wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Fil9 Q1M3M4 : Nobela at Teleseryeng Asyano

Total questions: 40

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Sa akdang pampanitikan, binibigyang-pansin ang magaganda at dapat pagbutihing bahagi ng akda. Ito ay tinatawag na _____.

a)

pamimintas

b)

pamumuna

c)

pananaliksik

d)

pagpapahayag

2.

Ito ay tumutukoy sa magagandang punto sa pagsusuri ng akda.

a)

kahinaan

b)

kalakasan

c)

kasiningan

d)

kagandahan

3.

Sa pagsusuri, ito ay tumutukoy sa mga bahagi ng akda na dapat pang pagbutihin

a)

kahinaan

b)

kalakasan

c)

kasiningan

d)

kagandahan

4.

Sa pagsusuri ng akda, alin sa mga sumusunod ang HINDI binibigyang pansin?

a)

may-akda

b)

paksa

c)

tagpuan

d)

tauhan

5.

Iwasan na maging SUBHEKTIBO sa pagsusuri ng akda. Ano ang kahulugan ng salitang SUBHEKTIBO?

a)

mabusisi

b)

magtanong

c)

maramdamin

d)

makatotohanan

6.

Ito ay mga pansariling pananaw o paniwala hinggil sa isang bagay na maaaring hindi nakabatay sa katunayan o kaalaman.

a)

Opinyon

b)

Pamumuna

c)

Katotohanan

d)

Pangangatwiran

7.

SA PANANAW NI SANCHEZ, mabuti ang teleserye kung napapabuti nito ang budhing pambayan at nailalantad sa manonood ang mga katotohanan sa lipunan. Anong uri ng pahayag ang isinasaad sa pangungusap?

a)

Nagpapahayag ng opinyon

b)

Nagpapahayag ng damdamin

c)

Nagpapahayag ng karanasan

d)

Nagpapahayag ng katotohanan

8.

Sa pananaw ni Sanchez, mabuti ang teleserye kung napapabuti nito ang budhing pambayan at nailalantad sa manonood ang mga katotohanan sa lipunan. Anong pananda o ekspresyon ang ginamit sa pagpapahayag ng pananaw sa pangungusap?

a)

Tulad

b)

Higit

c)

Dahil

d)

Sa pananaw

9.

Lubos kong pinaniniwalaan na hindi na makababalik sa dating normal ang ating buhay kahit pa may matuklasang gamot laban sa COVID 19 ang mga siyentipiko. Batay sa ginamit na pananda o ekspresyon sa pangungusap, ang kanyang ipinahayag na opinyon o pananaw ay _______.

a)

Neutral

b)

Matatag

c)

Positibo

d)

Negatibo

10.

Lubos kong pinaniniwalaan na hindi na makababalik sa dating normal ang ating buhay kahit pa may matuklasang gamot laban sa COVID 19 ang mga siyentipiko. Ang ginamit na pananda o ekspresyon sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw sa pangungusap ay _______.

a)

laban sa

b)

kahit pa

c)

sa dating normal

d)

lubos kong pinaniniwalaan

11.

Kung ako ang tatanungin, higit na dapat pa rin nating tangkilikin ang lokal na teleserye kaysa mga dayuhang palabas sa telebisyon. Batay sa ginamit na pananda o ekspresyon sa pangungusap, ang kanyang ipinahayag na opinyon o pananaw ay _______.

a)

Neutral

b)

matatag

c)

positibo

d)

negatibo

12.

Kung ako ang tatanungin, higit na dapat pa rin nating tangkilikin ang lokal na teleserye kaysa mga dayuhang palabas sa telebisyon. Ang ginamit na pananda o ekspresyon sa pagpapahayag ng opinyon o paniniwala sa pangungusap ay _______.

a)

higit na

b)

kung ako ang

c)

dapat pa rin nating

d)

kung ako ang tatanungin

13.

Ang pamumuna at PAMIMINTAS ay parehong mahalaga sa pagsusuri ng akda.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Sa pagsusuri, kailangang makilatis hindi lang ang kalakasan kundi pati na rin ang kahinaan ng isang akda.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Sinusuri ang mga elemento ng akda katulad ng: Paksa, Tauhan, Tagpuan at Tunggalian, at ang kaugnayan nito sa BUHAY NG MAY-AKDA o SUMULAT.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Ang opinyon o palagay ay anumang pansariling pananaw o paniniwala na maaaring hindi nakabatay sa mga ebidensiya o kaalaman.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang isang opinyon ay matutukoy kung MATATAG o NEUTRAL batay sa ginamit na pananda o pahayag.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Naging daan upang makapaglathala, tangkilikin at makilala ang mga kabataang mahilig magsulat.

a)

Wattpad

b)

TikTok

c)

Facebook

d)

Amazon

19.

Ang proseso ng pagkilatis o pamumuna sa kalakasan at kahinaan ng isang akda bilang pagpapahalaga sa kasiningan nito ay ______.

a)

Panunuring Pampanitikan

b)

Pamimintas Pampanitikan

c)

Pag-aaral ng Panitikan

d)

Pananaliksik

20.

Piliin ang katangiang HINDI dapat taglayin ng isang kritiko o manunuri ng panitikan.

a)

matapat

b)

bukas ang pananaw

c)

may disiplina

d)

subhektibo o maramdamin

21.

PILIIN ANG HINDI kabilang sa mga paraan o hakbang sa pagsusuri ng isang akda.

a)

Pagbasa ng akda

b)

Pag-unawa sa akda

c)

Pagsusuri sa akda

d)

Pagpapabasa sa iba

e)

Pananaliksik tungkol sa may-akda

22.

Uri ito ng tunggalian kung saan nakararanas ng replektibong pagharap sa mga suliranin ang tauhan tulad ng pagkalito sa mga desisyong kaniyang gagawin.

a)

Tunggaliang tao vs tao

b)

Tunggaliang tao vs sarili

c)

Tunggaliang tao vs lipunan

d)

Tunggaliang tao vs kalikasan

23.

Naisahan siya ng Shadow of Darkness, kailangan niya ngayong mamili kung sino ang ililigtas sa kamatayan dulot ng huwad na realidad, ang kanyang nakababatang kapatid o ang minamahal na si Ji A. Anong tunggalian ang nangibabaw sa pangyayaring ito sa KDrama na Tale of the Nine Tailed.

a)

Tunggaliang tao vs tao

b)

Tunggaliang tao vs sarili

c)

Tunggaliang tao vs lipunan

d)

Tunggaliang tao vs kalikasan

24.

Mabagal ang galaw ng mga pangyayari sa Record of Youth na sa tingin ko ay siya nitong ikinaganda dahil ipinauunawa sa manonood ang pinagmumulang suliranin ng mga karakter na mahusay na nagampanan ng mga artista.

a)

Kahinaan

b)

Kalakasan

c)

Kagandahan

d)

Kapintasan

25.

Mabagal ang galaw ng mga pangyayari sa Record of Youth na sa tingin ko ay siya nitong ikinaganda dahil ipinauunawa sa manonood ang pinagmumulang suliranin ng mga karakter na mahusay na nagampanan ng mga artista. Ano ang pananda o ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw?

a)

mabagal ang

b)

sa tingin ko

c)

dahil

d)

ng mga artista

26.

Mabagal ang galaw ng mga pangyayari sa Record of Youth na sa tingin ko ay siya nitong ikinaganda dahil ipinauunawa sa manonood ang pinagmumulang suliranin ng mga karakter na mahusay na nagampanan ng mga artista. Batay sa ginamit na pananda o ekspresyon, ang pangungusap ay isang opinyon o pananaw na ______.

a)

matatag

b)

neutral

c)

positibo

d)

negatibo

27.

Matimpi kong sinubaybayan ang mga pangyayari sa teleseryeng Record of Youth ngunit hindi ako nito nadala sa kasukdulan, lubos akong naniniwala na hindi ito ang pinakamagandang teleserye na nagawa ni Park Bo- Gum. Batay sa ginamit na pananda o ekspresyon, ang pangungusap ay isang opinyon o pananaw na ______.

a)

matatag

b)

neutral

c)

positibo

d)

negatibo

28.

Matimpi kong sinubaybayan ang mga pangyayari sa teleseryeng Record of Youth ngunit hindi ako nito nadala sa kasukdulan, lubos akong naniniwala na hindi ito ang pinakamagandang teleserye na nagawa ni Park Bo- Gum.

a)

Kahinaan

b)

Kalakasan

c)

Kagandahan

d)

Kapintasan

29.

Matimpi kong sinubaybayan ang mga pangyayari sa teleseryeng Record of Youth ngunit hindi ako nito nadala sa kasukdulan, lubos akong naniniwala na hindi ito ang pinakamagandang teleserye na nagawa ni Park Bo- Gum. Ang ginamit na pananda o ekspresyon sa pagbibigay opinyon sa pangungusap ay ______.

a)

lubos akong naniniwala

b)

matimpi kong

c)

ngunit hindi ako

d)

ang mga pangyayari

30.

Ang sumulat ng mga nobelang Dekada '70, Gapo, at Bata, Bata, Paano ka Ginawa na naisapelikula na rin ay si ______.

a)

Lualhati Bautista

b)

Bob Ong

c)

Eros Atalia

d)

Ricky Lee

31.

Ano ang tawag sa akdang tuluyan na nahahati sa kabanata?

a)

Tula

b)

Sanaysay

c)

Maikling Kuwento

d)

Nobela

32.

Elemento ng kuwento na tumutukoy sa kung papaano hinarap ng tauhan ang kanyang suliranin.

a)

banghay

b)

pananaw

c)

tunggalian

d)

kakintalan

33.

"Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito."

a)

Pahiwatig

b)

Katotohanan

c)

Kagandahan

d)

Kabutihan

34.

Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan sa isang sulok ng kaniyang tirahan.

a)

Pahiwatig

b)

Katotohanan

c)

Kagandahan

d)

Kabutihan

35.

Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho.

a)

Pahiwatig

b)

Katotohanan

c)

Kagandahan

d)

Kabutihan

36.

Epektibong naipakita ng akda ang katotohanan tungkol sa mga taong nakikipagsapalaran sa siyudad at ang kanilang kinahinatnan.

a)

Pahiwatig

b)

Katotohanan

c)

Kagandahan

d)

Kabutihan

37.

Napakalinaw ng paglalarawan ng may-akda sa tagpuan at mga pangyayari sa kuwento.

a)

Pahiwatig

b)

Katotohanan

c)

Kagandahan

d)

Kabutihan

38.

Makikita sa bahaging ito ng kuwento ang pinakakapana-panabik na pangyayari.

a)

panimulang aksyon

b)

saglit na kasiglahan

c)

kasukdulan

d)

kakalasan

39.

“Kaysa ibang lahi ang makinabang sa aking kakayahan, dito na ako tutulong sa sarili nating bansa, sa lungsod ng Maynila.” Ang pahayag ay nagsasaad ng _________.

a)

Paghahatol

b)

Pagmamatuwid

c)

Paglalarawan

d)

Pagsusuri

40.

Ito ay tumutukoy sa masining na pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, at karanasan ng isang tao o lipunan.

a)

banghay

b)

wika

c)

panitikan

d)

panunuri