NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 9
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sa pag-aaral ng ekonomiya, mahalaga na magpag-aralan ang kabuuang dimensyon nito. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?
Economics
Macroeconomics
Microeconomics
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Sa pagsusuri ng kabuuang galaw ng ekonomiya, mahalagang maunawaan natin ang bawat galaw ng bawat sektor nito. Alin sa mag sumusunod ang inilalarawan nito?
Economics
Macroeconomics
Microeconomics
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
May iba't ibang uri ng pamilihan sa ekonomiya, kabilang na ang mga salik nito tulad ng mga makinarya, manggagawa sa paggawa ng produksiyon. Sa anong pamilihan ito nabibilang?
Commodity Market
Factor Market
Financial Market
World Market
Si Perlita ay isang mag-aaral na tumatanggap mula sa pamahalaan bilang scholar, anong uri ng pagbabayad ang ibinibigay ng pamahalaan sa anyo ng scholarship nito?
buwis
pump priming
Subsidy
transfer of payment
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, makikita ang mga salaping lumalabas dahil sa mga gastusin. Ano ang salitang binigbigyang kahulugan nito?
export
import
inflow
outflow
Si Mang Kanor ay magdaragdag ng kapital para sa hinaharap para palawakin ang kanyang negosyo. Ano ang tawag sa pagdaragdag ng kapital na ginawa ni Mang Kanor?
pag-iimbentaryo
pag-iimpok
pamimili
pamumuhunan
Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga sektor ng ekonomiya, MALIBAN sa ________.
Pamahalaan
Sambahayan
Bahay-kalakal
Institusyong Pinansyal
Sa paikot na daloy ng ekonomiya ay inilalarawan ang iba't- ibang pamilihan na pinagmumulan ng kita ng ekonomiya, ano sa mga sumusunod na salita ang KABILANG sa pamilihan?
Pamahalaan
Sambahayan
Bahay-kalakal
Institusyong Pinansyal
Ang ilustrasyon/dayagram ay naglalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya. Punuan ang mga nawawalang bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya. (Number 9)
Pamahalaan
Panlabas na Sektor
Pamilihang Kapital
Pamilihan ng Salik na Produksiyon
Ang ilustrasyon/dayagram ay naglalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya. Punuan ang mga nawawalang bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya. (Number 10)
Pamahalaan
Panlabas na Sektor
Pamilihang Kapital
Pamilihan ng Salik na Produksiyon
Ang ilustrasyon/dayagram ay naglalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya. Punuan ang mga nawawalang bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya. (Number 11)
Pamahalaan
Panlabas na Sektor
Pamilihang Kapital
Pamilihan ng Salik na Produksiyon
Ang ilustrasyon/dayagram ay naglalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya. Punuan ang mga nawawalang bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya. (Number 12)
Pamahalaan
Panlabas na Sektor
Pamilihang Kapital
Pamilihan ng Salik na Produksiyon
Ang isang bansa ay matatanto kung ang lahat ng sektor ay lubusang ginagampanan ang kani-kanilang responsibilidad at gawain. Alin sa mga sumusunod na salita sa ibaba ang inilalarawan nito na magsisilbing batayan ng pag-unlad?
Economic Demand
Economic Supply
Economic Indicator
Economic Performance
Sa pagsusuri ng pambansang kita ng bansa, mahalaga na masukat natin kung anong produkto ang dapat isama sa pagkwenta ng GNP. Alin sa mga sumusunod ang dapat ibilang?
Final Goods
Inferior Goods
Superior Goods
Intermediate Goods
Sa pagkukukwenta ng GNP/GNI kailangan gamitin ang kabuuang kita ng bansa batay sa kasalukuyang presyo ng pamilihan. Anong uri ng GNI/GNP ang tinutukoy nito?
Actual GNP/GNI
Nominal GNP/GNI
Potential GNP/GNI
Real GNP/GNI
Kung susuriin ang Pilipinas ay may kakayahan at kapasidad na gumawa ng mas maraming produkto gamit ang mga salik ng produksiyon mula sa likas na yaman na nagiging batayan ng pagtantiya ng kabuuang produksiyon. Ano uri ng GNI/GNP ang tinutukoy nito?
Actual GNP/GNI
Nominal GNP/GNI
Potential GNP/GNI
Real GNP/GNI
Ang dayuhang si Steve na isang Amerikano ay gumawa ng produkto dito sa loob ng ating bansang Pilipinas sa loob ng isang taon. Para masukat ang kabuuang halaga nito, isinasama natin ito sa _______________.
Gross National Product/Income
Gross Domestic Product
Per Capita Income
Market Value
Iba't ibang paraan ang pagkukuwenta ng GNP/GNI. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
Factor Approach
Communicative Approach
Final Expenditure Approach
Industrial Origin Approach/Value Added Approach
Sa pagsukat ng GDP ng bansa mayroon tayong dinaragdag sa GDP upang makuha Ang GNI/GNP. Alin sa mga sumusunod ang dapat maidagdag?
Agrikultura (A)
Industriya (I)
Serbisyo (S)
Net Primary Income from Abroad (NPIA)
Kompyutin ang GNP/GNI sa paraang Final Expenditure Approach. Ilan ang GNP/GNI?
817 M
827 M
829 M
909 M
Kung mapapansin natin sa kasalukuyan, ang bansa natin ay nakakaranas ng patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Ano ang inilalarawan nito?
Deplasyon
Implasyon
Hyperinflation
Interpretasyon
Sa ekonomiya, sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pagtaas ng demand ng konsyumer, napagsasama-sama ang kabuuang gastusin ng mga mamimili, bahay-kalakal at ng pamahalaan? Ano sa mga sumusunod na salita ang naglalarawan nito?
Aggregate Demand
Aggregate Supply
Demand
Supply
Sa isang pamilihan, kapag mas mataas ang demand kaysa sa supply, may nagaganap na implasyon. Anong uri ng implasyon ang tinutukoy nito?
Cost Push
Demand Pull
Hyperinflation
Structural Inflation
Sa isang ekonomiya, nagaganap na mas mataas ang gastusin ng mga negosyante kaysa sa produksiyon. Anong uri ng implasyon ang inilalarawan nito?
Cost Push
Demand Pull
Hyperinflation
Structural Inflation
Sa ekonomiya, isa sa uri ng implasyon ay ang tinatawag na structural inflation na kung saan nagkakaroon ng pagbabago at pagdadadag sa isinisingil na buwis na dapat sundin sa pagbabayad. Sa ganitong sitwasyon, kanino dapat isisi ang implasyon?
mamimili
prodyuser
pamahalaan
negosyante
Maraming manggagawa ang hindi naapektuhan ng implasyon, kabilang dito ang mga hindi tiyak ang kita. Kung ito ang pagbabasehan, sino sa sumusunod ang may tiyak na kita?
commission basis
guro
kapitalista
salesman
Ano sa mga sumusunod ang maaring maging epekto ng mataas na presyo?
Maraming Negosyo
Maraming Manggagawa
Mataas na Sahod
Mababang Produksiyo
Kapag nagaganap ang implasyon, marami sa mga maggagawa ang apektado. Sino sa mga ito ang KABILANG?
Mga Mangungutang
Mga Speculators
Mga Nag-iimpok
Mga Taong Hindi Tiyak ang Kita
Kung mayroon naapektuhang manggagawa kapag nagaganap ang implasyon, mayroon ding mga nakikinabang para kumita ng malaki sa mga panahong ito.Sino sa mga taong ito ang KABILANG?
Mga Nag-iimpok
Mga Speculators
Mga Nagpapautang
Mga Taong may Tiyak na Kita
Lahat tayo ay may pananagutan at gampanin sa paglutas at makipagtulungan upang masolusyunan ang implasyon nagaganap sa ating bansang Pilipinas. Sino ang HINDI kabilang sa taong tinutukoy nito?
manggagawa
negosyante
mag-aaral
mamimiling dayuhan
Ang pagkakaroon ng maraming pera ng bansa ay senyales ng magandang
ekonomiya. Subalit ang labis na dami ng sirkulasyon nito na tinatawag na money supply ay nagiging bunga ng ______________, na nagiging resulta ng implasyon.
Pagtaas ang demand ng tao
Patuloy na pagtaas ng kita ng mga tao
Paglikha ng maraming produkto
Hinihila pataas ang mga presyo ng bilihin.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kabilang sa mga DAHILAN ng implasyon?
Mahigpit na pinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tight money policy.
Nangagako ang mga prodyuser na patataasin ang mga produksiyon.
Pinawalang bisa ang pagpapatupad ng oil deregulation law.
Dumarami ang miyembro ng kartel.
Kung ang nagiging dahilan ay ang pagiging import dependent natin, dahil
dumagdagsa ang mga produkto, ano ang pinakamabisang solusyon ang
dapat gawin?
Magtatakda ako ng price control
Ipatutupad ko ang proteksiyanismo
Gagawin ko ang tight money policy
Gagawa ako ng produksiyon para sa lokal na pamilihan
Ito ang nauukol sa mga hakbangin, pamamaraan at pagdedesisyong nauukol sa paggastos at pangongolekta ng buwis.
Pamahalaan
Pampublikong sektor
Patakarang piskal
Pampublikong pananalapi
Ang pampublikong sektor ay binubuo ng mga institusyon tulad ng sangay, ahensiya, kagawaran at iba pa. Alin sa mga sumusunod ang kumakatawan sa mga ito para maisakatuparan ang mga layuning pampubliko?
pamahalaan
patakarang piskal
public finance
public goods
Kung ang kondisyon ng ekonomiya ay mababa ang pangkalahatang demand at mababa at hindi nagagamit ang lahat ng resources, anong uri ng patakarang piskal ang dapat isagawa ng pamahalaan?
Monetary Policy
Expansionary Fiscal Policy
Government Policy
Contractionary Fiscal policy
Nararanasan natin ang overheated economy dahil sa labis na sirkulasyon ng pera, dahil dito, mataas ang demand ng pangkalahatang sambahayan. Kung ikaw ang namamahala, alin sa mga sumusunod na patakaran ang dapat gawin?
Monetary Policy
Government Policy
Expansionary Fiscal Policy
Contractionary Fiscal policy
Maraming ipinapataw na iba't ibang uri ng buwis ang pamahalaan. Alin sa mga sumusunod na buwis ang ipinapataw sa biniling produkto at serbisyo tulad ng Value-Added Tax?
Community Tax
Excise Tax
Professional Tax
Sales Tax
Napakaraming tungkulin ng pamahalaan na dapat tugunin sa mga mamamayan, Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pampublikong produkto?
kalusugan
paaralan
palengke
ospital
Kung ikaw ay isang ordinaryong manggagawa at may sapat lang na sweldo, ramdam mo ang hirap ng buhay sa pagbili ng iyong mga pangangailangan, dahil sa sobrang taas ng mga bilihin. Paano mo tutugunan at mapapagaan ang iyong buhay?
Magbabawas ako ng aking mga gastusin.
Lilikha ako ng produkto na maaari kong pagkakitaan.
Magdodoble kayod o trabaho ako para lumaki ang kita.
Hindi na lamang ako bibili ng aking pangangailanagan.
Ito ang nagpapatatag ng halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tawag sa pagmamanipula at pamamahala ng salapi.
Bank Policy
Monetaray Policy
Presidential Policy
Government Policy
Ang mga institusyong di-bangko ay may mga benepisyo nakatutulong sa Kalagayan ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang may malaking kinalaman sa pamamahala sa mga panganib sa buhay ng tao.
GSIS
Insurance
Pag-IBIG
SSS
Bilang mag-aaral, kabahagi ka ba sa paggawa ng badyet ng pamahalaan? Bakit?
Hindi po. Sapagkat sa mga magulang ko nanggagaling ang lahat ng kailangan ko.
Hindi po. Sapagkat hindi ko naman sila inaasahan sa mga pangangailanganko.
Opo. Sapagkat pinaglalaanan ng badyet ng pamahalaan ang edukasyon.
Opo. Sapagkat may pananagutan ang pamahalaan sa mga mamamayan.
Sa iyong pag-aanalisa o pagsusuri, ano ang posibleng mangyari kapag nabalitaang nalulugi ang mga bangko?
Magpapadami ng salaping dolyar ang bansa.
Magdadagdag ang mga depositor sa bangko.
Pamamahalaan ng gobyerno ang bangko.
Magkakaroon ng bank run.
Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng maraming uri ng bangko. Bakit patuloy na dumarami ang mga ito?
Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na maraming mauutangan ang mga mamamayan.
Dahil maraming tao ang nag-iimpok at nangangailangan ng puhunan.
Dahil kung mas maraming bangko, mas maraming pera ang bansa.
Dahil maraming tao ang gustong kumita ng malaking halaga.
Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba, ano ang ipinakikita at ipinapahiwatig nito?
Pangangailangan ng salapi ng mga institusyon mula sa mga bangko.
Pagpapautang ng institusyon ng pananalapi sa mga bangko.
Pakikipag-ugnayan ng institusyon sa iba't ibang sektor
Paikot na daloy ng ekonomiya.
Ang lahat ng bagko ay nagsara at nalugi. Kung ikaw ay magtatayo at magmama-ari ng isang institusyong pinansyal na maaaring makatulong muli sa pagpapaunlad ng pamahalaan, ano sa mga ito ang muli mong gagawin at bubuhayin?
Asian Development Bank (ABP)
Land Bank of the Philippines (LBP)
Development Bank of the Philippines (DBP)
Rural Bank (RB)
Paano ka maaaring magdisenyo ng isang bagong patakarang pananalapi upang mapabuti ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa?
Magpatupad ng mga bagong buwis at agad na ipamahagi ito sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.
Magpokus na laman para sa pagpapababa ng interes rate upang mabigyan daan sa mas maraming pautan sa Negosyo.
Lumikha ng mga patakarang magpapataas ng mga buwis sa malalaking kumpanya at hindi bibigyan ng anumang insentibo.
Magdisenyo ng patakarang magpapalakas sa pambansang negosyo, tulad ng insentibo para sa mga local na kumpanya at mga proyekto para sa imprastraktura.
Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pagkakaroon ng matatag na ekonomiya. Ano ang HINDI kabilang sa mga pahayag sa ibaba?
Pagkakaroon ng mababang antas ng kawalan ng hanap-buhay
Pagkakaroon ng mataas na antas ng kapayapaan at katahimikan.
Pagkakaroon na mataas na antas ng demand kaysa sa supply.
Pagkakaroon ng mataas na halaga ng piso kontra dolyar.
Bilang mamamayan at mag-aaral, napakahalaga na mayroon tayong naitatabi o naiimpok (savings) para sa agarang pangangailangan. Kung sapat lang ang baon mo sa pang-araw-araw na pangangailangan, paano mo iyon gagawin? Ano ang pinakambisa mo na unang gagawin?
Isusulat ko ang lahat ng aking gastusin.
Magbubukas ako ng aking savings account.
Gagawa ako ng badyet sa araw-araw para makapagtipid.
Pag-uukulan ko lang bilhin ang aking mga kailangan at prayoridad.
