Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit - Komunikasyon at Pananaliksik

Total questions: 15

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Nagkomento ang tiyo ko sa nilutong ulam ng aking pinsan, aniya "Ala! Ang ulam eh matabang! Matabang eh!" Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyong ito?

a)

Sosyolek

b)

Register

c)

Idyolek

d)

Dayalek

2.

Maririnig sa usapan nina Tita Palky at Beshie ang mga salitang charot, chaka, eme, at closeta. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyong ito?

a)

Sosyolek

b)

Register

c)

Idyolek

d)

Dayalek

3.

Habang naghahanda ng report sa klase sina Emman at Dina ay mapapansing nakatatawang salita ang kanilang gamit, subalit ng magsimula na ang klase at kaharap na nila ang kanilang guro ay naging pormal na ang kanilang paraan ng pagsasalita. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyon na ito?

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Dayalek

4.

Habang nakasakay sa bus si KC ay naulinigan niya ang dalawang babaeng nag-uusap sa unahan. Narinig niya ang mga terminong autocad, T-square, blueprint, at miniature. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyong ito?

a)

Sosyolek

b)

Register

c)

Idyolek

d)

Dayalek

5.

Nakatanggap ng text message si Naomi na naglalaman ng pinaghalong maliit at malaking letra na sinamahan pa ng ilang "3ow IMiszqcKyuh". Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyong ito?

a)

Sosyolek

b)

Register

c)

Idyolek

d)

Dayalek

6.

Ang wikang nabuo ng mga Tsino sa Binondo ay maituturing na hindi pag-aari ninuman, ngunit kalaunan ito ay naging unang wika ng mga taong naninirahan doon. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyong ito?

a)

Idyolek

b)

Register

c)

Pidgin

d)

Creole

7.

Ang salitang komposisyon ay maraming puwedeng paggamitan. Kung ito ay magkakaroon ng kahulugan bilang isang piyesa o kanta. Sa anong larangan ito makikita?

a)

Musika

b)

Siyensya

c)

Literatura

d)

Produksyon

8.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay ng pagiging heterogenous ng wika?

a)

Pagkakaroon ng isang koda ng mga tao sa paraan ng pagsasalita.

b)

Pagiging monolinggual ng mga tao sa isang bansa.

c)

Pagkakaroon ng pansariling paraan sa pagsasalita ng mga tao kahit na sila'y gumagamit ng iisang dayalekto.

d)

Pagpapalakas sa Filipino bilang lingua franca sa Pilipinas.

9.

Tawag sa taong kayang magsalita ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan.

(Isulat ang sagot sa MALAKING TITIK)

(a)  

10.

Tumutukoy sa higit dalawang wika.

(Isulat ang sagot sa MALAKING TITIK)

(a)  

11.

Sitwasyong pangwika na tumutukoy sa isang lugar na mayroong iisang wika at walang mga baryasyon, dayalekto, o pagkakaiba-iba sa pagbigkas ng mga salita at sa sistema ng pagbubuo ng mga pangungusap.

(Isulat ang sagot sa MALAKING TITIK)

(a)  

12.

Ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. 

(Isulat ang sagot sa MALAKING TITIK)​

(a)  

13.

Tumutukoy sa sitwasyong pangwika kung saan maraming wikang sinasalita, dayalekto o baryasyon ang isang lugar o komunidad. 

(Isulat ang sagot sa MALAKING TITIK)​

(a)  

14.

Tumutukoy ito sa mga natatanging bokabularyo na wala sa ibang wika o maaaring isang partikular na grupo lamang ang nakakaalam.

(Isulat ang sagot sa MALAKING TITIK)

​

(a)  

15.

"Handa na ba kayo?" Ito ay pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa programang Rated K. Anong barayti ito ng wika?

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Etnolek

d)

Dayalek