WorksheetsQuiz #2 Disaster Prevention and Mitigation
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, ang ating pamahalaan ay maagap sa pagsasagawa ng paglilikas partikular sa mga lugar na madaling tumaas ang tubig at may banta ng landslide. Sa kabila nito, marami sa ating mga kababayan ang ayaw lisanin o umalis sa kanilang tahanan upang magtungo sa mga evacuation center. Sa anong kategorya ng Vulnerability at Capacity Assessment napapabilang ang mga paniniwala at gawi ng mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad?
Panlipunan
Pampulitika
Pag-uugali ng mamamayan
Pisikal o Materyal
Mahalagang matukoy sa panahon ng kalamidad ang pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa ibat ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Madalas ay mga bata, matatanda, may sakit at may kapansanan ang inuuna sa paglikas. Bakit mahalaga na masiguro ang kanilang kaligtasan?
Sila ang mahihina at walang lakas upang iligtas ang kanilang sarili
Sila ang paborito na iligtas
Sila ang una sa listahan
Sila ang madaling ilikas
Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna.
Hazard Assessment
Risk Assessment
Vulnerability Assessment
Capacity Assessment
Ayon sa PAG-ASA ang bagyong Maring ay papasok sa PAR sa darating na Linggo. Anong pisikal na katangian ng hazard ang tinutukoy dito?
Manageability
Predictability
Intensity
Pagkakakilanlan
Ang bagyong Maring ay may bilis na 40kph patungong northwest at may lakas na 110KPH at bugsong aabot sa 130kph. Anong pisikal na katangian ng hazard ang tinutukoy dito?
Manageability
Predictability
Intensity
Pagkakakilanlan
Ito ay ang pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard.
Risk Mapping
Vulnerability Mapping
Hazard Mapping
Capacity Mapping
Ang mga sumusunod ay kabilang sa kategorya sa pagsasagawa ng capacity at vulnerability assessment maliban sa _____.
Pisikal O Materyal
Panlipunan
Pag-uugali tungkol sa hazard
Pampulitika
Ang pagpapagawa ng mga dike at paglalagay ng sandbags upang mapigilan ang pagbaha ay tumutukoy sa _____.
Structural Mitigation
Non- Structural Mitigation
Constructional Mitigation
Non- Constructional Mitigation
Ito ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard.
Disaster Prevention
Disaster Mitigation
Structural Mitigation
Hazard Assessment
Ito ay isinasagawa upang mabawasan ang malubhang epekto ng kalamidad sa tao, ari-arian at kalikasan.
Disaster Prevention
Disaster Mitigation
Structural Mitigation
Hazard Assessment
