanilang mga lokal  na produkto

c)

layunin nitong magkakilala ang mga namumunuan at mangangalakal bawat bansa.

d)

pareho sila ng mga layunin na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas. 

50.

Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya?

a)

Ito ay nagdudulot ng pansariling kaunlaran.

b)

Ito ay nagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

c)

Ito ay nagpapaasenso sa kabuhayan ng mamamayan.

d)

Ito ay nagbibigay ng magandang benepisyo sa ibang bansa.