Font size
WorksheetsQ1 AP Sir Rodoleo Espiritu
Total questions: 52
Worksheet time: 9mins
Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at __________ na pamamahala.
Nomia
Nomos
Nomesia
Noikos
Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
Antropolihya
Demograpiya
Sosyolohiya
Ekonomiks
Iayos ang hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas nito:
1. Pangangailangang Panlipunan
2. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang Tao
3. Kaganapan ng Pagkatao
4. Pangangailangang Pisyolohikal
5. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
2, 3, 4, 5, 1
1, 2, 3, 4, 5
3, 2, 1, 5, 4
4, 5, 1, 2, 3
Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.
Kakulangan
Kakapusan
Katapusan
Scarcity
Sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
Tradisyonal ng Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Alin ang hindi salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?
Kapaligiran at Klima
Pagbabago ng Presyo
Kita
Mga Inaasahan
Mahalagang konsepto ng Ekonomiks na nangangahulugang karagdagang halaga.
Opportunity Cost
Trade-Off
Insentibo
Marginal Cost
Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ng angkop at makabagong upang mapataas ang produksyon.
Polisiya
Teknolohiya
Programa
Ekonomiya
Sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
Tradisyonal ng Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
Opportunity Cost
Trade-Off
Insentibo
Marginal Cost
Ang Theory of Human Motivation ay nagmula kay __________.
John Meynard Keynes
Adam Smith
John Watson Howe
Abraham Harol Maslow
Ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa reklamo laban sa illegal recruitment activities.
BFAD
ERC
POEA
SEC
Tagapag-ugnay ng lupa, paggawa at kapital upang makabuo ng produkto at serbisyo.
Ekonomista
Siyentista
Entrepreneur
Mananaliksik
Nangangahulugan itong other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago maliban sa salik na pinag-aaralan.
Cateris Paribus
Ceteris Peribus
Cateris Peribus
Ceteris paribus
Proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.
Alokasyon
Produksyon
Sistemang Pang-ekonomiya
Kakapusan
Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.
Supply
Alokasyon
Demand
Kakapusan
Pamantayan sa pamimili kung saan ang mamimili ay laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain ng tindero o tindera lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
Hindi Nagpapadaya
Mapanuri
May Alternatibo o Pamalit
Makatwiran
Ito ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga produkto.
Batas ng Demand
Batas ng Supply
Production Possibilities Frontier
Ceteris Paribus
Ito ang patuloy na pagbabago sa produkto at serbisyo bilang susi sa pagtamo ng pagsulong sa bansa.
Imbensyon
Inobasyon
Imbestigasyon
Improvisation
Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng sigalot, pag-aaway-away at __________.
Pagkasira
Kompetisyon
Proteksyon
Konserbasyon
Tumutukoy sa kalakal ng nakalilikha ng iba pang produkto.
Lupa
Paggawa
Kapital
Entrepreneurship
Pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
Sole Proprietorship
Partnership
Corporation
Cooperative
Bahagi ng buhay ng tao simula nang kanyang pagsilang sa mundo.
Alokasyon
Pagkonsumo
Produksyon
Distribusyon
Tungkulin ng mamimili ang magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Mapanuring Kamalayan
Pagkilos
Kamalayan sa Kapaligiran
Pagkakaisa
Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
Lupa
Lakas-paggawa
Kapital
Entrepreneurship
Kailan masasabing matalino kang mamimili?
Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.
Layunin nito na makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
Sole Proprietorship
Partnership
Corporation
Cooperative
Katanungang pang-ekonomiko na nagsasabing maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output.
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino gagawin?
Gaano karami ang gagawin?
Tataas ang kakayahan ng tao na kumonsumo kapag kaunti ang kanyang ___________.
Mga Inaasahan
Kita
Pagkakautang
Pangangailangan
Pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
Tradisyon
Kita
Presyo
Mga Inaasahan
Ito ang pinakamataas ng antas ng pangangailangan ng tao.
Pangangailangang Pisyolohikal
Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
Pangangailangang Panlipunan
Kaganapan ng Pagkatao
Ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.”
BFAD
ERC
POEA
SEC
Mga manggagawang may kakayahang mental o __________.
Blue-collar Job
Yellow-collar Job
White-collar Job
Red-collar Job
Tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
Produksyon
Alokasyon
Negosyo
Sistemang Pang-ekonomiya
Kagawaran ng gobyerno na naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili.
DOH
DTI
DSWD
DepEd
Organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo
Sole Proprietorship
Partnership
Corporation
Cooperative
Negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.
Sole Proprietorship
Partnership
Corporation
Cooperative
Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak at pakikilahok sa mga gawaing sibiko.
Pangangailangang Pisyolohikal
Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
Pangangailangang Panlipunan
Kaganapan ng Pagkatao
Ito ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kanyang pang-araw-araw na gawain.
Pangangailangan
Kagustuhan
Kaligtasan
Respeto
Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong __________.
Ugali
Gawi
Desisyon
Program
Sistemang pang-ekonomiya na ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
Tradisyonal ng Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Ang punto na nasa labas ng kurba ng Production Possibilities Frontier ay naglalarawan ng konseptong __________ na plano ng produksyon.
Infeasible
Inefficient
Efficient
Undefined
Umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Kakulangan
Kakapusan
Katapusan
Shortage
Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Opportunity Cost
Trade-Off
Insentibo
Marginal Cost
Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan.
Pangangailangang Pisyolohikal
Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
Pangangailangang Panlipunan
Kaganapan ng Pagkatao
Dapat bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya na:
Gumagamit ng mga produkto at serbisyo
Lumilinang ng likas na yaman
Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
Namamahagi ng pinagkukunang-yaman
Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon
Isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
Isinasaalang-alang ang trade-off at opportunity cost sa pagdedesisyon
Isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba batay sa antas ng pinag-aralan, ito ang salik na __________.
Kita
Edad
Panlasa
Antas ng Edukasyon
Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon
Pagkonsumo
Salik ng Produksyon
Ano ang tawag sa proseso ng pagtukoy at pagpili ng pinakamainam na paggamit sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan?
Produksyon
Alokasyon
Distribusyon
Konsumo
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay tumutok sa anong aspeto ng lipunan?
Politika
Pinansya
Paggawa
Pagpapasya
Ano ang tawag sa pagtaas ng antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa pamilihan?
Inflation
Recession
Depresyon
Stagflation
