wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

1. Tumawag si Joel sa kanyang kaibigan upang kumustahin ang kalagayan ng katrabaho nito matapos sumailalim sa isang operasyon dahil sa pagkahulog nito sa sinasakyang motorsiklo. Anong antas ng komunikasyon ang nangyayari sa sitwasyong ito?

a)

A. interpersonal

b)

B. intrapersonal

c)

C. pangkaunlaran

d)

D. organisasyonal

2.

2. Habang nakaupo sa sala ng kanilang bahay ang mag-inang Susan at Carlo, napansin ng anak ang lungkot sa mukha ng kanyang ina. Maya-maya ay hindi niya napigilang tanungin kung may problema ba ito. “Okay lang ako anak huwag kang mag-alala”, mahina at basag na sagot ng ina. Ano ang mahihinuha sa pag-uusap na ito?

a)

A. Walang problema at dinaramdam ang ina hindi lang ito palangiti.

b)

B. May inaalala lang ang ina ngunit hindi ito malungkot gaya ng nakita ng anak.

c)

C. May seryosong bagay na iniisip ang ina kaya mukhang pangit siya sa paningin ng anak.

d)

D. Sinabi lang ng ina na okay siya para maitago sa anak ang tunay na dahilan kung bakit siya malungkot sa pagkakataong iyon.

3.

3. Alin sa sumusunod na halimbawa ng komunikasyon ang nasa antas na pangmasa?

a)

A. Talumpati ng isang kandidatong tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.

b)

B. Pakikinig sa radyo ng mga anunsiyo tungkol sa mga patakaran at programa ng lungsod.

c)

C. Nagbigay ng mensahe ang pangulo sa telebisyon sa mga nasalanta ng lindol sa Davao.

d)

D. Pagkakaroon ng teleconferencing ang iba't ibang bansa ng Timog Asya tungkol sa COVID-19 pandemic.

4.

4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak?

a)

A. Humingi ng payo ang anak kung anong mabuting gawin sa sitwasyon nila ng kaniyang nobya ngunit hindi pinakinggan ng magulang.

b)

B. Nagalit ang magulang sa sinabi ng anak na mayroon na siyang nobya kahit hindi pa narinig ang kabuoang kuwento ng kaniyang anak.

c)

C. Pinakinggan ang buong kuwento ng anak saka pinagalitan dahil sa desisyong ginawa nito sa kabila ng mga payo ng magulang sa anak.

d)

D. Nakinig ang magulang sa sinabi ng anak tungkol sa kanyang nobya at pinayuhan niya ang anak sa mabuting desisyon. Sinunod naman ng anak ang payo ng kanyang magulang.

5.

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng maaaring bunga ng pagkakaroon ng pag-unawa at pagiging sensitibo sa di-berbal at berbal na pagpapahayag ng iyong kausap?

a)

A. magkasamaan ng loob

b)

B. magandang pagsasama

c)

C. mapapaunlad ang ugnayan

d)

D. masaya at produktibong pag-uusap

6.

6. Ano ang pinakamababang antas ng komunikasyon na tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili?

a)

A. interpersonal

b)

B. intrapersonal

c)

C. komunikasyong berbal

d)

D. replekatibo

7.

7. Anong antas ng komunikasyon na nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang tao?

a)

A. interpersonal

b)

B. intrapersonal

c)

C. pangkultura

d)

D. pangmasa

8.

8. Anong uri ng komunikasyon na ang halimbawa ay Valedictory Address?

a)

A. pampubliko

b)

B. pangkaunlaran

c)

C. pangkultura

d)

D. pangmasa

9.

9. Anong antas ng komunikasyong ang naglalayong mapaunlad ang bansa sa industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan?

a)

A. pampubliko

b)

B. pangkaunlaran

c)

C. pangkultura

d)

D. pangmasa

10.

10. Ano ang antas ng komunikasyon para sa pagkakakilanlan ng isang bansa sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng mga natatanging pagkain, sayaw, tradisyon, paniniwala at iba pa?

a)

A. pampubliko

b)

B. pangkaunlaran

c)

C. pangkultura

d)

D. pangmasa